vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Friday, December 9, 2011

Waiting for Tomorrow 7


“Pa, galing po ako kina Nick.” Sabay abot sana ng kanyang kamay para magmano pero bago ko pa man ito mahawakan ay dumikit na ang kanyang palad sa aking pisngi.

“Kagabi pa ako dumating pero wala ka dito. Naikwento sa akin ng Mama ang nangyari, totoo ba?”

“Totoo po ang alin?” Napatingin ako kay Mama na ngayon ay nasa tabi na ni Papa at tahimik na pinagmamasdan kami. Tiningnan ko siya na waring nakikiusap ako na tulungan ako sa isasagot ko kay Papa.

“Wag mo na akong lokohin. Alam mo ang sinasabi ko. Ngayon sagutin mo ako, totoo ba?

“Opo.” Ito ang tanging kong nasabi dahil na din sa takot ko sa kanya. Ito ang unang beses kong nakitang nagkaganito siya. Ito ang unang beses na pinagbuhatan ako ng kamay ni Papa

Isang malakas na sampal ang ginawad sa akin ni Papa, susuntukin pa sana ako nito pero pinigilan sya ni Mama, may binulong ito sa kanya na biglang nagpabago ng kanyang mukha at ito ay biglang nagsalita.

“Lumayas ka sa harapan ko at huwag mo munang ipakita yang pagmumukha mo sa akin!”

Pagkarinig nito ay dali dali akong umakyat sa aking kwarto at muli bumuhos ang mga luha sa aking mga mata habang yakap yakap ko ang aking unan. Naisip ko kung ano ba ang ginawa kong masama at halos lahat ng mga taong nakapaligid sa akin ay tila tinatakwil ako papalayo. Parang may sakit na nakakahawa na pilit iniiwasan. Kumatok si Mama matapos ang ilang minuto pero sabi ko dito ay ayaw ko munang pag usapan ang mga nangyari at hindi muna ako lalabas ng kwarto. Hinayaan na lang muna ako ni Mama at kahit na pilit akong pinapakain ng tanghalian at hapunan ay nagmatigas pa din ako at hindi lumabas ng aking kwarto.

Sa buong araw kong pagkukulong maraming bagay ang aking pinag-isipan, maraming mga alaala ang aking binalikan. Tinatanong ko ang aking sarili kung bakit ba ako nagkaganito, bakit nagbabago ang mga tao sa paligid ko. Mali ba ang aking pagkatao?

*****
“Andito na ako!” Sigaw ni Papa habang papasok ng bahay.

“Papa!” Sabay naming sigaw ni Kuya nang makita naming papalapit na si Papa. Mula sa kusina ay nag unahan kami ni Kuya na maabutan si Papa nang biglang…

‘Blag!’ “Aray ko!” Sabay iyak ko dahil sa sobrang sakit. Sumabit ako sa paa ng isang upuan na naging sanhi ng aking pagkadapa at tumama ang aking mukha sa matigas na semento.

“Oh Jerome ayos ka lang?” tanong ni Mama.

Tanging pag iyak lang ang naisagot sapagkat hanggang sa sandaling iyon ay masakit pa din ang aking noo. Maya maya pa ay lumapit sa akin si Papa, inangat ang aking mukha at tiningnan ang bahagi na aking noo na ngayon ay bumubukol na.

“Huwag ka nang umiyak Jerome, andito na si Papa.” Pagkasabi nito ay inalalayan ako ni Papa na tumayo at pinaupo ulet sa may hapag kainan. Mula sa kanyang mga bitbit na bag ay naglabas sya ng isang bar ng chocolate at inabot ito sa akin.

Pagkakita ko ay tumahan na ako at napangiti sa binigay ni Papa. Maya maya pa ay may kinuha ulet at may isang maliit na sasakyang kotseng may remote control ang ibinigay sa akin.

*****

“Halika Jerome, alin ang gusto mong kulay ng sapatos? Bibili tayo para mas maging magaling ka pa sa paglalaro ng basketball.” Sabi ni Papa.

“Pero di naman po ako marunong maglaro ng basketball.”

“Kaya nga tayo bibili ng sapatos para mamaya ay makapaglaro na tayo kasama ang Kuya mo.”

“Ay sige po, ito na lang pong medyo mas madaming blue.”

*****

“Ipasa mo kay Jerome yung bola Jomar, tapos i-shoot mo na Jerome.”

