vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Monday, March 5, 2012

Beautiful Days 1

Chapter 1
Written and submitted by aviruz

Ang sarap ng simoy ng hangin… Napakalamig at animoy tumatagos sa aking kalamnan. Puno ng luntiang damo ang malawak na kapaligiran, rinig ko ang mumunting lagaslas ng tubig mula sa batis. Sinisipi ko ng mabuti ang paligid, kaaya-ayang pakinggan ang huni ng mga ibon. Ang sinag ng araw na tumatama sa mga butil ng hamog ay nagmimistulang kristal sa ningning. May ganito pala talagang lugar, ang nasambit ko sa pagka mangha.

Teka, bakit nga ba ako nandito?

Nasaan ang mga tao?

Luminga linga ako at may natanaw sa di kalayuan. Sino kaya sya? Marahan kong tinungo ang kanyang kinalalagyan. Nakaputi, nakakasilaw, kita ang kakisigan ng kanyang tindig kahit nakatalikod sya sa akin.

Hi! Sino ka?

Dahan dahan syang lumingon, Malabo ang kanyang mukha, ngunit aninag na napakaamo nito. Napaka pula ng kanyang mga labi, na kumikinang pa dahil sa sinag ng araw.

Dahan-dahan syang nagsalita…
You have a call…
Huh?! Taka kong sabi.
You have a call…
You have a call… ring ring ring…
“Stop ka na ngang alarm ka!”. Gigil kong pagpindot sa cellphone.
Haaaaaaaaaaaaaaaaayst… Bwiset naman!!!
Wrong timing! Kahit kelan. Arg……..
Maaga pa naman, 10 minutes more, bitin!!!…
………………………………………..
Bigla akong napabalikwas sa kama at tiningnan ang oras…
“Anak ng…. 6:20 na!”
Namumutla akong kumaripas sa bathroom.
“Patay patay patay” 7:00am alis ng service papuntang Lung Center of the Philippines.
Alam mo na kasing may duty ka, takaw tulog ka pa!
Tingnan mo yan! Late na’t lahat lahat, nakuha pa ring magmakabagal sa paliligo.
Ganun talaga, that’s me! Bulong sa sarili.

Tok! Tok! Tok!

Mahal na prinsesa kong ate, gising na po.

I’m late for school! Alis na ako.

