vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Wednesday, January 4, 2012

My Unconditional Love Experience 34: Author's Christmas Message (2nd Commercial and Fast Forward)

Installment 34
Written and Submitted by: Prince Cedie

"Author's Christmas Message"


December 25, 2011

Hi guys,

Hindi po ako makakapagpost ngayong araw na ito ng isang panibagong chapter kaya mag share na lang muna ko ng mga nangyayari sa akin kasalakuyan tutal halos malapit na ding umabot sa present time ang kwento ko.


Unang una ay gusto ko po kayong batiin lahat ng Merry Christmas. Sana po ay maging masaya ang Pasko niyo kasama ang mga taong mahalaga sa inyong buhay - pamilya, mga iba pang kamaganak at mga kaibigan. Para sa akin po, ang Pasko ngayon ay pinaghalong lungkot at saya.

Mag iisang buwan na kaming hindi nagkikita ni Van. Hindi ko alam kung naaalala niya pa ba ako o talagang kinalimutan niya ako. Tinext ko siya ng eksaktong 12 am ng araw ng Pasko para batiin siya ng Merry Christmas at namimiss ko na siya at sana hindi niya ko nakakalimutan. Ang tanging reply lang na natanggap ko is "merry christmas din. tc."

Sadyang kay lungkot lang talaga siguro ng mga pangyayari at hindi mo inaasahan na sa ganito magtatapos ang istorya namen ni Van. Hindi ko din alam kung may kadugtong pa ba ang istorya namen ni Van. Kung magiging magkaibigan ba kame uli o talagang magmimistulang isang taong sadyang dumaan lamang sa buhay ko para magbigay ng iba't ibang alaala. Kahit papaano naman ay masaya pa din ako dahil kumpleto pa din ang pamilya ko ngayong Pasko. Habang nagsisimba kame at nang tumugtog ang Ama Namin ay hindi ko napigilang mapaluha sa mga nangyari. Sa lahat kasi ng mga nangyari sa amin ni Van ay hindi namen nagawa na magsimba ng magkasama kahit isang beses man lang. Yung tipong nakaupo lang kami, magkatabi habang nakikinig ng misa at pag nagsimula na ang Ama Namin ay maghahawak kame ng kamay ng walang halong malisya sa tingin ng ibang tao. Habang kumakanta ay hindi ko nga napigilang may tumulong luha sa aking mga pisngi ngunit naitago ko naman ang mukha ko sa Mama ko at wala namang nakakita sa akin. Pilit kong sinusubukang maging okay ako sa paningin ng mga magulang ko kahit alam ko naman sa sarili ko na sadyang may kulang.

Sabi nila, ang Pasko daw ay ang pagbibigay ng pagmamahal sa lahat ng taong mahalaga sa iyo. Ngayong Pasko ay marami akong binigyan ng regalo, andiyan ang pamangkin ko, ang mga pinsan ko, mga kapatid ko at mga magulang ko. Masaya ako na nakikita ko sa mga mukha nila ang ngiti at saya na dulot ng simpleng gawain kong ito. Wala akong natanggap kahit na isang regalo kahit sa mga magulang ko pero ayos lang naman sakin dahil "It's the spirit of giving" naman talaga diba.

Minsan naisip ko din, bakit kaya isa ako sa mga tao na naging ganito. Hindi mo alam kung kanino ka tatakbo sa lahat ng nangyayari. Malungkot, masakit at talagang hindi maipaliwanag ang bigat sa kalooban ng mga nangyayari sa akin ngayon dahil wala naman ako talagang malapitan o makausap ng personal sa mga hinanakit ko. Ang tanging hiling ko lang sana ngayong Pasko ay maging masaya, ngunit sabi nila, hindi naman lahat ng hiling natin ay natutupad. Sa maniwala man kayo o sa hindi ay umiiyak ako ngayon habang sinusulat ang mga ito. Tanging sa ganito ko na lamang kasi naihahayag ang mga saloobin ko sa lahat ng nangyayari sa akin kaya sa tuwing may oras ay sinusubukan kong mag let out ng feelings sa blog.

Sa mga taong katulad ko na may minamahal, wag niyong hayaan na magkaroon kayo ng problema ng taong mahalaga sa inyo. Habang maaga ay ayusin niyo palagi ang mga simpleng tampuhan o mga away niyo dahil hindi niyo masasabi kung hanggang kelan niyo pwedeng makasama ang lahat ng mga taong mahalaga sa inyo. Samantalahin niyo ang oras na maging masaya sa piling ng isa't isa dahil hindi naten masasabi kung hanggang kelan ba talaga kayo magkakasama. Sa totoo lang nagkaron ako ng tampo sa Diyos eh. Bakit niya kailangan na ibigay sa akin ang mga taong mamahalin ko ng buo tapos bigla naman niyang babawiin o aalisin sa akin. Sinasabi nila na isa itong pagsubok, pero sa mga nangyayari sa akin ay hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba. Minsan nga nagdasal na lang ako na sana kuhanin na lang niya ko isang araw, na sana pagkatulog ko ay hindi na ako muling magising pa. Alam kong kasalanan yun pero iyon ang nararamdaman ko sa bawat araw na pinipilit kong maging ok.

