vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Tuesday, September 28, 2010

Pagbabalik Tanaw sa Nakaraan 6 (end)

written by Silent Charmer
Installment 6 (Finale)

Nagising ako ng umagang yun na mabigat ang aking pakiramdam. At kahit wala akong ganang bumangon pinilit ko na lang ang aking sarili na bumangon. Napaluha na naman na ako sa nangyari kahapon... Ang hapdi ng aking pakiramdam halos walang kasing sakit... Naalala ko bigla ang mga masasayang araw na pinagsamahan namin ni Rex. Pilit kong kinalma ang aking sarili habang sinasariwa ko sa aking isipan ang aming mga masasayang araw na pinagsamahan. Napangiti ako ng maalala ko ang mga yun, at bigla na lang akong napahagulgol. Halos hindi ko alam ang aking gagawin ng mga sandaling yun, pakiramdam ko nawala na sa akin ang lahat. Parang wala ng saysay ang buhay ko. Labis akong nasaktan dahil isa sya sa mga mahalaga sa buhay ko. At nagbago ang takbo ng aking buhay buhat ng dumating sya sa buhay ko. Nagkaron ng kakaibang kulay at sigla ang aking buhay. Akala ko hindi na matatapos ang mga masasayang sandali na aming pinagsamahan. Pero nagkamali ako...may katapusan pala ang mga yun at yun ang labis kong dinamdam.

Makalipas ang ilang araw,pagkatapos kung mananghalian tumunog ang aking celphone nang mapagsino ko kung sino ang tumatawag, hindi ko sinagot ang tawag ni Rex. Dahil kahit na masakit sa akin na gawin yun pinilit ko, dahil ayokong magdamdam sa akin si Leonard. Ayoko ng guluhin pa ang relasyon nila. At nakailang tawag si Rex pero hindi ko sinasagot maging mga text message nya "hey musta?bakit hindi mo sinasagot tawag ko at maging mga text ko? may problema ba? did I do something wrong?" Napaluha ako sa text nyang yun. Gusto ko mang sagutin ang tawag nya pero ayoko kahit na masakit yun sa loob ko. Handa akong magtiis sayo Rex alang alang sa relasyon nyo ni Leonard at sa aming pagkakaibigan.

Lumipas ang mga araw at linggo, madalas syang tumawag o magtext pero hindi ko lang pinapansin, at minsan pinapatay ko na lang ang aking celphone at sabay hagulgol at "bakit? kelangan pang mangyari sa akin to?" naiiyak kong sabi sa aking sarili. Halos walang gabi bago ako matulog ay iniiyakan ko ang mga nangyari sa akin pero kahit na nasasaktan ako pinilit ko ang aking sarili na magpakatatag.



Yun lumipas ang ilang linggo na panay ang tawag nya at text pero hindi ko sinasagot kahit labag sa kalooban ko. Hanggang sa isang araw habang nag aabang ako ng sasakyan pauwi na may humintong kotse sa tapat ko at yun ay si Rex. Natigagal ang buo kong pagkatao pagkita ko sa kanya. Hindi ko inaasahan na magkikita kami ng araw na yun. Binuksan nya ang bintana ng kotse "pwede ba tayong mag usap?" tanong nya. Hindi ko sinagot ang kanyang tanong habang nakatitig sya sa akin "mukhang wala kang balak sumakay, so wala din akong balak umalis dito hangga't hndi tayo nakakapag usap"

Sa nakita ko sa kanyang sinabi ay seryoso sya at naisip ko rin na dapat kaming mag usap ng maayos bago ko sya tuluyang kalimutan. At sumakay na rin ako. Habang sa loob ng sasakyan tahimik lang ako at nang sumulyap ako sa kanya, nakita kong may malalim syang iniisip. Hindi ko mawari kung ano yun. Hanggang sa sya ang bumasag ng nakabibinging katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Hindi ko alam kung may nagawa ako o nasabing mali sayo at hindi mo na sinasagot ang mga tawag ko maging mga text ko sayo, hindi kita maintindihan kung bakit nagkakaganyan ka," seryoso nyang sabi. "D-dahil ayokong pumagitna sa relasyon nyo" halos maiyak kong sabi. "h-ha?anong relasyon? di kita maintindihan" takang tanong ni Rex. "Ayokong masira ang relasyon nyo ni Leonard at ng aming pagkakaibigan..."

Halos nagsimula ng dumaloy ang aking mga luha ng mga sandaling yun. Hindi ko na napigilang pumatak ang aking mga luha. "please, wag kang umiyak... ayokong nakikitang umiiyak ka" sabi ni Rex. Sabay yakap sa akin. At dahil dun lalo akong napahagulgol at nilabas ko ang lahat ng luha na kanina ko pa gustong pumatak. "sstt..please tama na yan ok? ayokong nakikitang umiiyak ka" at tinitigan nya ako. "anong sinasabi mong relasyon namin ni Leonard? di kita maintindihan" At kinuwento ko ang buong detalye na inilahad sa akin ni Leonard. Halos di sya makapaniwala sa sinabi ko. "h-ha? wala akong alam jan sa mga sinabi nya sayo, oo aaminin ko binigay nya ang number nya sa akin at hindi ko naman yun hinihingi at kusa nyang ibinigay sa akin at nahiya naman akong hindi ko tatanggapin yun, at minsan lumalabas kami pero wala kaming relasyon at hindi naging kami" sabi ni Rex.

Hindi ko alam ang sasabihin ng mga sandaling yun. Gulong gulo ang isipan ko. Di ko alam kung sino ang nagsasabi sa kanilang dalawa ng totoo. "at dahil andito na rin tayo may aaminin ako sayo, minsan isang gabi niyaya nya akong mag inuman at ng malasing kaming dalawa, may nangyari sa amin pero hindi naging kami ng matapos ang nangyari sa amin." sabi ni Rex. Hindi na ako nagulat sa ipinagtapat sa akin ni Rex na may nangyari sa kanilang dalawa ni Leonard. "pero bakit sabi nya sa akin kayo na raw at niligawan mo pa nga raw sya," takang tanong ko. "sa sinabi nya sayo kelangan nating mag usap na tatlo, gusto kong iharap mo sya sa akin," seryosong sabi ni Rex.

