vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Saturday, March 3, 2012

My Unconditional Love Experience 39: Pagtatraydor

Installment 39
Written and Submitted by: Prince Cedie

"Pagtatraydor"

Makalipas ang ilang araw ay nagulat ako na hindi na nagtetext ng madalas sakin si Van. Nagtataka na din ako nang bigla na lamang parang nakalimutan na niya ako. Sinubukan ko siyang itext at kontakin at nakausap ko naman siya. Sinabi niya sa akin na wala naman daw problema, wala lang daw siyang time para magtext dahil madaming ginagawa. Ngunit hindi ako naniwala, sinabi ko na magkita kame sa darating na Biyernes para magusap at pumayag naman siya. Sinabi niya na kailangan na daw naming tapusin ang lahat. Isasauli na daw niya lahat ng mga gamit na ibinigay ko sa kanya sa araw na iyon at nagulat na lamang ako sa mga biglaang desisyon niyang iyon. Hindi ko na muna ito pinansin at inintay ko na lamang ang araw ng biyernes para kami makapagusap.

Dumating ang araw ng biyernes at nagkatext kami, ayaw niyang makipagkita sa akin at sinasabi na kung pwede bang wag na lamang kaming magkita, hindi ako pumayag kaya't inintay ko siya sa mismong eskwelahan niya para kausapin. Nagmukha akong tanga sa pagaantay ng higit sa dalawang oras hanggang makarating siya. Paglabas nya ay kasama niya ang mga kaklase niya at nagpanggap ako na hindi ko siya kilala at sinundan ko silang magkakaibigan. Nang magkahiwahiwalay sila ay inantay ko siyang magtext at ayun na nga, nagusap kami at isinosoli na niya lahat ng gamit, halos umiyak na ko nun dahil ilang oras ko siyang inantay para pagusapan ang lahat ngunit para sa kanya ay tila balewala na lamang ang lahat. Sinabi niya sa akin, "sino bang nagsabi na magantay ka ng ganun katagal ha? Wag kang gumawa ng eksena dito pwede?" Ibang iba ang kaharap kong Van nung gabing iyon. Ngunit kahit papaano ay napapayag ko pa din naman siyang sumama sa akin. Nagpunta kami sa madalas naming pinupuntahan, sinasabi niya na uuwi din daw agad siya ng alas 10 dahil ihahatid niya ang kaklaseng babae niya pauwe, napakadami niyang dahilan nun, sinasabi pa niya na alam ng kanyang kuya ang gagawin niya ngayon. Nagulat na lamang ako sa mga dahilan niya kaya minabuti kong harapin siya sa mga oras na iyon.