“Sige po” Sagot ko, yun ang unang pagkakataon na naglaro kaming tatlo ng basketball, dati kasi ay shooting lang ang ginagawa namin. Di naman talaga kasi ako mahilig sa mga larong ganito, mas gusto ko ung hindi masyadong nagkikilos gaya ng chess, scrabble o games of the generals.

Nang nasa laro na kami ay takbo dito, takbo doon, salo dito, salo doon, shoot dito, shoot doon. Hiningal ako ng husto kahit na nakakasampung minuto pa lang kami sa laro.

“Argh!” Biglang sigaw ko, natisod ako at ansakit ng paa ko. Agad namang lumapit sina Papa at Kuya sa akin at pilit na tinitingnan kung ano ang nangyari sa paa ko.

“Masakit ba pag ginagalaw ng ganito?” Tanong ni Papa sabay pagpihit na paa ko pakaliwa at pakanan.

“Aray ko po!” Bigla kong sigaw.

“Jomar bili ka ng yelo dyan sa malapit at kailangang malagyan agad to para di mamaga.”

“Sige po.” Agad namang umalis si Kuya papunta sa malapit na tindahan sa basketball court ng village namin.

Pagdating ni Kuya na may dalang yelo ay agad itong binalot ni Papa sa isang maliit na tuwalya at saka nilagay sa aking paa. Matapos ang ilang minuto ay nagdesisyon si Papa na umuwi na sa bahay. Mas mabuti daw na doon na lang ako magpahinga. Tinanong ako ni Papa kung kaya ko bang makapaglakad. Pero nung sinubukan ko ay masakit talaga kaya walang nagawa si Papa kundi ang buhatin ako pauwi sa bahay.

Pagdating namin ng bahay ay agad akong dinala ni Papa sa aking kwarto at doon ako pinahiga. Pinagpalit ako ng damit at nilinis na din nya ang aking katawan. Sabi ay ipahinga ko lang daw ang aking paa at wag magkikilos masyado para di na mamaga at sumakit pa lalo.

Si Papa ang naging nurse ko nang mga oras na yun, inalagaan at sinigurado ni Papa na maayos ang aking kalagayan. Siya ang nagdadala sa akin ng pagkain at maya’t maya ay tinatanong ako kung kumusta na ang pakiramdam ko.

Naging maayos ang aking pakiramdam matapos ang pagpapahinga ko ng buong araw medyo naigagalaw ko na sya at konti na lang ang sakit.

*****

“Kuya ako naman, kanina ka pa dyan naglalaro. May titingnan lang ako sa internet.”

“Sandali na lang matatapos na itong quest ko, saglit lang talaga.”

“Eh kanina ka pa saglit ng saglit dyan, di naman natatapos yang nilalaro mo.” Pagpipilit ko kay Kuya.

“Oh sige na nga ikaw na nga muna.” Habang isa isang sinasara ang mga nilalaro nya sa computer.

Matapos kong gamitin ang computer sa bahay ay sinabi ko kay Kuya na maari na ulet syang gumamit ng computer.

“Ano ba kasi ang hinanap mo Jerome sa internet?”

“May project kasi kami tungkol sa kultura ng sinaunang Pilipino, bago dumating ang mga Kastila, naghanap lang ako ng drawing.”

“Ah ganun ba? Gusto mo bang ipagdrawing kita?”

“Talaga Kuya?”

“Oo naman, para sayo kahit ano gagwain ko.”

“Salamat Kuya!” Sabay yakap ko dito.

*****

“Kuya saan ang punta mo?”

“Dyan lang sa mall.”

“Pasama ako, please!”

“Ha? Dito ka na lang sa bahay, manuod ka ng TV o maglaro sa computer.”

“Eh nakakasawa na, sige na Kuya, sama na ako. Please!”

“Sige na nga, dali magbihis ka na at aalis na tayo.”

Mabilis akong naligo at nagpalit ng damit. Masaya kaming nag ikot ikot ni Kuya sa mall. Ako ang naging tagabitbit ni Kuya ng pinamili nya. Ito daw ang kabayaran sa pagpayag nya sa pagsama ko sa mall.

Nang mapunta kami sa isang comic store ay nakagiliwan ko ang display ng mga action figure ng mga Japenese anime. Nakita pala ako ni Kuya kaya lumapit ito sa akin.