Papalubog na ang araw ng mga sandaling yun. At naisipan kong lumabas ng kotse para makapag-isip ng mabuti kung ano ang dapat kong gawin. At tinignan ko ang mapulang kalangitan, konting sandali na lang at babalot na ang kadiliman. At dumako ang aking paningin sa may kanluran na kung saan ay tanaw ko ang araw na papalubog na, at lalo akong napaiyak ng mga sandaling yun. Masaya na sana ako sa piling ni Rex pero biglang nagbago yun ng dumating si Leonard sa amin. Masyado akong nasaktan, halos panawan ako ng ulirat ng mga sandaling yun. At namalayan ko na lamang na may yumakap sa akin "please tama na. Nasasaktan ako kapag nakikita kang ganyan" at niyakap nya ako sabay pagdampi ng kanyang labi sa aking labi. Una, ayoko pero di nagtagal at natangay na rin ako ng kanyang matamis na halik. Matagal na naglapat ang aming mga labi,at masuyo nyang hinahaplos ako ng kanyang yakap. Halos mawala na ang sakit na aking nararamdaman ng mga sandaling yun at napalitan ng kakaibang kaligayahan na nararamdaman ko hanggang sa kaibuturan ng aking puso. At hanggang sa makarating kami sa loob ng sasakyan at dun namin ipinagpatuloy ang tamis ng aming paghahalikan. At ng mapagod kami, nagpahinga muna kami sandali at napansin kong medyo madilim na pala sa paligid. Tumingin sya sa akin at ngumiti "atin lang ang mga sandaling to, malaya tayo anuman ang gusto nating gawin" sabay yakap sa akin at hindi nya na ako hinintay na makapagsalita pa at muli nya akong hinalikan sa labi.

Kakaiba ang kanyang mga halik ng mga sandaling yun masarap at mapagmahal. At namalayan ko na lamang na unti unti nya ng tinatanggal aking mga saplot hanggang sa ganap na nya akong mahubaran at kinuha nya ang mga kamay ko at sinabihan nya akong ako ang maghubad sa kanyang mga saplot. Parang musika sa aking pandinig ang kanyang binitawang salita. At di nagtagal ay natanggal ko na rin ang kanyang saplot. Hanggang sa maglapat muli ang aming mga labi. Mas naging maalab ang mga sandaling yun, halos mapugto ang aming hininga sa aming paghahalikan. Hanggang sa kusa na ko na syang halikan pababa sa kanyang mga labi... umabot ako sa kanyang leeg pababa... at hanggang sa makarating ako sa kanyang puson. Labis syang nasasarapan sa aking ginawa, nang tinignan ko sya, kaya lalo kong ginalingan ang aking ginagawa. Hanggang sa sya naman ang nag romansa sa akin, halos maulol ako sa kanyang ginawa. Ang sarap ng aking nararamdaman ng mga sandaling yun dahil mahal ko sya.

Nasa ganun kaming sitwasyon ng biglang bumuhos ang malakas na ulan,pero hindi na namin inalintana ang malakas na ulan. Sa halip naging mas maalab pa ang namagitan sa amin. Tila nakikisama sa amin ang ulan ng mga sandaling yun, ang lamig ng aircon na nagmumula sa kanyang kotse at ang malakas na buhos ng ulan ay parang un ang hudyat para lalo kaming mag alab ng husto. At ng pasukin nya ako ay lalo akong naligayahan ng mga sandaling yun, wala akong naririnig kundi ang aming mga ungol at ang malakas na buhos ng ulan.Hanggang sa hinalikan nya ako ng mariin sa aking labi habang naglalabas pasok sya sa akin.Ang sarap ng aking pakiramdam ng mga sandaling yun,halos walang katumbas na kaligayahan na aking nararamdamang kaligayahan nun.

Sa buong buhay ko,nun ko lang naranasan ang ganung sarap at kaligayahan. Pabilis ng pabilis ang kanyang ginagawang pag ulos sa akin ng mga sandaling yun. Bakas sa kanyang mukha ang labis na kaligayahan na kanyang nararamdaman habang naglalabas pasok sya sa akin. Lalo pa syang ginanahan ng makita nyang nasasarapan ako sa kanyang ginagawang paglabas pasok sa akin. At maya maya ay naramdamang kong mas bumilis ang kanyang pag ulos sa akin at hinalikan nya ako ng mariin sa aking labi at halos sumigaw sya ng labasan sya sa aking loob at ako ay nilabasan even without touching my dick. Habol namin ang aming paghinga ng sabay kaming labasan at siniil nya ako ng halik sa aking labi. Tumigil kami sa paghahalikan ng maramdaman naming kinakapos na kami ng hininga. Nginitian nya ako, ang sarap ng aking pakiramdam sa tuwing nginingitian nya ako. Nang tumingin ako sa labas ay tumila na ng konti ang malakas na buhos ng ulan. Naisip ko na nakikiisa ang panahon at ulan sa aming dalawa ng mga sandaling un at napangiti ako.

Niyakap nya ako ng mga sandaling yun at sabay sabi kong "masaya ako at dumating ka sa buhay ko na hindi ko inaasahan," halos maluluha kong sabi. "masaya din ako at nakilala kita, nang hindi mo sinasagot ang mga tawag ko halos di ako mapakali nun akala ko ayaw mo na sa akin." Ginawa ko lang yun dahil ayokong masira ang relasyon nyo ni Leonard. "halos nagsimula na namang maglandas ang aking mga luha nun." ayoko ng pag usapan pa ang bagay na yun. Basta wala kaming relasyon at hindi ko sya niligawan kahit kelan." sabi ni Rex. At tinitigan nya ako matapos nyang sabihin yun. Mixed emotions ako ng mga sandaling yun. At hinawakan ni Rex ang kamay ko at tinignan nya ako. At nginitian ko sya sabay halik sa kanyang pisngi. At ng sabihin nyang "kung pwede nga lang sana tayong magsama sa iisang bahay para araw araw tayong magkasama, pero gustuhin ko man hindi pwede dahil konti na lang nga panahon ko sa aking pamilya halos nauubos ang oras ko sa aking trabaho". Nakaramdam ako ng awa sa kanya ng mga sandaling yun halos wala na pala sya ng oras sa kanyang pamilya at sa kanyang sarili. "ok lang kahit di tayo nagsasama sa iisang bubong, kasi masaya na ako at kuntento na sa ganitong nagkikita tayo at nagkakasama wala na akong mahihiling pa sa ganitong sitwasyon natin." sabi ko sa knya. At lalo nya akong niyakap ng mga sandaling yun at hinalikan ako ulit sa labi ng buong suyo at pagmamahal.At kahit na wala akong naririnig na salita galing sa kanya na mahal nya ako ang knyang mga kilos at salita ay sapat na ang mga yun para malaman kong may puwang din ako sa kanyang puso.

Magkayakap kami ng mga sandaling yun at kapwa kami tahimik. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang hininga na lalong nag nagpapa ibayo ng aking nararamdamang pagmamahal para sa kanya. Tahimik ang buong paligid ng mga sandaling yun at wala akong naririnig kundi pagtibok ng aming puso at hininga. Kumalas sya sa aming pagkakayakap at binuksan nya ang stereo ng kanyang kotse at saktong pagbukas nya ay mag uumpisa pa lang ang isang makabagbag damdaming awitin.