Mga quarter to 7:00 ng akoy makaalis sa bahay.
Golly wow!!! 30 mins ang byahe papuntang school. Baka maiwan ako.
Pero hindi yan! Nasa akin ang time card ng grupo. At ako ang leader,
pagpapakalma sa sarili.
You have a message…
Pagtingin ko sa phone ko,
“Vinz, nsan kn? Kompleto n kmi, bka maiwan k. Dito na rn ung dragon nateng
C.I.”
My gulay!!!
“oo nanjan na, w8 lng.”
7:05 na sa relo ko.
“ui, paalis na bus! Nasan knb?”, muling message ni Jane.
“I will be there in 5 mins”. reply ko.
Manong, pde ba paliparin niyo na to? Just go to settings, avtivate Super sonic
speed machine!  Im so late, maiiwan na ako ng service!
Taranta kong sabi sa driver.
Ngiti lang ang binalik niya saken.
7:10 na nung muli akong tumingin sa relo.
You have a call…
“uy, hello jane”
“Vinz! Nasan ka naba? Nakaalis na bus, but we’re still here sa petron,
nagpapagas, baka makahabol ka pa!”
“Lakas ng trip mo!”sagot ko.
“Tatawagan ba kita kung trip lang to?”
“ Hoy junjun, nasan kana?,Vinz ung DTR namen?” sigaw ng mga kagrupo ko.
“Oook sssssige na, thanks!”, garalgal kong sabi, sabay baba ng cellphone.
Pagkababa ko ng sasakyan, dali dali akong tumakbo sa parking, still hoping na
nandun pa ang bus at niloloko lang ako ng groupmates ko. Pero laking dismaya,
wala na nga sila.
I cant believe this!!! They really left me!
Ano gagawin ko? Hindi ako pwedeng humabol, nasa rules yun.
Bali-balitang Fire-breathing Dragon yung C.I namin ngayon.
Anak ng lintik, matutusta ako nito!
Kaya yan ng powers ko, kapag bumuga, pwede namang umiwas! Sabay tawa.
Hayssst! Make-up duty tuloy ako ng wala sa oras.
Napagdesisyunan kong tumambay muna sa may pathway, magmamasid ng mga
estudyanteng dumadaan.
Pampalipas oras.
Ako nga pala si Vinz, 3rd  year Nursing student sa isang kilalang Medical
University dito sa Laguna.Single and ready to mingle. Medyo may kaputian,may
mapupulang labi, pinkish cheeks at cute na dimples kapag ngumingiti. Halos lahat
ng kakilala ko dito sa school, sinasabing napaka suplado ko. Hindi naman talaga
ako palakausap kapag hindi ko kilala ang tao. Casual Hi, hello, ganun lang.
Pagdating sa Academics, masasabi kong may ibubuga naman. Top 7 overall ranking
ung highest achievement ko so far, out of 20 sections. About sa lovelife,
hmmmmn, behave ako eh… Sa pagka snobero ko, walang naglalakas loob. May ilang
babaeng nagparamdam, pero snob parin ako.
Nasa isang sulok ako ng pasilyo, nagmumuni-muni, Kasiya-siyang pinagmamasdan at
pinagtatawanan ang mga dumadaan, sari-saring mukha, sari-saring reaksyon ang
nakikita ko. Nandyan na ang mga halos madapa sa kakamadali, ang iba naman parang
nasa parke at namamasyal. Pinagmamasdan ko ang mga kurba ng katawan, may mga
mukhang bulate (yung sa M.I.B, yung humihingi ng kape, hahaha), meron mukhang
hippo,barako, inahing baboy at kung anu-ano pa. Syempre hindi mawawala ang
kanais-nais na view, mga gwapo at maganda. Hindi ko tuloy maiwasang
magreminisce.
Biglang sumagi sa isip ko si Gab, hindi ko siya masisilayan at makukulit ngayon,
dalawa lang kaming lalaki sa grupo, yung natitirang sampu, puro babae na. Isa si
Gab sa pinaka kilalang lalaki sa campus, Mr. University 2008 ba naman.
2nd year kami, election ng class officers, section 1 sya at ako naman section 2.
Magkasama ang sections namin tuwing major subject.
Una ko siyang nasulyapan ng binoto sya bilang Escort.
Hindi na naalis ang paningin ko sa kanya.
At noong araw na iyon, isinumpa ko na makikilala ko sya.
--------------------------------------
October is our Nurse’s week, busing-busy sila, sila lang! Kasi hindi naman ako
sumali sa kahit na anong event. Hindi ko lang feel, unlike when I was in High
School, halos lahat sinasalihan ko. Mapa sports, essay, quiz bee, speech choir,
basta, bibbo kid ako. 
Habang naglalakad ako sa pasilyo papuntang gym upang manood ng cheerdance,
May nasagap ang aking radar.
Parang nasisiyahan ako sa nakikita ko banda banda doon, sabi ng aking mga
mata!!!
Totoo, sumang ayon naman isip ko… Bigla akong kinabahan habang papalapit sa
nakikita ko.
Nakacourse T-shirt ako na yellow, maong pants, rubber shoes at shades, tanghali
kasi.
Yung escort ng section 1! Nakapolo shirt at skinny jeans.
Moreno, matangos ang ilong, chinitong mga mata, makinis na balat at killer
smile!
Mala Coco Martin ang mokong na to.
Magkakasalubong kami…
This is it!
Tyempong pag alis ko ng shades, mga ilang dipa rin ang layo namin sa isat-isa.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nagtama ang aming mga mata.
Tumigil talaga ang buong UNIVERSE sa tagpong iyon.
Dahan-dahan ang bawat sandali, mistulang may naglalaglagang cherry blossoms sa
paligid kasabay ng pag-ihip ng hangin.

