vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Tuesday, December 13, 2011

Waiting for Tomorrow 8


Mabilis akong nakarating ng ospital. Agad kong hinahanap sila Mama. Nakita ko silang andun sa morgue kasama ang malamig na katawan ni Kuya na natatakpan ng puting tela. Hindi ko na napigilang iangat ang tela at tingnan ang mukha ni Kuya.

“Kuya! Bakit? Akala ko ba uuwi ka na ngayon? Akala ko ba di mo ako iiwan?” Sunod-sunod kong mga tanong habang niyayakap at inuuga ko ang kanyang malamig na bangkay.


Nasa tabi ko lang si Mama nakaakbay sa akin. Mugto ang mata halatang matagal na ang pag iyak nito. Unti-unti kong binalik ang takip sa katawan ni Kuya at kinausap ko si Mama.

“Ma, ano po bang nangyari? Kagabi akala ko ay maayos na siya?”

“Multiple organ failure daw ayun sa doctor. Mula nung umalis ka ay naging unstable na ang Kuya mo, biglang nawawala ang BP o kaya naman ay bigla itong tumataas. Sabi ng doctor posible daw ito dahil sa trauma sa na inabot ng katawan nya dahil sa aksidente.” Pagkasabi nito ay niyakap ako ni Mama at napahagulgol na lang ako.

“Ma, si Papa po?”

“Nakikipag-usap na doon sa funeral parlor na pagdadalhan sa Kuya mo, pabalik na din yun dito.”

Sa isang malapit na memorial chapel dinala ang mga labi ni Kuya. Ayon kina Mama at Papa ay apat na araw mananatili ang mga labi ni Kuya doon bago ito ibabyahe pauwing Bicol. Napagkasunduan na kasi nila na doon na lamang ilibing si Kuya kasama ng iba pang mga yumaong kamag-anak ni Mama.

Kompleto kaming tatlo sa unang araw ng lamay. Dumating din ang ilang mga kamag-anak para tumulong na din sa pag-aasikaso ng lamay. Sa nangyaring iyon ay pansamantalang naisantabi ni Papa ang kanyang galit sa akin dahil sa aking pagkatao. Pinapansin na ulet ako niya tulad ng dati, pinapatahan kapag nakikita akong umiiyak o kaya ay inaasikaso kapag nakikitang nahihirapan ako. Hindi ko alam kung tuloy tuloy na iyon at tanggap na nya kung ano ako pero sa mga sandaling iyon ay yun lang ang pinapanalangin.

Naging abala kami sa pag-aasikaso sa mga taong dumarating at nakikiramay, ang mga dating kaklase, kakilala at mga kaibigan, mga naging guro ni Kuya, mga katrabaho ni Papa pati na ang ilan sa aking mga kaklase ay dumating din.

Isang hapon habang ako ang nakatoka na magbantay ay may isang lalaking hindi pamilyar ang mukha ang pumasok at deretsong nagpunta sa kabaong ni Kuya. Taimtim na nanalangin at biglang hinaplos ang salamin ng kabaong kasabay ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Nagtaka ako sa aking nakita at lalo akong nagulat nang lumapit ito sa akin.

“Ikaw ba si Jerome? Pwede ba tayong mag-usap.” Pagtatanong  ng lalaki.

“Ako na nga. Sino po sila?” Pagsagot ko dito at niyaya ko na ding maupo sa tabi kasi wala naman akong kasama.  Sina Mama ay kausap ang mga dating teachers ni Kuya.

“Gilbert pala, ako ang roomate ng Kuya mo sa apartment nya sa Laguna.” Pagkasabi nito ay napaluha ang lalaki. Bakas sa mukha nya ang sobrang lungkot na parang isang kasintahang iniwan ng kanyang minamahal.

“Paano mo ako nakilala? Saka di ka naikwento sa akin ni Kuya.”

“Ah dapat sasamahan ko siyang umuwi nung naaksidente sya pero pinigilan nya ako at ang sabi ay sa susunod na lang nya ako ipakikilala sa inyo.”