Kung ang buhay ay isang umagang nakangiti
At ikaw ay ang lupang sinusuyo ng bituin
Di mo man silip ang langit
Di mo man silip ito'y nandirito pa rin
Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan
At sa 'yong paglisan Ang tanging pabaon ko
Ay pag-ibig
Hmmm

Sa pagbuhos ng ulan Sa haplos ng hangin
Alaala mo ay nakaukit sa pisngi ng langit
Di man umihip ang hangin ahhh
Di man umihip ika'y nandirito pa rin
Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan
At sa 'yong paglisan Ang tanging pabaon ko
Ay pag-ibig
Ay pag-ibig
Ay pag-ibig
Ooh ooh ooh ooh

Magkayakap kami ng mga sandaling yun hanggang sa matapos ang makabagbag damdaming awitin na yun at halos maiyak na naman ako. "oh,ayan ka na naman" sabi ni Rex. "eh kasi sa tuwing naririnig ko kasi ang kantang yan eh napapaiyak ako ewan ko nga ba," halos maiyak kong sabi at niyakap nya ulit ako at hinalikan nya ulit ako. Parang ayoko ng matapos ang mga sandaling yun. Pero alam ko na may hangganan ang lahat ng mga bagay dito sa ibabaw ng mundo na sa ayaw at sa gusto natin ay magwawakas din. Simula ng dumating sya sa buhay ko ay naranasan ko ang isang magandang pangyayari sa aking buhay na kahit kelan ay hindi ko makakalimutan habang ako'y nabubuhay. Nagising na lamang ako buhat sa paglalakbay ng aking diwa ng "o tara na para makapagpahinga na tayo medyo gumagabi na eh" sabi ni Rex. Nang may madaanan kaming restaurant ay itinigil nya yun sa harap at "dinner muna tayo" sabi nya.

Pagpasok ko sa loob ay konti lang ang mga customer ng naturang restaurant. Pinili nya ang mesang nasa sulok. At nang mtapos naming mai order ang aming nagustuhang kakainin ay tahimik lang ako. Tumingin sya sa akin at ngumiti sabay sabi ng "ang sarap ng ginawa natin kanina sweetheart" sabay kindat sa akin. "hoy ung bibig mo baka may makarinig, kaw din bahala ka" natatawa kong sabi ."kaw talaga eh wala namang tao at saka kaya ko nga pinili tong sulok na lugar para may privacy tayo hehehe..." natatawa nyang sabi. "ganun?kaw ha.." hindi ko na rin mapigilan ang ngumiti sa kanyang sinabi.

Maya maya ay dumating na ang aming order. Pagkalapag nun ay magalang na umalis na ang lalaking nag serve at sabay ngiti sa amin. Habang kumakain ay bigla nya na lang akong susubuan "o eto tikman mo.." ngiti nyang sabi. "ha? hoy wag dito baka may makakita eh...naku kakahiya." nahihiya kong sabi. "sige na wala namang nakatingin eh" bago ko tinanggap yun ay tumingin ako sa paligid at sinigurado ko na walang makakakita sa amin at saka ko tinanggap ang kanyang subo. "how sweet naman.." natatawa kong sabi sa kanya.

Sa buong buhay ko ngayun lang ako nakaramdam ng kakaibang kaligayahan. Maging ang mga dati kong gf ay hindi ko pa naranasan sa kanila na subuan ako. Tanging si Rex pa lamang ang gumawa nun sa akin kaya masayang masaya ako ng subuan nya ako. At sinibuan ko rin sya matapos nya kong subuan. Hindi na yun nasundan dahil may biglang umupo na customer sa may malapit sa amin. "kainis naman oo" nayayamot na sabi ni Rex sabay kamot sa kanyang batok. Natawa na lang ako sa kanyang tinuran. "hahaha... kaw talaga sige sabihin mo sa kanila na istorbo sila sa dalawang lovebirds na nandirito." natatawa kong sabi. At natawa na rin sya.

Masaya kami ng mga sandaling yun hanggang sa matapos ang aming dinner.At nag order sya ng dessert. "sayang magsubuan pa sana tayo kaso may mga istorbo eh.." natatawa nyang sabi. "ay,naku kaw ha? nagsubuan naman tayo kanina ah?"sabi ko ."pero gusto ko ulitin eh hehehe.." sabi nya. "ok oo nga noh? "at nakipagsabayan na rin ako sa kanyang biro. Matapos ang aming dessert nun ay hinatid nya na ako pauwi. Habang sa daan ay kinuha ko ang knyang kamay at hinawakan ko yun .Labis ko syang na miss. Matagal tagal din ang huli naming pagkikita. At sumagi sa isip ko si Leonard. Hanggang ngayun ay wala pa rin akong ideya kung ano ba talaga ang totoo at kung sino sa dalawa ang nagsasabi sa akin ng totoo. Pero malalaman at malalaman ko rin kung ano talaga ang totoo. Di nagtagal ay humantong na kami sa may kantong papasok papunta sa amin. Hindi na muna ako lumabas, tinignan ko sya at ngumiti ako. "gudnyt..ingat ka sa pag drive ha? I--love you.." sabay halik ko sa kanyang pisngi. At hinalikan nya na rin ako sa aking labi. Matagal ang aming halikan nun, gaya ng dati halos mapugto ang aming hininga ng tumigil kami sa paghahalikan. "gudnyt..sweetdreams" sabi ni Rex at sabay ngiti. Yun lang at lumabas na ako ng kotse. Hindi na muna ako umalis sa aking kinatatayuan. Tinignan ko muna ang kanyang sasakyan hanggang mawala ito sa paningin ko. Kinuha ko ang aking celphone sa aking bulsa para i text ko sya pero may nakita akong text message dali dali kong binuksan yun, at nagulat ako ng makita kong galing yun kay Leonard. "nakita kita kanina sumakay ka sa kotse nya" un ang text ni Leonard sa akin. Halos kabahan ako pagkatapos kong mabasa yun. At dali dali akong nagreply sa kanya "gusto nya akong makausap kanina, kaya pinaunlakan ko ang kanyang anyaya" Un ang reply ko kay Leonard. At sa tingin ko walang masama sa ginawa namin ni Rex dahil niliwanag nya lang sa akin kung bakit ko sya iniiwasan. At dahil sa nalaman ko ,hindi ko na muna yun sasabihin kay Leonard. Maghihintay na lang ako ng tamang pagkakataon para sabihin yun sa kanya at handa akong makinig sa kanyang anumang magiging reaksyon. Masaya akong nakatulog ng gabing yun. May mga ngiti sa aking labi...