“Gusto mo talaga yang anime na yan no?

“Oo naman Kuya nakakatuwa kasi ung kwento pati na din yung mga adventures nila.”

Umalis bigla si Kuya, nagtanong doon sa sales clerk at pagbalik ay may binigay sa akin.

Nang tingnan ko ang binigay ni Kuya ay nakita kong isa itong action figure na kanina lang ay pinagmamasdan ko.

“Salamat Kuya! The best ka talaga.”

*****

“Oh ano gagawin natin Jerome?” Tanong ni Semuel, nagkasundo kasi kaming doon na lang muna kami tatambay sa kanila.

“Ah ewan ko din, basta tinatamad ako magbasa o lumabas. Dito na lang tayo, manuod ng pelikula.” Sabi ko.

“Ano ba ang gusto mo panuorin, eh lahat halos ng andito ay napanuod na natin.”

“Kahit ano, kahit napanuod na natin, ikaw na ang bahala.”

Nagsalang ng pelikula si Semuel, Lord of the Rings marathon ang napagkasunduan naming gawin.

Sa umpisa ay ganado pa akong manuod pero habang papatagal ay naramdaman kong bumibigat ang mata ko kaya di ko na napigilang isandal ang ulo ko sa balikat ni Semuel.

Nang maramdaman ni Semuel ang aking pagsandal ay inalalyan niya ang aking ulo at waring sinasabi na ayusin ang higa ko. Umusog siya sa dulo ng sofa at saka pinaunan nya ako sa kanyang hita. Di na ako tumanggi sapagkat inaantok na talaga ako. Maya maya pa ay naramdaman kong hinihimas-himas ni Semuel ang aking buhok. Di ko na sya pinigilan at nakatulog na din ako sa ginagawa nya.

Pagkagising ko ay nakahiga na ako sa isang malambot na unan. Nakapatay na ang TV at wala na si Semuel, Pilit kong ginising ang sarili ko at hinanap ko sya. May narinig akong ingay sa kusina at agad ko itong tinungo. Andun nga si Semuel at mukhang may niluluto ito.

“Ano yang niluluto mo?”

“Chicken alfredo.”

“Wow mukhang masarap. Hmm! Amoy masarap din.”

“Sige na, magmumog ka muna at may laway ka pa dyan sa may labi mo.” Sabay tawa ng malakas ni Semuel.

Nahiya naman ako kaya nagtungo agad ako sa banyo para makapaghilamos na din.

“Baliw ka talga! Wala naman eh!”

“Wala nga nagbibiro lang naman ako. Ayan kumain ka na. Niluto ko yan para sayo.” Sabay turo sa lamesa kung saan may dalawang plato ng pasta na nakahain na.

Di ko na pinigilan ang sarili ko kasi ramdam ko na din ang gutom ng mga sandaling iyon. Nakatatlong plato ata ako ng pasta dahil napakasarap ng luto ni Semuel.

“Ang galing mo talaga Semuel, Sarap! Salamat!”

Isang matamis na ngiti lang ang sinagot sa akin ni Semuel.

*****

“Tara Jerome, mall tayo.” Pagyaya ni Semuel

“Bakit anong meron?”

“Magpapasama lang ako, gusto kong bilhan ng regalo si Therese.”

“Ah ok sige.”

Napgpunta kami sa mall, nagikot ikot sa mga gift shop at boutiques. Nakahanap kami ng isang cute na teddy bear na ireregalo ni Semuel kay Therese. Matapos mabili ni Semuel ay nagyaya itong kumain. Napunta kami sa isang fast food at parehas kaming umorder ng burger, fries at sundae.

Magiliw kaming kumain at habang nasa gitna ng pagkain ay may tumawag kay Semuel. Narining kong binanggit ni Semuel na ako ang kasama nya at nasabi nito sa kausap nya na wag nang sumunod sa mall at magkita na lang sila. Sa narinig ko ay natuwa ako dahil mas gusto akong makasama ni Semuel kaysa sa kausap nya.

Matapos ang aming pagkain ay nagyaya nang umuwi si Semuel, pupunta pa daw siya kay Therese at ibibigay ang regalo. Ito pala ang tumawag kanina at nagseselos at nagagalit na ayaw ni Semuel na sumunod pa ito sa mall.