Just walkin’ around the alley
To see all the beauty around me
I’ve been to many places
To find me some solace
Then I took one glance
It stopped me and caught my attention
When you look at me
I felt my knees weaken
How could I miss those eyes
That melt my heart away
You got a smile that brightens
Till the end of the day
With a silence you get closer
I catch my breath
I catch my breath
You’re an angel in disguise
So perfect
So perfect love
I wanted this on my life…

Animoy cellphone na nagbavibrate ang panginginig ng tuhod ko. Para akong battery
na na-overcharge at gustong sumambulat. Ganun pala ang feeling! Syempre hindi ko
pinahalata!
Biglang nagraise to the 10th power ang kabog ng aking dibdib ng masilayan ko ang
mumunting ngiti habang nakatingin siya sa akin! Putek! I hate this…

Nothing in life
Holds more power than your smile
I can't describe it,
Even harder to define
Your breath, it soothes me
Your smile, it moves me
Gotta move in, closer to you now.
Nothing can come between us
Nothing can separate us
Nothing can ever break us apart
Well, it only shows
That nothing can keep us from getting close.

Tama na! Ano bang parusa to? Ayaw ko ng ganito!
--------------------------------------------------
Lumipas ang buong semester ng matiwasay.
Magrereshuffle nanaman ng section.
Hinanap ko ang pangalan ko sa bulletin.
Oooooops!
Section 2 parin ako,
May kilala pa ba ako dito? Kinikilatis bawat pangalan, ng biglang…
Goodness! Is this for real?
Pinikit pikit ko ang mga mata upang tiyaking tama ang nakikita ko, muli,
tiningnan ko ang section,
“2”,
“Vinz Bartolaso”, turo sa pangalan at malaking tsek!
Pero parang may mali, ngunit nasisiyahan ako sa nakikita ko.
Ngumiti ako ng pagkatindi-tindi…
At napasigaw ng
YES!
Tinginan naman ang ibang nasa paligid. May ilan akong kakilala na nakatingin
saken,
“Masaya lang, may problema?!”
“Wala! Kahit kelan ka talaga Vinz”, sagot ng isang pamilyar na boses sa
likod ko.
Ano nanamang drama yan? Agaw eksena! Ganun?, dagdag pa niya.
“Whatever yaya, you’re such a terrible loser!” sagot ko.
Kamusta naman ang prinsesa ng mga bookworm?, tanong ko kay Camille-Ang overall
top 1.
Cant you see? Still alluring and stunningly gorgeous, sabay hawi sa buhok.
Oo nga! buti pa yang buhok mo, pang aasar ko.
Bwiset ka talaga! Patampo niyang sabi, at tumalikod.
Ganun ha, tahimik akong lumapit sa likod niya.
Bigla kong tinusok ang magkabila niyang tagiliran,
sabay pa ng pagpadyak ng paa at sigaw ng
“boo!!!”.
Tuwang tuwa ako sa pag-igtad nia at pagkagulat…
Manginig-nginig ako sa kakatawa.
Maraming hampas ang iginawad niya sa balikat ko.
Maya-maya pa ay……..
Isang malakas na kurot ang naramdaman ko at
“araaaaaaaaaaaay!”
Napalingon ang mga estuyante sa hallway, napatigil kaming dalawa, inayos ang
sarili at naglakad na parang walang nangyari.
Ikaw kasi!!!, sisi niya saken.
Oo na oo na!, napabungisngis muli ako.
Naglakad kami ng wala pang patutunguhan.
Palinga-linga ako, na di mawari kung may hinahanap. Hindi ko alam kung bakit,
pero parang may hinahanap ang aking mga mata.
Nakuha mo na grades mo?
Not yet, tara dun tayo sa Dean’s office, aya niya.
Sinimulan naming tuntunin ang kinaroroonan ng Dean’s Office.
Ewan ko ba, parang may kulang talaga. Tuloy ang aming paglalakad, malalim pa rin
ang aking iniisip, pero wala naming pumapasok sa isip ko. Emo lang ata.