Kinabukasan na nagreply sa akin si Leonard. At sinabi nya na gusto nyang magkita kami, at pumayag ako. Nagkita kami sa lugar ng mall kung saan kami madalas na magkita. Sya ang unang dumating ng makarating ako dun "hi musta na?" masaya kong bati sa kanya ."eto ok lang" medyo iba ang kanyang tono ng kanyang pananalita nun. Pero hindi ko na lang pinansin dahil wala akong balak na magkaron ng gulo sa pagitan naming dalawa. At alam ko rin ang hangganan ng aking pasensya. "so musta ang lakad nyo kahapon?" tanong ni Leonard. "hmm..ok lang niyaya nya lang akong mag dinner kasi medyo matagal na rin kaming hindi nagkikita eh." sabi ko sa kanya. "ahh ok..so ,sa ginagawa nyo ngayun eh hindi ka man lang ba nagi guilty?" bigla nyang tanong ."wala kaming ginagawang masama at hindi ko nakakalimutan na may asawa sya at anak at alam ko na may limitasyon ang aming gnagawa at bakit ikaw hindi ka rin ba na gi guilty sa pagpayag na naging boyfriend mo sya ngayung alam mong isa syang pamilyadong tao?" ibinalik ko sa kanya ang kanyang tanong. Hindi sya nakaimik. At wala pa akong balak na sabihin sa kanya ang naging reaksyon ni Rex sa kanyang sinabi sa akin. Isang nakakabinging katahimikan ang pumagitan sa aming dalawa. Ako ang unang nagsalita "kung ano man ang nakita mo kahapon wag kang mag alala wala akong balak na pumagitna sa relasyon nyong dalawa." Yun lang at umalis na ako. Ayoko pang humaba ang aming pag uusap at baka humantong pa yun sa gulo. Hangga't kaya kong umiwas ay iiwas ako sa gulo. Yun ang lagi kong inuukilkil sa aking isipan.

Hanggang sa isang araw ng makatanggap ako ng text galing kay Leonard. "nagkita kami ni Rex kahapon at awang awa ako sa kanyang mga sinabi sa akin na kahit ayaw nya daw makipag usap sayo eh kinukulit mo raw sya at minsan at pinaghihinalaan na daw sya ng kanyang asawa na may karelasyon syang iba buti hndi daw ng wife nya na lalaki ang pinagseselosan ng nya awang awa ako sa kanya kahapon" un ang laman ng text message ni Leonard. At nagreply ako "ha?sinabi nya yun sayo?" at isenend ko ung text. At nag isip ako. Teka wala naman sinasabi sa akin si Rex na ganun. Ang alam ko pinag iingat nya ako sa pagtetext sa kanya.K asi minsan daw wife nya ang humahawak ng celphone nya. At nag iingat naman ako. May bigla na namang pumasok sa isipan ko ng mga sandaling un .Pero ayokong paniwalaan kung anuman ang nsa isip ko. Hindi na nagreply pa si Leonard. Isang araw nag text sa akin si Rex magkita daw kami after lunch sa dati. Sya ang naunang dumating at na late ako ng mahigit sa isang oras.

"Akala ko hindi ka na darating sabi ni Rex." Tinapos ko lang kasi ang ginagawa ko eh "pero malamig ang pakikitungo ko sa kanya ng mga araw na yun. Sa loob ng sasakyan "so musta ka na?" tanong ni Rex pero hindi ako sumagot. Ipinaramdam ko sa kanya na wala ako sa mood bigla nyang ipanatong ang kanyang kamay sa aking hita at bigla kong inalis ang pagkkapatong ng kanyang kamay sa aking hita ."teka ano ang nangyayari sayo?" takang tanong ni Rex. Hindi ko sinagot ang kanyang tanong. "okey,okey... kung anuman ang nagawa ko sayo I'm sorry..Alam ko na alam mo na nagkita kami ni Leonard ng isang araw." sabi ni Rex. Hindi ako umimik nun. At ayoko ring sabihin sa knya ang mga sinabi ni Leonard sa akin sa text. "kung ano man ang nangyayari sa inyong magkaibigan magusap kayo para magka intindihan kayo para maayos na to" sabi ni Rex at sabay hawak sa kamay ko.

Hindi ko talaga alam ang aking gagawin ng mga sandaling yun.Maya maya ay hininto nya sa isang park ang kotse at lumabas sya maya maya ay lumabas na din ako. Bakas sa kanyang mga mukha ang pag iisip ng malalim sabay ng kanyang buntong hininga. Gusto kong mag sorry sa inasal ko sa kanya kanina pero nakita kong naglalakad lakad sya papalayo sa akin papunta sa may damuhan. Maganda na sana ang lugar at panahon pero kaming dalawa ay parehong aligaga ng mga sandaling yun. Hinayaan ko na lamang sya para makapag isip sya ng mabuti kung anuman ang kanyang iniisip. Habang ako nman ay ganun din nag iisip ako kung ano ang dapat kong gawin para maayos na to. Hindi ko na namalayan na pumatak na ang aking mga luha. I pity him and I pity myself kung bakit pa kelangan pang mangyari ang ganito sa amin. Pero pipilitin kong magpakatatag dahil alam kong makakaya ko to. Namalayan ko na lamang na umakbay sa akin si Rex "o ayan ka naman umiiyak ka na naman kaw ha? diba sinabi ko sayo na wag kang iiyak? kasi nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang ganyan".

Dumako ang kanyang mga daliri sa aking mga mukha at mata, sa pamamagitan ng kanyang mga kamay ay pinahid nya aking mga luha sa mata at pisngi. At tinitigan nya ako "o smile naman jan, ayan tuloy nababawasan ng pagka cute ang mukha mo". natatawa nyang sabi. At medyo ngumiti na rin ako. "tara upo tayo dun o" sabay turo sa isang lilim ng puno. "ok.." sabi ko. Naglakad kami papunta sa puno at inakbayan nya ako hanggang sa makarating kami. Pumwesto kami sa lilim ng puno ng kung saan malaya naming mapagmamasdan ang paglubog ng araw .Kapwa kami tahimik ng sandaling yun habang minamasdan namin ang papalubog na araw. At hinawakan nya ang aking mga kamay, tumingin ako sa kanya pero nakatingin sya sa papalubog na araw. Napangiti ako sa kanya ng mga sandaling yun.. At ibinalik ko ang aking paningin sa kanluran. Kay gandang pagmasdan ng papalubog na araw, lalo na kung kasama mo ang iyong pinakamamahal. Naramdaman ko ang marahang pagpisil ng kanyang kamay sa aking mga kamay. Hanggang sa napapikit ako ng aking mga mata .Dahan dahan kong inihilig ang aking ulo sa kanyang balikat. Nakaidlip ako ng mga oras na yun. Nagising na lamang ako sa kanyang mga haplos sa aking mga kamay.. napansin ko na madilim na pala at bukas na ang mga ilaw sa poste. "nka idlip ka ng konting oras, hindi kita ginising dahil nakita ko na masarap ang tulog mo." "ay,oo nga pala nakatulog pala ako." tugon ko. "so tara na? medyo gumagabi na, at ska nagugutom na ako." sabay himas sa kanyang tiyan.