Nalungkot ako sa narinig ko, mali pala ang aking unang akala na gusto akong makasama ni Semuel ayaw lang pala nitong malaman ni Therese na bumili ito ng regalo para sa kanya. Pumayag akong umuwi na lang din at nagbasa na lang ng libro pagdating ko sa bahay.

*****

“Tara ito na lang ang panuorin natin.” Sabi ni Semuel, parehas na naming hinihintay ang release ng pelilkulang yun. Kaya naman nung showing na ito ay nagkayayaan kami ng barkada at si Semuel ay sinama na din si Therese.

Sa loob ng sinehan ay magkatabi si Therese, Semuel, ako, Nick Lynn at Karen. Naging masaya ang pelikula pero napansin kong panay ang irap ni Therese sa akin. Kasi naman halos sa buong pelikula ay kami ni Semuel ang magkausap. Lagi itong may binubyulong tungkol sa nangyayari sa pelikula, ang mga comments nya at sinasabi na wala iyon sa pinagbasehang libro. Panay din ang kuha sa pop corn na binili ko at hindi na lang sa popcorn na binili nya para kay Therese.

*****

“Jerome, tara sabay na lang tayo, mukhang kasama na naman ni Semuel si Therese pauwi eh.” Pagyaya ni Nick.

“Ok sige.”

“Meryenda muna tayo.”

“Gusto ko na sanang umuwi.” Pagpapalusot ko, pero ang totoo ay nasasaktan lang ako sa pag-iwas sa amin ni Semuel.

“Libre na lang kita para naman di ka na malungkot.” Napaisip ako sa sinabi ni Nick, ganun na ba kahalata na apektado ako sa nagiging mabuting samahan ni Semuel at Therese.

“Sige na nga.” Pagpayag ko.

Habang kumukain kami ay hindi ako tinantanan ng pangungulit ni Nick, dahil alam naman nito na may pagtingin ako kay Semuel.

“Ano nagustuhan mo sa kanya?”

“Ewan ko din basta lagi ko kasi syang kasama tapos ayun nahulog na ang loob ko sa kanya.”

“Ganun lang. Ibig sabihin maari ding mahulog ang loob mo sa akin kapag lagi tayong magkasama?”

“Kumain ka na lang, kung ano ano pa ang sinasabi mo.” Pagkasabi ko nito ay  bigla namang dumating sina Lynn at Karen.

“Andito pala kayo, ang sweet naman!” Sabay tawa ng dalawa.

“Mukhang may kapalit na si…” Di na naituloy ni Karen an kanyang sasabihin dahil biglang sumingit si Lynn.

“Ano ka ba Karen, kumusta na kayo?”

“Eto sinasamahan ko  si Jerome mukhang ang lungkot kasi parati. Parang iniwan ng minamahal.” Sabi ni Nick

Sa salitang binitawan ni Nick ay naging tahimik kaming lahat, parang ano mang ingay na manggagaling sa amin ay magpapatotoo sa mga katagang iyon.

“Sige na uwi na ako.” Pagbasag ko sa katahimikan naming apat.

“Sige samahan na kita. Para matiyak kong maayos kang makakauwi, mukha kasing malalim ang iniisip mo. Baka saan ka pa makarating nyan.”

“Huwag na Nick, ok na ako.”

“Hindi, sasamahan kita. Ngayon na iniwan ka ni Semuel hayaan mong ako ang pumalit sa kanya, hayaan mong iparamdam ko sayo na andito ako, na hindi kita iiwanan.” Seryosong pagsasalita ni Nick.

Wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag sa kanyang kagustuhan.

*****

‘Bakit kaya ganun na lang ang pagbabago sa kanila dahil sa nalaman nilang pagkatao ko, wala na silang pinagkaiba sa mga taong ambilis manghusga. Hindi ko naman ginusto na maging ganito, sadyang ito lang ang tunay na ako. Alam ko mahirap kalabanin ang lipunan at ang kanilang baluktot na pag iisip at di malayang pagtanggap sa katulad ko pero ngayon ko kailangan ang mga taong mahal ko pero pakiramdam ko ay pati sila ay iniwan ako dahil lang sa pinagtapat ko.’

-----

Kinaumagahan pagkagising ko, matamlay pa rin ang aking pakiramdam. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang araw na sobrang bigat na aking dinadala. Isang buntong hininga na lang ang pinakawalan ko at inisip ko na bakit ko itatago ang tunay na ako. Papanindigan ko ito at magiging malaya ako sa aking pagkatao. Bumaba ako sa kusina kung saan naroon sina Mama at Papa na magiliw na nag-uusap. Pero nung makita ako ni Papa na parating ay bigla itong natigilan sa pagsasalit at kumain na lamang.