“Buti at nakarating ka. Baka sa susunod na araw ay iuuwi na namin ang mga labi ni Kuya sa Bicol.”  Muli natahimik na lang si Kuya Gilbert at napaiyak ito. Hindi ko na napigil ang aking sarili kung hindi ang damayan sya sa pag iyak. Nagsimula ding magkwento si Kuya Gilbert ng alaala nya kay Kuya Jomar.

-----

“Akala ko noong una hindi kami magkakasundo ni Jomar.  Mukhang suplado kasi noong una kaming nagkita. Di nya ako napansing kumakatok at tuluyang pumasok sa aming kwarto, siguro dahil medyo may kalakasan ang pinakikinggan. Naisip ko tuloy na baka suplado o kaya ay masungit ang makakasama ko. Pero nung maramdaman nyang may ibang tao sa kwarto ay agad akong tinulungan at inalok na kumain ng mga chips na kinakain nya. Doon kami nagkakwentuhan at mas nagkilala.  Naikwento ko sa kanya ang aking nakaraan at tinanggap naman nya ako ng walang paghuhusga. Madalas ka din nyang ikwento sa akin kaya nga feeling ko kakilala na kita. Naging mabuti ang aming samahan ng Kuya mo at  madalas kaming magkasamang kumain sa labas or kaya ay umikot lang sa loob ng campus. Halos lahat pinag-uusapan namin. Marami syang tanong sa aking pagkatao at kung ano ang maaring maitulong sa taong ngayon pa lang tinutuklas ang sarili. Syempre naikwento ko sa kanya ang mga hirap at sayang pinagdaanan ko at nakinig naman sya. Hindi ko nga namalayan na sobrang gaan na ng loob ko na naipagtapat ko sa kanya na parang nahuhulog na ang loob ka sa kanya. Hindi  naman nya ako nilayuan bagkus mas naging super close pa kami at inamin din nya na baka ganun na nga din ang kanyang nararamdaman para sa akin. Sabi nya basta masaya sya na kasama ako at parang tumitigil ang mundo kapag kami ay magkasama. Sabi pa nga nya na nababagot siya at parang kay tagal ng oras kapag wala ako sa tabi nya. Walang pormal na usapan kung ano ang relasyon namin ni Jomar, ang alam ko lang parehas kami ng nadarama at hindi naman kami nagmamadali na pumasok sa isang relasyon. Nag-uumpisa pa lang naman kaming kilalanin ang bawat isa. Pero mula noon ay ‘Baby’ na ang tawagan namin sa isa’t isa lalo na kapag kami lang dalawa sa loob ng kwarto. Naikwento nya din ang pagtatapat mo at yung naging reaction nya at nasabi ko nga na kailangan mo sya ngayon. Na hindi panghuhusga at paglayo ang dapat kundi ang pagtanggap at pang-unawa. Kaya nga gusto kong sumama sana noon kasi gusto ko ding makausap ikaw para naman malaman mong may handang tumulong sayo. Na andito din ako, na hayaan mong maging kuya mo din ako.”

-----

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Hindi ko man lang naisip na ganun din si Kuya. Siguro nga hindi natin alam kung kailan titibok ang ating puso at kung para kanino ang pagtibok nito. Nagpasalamat ako kay Kuya Gilbert sa mga sinabi nya, ngayon alam ko na, na kahit wala na si Kuya ay may isa pa akong Kuya na matatakbuhan ko  kapag may problema ako. Nagpalitan kami ng number ni Kuya Gilbert, binigay din nya ang email address nya para sigurado daw ako na makokontak ko siya.

“So ano na ang plano mo Kuya Gilbert?”