Papunta na kami sa kotse ng may narinig kaming nagbabalot "hey kumakain ka ba ng balot?" tanong nya sa akin "oo nman noh?" natatawa kong sabi. "so,kain tayo ha? matagal na akong di nakakain ng balot eh." "ok..sabi mo eh" Inakbayan nya ako habang papalapit ang nagtitinda ng balot. Apat ang kanyang binili. Tig dalawa daw kami. Habang kumakain kami ng balot ay masaya kaming nagtatawanan nun. Hanggang sa maubos namin. "o may dumi ka oh.." sabay kuha ng kanyang panyo at pinahid un sa aking pisngi. Napangiti ako sa kanyang ginawa. Wala talaga akong masabi sa kanyang kabaitan. Halos lahat ng gusto ko sa aking magiging kasintahan ay nasa kanya na lahat. Kaya kahit na hindi kami, wala na akong mahihiling pa. Masaya na ako na magkasama kami. Pagkatapos nun ay hinatid nya na ako sa amin. Bago ako bumaba naglapat ang aming mga labi. Tinted naman kasi ang bintana ng kanyang kotse kaya malaya kaming nakakapaghalikan. Kapwa namin habol ang aming paghinga ng mga sandaling un.. "pano una na ako ha? ingat ka sa pag uwi mo" sa pagkakataong yun ako ang unang humawak ng kanyang kamay. "ok..salamat.gudnyt.."

Masaya ako ng matulog ng gabing yun pagkatapos ko mag dinner.Kinabukasan,pagkatapos kong mag almusal ay naligo ako agad at pagkatapos kong maligo any nagbasa ako ng magazine para pampalipas ng oras bandang alas 10 ng umaga nun kaya hindi ko na tinapos pa ang pagbabasa ko ng magazine. Nagpasya akong mamasyal sa mall. At ang pagpunta ko sa mall na un ay may isang malaking rebelasyon na aking malalaman.

Nasa bookstore ako ng may marinig akong tumatawag sa akin, pero hindi ko alam kung sino un at kung saan nanggaling ang boses na un. Maya maya ay tumingin ako bandang kaliwa at sa may dulo nun ay nandun pala ang taong tumatawag sa akin .Pamilyar ang kanyang mukha pero hindi ko na makilala pa ng gaano. Pero alam ko na kilala ko sya. Nakalimutan ko na kasi ang kanyang pangalan. "o,musta na? aba ngayun lang tyo nagkita ah?" masayang bati sa akin ng isang lalaki, nagtataka man ako ay ngumiti na rin ako sa kanya "eto ok lang ako, ikaw?" "eto ok din, huminto na muna sa pag aaral wala kasing budget eh". sagot ng lalaki. "ahh..ok.so ano kasi ulit pangalan mo?" tanong ko. "ikaw ha?hmp..ganyan ka 3 yrs lang tayo nung huli tayong magkita pero eto nakalimutan mo na pangalan ko" medyo nagtatampong sabi ng lalaki ."eh,sori ha? kasi nakalimutan ko na talaga name mo" nahihiya kong sagot. "pero ang alam ko nakilala kita nun habang nagre rehearsal tayo para sa ating nalalapit na graduation and the rest ay nakalimutan ko na eh." sabi ko. "naalala mo rin pala ako" natatawang sabi ng lalaki. "so,ano kasi ulit name mo?" tanong ko. "Ako nga pala ulit si Wilson ka batch mo nung high school." Nang sinabi nya kanyang pangalan ay naaalala ko na sya "ahh..oo nga pala Wilson ang name mo" natatawa ko ng sabi. "sensya ka na ha? at nakalimutan ko na pangalan mo" "ok lang yun. so naglunch ka na ba?" tanong ni Wilson. "hmm..di pa eh so tara lunch muna tayo" "ok tara." Habang kumakain kami nang.."o musta na pala si Leonard? nakita ko kayo nun dati pero may kasama ako nun kaya hindi na ako nakalapit sa inyo para maki kumusta ako sa inyo". "ahh..ganun ba?" "oo kaso un nga may kasama ako nun ung nililigawan ko." "ahh ok.." tango ko. "pero may gusto akong sabihin sayo wag na sanang marating pa kay Leonard kung ano man ang malalaman mo tungkol sa kanya". "h-ha?bakit ano ba un?" takang tanong ko.

"Kasi ganito un. Dati may bf ako nun, tapos habang nsa beer house kami nun at nag iinuman ng makita ko si Leonard at kasama nya ung mga barkada nya nung high school so, lumapit ako sa kanila at kinumusta ko sila at pagkatapos nun bumalik n ako nun sa mesa namin ng bf ko at pumunta ng cr si Leonard, ng papalabas na sya ay niyaya ko munang maki join muna sya sa amin ng bf ko tutal kaming dalawa lang naman ang nasa mesa. Tpos ng papauwi na kami ay sumabay na rin sa amin si Leonard. At mukhang di na yata namin kaya ay niyaya muna kami ni Leonard na magpahinga muna sa kanila ng sandali. Pagdating sa kanila ay nkatulog ako nun. tapos basta huling naaalala ko nun ay nagsususuka ang bf ko ng makatulog ako. Tpos un ang hindi ko pala alam ay may nangyari sa kanilang dalawa habang natutulog ako. Huli na nga ang lahat bago ko nalaman ang totoong nangyari". kwento ni Wilson. Halos di ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Wilson. Una hindi ako naniniwala sa mga inilahad nya at ipinagpatuloy nya ang kanyang salaysay "un, nabuking ko sila sa text kasi minsan nabasa ko text ni Leonard sa celphone ng bf ko sinamantala ko ang pagkakataong yun dahil naliligo sya nun, kasi may hinala na ako dati pa nakita ko kasi sila ng bf ko na magkasama at ska halos wala ng time nun sa akin ang syota ko tapos nabigla na lang ako ng mabasa ko nga text ni Leonard at dahil dun ay hindi na nkapag deny ang syota ko. Umamin sya na naging sila. Dahil dun ay kinausap ko si Leonard pero kinakaila nya ung sinabi ko sa kanya na kesyo gumagawa daw istorya ung bf ko nun. At pinagharap ko silang dalawa." paglalahad ni Wilson. Naalala ko na pala si Wilson ay ipinakilala sa akin ni Leonard nung malapit na kaming mag graduate sa high school. Dhil sa nababaitan at malapit ang loob sa akin ni Wilson at minsan ay ipinagtapat nya sa akin na bi sya. Sinabi ko sa kanya na okey lang un dahil pareho lang pala kami. At dahil dun naging close kami at nang magkita kami sa graduation ay binati namin ang isa't isa. At un na pala ang huli naming pagkikita.