“Gising ka na pala Jerome, dito ka na maupo at mag-almusal ka na.” Aya ni Mama.

“Sige hon, labas muna ako.” Pagpapaalam ni Papa na parang di man lang ako pinansin.

“Salamat po Ma.” At naupo ako at nagsimulang kumain.

“Ma, bakit po ganun si Papa, nalaman lang nya na ganito ako ay parang nagbago na sya.”

“Hayaan mo na sya anak, nabigla lang yan. Ayaw din sa akin makinig eh. Pero susubukan ko pa din siyang kausapin.”

“Salamat po Ma.”

Hapon na nang umuwi si Papa at halatang ito ay nakainom. Nasa sala ako noon nanunuod ng TV habang si Mama ay nasa kusina. Bigla itong umupo sa malapit sa akin at bigla na lang kinuha ung remote control ng TV na hawak hawak ko at nilipat ang channel na pinapanuod ko. Tahimik lang akong nakaupo at hindi ko alam ang aking gagawin. Ramdam ko na ayaw akong pansinin ni Papa na sana wala na lang ako doon para wala na siyang problema.

Nagpatuloy ang di pagpansin ni Papa sa aking hanggang sa kumakain kami. May mga sinasabi itong alam kong ako ang pinatataman.

“Bakit kasi naging ganyan pa! Walang kwenta.”

“Nakakahiya! Bakit di na lang itinago!”

“Sana naging iba na lang!”

“Sana tumulad sa Kuya nya!”

Sa mga binitiwang salita ni Papa ay lalo akong nanliit sa sarili ko. Hindi ko lang magawang umalis sa hapagkainan at nandoon din si Mama na panay ang sita kay Papa kapag nagsasalita ito ng tungkol sa aking pagiging bakla. Pilit kong pinipigil ang pagtulo ng aking mga luha. Nasasaktan ako dahil nawala na ang Papa na mahal na mahal ako. Ang Papa ko na laging andyan para sa akin. Matapos kumain ay nagpaalam ako kay Mama.

“Ma, doon po muna ako sa aking kwarto.”

“Mabuti naman at umalis na din sa harapan ko ang kahihiyan ng pamilyang ito.” Ang tanging binanggit ni Papa habang papaalis ako.

Pagkarinig ko sa mga sinabing iyon ay hindi ko na napigilang maluha. Hanggang sa narating ko ang aking kwarto at nahiga sa kama ay patuloy ang aking pag iyak. Ganoon na ba talaga kasama ang maging isang bakla?

-----

Walang nagbago sa pakikitungo sa akin ni Papa kinabukasan. Hindi pa rin ako pinapansin at tulad ng kahapon umalis na naman ito at hapon na noong umuwi na lasing na lasing.

“Jerome! Jerome!” Pagtawag nito sa akin.

“Bakit po?”

Isang sapak ang binigay sa akin ni Papa.

“Di ka na nahiya! Bakit ganyan ka? May mali ba akong ginawa sa pagpapalaki ko sa inyo?”

Di na ako nakasagot at napaiyak na lang ako dahil sa mga pangyayari. Inaawat ni Mama si Papa pero di ito nagpapapigil.

“Manamik ka dyan Lorena, anak ko to at pipilitin kong magbago ang kumag na to!”

Pagkasabi nito ay lumapit it sa akin, hintak ang aking t-shirt at hinila ako papunta sa garahe.

“Halika dito at tuturuan kitang makipag suntukan para maging lalaki ka naman!”

“Ma…!”

“Tama na Pa! Nasasaktan si Jerome!”

“Dyan ka lang! Huwag kang makikialam! Babaguhin ko itong anak mo!”

Nakita ko si Mama na kumuha ng cellphone at may tinawagan ito. Hindi ko na narinig ang naging usapan nila Mama at ang kanyang tinawagan sapagkat hinatak na ako ni Papa palabas.

“Ngayon, lumaban ka ng suntukan sa akin. Wala akong pakialam kung masaktan ka pero kailangang maging lalaki ka dahil walang BAKLA sa ating pamilya!”