Pagkapasok namin sa pension house na iyon ay nagusap kaagad kami. Itinanong ko kung bakit niya ginagawa iyon, sinabi niya ng diretsahan sa akin, "Gusto na kitang kalimutan, wala na kong nararamdaman sayo at hindi na kita mahal." Umiiyak na ko habang pinakikinggan ang mga masasakit na salita na nanggaling sa kanya. Niyayakap ko siya ngunit napakalamig na ng turing niya sa akin, halos wala na kong pagasa nuon kaya tinanong ko siya, "May nakilala ka na bang iba?". Ang pinakamasakit na sagot na manggagaling sa kanya ang narinig ko mula mismo sa kanyang bibig. "Oo, at ibang iba siya sayo at mahal ko siya." Halos mabaliw na ko sa narinig kong iyon. "Bakit? Bakit mo ginawa sa akin to? Anong masama ang ginawa ko para lokohin mo ko ng ganito Van? Sumagot ka!" Itinutulak ko siya nang mga sandaling iyon at hindi na siya umimik. Akmang kukuhanin na niya ang kanyang mga gamit at nagwikang, "Tama na to, wala nang patutunguhan to, aalis na ko." "HINDI KA AALIS!", pasigaw kong sinabi, hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang mga braso at sumagot naman siya, "bitiwan mo ko nasasaktan na ko tangina Ced!", "Gago ka, ipinagpalit mo ko sa iba sa kabila ng lahat!" sumbat ko naman sa kanya. Itinulak ko siya sa kama at parang nandilim ako at sinakal ko siya, "PAPATAYIN KITA! WALA KANG KWENTA!", tumutulo ang mga luha ko at natigilan ako ng makita kong nagmamakaawa siya na tigilan ko na ang ginagawa ko. Lumakas ang iyak niya at bigla akong tumayo sa aking pagkakapatong sa kanya, tumayo siya at umupo sa sulok habang umiiyak ng malakas. "Pauwiin mo na ko, natatakot na ko sayo, please, pakawalan mo na ko", pagmamakaawa ni Van. "Sorry! Hindi ko sinasadya, please wag kang matakot sakin", papalapit na ko sa kanya pero nanginginig siya sa takot nang hawakan ko siya. Pinakalma ko ang sarili ko habang pinakikinggan ang mga sinasabi niya, "Kung mahal mo ko, pakawalan mo na ko kuya, maawa ka sakin, kakalimutan ko lahat ng nangyari paalisin mo lang ako." Mga ilang pagpapalitan ng salita din ang nangyari sa amin hanggang sa mapakalma siya at makumbinsi ko na bukas na lamang umuwe para makapagpahinga na din siya. Nang naging ok na uli ang sitwasyon ay kinausap ko siya. "Kelan mo nakilala yung lalaki? Anong itsura? Paano kayo nagkita?" Sumagot naman siya, "Sa text lang, nagkita kame after ng ilang araw nitong week lang na ito, siya yung dreamguy ko. Ibang iba siya, nang makita ko pa lang siya ay may naramdaman na agad ako, at ngayon alam kong mahal ko na siya." Sumagot naman ako, "may nangyari sa inyo?" "Oo meron, at di ko pinagsisihan ang mga nangyaring iyon." Nakangiti ako na naluluha habang sumagot, "Ang swerte naman niya, wala na pala talaga tayong pag asang magkabalikan talaga." Nagpatuloy ang paguusap namen at mga ilang sandali ay nagpunta siya ng CR para maghilamos at ayusin ang sarili niya.

Pagkapasok ng CR ni Van ay nakita ko ang kanyang cellphone na nakalapag sa lamesa. Kinuha ko iyon at sinubukang tignan, hindi pa din niya binabago ang password nito kaya nabuksan ko naman agad. Pagtingin ko sa inbox niya ay puro text lamang ng kanyang kapatid ang nandun dahil puro Kuya RJ lang ang pangalan. Ngunit nagtaka ako dahil nang basahin ko ang isang text ay sinabi ng "Kuya RJ" niya na sasamahan daw siya na makipagkita sa akin dahil baka kung ano daw ang mangyari. Nagulat ako, hindi naman alam ng kanyang kapatid ang tungkol sa amin kaya nagtaka ako bakit sasamahan pa niya si Van makipagkita sa akin. Nang sinimulan kong tignan ang phone number ng "Kuya RJ" niya ay parang pamilyar sa akin ito. Kinopya ko ang number na ito at inilagay sa cellphone ko para i-dial. Para kong sinaksak sa puso nang magregister ito sa cellphone sa isang pangalan sa contacts ko, ang "Kuya RJ" sa cellphone ni Van... Si Aaron, ang buddy ko..

Itutuloy..

********************************
Hi Guys,
Napakatagal bago ko naupdate itong blog na ito. Pagpasensyahan niyo na po dahil naging sobrang busy na sa work at marami pang iba. Ayoko na nga sanang tapusin to pero kahit papano ay may mga readers pa din na nangungulit kung kelan magkakaron ng bagong update. Isang chapter na lang po ang natitira at makakasigurado kayo na magiging mahaba ang huling chapter na iyon dahil may mga mangyayari pa matapos ito. Opo, si Aaron po, siya ung six-footer na buddy ko na hinihingan ko ng tulong sa tuwing nagkakalabuan kami ni Van. Abangan niyo na lang po ang magiging huling chapter sa kung ano ang magiging ending ng aking kwento.

Maraming salamat po sa lahat ng nagbasa ng blog kong ito.


-Prince-
.
********************************

14 comments:

Anonymous said...

ang ganda ng story mo sir prince..... saludo ako sayo.....

simula una hanggang magiging huli na eh inabangan ko bawat labas ng story mo hehehe di na nga ako nakakapag work minsan eh hahahahaha.... I hope maging okay ka na sa mga susunod na chapter ng buhay mo sir prince.... =)

btw... humihingi po ako ng patawad sa mga nagawa sayo ng kabaro ko.... pag pray ko na lng sila lalo na yung mga ewan na yun hai.....