At ipinagpatuloy ni Wilson ang kanyang kwento. "yun nga pinagharap ko sila at nagkakaila pa si Leonard na kesyo ganun gnun daw..at hindi na sya nakapag kaila pa ng ipabasa ko sa kanya ang text nya sa syota ko. Buti na lang at hindi nya binura yun at kaya naman pala nag iba na nun ang pakikitungo ng aking bf dahil marami syang mga sinabi sa bf ko tungkol sa akin na kesyo pinagtataksilan ko raw bf ko at marami pang pawang mga walang katotohanan." paglalahad pa ni Wilson." at un dahil sa nangyari nagkaayos kami syota ko. may kinuwento pa ung syota ko nun na gnagawa daw ni Leonard ang lahat lahat para daw mapansin sya ng syota ko." Dahil sa mga sinabi ni Wilson ay sapat na ang mga yun para mapatunayan kong gawa gawa lamang ni Leonard ang kanyang mga sinabi sa akin tungkol sa kanilang dalawa ni Rex. "kaya kung ako sayo kung sakaling may bf ka ngayun, manliligaw wag mo nang ipakilala kay Leonard dahil sigurado akong ikaw ang magiging pangatlong biktima nya kapag pinakilala mo ang manliligaw mo o kaya ay bf." sabi ni Wilson. Kasi ung gnawa nya sa amin ng bf ko ay pangalawa kami ng bf ko na biniktima nya nun kasi nung mangyari yun pinagtapat din ng sa akin ng una nyang biktima ang kanyang ginawa.dahil kilala ko rin ung bf nun kaya sinabi na rin sa akin ang totoong nangyari".

Halos di ako makapaniwala ng mga sandaling yun. Hindi ko akalaing magagawa un ni Leonard. Pero totoo. Dahil sa sinabi nya sa akin sa niligawan daw sya ni Rex at sinagot nya ay pawang mga imbento lamang. At biglang may naalala ako na tanong minsan sa akin ni Rex "May kaibigan ka bang taksil?" Ako nga ay nagtaka nun, tinanong ko sya pero hindi na sya umimik pa. Binalewala ko na lang ang tanong nyan yun. "ahh..kaya pala.." sabi ko. "h-ha?anong kaya pala? takang tanong ni Wilson. Hindi ko na inilihim pa kay Wilson ang totoo. Sinabi ko kay Wilson ang tungkol sa aming dalawa ni Rex at hanggang sa ipinakilala ko si Rex kay Leonard. "kaya pala dati ay iba ang nararamdaman ko nun dahil yun na pala ang mangyayari halos maiyak kong sabi. "tsk!tsk! naku ikaw rin pala nakaranas ng kagaya sa amin. Sayang at masaya na kayo ni Rex pero ginulo nya." sabi ni Wilson. "Ewan ko nga ba kay Leonard at bakit ganun sya" dugtong ni Wilson.

At dahil sa mga pangyayaring yun na realize ko na uhaw sa pagmamahal si Leonard. Halos gawin nya ang lahat mahalin lang sya ng taong magugustuhan nya. Kya imbes na galit ay awa ang naramdaman ko sa kanya. Maya maya ay nagpaalam na sa akin si Wilson dahil tumawag ang girlfriend nya. "o pano tol,una na ako. tumawag kasi gf ko eh. so,pano kita na lang tayo next tym ingat tol ingat". sabay lahad ng kanyang kamay at tinanggap ko naman un. At umalis na si Wilson ni hindi man lang pala kami nagpalitan ng aming contact number. Nilisan ko na rin ang restaurant na yun at umuwi na. Pagdating sa bahay ay nagkulong na naman ako. Ang sakit ng aking nararamdaman ng araw na un. Palagay ko sadyang nag krus ang aming landas ni Rex para maranasan ko ang hirap at kaligayahan ng isang wagas na pagmamahal na sadyang isang napakalaking pagsubok na hahamon sa bong buhay ko. Hindi ako nakaramdam ng galit kay Leonard sa halip ay naawa ako sa kanya at yun ang totoong nararamdaman ko sa kanya. Lalo akong napahagulgol ng sumagi sa isip ko si Rex at ang aming mga nakaraan na kaysarap sariwain sa aking gunita. Hanggang sa pangarap na lang pala kami magkakasama ng matagal. Hindi na pala mangyayari un sa totoong buhay hinding hindi na... "bakit ganito?" tanong ko sa aking sarili. "kung saan nakilala ko ang taong magbibigay sa akin ng kakaibang kaligayahan ay sya pang mawawala... BAKIT? BAKIT? BAKIT??????!". Halos mawala ako sa sarili kong katinuan ng mga sandaling yun at napapasabunot ako sa aking buhok at lalo akong napapaiyak.

Ang sakit ng aking nararamdaman...WALANG KASINGSAKIT..akala ko ay tuloy tuloy na ang aming magagandang mga nakalaang sandali at kahit na hindi kami ay masaya na ako dahil nakikita ko sa kanyang kilos at pananalita na may puwang din ako sa kanyang puso.. PERO WALA NA.. matutuloy yun ngunit hanggang sa PANGARAP NA LANG... halos di ko na alam ang aking gagawin halos nanigas na ang buo kong katawan sa sakit at hapdi na aking nararamdaman. Sagad sa buo kong pagkatao ang sakit na aking nararamdaman.. Dahil sa nangyari ay napilitan akong magpalit ng aking celphone number para sa ikabubuti ko at ng mga taong associated sa aking sakit na naransan. At naisip ko na ipaubaya ko na lang si Rex kay Leonard. At dahil kahit papano ay naranasan ko ang pagmamahal ni Rex na kahit hindi nya sabihin ang katagang MAHAL KITA o I LOVE YOU ay nakikita ko sa kanyang kilos at pananalita na mahal nya ako.Sapat na ang mga yun sa akin,at masaya na ako. At isang araw naisipan kong i text si Leonard at ang ginamit kong number ay ang dati kong Sim para hindi nya malaman ang bago kong number. "musta ka na? pakaingatan mo si Rex. mahalin mo sya ng buong puso mo at wag na wag mo syang pababayaan alagaan mo sya ng mabuti .Un ang tangi kong pakiusap sayo alang alang sa ating pinagsamahan." yun lang at naisipan kong gumawa ng liham para kay Rex.

Rex,

It's a rare meeting by chance when we became friends..And behind that friendship was love.
You know what i have a lot of things to say,but i don't know what should come first. I'll never stop cherishing all those unforgettable and sunken moments.. And somewhat,somehow I reached the depth of my life where I was able to find myself being loved and beloved... Take care of yourself and your family..For God will glorify all your struggles through His name.. I will treasure you..I love you so much..

