vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Thursday, July 28, 2011

ITS Love Story 1 (inactive)

Author: VirtualHeart
Installment 1

Rrrrriiiiinnnnnngggggggggg

“Ay tipaklong kabayo!”


Agad siyang napabalikwas sa kama at agad na nagtungo sa banyo. Binuksan niya ang gripo sa pinakamalakas na pressure at minadali niya ang pagliligo, ‘di alaintana kung may mga libag pang natitira sa kanyang katawan. Buhos buhos sabon shampoo banlaw. Pagkatapis ng tuwalya ay tumakbo agad s’ya pabalik sa kanyang kwarto. Kumuha siya ng faded na maong at pulang t-shirt at agad na isinuot ang mga ito. Agad s’yang nagtungo sa salamin upang suriin ang kanyang getup.




Subalit tulad ng nakagawian, sa bawat araw na ginawa ng Diyos , napatitig na naman siya sa salamin at nagmonologue:


“Hay sana pinaayos man lang ng konti yung ilong ko, matangos nga pero may hati naman sa gitna. Ano ‘to? Cleft nose? Tapos yung kilay ko pa kung saan-saan tumutubo. Tapos ‘yung mata ko masyadong maliit, tapos parang maraming meteorites na tumatama sa mukha, tapos…” 

Hay... ‘Yan ang ating bida. Si Fernando Reyes, Andy for short. 14 years of age at nakatira sa Brgy. Paraiso – kung saan ang paligid ay pinamumugaran ng makikisig na mga Adan at mga Eba . Siya ay mabait, maasikasuhin, palakaibigan (kaya mistula s’yang SK Chairman ‘pag rumarampa sa barangay), MATALINO (lilipat nga s’ya ngayong pasukan sa isang prestihiyosong hayskul sa Manila bilang isang scholar dahil bilib na bilib ang administration sa kanyang performance nung 1st year pa lang s’ya), magaling kumanta at sumayaw, payat, mahirap, insecure, at pangit.


“Hoy ha! Mag-ayos ka diyan!”

Ay nagalit hehe. Sige na nga. Bigyan natin ng discount. Gwapo siya in an exotic, nontraditional manner. ‘Yung tipong pag-aagawan ng mga Amerikanong chatmate. 

“Bastos! Makaalis na nga. Punta na ako kina Sykes.”

“Anak! Kumain ka muna bago umalis,” aya ni Nanay Medel, ang masipag, maalalahanin at relihiyosong nanay ni Andy.

“Mamaya na po nay, tutulong muna ako dun kina Sykes. Late na ata ako e sa paghahanda.”

“O s’ya, basta siguraduhin mong ‘di ka magugutom.”

At lumabas na nga ang ating bida papunta sa bahay ni Sykes na nasa kabilang kanto lang.

“Hello Andy!” bati sa kanya ni Aling Mering, ang butihing may-ari ng numero unong sari-sari store sa kanilang kalye.

“Magandang araw po Aling Mering! Gumaganda ata tayo ngayon!” balik naman ni Andy.

Napangiti naman ang ale para ikubli ang kanyang pag-blush. O ha!

“Uy Andy gumagwapo ka ata ngayon ah!” sabi naman ni Mang Roman, ang matandang may-ari ng talyer.

“Salamat po.” Napayuko na lang s’ya para ikubli ang kanyang pag-bublush. Mas o ha!

“Andy, halika muna dito! May itatanong ako.” Tawag naman ni Ate Rose. Ang may-ari ng parlor at s’yang may-ari ng broadcasting network sa Brgy. Paraiso. Of course joke lang ‘yun. Ang ibig kong sabihin s’ya ang tagalaganap ng balita at chismis sa lugar nila.

“Ay Ate Rose, maya na po tayo magbalitaktakan. Nagmamadali po kasi ako e. Nga pala, sexy kayo ah!”

“Bolero ka talagang bata ka! Kaya favorite kita e!”

At patuloy na naglakad ang ating bida.

Pero circling back to describing him kasi may nakalimutan akong very important detail. Si Andy pala ay isang certified, tatak bakla. Certified and stamped kasi nga alam na ng sangkanayunan na bakla s’ya. Of course kasali na mga magulang niya. Kung pano ‘to lumaganap, eto ang kwento:



ITUTULOY...

3 comments:

Anonymous said...

BITIN NAMAN TONG KWENTO
PART TWO PLSS !
EXCITING EH :)

chiel said...

parang comedy toh ah... nxt chapter na, hehe!!!

Anonymous said...

uu nga chartep to na plzzzz

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.