Pagkasabi nito ay sinuntok ako ni Papa na tumama sa aking balikat. Hindi ko alam kung mabuti na lasing si Papa dahil medyo mahina lang ang kanyang pagsuntok. Biglang lumabas si Mama at iniwat kami.

“Tama na yan Ernest! Jerome umakyat ka na sa kwarto mo.  Ilock mo para di na na maabutan na Papa mo.”

Mabilis akong umalis sa garahe at umakyat sa aking kwarto, nilock ang pinto ang naupo sa kama. Niyakap ko ang aking mga binti ang muli ay umiyak hanggang makatulog.

-----

Isang malakas na katok ang gumising sa akin.

“Jerome! Anak! Si Mama mo ito!  Buksan mo ang pinto at may nangyari sa Kuya mo!”

Sa pagkarinig ko sa pangalan ni Kuya ay nagising ang  buong diwa ko. Parang may malamig na tubig na binuhos sa aking katawan. Agad kong binuksan ang pinto ang tinanong si Mama kung ano ang nangyari.

Hindi ko pa alam ang buong detalye pero ang Kuya mo ay nasa ospital ngayon kritical daw ang lagay. Nauna na ang Papa mo doon at papunta na din ako. Magbihis ka na at sumabay ka na sa akin.

-----

Sa ospital nagpunta agad kami sa may emergency room. Naroon si Papa nakaupo sa may isang sulok at tila naghihintay din ng balita mula sa doktor.

“Kumusta daw ang lagay ni Jomar?” Nag-aalalang pagtatanong ni Mama.

“Wala pa ngang sinasabi ang doctor.”

“Kinakabahan na ako Ernest, ano daw ba kasi ang nangyari?”

“Nabanga daw ung bus na sinasakyan nila ng isang truck na nawalan ng preno at napuruhan ang side kung saan nakaupo si Jomar.”

Biglang bumukas ang pinto ng emergency room at lumabas ang isang doctor.

“Doc, kumusta po ang anak namin?”

“Kayo po ba ang magulang ng pasyente?”

“Oho, ano na ang lagay ni Jomar?”

“Naagapan na namin ang kanyang mga sugat, ngayon stable na sya pero hanggat hindi pa nagigising si Jomar ay hindi pa natin alam ang extent ng damage ng aksidente sa kanya base po sa CT scan ay may mild concussion po sya. Nasa ICU na po sya at within the next hour ay pwede nyo na pong makita si Jomar.” Sabi ng doctor

Nagpasalamat kaming tatlo nina Papa na ligtas na sa panganib si Kuya pero may konting kaba pa din akong nararamdaman di ko alam kung bakit. Halos buong araw din na nakahiga lang si Kuya pero nung bandang pagabi na ay nagising na din ito at ako ang hinanap.

Pumasok ako ng ICU matapos akong magsuot ng lab gown at ng mask.

“Jerome, halika dito.” Mahinang pagtawag ni Kuya sa akin sabay tapik sa gilid ng kama na wari ay pinapaupo ako doon. Kita sa mukha nya na hirap sya sa paggalaw dahil sa sobrang sakit na nararamdaman nya.

Sumunod naman ako at naupo sa pwesto na sinabi nya at nang makaupo ako ay nagsimula ulet itong magsalita.

“Sorry ha kung may mga pagkataon na nawala ako at hindi kita natutulungan sa mga pinagdadaanan mo.”

“Ano ka ba Kuya ayos na ako. Huwag mo nang isipin yun. Ang isipin mo ay ang pagpapagaling mo kasi kailangan ko pa ang Kuya ko.”

“Naalala mo nung nag open ka sa akin at nung…” Di nya masabi yung paghalik ko sa kanya. Ako man ayt biglang nahiya nung naalala ko ang ginawa ko na yun

“Di ako galit sa nagawa mo, alam ko inisip mo na galit ako pero hindi ako galit. Ayaw ko lang na maguluhan ka lalo sa pagtuklas mo ng iyong pagktao. Alam ko at nararamdaman ko naman na hinahangaan mo ako pero magkapatid tayo at sa mata ng lipunan ito ay mali. Pasensya ka na kung lumayo ako at di muna kita kinausap. Sanabi ni Mama na bigla kang nagbago pagtapos noon. Naging matamlay at parang nawalan ng lakas para ipagpatuloy ang buhay. Naikwento din sa akin ang pagtatapat mo kay Semuel at ang paglayo sayo nito. Huwag mo na siyang isipin, ibig sabihin hindi ka ganun kahalaga sa kanya at hindi nya kayang tanggapin ang tunay mong pagkatao. Makakahanap ka din ng taong magpapahalaga sayo at magpaparamdam sayo ng saya ng pagmamahal.”