ETERNALLY,
"ALEXANDER"

Umiiyak ako ng matapos ko ang aking sulat para sa kanya. Dahil sa gabing ito, ito na ang pinakauna at huling pagkikita namin ni Rex. Idi-nial ko ang kanyang number at nag ring yon. Biglang may sumagot. "hello? Alexander bakit ngayun ka lang tumawag? aba halos isang buwan kitang tinatawagan at tinitext pero hindi ka sumasagot at laging unattended ang number mo" sabik sa sambit ni Rex. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking luha.. "Mahal kita Rex.. lahat ay kaya kong gawin at mapatunayan na wagas ang pagmamahal na nararamdaman ko sayo. Handa kong isakripisyo ang pagmamahal ko sayo, alang alang sa aking kaibigan at magpapaubaya na lang ako." Ang mga katagang yun ay hindi ko nagawang mamutawi sa aking mga labi. "alexander umiiyak ka ata? may problema ka ba?" "h-ha?wala to wag mo ng intindihin un pwede mgkita tayo ngayung gabi ok lang ba?" "oo naman. sige san tayo magkikita? hindi ko mapapapalampas ang gabing to. Matagal na tayong hindi nagkikita". "pakisundo na lang ako dito sa may kanto sa amin ok lang ba?" "ok sige with in 10 minits anjan na ako, i miss u bye.."

Ang sarap pakinggan ng kanyang sinabi at kahit na nasasaktan ako, ngumiti ako. Napapawi ang aking mga kalungkutan sa tuwing naririnig ko ang kanyang boses. Pagbihis ko ay nagkataong ang isusuot kong damit ay aking suot nung una kaming magkakilala nung July 07,2004. "October 03, 2005 na pala, mahigit sa isang taon na pala kami buhat ng magkakilala kami" nasabi ko sa aking sarili. Napaluha na naman ako ng maalala ko na naman ang aming nakaraan. Subalit kelangan kong harapin ngayun ang malaking hamon sa aking buhay na lalong magpapatibay ng aking loob. Pagdating ko sa kanto ay nandun na sya. "so,musta na? nangayayat ka ha?" puna sa akin ni Rex. "lika na dito sa loob." sabay bukas ng pintuan ng kotse. "so,bakit ngayun ka lang nagparamdam sa akin? galit ka na naman ba sa akin?" Takang tanong nya. "h-hndi ahh..m-may inasikaso lang kasi ako. Bale umuwi kasi mom ko at nag pass kami ng aking visa dahil umuwi ang mom ko para ipass na sa Immigration ang aking mga papeles." "ahh ganun ba? so aalis ka na pala"

Nang tinignan ko si Rex nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata nang sabihin kong malapit na akong umalis. Halos madurog ang aking puso sa nakita ko. Gusto ko na sana na huwag ko ng ituloy ang aking plano pero hindi na ako pwedeng umatras. Andito na to, kaya kailangan ko ng ituloy to para na rin sa ikakapanatag ng aking kalooban. "so san mo gusto pmunta?" tanong ni Rex. "ikaw bahala ka basta ngayung gabi iyung iyo ako. Gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin sa akin." halos maiyak kong sabi "Alexander, bakit parang iba ngayun ang pananalita mo?" takang tanong nya. "wag mo na akong intindihin pa basta gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin sa akin. "at hinalikan ko sya sa labi ng buong pagmamahal. Ginantihan nya ang aking halik, matagal ang aming paghahalikan. Hanggang sa lisanin namin ang kanto. At nakarating kami sa isang lugar na napapalibutan ng mga puno at halaman. Pamilyar sa akin ang lugar. Kung hindi ako nagkakamali yun ung lugar na inabutan kami ng malakas na ulan sa aming pagtatalik. Napangiti at halos maluha ako ng mga sandaling yun at napayakap ako sa kanya. "o wag kang iiyak ha?" ngiti nyang sabi. Un lang at masuyo nya akong hinalikan sa aking mga labi. At habang magkalapat ang aming mga labi ay isa isa nyang tinanggal ang aming nga saplot. Lalo syang naging sabik ng kapwa na kami hubad.

Nasa loob kami ng sasakyan ng mga sandaling yun at kitang kita ko ang liwanag ng buwan na nagmumula sa kalangitan. Piping saksi ang mga bituin at buwan sa kalangitan sa aming pagtatalik. Masuyo nyang hinagkan ang aking katawan, nararamdaman ko ang pagmamahal at pagpapahalaga nya sa akin kahit na hindi nya yun sabihin sa akin dahil nakikita ko un sa kanyang mga kilos at pananalita na MAHAL NYA AKO.. Matapos nya akong hagkan at ako nman ang nagpadama ng aking wagas na pagmamahal sa kanya ng mga sandaling yun. Halos mapaungol sya sa sarap.. Ramdam na ramdam ko sa bawat himaymay ng kanyang katawan ang pananabik.. Halos di na sya makapagsalita sa sarap na kanyang nararamdaman. Hanggang sa dumako ako sa kanyang tarugo sabik akong hinalikan ang ulo nun at dinila dilaan ko. Lumiliyad sya sa aking ginagawa. Mya maya ay dumako ako sa kanyang yagbols at dinila dilaan ko muna bago ko isinubo ang yun. Sarap na sarap sya sa aking ginagawa. at nang magsawa ako ay muli akong nagtaas baba sa kanyang tarugo. Hanggang sa pabilis ng pabalis yun. At pinahiga nya ako at pinasok nya na ako. Ramdam ramdam ko ang bawat pagbaon nun sa akin,masarap.. Hinaplos ko sya sa kanyang likod at hinalikan ko sya sa labi. Kapwa na kami alipin ng tukso ng mga sandaling yun. Bawat isa ay handang paligayahin ang isat isa.

Di nagtagal at pabilis ng pabilis ang kanyang ginawang pagtaas baba sa akin "ohhh... ahhhhh... ohhh... ahhhh.."ungol nya." ahhhh.. ohhh..ohhh..ohh..ahh.." ungol ko. Ilang sandali na lang at lalabasan na kami. "ahhhh........ohhhh!!ayan na ako!!ahhh...ohhh!! sigaw ni Rex. "ahh...oo ayan na rin ako...ahhhhhhhhhhh!!!!ohh" sigaw ko. Hanggang sa naramdaman ko ang pagpulandit ng kanyang katas sa aking butas. At hinalikan nya ako sa labi ng mariin. Sa gabing ito, ito na ang huli ng aming pagtatalik.. hindi ko na napigilan pa ang pagdaloy ng aking mga luha... "ohh,ayan ka naman..umiiyak ka." "naiiyak kasi ako sa labis na kaligayahan na aking naramdaman" at hinaplos ko ang kanyang pisngi. "kaw talaga oo.." sabay halik sa akin. Matapos nun ay nagpahinga muna kami. Niyaya nya akong kumain muna at pumayag naman ako. Tutal eto na ang huli naming pagkikita...