Ang huling bilin niya sakin nun, "Kuya pakatatag ka kahit wala na ako ha, mahalaga ka pa din naman saken eh." Hindi ko alam kung ano bang iisipin ko, sa mga ginagawa niya ngayon ay hindi ko na maramdaman kung may halaga pa ba sa kanya lahat ng pinagsamahan namen. Oo alam ko na gusto niyang bumalik na sa dati kaya ko siya pinakawalan. Mali ba ang ginawa ko? Na pinatunayan ko na mahal na mahal ko siya sa pamamagitan ng pagpapalaya ko sa kanya? Na dahil sa sarili kong gawain ay ako naman ang nagdurusa ngayon? Sana isang araw malinawan din siya na wala naman akong tanging hangad kundi maging masaya talaga siya at hindi mapahamak.

Van, alam mo kung sino ka. Kung nababasa mo man ito, gusto kong malaman mo na miss na miss na kita. Yung mga tawanan naten, mga kulitan at kahit mga tampuhan at away naten naaalala ko. Wala na kong matawag na bunso, wala na kong napagsasabihan. Ang sakit nung sinabi mo saken na, "Wag mo na kong bantayan, kaya ko na sarili ko!" Hindi ko alam kung may puwang pa ba sa puso mo na bumalik bilang kaibigan ko. Hanggang ngayon ay nandito pa din ako naghihintay na bumalik siya at maging okay sa amin ang lahat. Sabi nila lahat ng tao nagbabago, hindi mo masasabi kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isip nila, pero sana kahit papaano ay sundin niya ang puso niya, kung sinasabi ng puso niya na kalimutan na talaga ko, wala na siguro akong magagawa kundi tanggapin ito. Hindi ko lang alam kung papaano ko tatanggapin ang lahat ng nangyari.

Ang tanging hangad ko lang naman talaga ay ang maging masaya sa buhay. Ang gumising tuwing umaga ng nakangiti at masigla. Sana hindi na dumating yung panahon na bumalik ako sa dati na naghahanap ng pagmamahal kung kani kanino sa pamamagitan ng pakikipagmeet up at gagawa ng kung anong kamunduhan. Sana isang araw maging okay ang lahat. Mahirap man, ngunit umaasa pa din ako sa isang masayang ending.

Sa inyong lahat na readers, salamat sa patuloy na pagbabasa ng blog ko, sana kahit papano ay may mga natutunan kayo at sana nagenjoy din kayo sa pagbabasa. Medyo malapit ko ng matapos yung istorya ngayong taon na ito. Abangan niyo po kung ano ang mga nangyari kung bakit humantong ang lahat sa ganito. Itutuloy ko na po uli sa susunod na mga chapters ang kwento ko.

Maraming salamat po at Merry Christmas sa inyong lahat.

Cedie..

7 comments:

Anonymous said...

Awwyy.. Ang ganda ng story sa too lang ay ayokong nagbababasa ng mahahabang chapters pero sa ganda po ng soty mo nasubaybayan ko to.. hahaha... alam kong malungkot ka po pero everything happens for a reason and keep an open mind and heart for everything... coz u may not know na may naghihintay pero di mo po napapansin kasi nakatuon ang attention mo sa isa.. ^^

NK said...

im not a big fan of m2m erotic stories even if im a bisexual, but some catches my interest like your story. its kind of same like mine but the thing is i dont go desperate like its the end of the world, Yes the feeling of being in love is amazing however being hurt is normal, arguments, misunderstandings its part of the relationship and you dont know what could be the outcome. Anyways i like your love story with Van, but made me sad when you guys split thought it could lead to a happy relationship, but be happy and learn from it. cheer up and god bless ced...

Anonymous said...

wawa naman c cedie. pwedeng akin ka na lang... i never had the same experience of yours but we have the same feeling were going through this thing called "emptiness" you are so much lucky compared to me you experienced being love by some one me i never been in that situation...pwedeng ako na lang... i know how you felt by this thing called sexual discrimination..ang hirap kaya, lalo na if you dont have somebody to lean on during our darkest our... sana we can start from here hehehe call me kazuki heres my number +639099121381 text me if you need someone to talk to i will be here for you

Prince Cedie said...

salamat sa mga comments nio..

Anonymous said...

hi cedie
you a great writer talaga..
dont lose hope ok?

--reg

Anonymous said...

Hello Cedie

Alam mo naiinggit ako kay Van kasi nakahanap siya ng kuyang katulad mo.. kung ako sa kanya di kita iiwan.. kasi dama ko ang pagmamahal mo sa kanya..

Ano ba yan?? Siguro, i just want to tell you na sana makahanap ako ng kuyang katulad mo.. ganyang klaseng kuya ang hinahanap ko ehh..

Anyway, call me Sid. 17 years old from Bulacan..

J.M. said...

.Cheer up prince.,
.nde qo pa alam angtlgang nanyari sa inyo., isipin mu nlang na atleast napakita mu kung gano mu xa kamahal. Kung gus2 na nyang mag settle d0wn let him, ung ang ikasasaya diba?
.nde un katangahan. Un ang pagmamahal.,
.cguro kea xa bnigay sau ng diyos para maiba na ang landas mu., kea wag ka ng bumalik sa gagong cedie.,
.,mag hntay ka lang, God is just writing the best L0VE ST0RY for you.,
.,m0re p0wer and God Bless.,

.,gux2 mu ng karamay tara masaya d2 sa b.hauz namen.in0m tau ng mga cm8 qo.
.hehe.,

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.