Tumigil saglit si Kuya sa pagsasalita at napahawak sa kanyang tagiliran na wari ay may iniindang sakit sa parteng iyon. Makalipas ang ilang saglit ay nagpatuloy din ito sa pagsasalita.

“Nasabi din sa akin ni Mama ang naging reaction ni Papa sa nalaman nya, kaya nga ako umuwi kasi alam ko may mga pagkakataon nang nasasaktan ka na ni Papa.  Pasensya ka na Jerome, wala ang Kuya mo na dapat magprotekta sayo. Pero na andito na ako huwag ka nang mag-alala. Mahal na mahal kita bunso.”

“Mahal din naman kita Kuya at maraming salamat.”

“Bukas alam ko uuwi na ako.”

“Basta pagaling ka na Kuya ha. Kailangan kita at wala na akong kakampi.”  At muli tumulo ang aking luha.

“Ok na ako bunso basta wag mong pababayaan sina Mama at Papa at magpapakatatag ka lagi. Marami kaming nagmamahal sayo.”

“Sige na Kuya magpahinga ka na. Tatawagin ko na si Mama para siya muna ang magbantay sayo. Uwi muna ako at kuha lang ako ng damit.”

Lumabas akong tumutulo pa din ang aking mga luha. Masaya ako sa nalaman ko. Hindi galit sa akin si Kuya bagkus ay mahal nya ako. Nakapagdesisyon akong wag munang pumunta doon sa ospital at sa bahay magpalipas ng gabi.

Nagising ako maaga dahil sa walang humpay na pagring ng aking cellphone. Tiningnan ko ang aking cellphone at nakitang alas kwatro pa lang ng umaga at tumatawag na si Mama.

“Hello Ma! Bakit po kayo napatawag?” Napaisip ako kung bakit napatawag si Mama, siguro may ipapadala lang.

“Balik ka na dito…”

“Bakit po may dadalhin pa po ba na kailangan ni Kuya?”

Isang hagulgul lang ang sinagot sa akin ni Mama.

“Ma! Bakit po? Anong po ang nangyari?” Kinakabahan ako sa magiging sagot ni Mama.

“Wala na… Wala na ang Kuya Jomar mo…”

“Hindiii!!”


[may kasunod]

12 comments:

Anonymous said...

.....gnda ng story.....
sna d tlga patay ung kuya nia...

Anonymous said...

medyo sad....pero magnda.............pwede may twist....na d nmn tlga nmtay un kuya nia,,,,pakulo lng nila.....sad kc....ayaw ko mamaty ung kuya nia...

Anonymous said...

very nice story.. more power to the writer.... i hope the next part will be soon

Anonymous said...

damn! bakiiiiit? ang saklap ng buhay niya! BTW nice story, nacacarried away lang ako.

Anonymous said...

shit! nkk iyak nman, ndi q napigilanp 2mulo ang luha q. :'((

Anonymous said...

sxt.. hahah napaiyak aku s2 sobra.. huhuhuh hagul gol aku tae! bat kc kailangan may namamatay ih.. amf

Anonymous said...

Nakakalungkot naman nito, naiiyak ako. nice story.

azlen said...

ang hirap namn ng kalagayan nya kung ganun...ang laki ng impact sa kin nito ng binasa ko ito......sana mai-post agad yung kasunod nito..

Anonymous said...

kakaiyak naman.....

Anonymous said...

Nakaklungkot yung part na 'to binabasa ko din to beside of My Unconditional Love Experience at yung story na yon at ito talagan inaabangan sana more writers na katulad nyo ang sumulat ng story na katulad nito, very light ang love scenes plus yung pgging mlpit nito sa pangyayari sa buhay ng tao, ngging realistic yung stories, KEEP UP THE GOOD WORK!

--- Cedrick

Anonymous said...

“Wala na… Wala na ang Kuya Jomar mo…”

Tumayo balahibo ko nang nabasa ko yan.

Anonymous said...

grabe i cant move on when i read this stories...ive wonder why all the character is need to die and experience the uneasy things...is it a true stories?

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.