Matapos kaming kumain ay hinatid nya na ako. Sa tapat ng kanto ay napaiyak na naman ako.. "tsk!ayan ka naman.." sabay pahid ng aking luha..at niyakap nya ako. Pagkatapos nun hinalikan ko sya ng isang masarap na halik.At niyakap ko sya ng mahigpit..mahigpit..at umiiyak na ako..sabay abot ng aking sulat para sa kanya. "ano to?" takang tanong nya. "s-sulat yan para sayo. mamaya mo na basahin pag alis ko." halos garalgal kong sagot. "ahh sige." payakap nga ulit sabi nya. Napakasakit man sa kalooban ko pero kailangan kong gawin to.. "sige na una na ako. ingat ka palagi, wag mong pababayaan ang sarili mo at alagaan mong mabuti ang yong pamilya" sabay yakap ko sa kanya at halik. Naaawa ako sa kanya, wala syang kamalay malay na yun na ang huli naming pagkikita." at bumaba na ako na sasakyan at kinuha nya ang kamay ko at "salamat ha? ingat ka palagi" at ngumiti sya. Lalo na akong napaiyak ng mga sandaling un.. "oo naman, salamat" naiiyak ko ng sabi. "o wag ka ng iiyak ha?" "o-oo..masaya lang kasi ako kasi dumating ka sa buhay ko.." "oo alam ko un at ganun din ako sayo" isang ngiti aking binigay sa kanya at tumalikod na ako sa kanya. Umiyak ako magdamag nun..at sinabi ko sa aking sarili na kaya ko tong labanan..magiging matatag ako. Tinapon ko na rin ang dati kong sim card para hindi na nila ako matext o matawagan. At sinabi ko sa aking sarili na yun na ang huli kong pag iyak kay Rex. Kinabukasan pag-gising ko, sumalubong sa akin ang isang kakaibang umaga.. Para sa akin ang umagang yun ay isang bagong panimula.. Bagong yugto ng aking buhay. Sa ngayun hininhintay ko ang releasing ng aking visa. At kapag lumabas na yun aalis na rin ako para makasama ko na ang aking pamilya. May mga nalaman akong balita na hindi naman daw nagkatuluyan sina Rex at Leonard. Pero nagkakikita daw ang dalawa pag minsan. Masaya ako sa kanilang dalawa..dahil kapwa ko sila mahal..

Dahil sa kanya naranasan ko ang kakaibang kaligayahn sa aking buhay.. at dahil sa kanya lalo akong naging matatag sa pagsubok na darating pa sa aking buhay...

-WAKAS-

SALAMAT PO SA INYONG PAGSUBAYBAY NG AKING KWENTO...

11 comments:

richmond said...

nice story,my hlong panghihinayang,
sana po ipinalaban mo ung nararamdaman mo sa knya,, alammo minsanlng dumating ang isang oppurtunity ntin, justgrab it, minsan lng yan,, maikli ang buhay ntin,,
pero i know namagkikitapa rin kau bndanghuli,,
ndi rin kita macc kong bkitmo gnawa un,for the sake of love andfriendship..
cguro my rason kung bkit nging gnun,,
i know na nging happy ka sa life mo, ngaun,,

sana magsend kpang stories mokung pwede lol

Anonymous said...

you're a natural silent charmer! this is one of the best stories i've read so far...i really enjoyed reading the series...i can relate to alexander's character...i hope to read more of your stories.

- paolo

iHateThisFeeling said...

a very sad story . . .

naiinis ako sa naging desisyon ng bida . . wala naman kasi siyang dapat ginawang SACRIFICE . . kasi in the first place . . Leonard is not worth it .

then i feel much pity to Rex . . na walang kaalam-alam sa binigay sa kanyang letter . .


BAKIT GANUN? kelangan mo pang iwan mahal mo samantalang WALA naman talaga kayong napakalaking problema . .

dapat ginrab mo nalang yung chance . . tutal . . hindi mo naman siya pinipilit na maging mag-asawa talaga kayo at iwan yung pamilya nya . .

siguro kung may namatay pa sa kwentong eto . . NANLATA na co the whole day . .


sana nga magkita pa kayo ni Rex tulad ng sinabi ni richmond . .


AT sana kayo pa rin magkatuluyan sa bandang huli . .

Anonymous said...

I hate you alex for being so kind to let go of a love such as yours and Rex. I can't understand the fact that you let it go for such a bitch like Leonard... Many will desire and dream for such a kind of love but you let it go for a very undeserving friend like him... That's your decision so I'll respect that. But how I wish I can also find a man like Rex... Thanks for sharing your story... Lav u for that!!!!! God bless u more!!!!!!

- little dream boy from Bulacan. :-)

Anonymous said...

there will be a tym,you'll gonna see ur true happiness!kung ndi man xia para sau,darating at darating ang magpapaligaya xau nang lubos.God has a plan,tandaan mu yan!If u both two destinied to each other then axept the fact na in the end kau ang mgka2tuluyan,haistttt...JESUS na ang bhala sa inyo!Bye the way I like the pl0t of ur story!
"Life is w0nderful"madami ka png kailangang malaman,matuklasan lalo na sa pagkata0 nang bwat tao!bye the way ilang taon na ulit si silent charmer?

Anonymous said...

ganda ng kwento,naiyak ako na masaya...sarap ulit ultin na basahin .nakaka relate ako ..hanga ako sa kanya.

Anonymous said...

Nakakalungkot naman nito.. Di ko alam kung bakit pero na-depressed talaga ako pagkatapos ko tong basahin.

Naalala ko tuloy isang katropa ko sa Pilipinas. Minsan nagtatawagan kami ng 'I LOVE YOU' at 'I MISS YOU' na sa kanya biro2x lang pero sakin iniisip ko na totoo. di niya alam 'bi' ako at talagang crush ko siya :( .. pero ngayong nandito ako sa states, minsan nakakausap ko pa rin naman.. haizt.. kung may time ako i'll share my own story. talagang na-inspire akong magsulat after reading this..

Such a really great story.. But i really wanna know ano na nangyari kai Rex.. Sa kanya talaga ako titig eh..hehehe

Unknown said...

This story brought me into despair, sorrow and happiness. Pero talagang nakakapanghinayang sana ipinaglaban mo. Sometimes being selfish is good to yourself lalo na't ikaw ang nasa tamang katayuan. Sana nagkausap kayong tatlo at nilinaw ang lahat ng katanungan. I have pity with leonard too. Searching for a right person love and to beloved. Kaso napakamaling paraan. Hindi mo ba inisip na leornard hs doing everything? Well wala na tayong magagawa pa jan. Pero sana magkita pa kayo ulit ni Rex then ikuwento mo ulit. This story makes so random. Grabe! Please pm me sana chriez29@yahoo.com. I want to here your response po sana writer. Napaka playful ng emotions pagbabasahin ang kuwento mo. Until now hurt ang panghihinayang ang nararamdaman q. God Speed! Hope to hear something from you.

Anonymous said...

hahai.. i love the story tol, nakakaiyak... woo;(

Anonymous said...

Kawawang Rex. Writer, h'wag kang magdalawang isip i-share ang mga posibleng susunod na mga chapter sa iyong buhay, I believe kasali pa dun si Rex. And I believe..chapter 6 is not yet the end. GBU and thank you very much for sharing.

Anonymous said...

ganda ng story.. hays naalala ko mahal ko. love u vic. sana makita mo toh kahit nasa malayo ka.. cimvon08

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.