Anonymous said...

w0w.. last chapter na po pala.. nice story po and kala ko po d na mag-uupdate.. so sad naman and i think i know the feeling makakayanan natin to..

Anonymous said...

kuia prince galing saludo na ko sau imba ka sana ok k lng ha ang galing mo ha pinaiyak mo ko

Anonymous said...

sa lahat ng nabsa ko ito ang isa sa mag pinaka magandang kwento nabasa ko..... pwedeng pwedeng pang bato sa palanca awards...

Anonymous said...

salamat po sa mga nananatiling sumusubaybay. isang chapter na lang po.. :)

-prince

Anonymous said...

sobrang nasaktan ako sa pagsubaybay sa stroy mo cedie...nalala ko ung relasyon ko for the past 6yrs...ganyang ganyan tlga..up to naiiyak ako pag naalala ko pero wla ako magawa i have to move on... until now my emptyness sa buhay ko pero wla ako magagawa eh...eto ang buhay ko eh..buhay ng isang bi....sa blog na to i hope mgkaron ako ng mga kaibigan whom i can share my emptiness at ung lungkot ko sa buhay...pls txt me i hope magkaron ako ng mga kaibigang pede kong mksama sa oag iisa ko...09193550359/09051345049....salamat...edward from laguna

Anonymous said...

nka2relate ako sa story mo, prang ganyan din un sakin! ung 'kuya' ko nman gumawa nian sakin, magiging ok din ang lahat! nice story prince.

Anonymous said...

Tragic naman ng love story mo prince cedie.. Ilang gabi kong iniyakan to.. Be strong.. Btw, ECE k b?..

Prince Cedie said...

Bakit nio po natanong kung ECE ako?

-prince.

Btw, napost ko na po yung last chapter. Wait na lang po na mapost dito sa PMS. =)

Anonymous said...

sana ma kilala ko ung author..ngaun lang ako nakapagbasa ng ganitong story and na enjoy ko naman..mukhang marami akong matututunan dito ah ^_^ author me blog po ba kayo??

-allan

Anonymous said...

ang ganda tlaga nito..kht ulit ulitin qng basahin nd nkakasawa..nkaka antig dn ng puso!ang galing mu kuya ced i salute u..sana mkahanap aq ng kaibgan like u

Anonymous said...

Kuya Cedie, MARAMING SALAMAT talaga sa pagbahagi ng kwento n'yo. Naaawa talaga ako sa inyo. Gayun pa man, h'wag n'yo lang pong kalimutang sambitin ang Panginoon, huminge ng tawad at magpasalamat sa lahat. Ika nga, me dahilan ang lahat. Saludo ako sa pagmamahal mo. Ba't kaya ang mga nagmamahal na katulad n'yo ay kadalasang pagdadaanan 'to? Pero h'wag po kayong mag-alala kasi may plano ang Panginoong nakalaan para sa inyo po. Hindi isang malaking kawalan si Van, sadyang umiibig lang po kayo. Lagi n'yo lang pong tandaan na kelanman, na kahit iniwan ka na ni Van, ay hindi ka naman iniwang ng Diyos. God speed and pray everyday, Kuya Cedie!

hanz18 said...

Love is 4 veryone, di kaylangan mamili ka ng gender o estado sa buhay ...sa life di pera ang magmamahal o yung init ng laman ang pinaiiral.... puso at buonh pagkatao ang kaylamngan para makahanap ng tunay na magmamahal... di yung tulad ng iba na di makuntento sa iba... makita lang na good looking pinagpapalit ang yung tunay na nagmamahal, kadalasan nangyayari yan sa mga bi... guapo, kakisigan, yung may dating...yun yung kahinaan ng ilang mga bi madali matukso... i've been failed for 3 times for trusting bi's... nawalan nako ng tiwala 2loy but still hoping na may makikilala pako na sincere at pure yung intension...malaki na realize ko sa story na2 so thankful that i red this wonderful story....hope so na may dumating sa life ko na masasabi ko na.... youre my true friend forever..... still hoping 09161647522 im hanz

Anonymous said...

Yes may blog po ako.
Princecedie.blogspot.com

-cedie

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.