Sa di kalayuan, naaaninag ko na may makakasalubong ako, ngunit alam ko naman na
sya ang tatabi.
Blag! Napaupo ako sa sahig, napahawak sa ulo,
“ARAAAAAAAAAY” ayun na lang ang tanging nasambit ko.
Para akong bumangga sa glass door. Napaupo ako dahil may pwersa ang
pagkakabangga, tila ba sinadya.
“Anlawak ng daan eh no, kailangan talaga namamangga? Bwiset! Eh kung ikaw kaya
banggain ko ng ganun?”, inis kong sabi.
Napatigil si Camille,
Hoy Gab! anong trip yan at namamangga ka?
Dapat ako nalang binangga mo, wika nya na may kilig.
Gab? Huh?, pagtataka ko.
Dahan dahan akong tumayo at pinagmasdan ang bumangga saken mula paa hanggang
ulo.
Ooooops! Sya nga! Bigla naman akong namula.
Hindi ko alam kung dahil sa inis, sa kilig, o sa hiya dahil sa nasabi ko.
Binaling ko na lang ang galit ko kay Camille,
Haliparot ka! Nasaktan na ako’t lahat lahat, nakuha mo pang lumandi.
Ok ka lang naman di ba? Wag ka ngang OA Vinz Bartolaso, pagtatanggol niyang
sabi.
At ikaw naman!!! bumaling ako kay Gab.
Sa tingin mo hindi ka nakakasakit?!!!
Ngumiti lang siya.
“Mukha kasing malalim ang iniisip mo tol, alam kong mababangga ka, kaya ako
nalang bumangga sayo para matauhan ka”, pagpapaliwanag ng lalaking kaharap ko.
Hindi ko alam kung maiinis ako sa sinabi niya, o matutuwa, o kikiligin o kung
ano pa mang feelings ang pwede. Ngunit umiral pa rin ang pagkamaldito ko,
“So, kelangan ko pa palang magthank you? Salamat ha? pilit ko siyang
nginitian.
Pero kelangan pa talagang manakit? Ayos rin yung style mo ha!
Ikaw na nga tinulungan. Angas mo ah. Seryoso ang mukha niya. (Ang cute)
Panandalian naman akong natulala.
Tara na nga!
inabot ko ang braso ko kay Camille na tinugunan naman niya ng pag-angkla dito,
at binilisan ang lakad.
See you around Gab, pahabol ni Camille.
Makasee you around ka ha,
Tiningnan ko ng masama si Camz…
Oh bakit? Tanong niya.
Ikaw! Kung makabuo ka ng pangalan kanina, sana sinama mo pati middle name.
Hahaha, peace!, sabay pagpapacute niya.
Bakit ka daw niya binangga? Para matauhan? Pag-uusisat ni Camz.
Ay! Wala kaba sa eksena kanina? Bingi bingi? Tugon ko.
Eh baka mamaya iba pagkakarinig ko, explain niya.
“Sige!” excited niyang sabi.
“ Susubukan ko rin yan minsan, effective eh”, maharot niyang pahayag.
Sabay kameng nagtawanan.
Oo, mas the best kung sa may dulo ng hallway, ung sa may hagdan?, tawa kong
sabi.
Magpapakahulog ako, tapos may sasalo saken, yeeeeeeeh, wika niyang may kilig.
Eh pano kung malaShrek ang sumalo sayo? Edi ikaw si Fiona? Maloko kong asar.
Panira ka talaga! Asar niyang sagot.
Hindi ba kayo close?, si Camz
Hindi, with capital H.
Nandito na tayo!
Dumating kami sa Dean at kinuha ang grades…
O tara na, may lakad kapaba? Tanong ko.
Punta pa akong SBO, doon ako tatambay, si Camz.
O sige una na ako, I want to rest, nahihilo ako.
Bye Camille Montanilla, I hate you so much.
Bye Vinz Bartolaso, madapa ka sana, hate you too.
--------------------------------------
Nagbakasyon ako sa bahay namin sa Antipolo.Namiss ko ang malamig na klima dito.
Ansarap matulog, puro tulog at pagpapahinga lang ang ginawa ko.
Minsan lumalabas para makita ang mga High School Friends, kwentuhan, inuman at
nagswimming kami sa malapit na overlooking resort. Masaya ang barkada, apat na
lalaki at apat din na babae, syempre halos lahat sa grupo hilig kumanta kaya
hindi mawawala ang paborito ng barkada,
videoke!!!

Please hear me out my friend
I've something to say that's from within
It's a last memory, try to think back
I'll help you see…
All of those nights we shared
All of those days you were there
I just wanna love you forevermore
And I wanna hold you just like before
And maybe someday, we might just find a way
And we can love forevermore…
If I could turn back time
I would have never let you go
And you would still be mine
But here I am crying all alone
All of the LOVE we shared
All of the TIME you were there
I just wanna love you forevermore
And I wanna hold you just like before
And maybe someday, we might just find a way
And we can love forevermore…
Oh I'm lost without you
Oh tell me what should I do,
Now that you're gone...
I can't go on alone
I'm a lonely man,
I need you again……
I just wanna love you forevermore
And I wanna hold you just like before
And maybe someday, we might just find a way
And we can love forevermore…
Yeah…

Banat ko sa Videoke.
------------------------------------------------------------------------------------
Lumipas ang sembreak.
Balik Laguna nanaman.
Pagkabalik na pagkabalik ko, inasikaso ko na ang pag eenrol.
Simula First year, ako na nag-aasikaso ng mga ganitong bagay, I need to be
Independent, para masanay.
Dumating ang pasukan, nagpalate ako, kasi as expected puro introduction lang
naman. Mga kaartihang introduce yourself, course outline and bla bla bla,
Hinanap ko ang room, medyo nagtanong tanong pa ako, kasi first time na sa
College building ang room assignment.
Excuse me, where is LH1? Tanong ko sa guard ng College bldg.
Just go straight, turn to your right, you will see a big room, that’s it,
tugon niya.
Sosyal si ateng guard, bulong ko sa sarili…
Thank you so much, sabay ngiti.
Nakita ko naman agad yung room.
Parang ang seryoso ng mga nasa loob, nakikinig at nakatutok sa bawat sinasabi ng
nasa harapan. May nakaflash sa projector. Tanaw ko ang mga kaganapan mula sa
labas ng room.
Hala! Bakit may lecture? Tanong ko sa sarili.
Dali-dali akong pumunta sa backdoor, ngunit nakalock.
Nang mapansin ng estudyanteng malapit sa pinto na binubuksan ko,
kinatok niya ang bintana at tinuro ang main door.
Wala akong magawa kundi doon pumasok.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, mistulang magnanakaw.
Ngunit napansin pa rin ako…
Napatingin lahat saken, namula ako at ngumiti nalang.
“Sorry am late”, at dali-daling humanap ng mauupuan.
May nakita akong dalawang bakanteng silya sa unahan.
Hayst, grabeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeh!
Hooooh!
Para akong inihaw sa init.
Nagpaypay ako, dahil kahit may aircon, sobrang init parin ng pakiramdam ko.
Makalipas ang ilang minuto, bumukas muli ang pinto,
dahan-dahan, katulad na katulad ng pagbukas ko.
Hindi ko na tinignan kung sino, kasi alam ko ang feeling.
So pinagpatuloy ko lang ang pakikinig ng lecture.
Narinig ko ang tinig ng pumasok sa pinto,
nagsorry din siya, nangiti ako kasi hindi ako ang pinakalate.
Naramdaman ko nalang na sa tabi ko siya umupo…
Nag goodmorning sya.
Ayaw ko sana pansinin, pero parang may bumubulong sa akin na lumingon ka.
Dahan-dahan kong nilingon ang tao sa tabi ko…

itutuloy...

8 comments:

Anonymous said...

More!!!

Anonymous said...

ang gulo.... in fairness ndi ko masyado magets... hehehehe ndi ko malaman kung anu na ung eksena.

Anonymous said...

Sana gumawa ka nalang ng blog mo. Wala manlang exciting sa post na to. Bwiset.

Anonymous said...

Tsk,ganito ang gxto q!Hahaha, pambagetz!

Anonymous said...

wow.im also a nursing student n107 na ako. . .hehehe! ka relate much!hahaha.lol

Jomar mallong said...

Sarap

Anonymous said...

NEXT CHAPTER, please? Pakiusap.

Anonymous said...

an tagal ng continuation ..

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.