“Ngayon di ko pa alam, masakit para sa akin ang pagkawala niya pero alam ko na makakaya ko. Masaya ako na dumating siya sa buhay ko at siguro ngayon ay hindi pa ako handang humanap at palitan siya. Kasi kahit na saglit lang ang panahon na nagkasama kami, ito na siguro ang isa sa mga pinakamasayang pagkakataon na naranasan ko sa buhay ko. Hinding hindi ko siya makakalimutan at habang buhay siyang nasa aking alaala. Mahal na mahal ko siya.”

“Alam ko minahal ka din ni Kuya Jomar, mapagmahal na tao yun. Minsan nga naiisip ko na parang napakadaling makagaanan ng loob si Kuya, ginagawa nya kasi lahat para lang mapasaya ang taong mahalaga sa kanya. Masaya ako na nagkakilala kayo ni Kuya at kahit na saglit ay napasaya mo siya. Sana ako din mahanap ko na ang taong yun. Ayako nang mag isa.”

“Huwag kang mag-alala Jerome, nariyan lang ang taong yun, minsan lang sa iba tayo nakatingin kaya hindi natin napapansin. Maging bukas ka lang sa posebilidad at baka magkita na kayo ng taong para sayo.”

-----

“Sino yung kausapan mo kanina?  Mukhang seryoso ang inyong usapan.” Anas ni Nick.

“Kasama ni Kuya yun sa apartment nya sa Laguna. Mabuti nga at nakarating pa sya dito bago dalhin si Kuya sa Bicol. Kanina ka pa dito?”

“Kadarating ko lang din. Ayan may dala na akong damit. Pwede na kitang samahan ngayon kahit di na muna ako umuwi sa bahay. Nagpaalam na ako at pinayagan naman ako nina Mommy at Daddy.”

“Ah eh hindi mo naman kailangang gawin ito. Tama nang nakiramay kayo sa amin. Nakakahiya at nagiging abala pa ito para sa inyo.”

“Kailan mo ba tatanggapin Jerome na totoo ang mga sinasabi ko na hindi kita iiwanan, na andito ako lagi para sayo. Ngayon  alam ko na kailangan mo ng isang kaibigang handang umalalay. Di ko man alam kung gaano kasakit ang nararamdaman mo sa pagkawala ng Kuya mo, basta ang alam ko ay mahirap ito para sayo at gusto kong damayan ka sa panahong ito.”

“Salamat Nick.”

“Si Lynn at Karen ba dumaan na? Sinabihan ko sila kahapon pa.”

“Kaninang umaga, magkasunod nga yung dalawa. Napasaya nila ako kanina. Sabi ni Lynn nanghihiyang daw sya at hindi man lang nya natikman si Kuya.” Pagkasabi nito ay namula ako at naalala ko ang aksidenteng paghalik ko kay Kuya.

“Mabuti naman at nakapunta sila. Si Semuel ba dumaan na din?”

Hindi na lang ako umimik. Ayakong bigyan na halaga ang katotohanang hindi pa rin nagpapakita si Semuel mula nung magtapat ako sa kanya sa pamamagitan na pagsagot ko sa tanong ni Nick.

“Baka busy lang, sigurado akong nasabihan na siya nila Lynn at Karen. Teka nga, natulog ka na ba? Ang itim na nyang paligid ng mata mo.”

“Hindi pa, ayaw kong matulog. Sinubukan kong matulog kagabi habang konti ang tao pero hindi ko magawa. Laging bumabalik sa alaala ko si Kuya at naiiyak lang ako.”

“Ah sige, saglit lang.” Pagkasabi nito ay lumapit si Nick kay Mama at mukhang may ipinagpaalam ito. Nakita kong tumango naman si Mama bilang pagsang-ayon saka nagsalitang muli.

“Ano naman ang sinabi mo kay Mama?” Pagtatanong ko.

“Pinagpaalam kita kung pwede na umuwi ka muna, at bumalik ka na lang bukas. Wala ka pa kasing tulog, halatang pagod na pagod na ang iyong katawan.”

“Hindi, dito na lang ako matutulog, ayan may bakanteng upuan naman.”

“Nako huwag ka nang makulit. Sabi ko doon muna ikaw sa bahay nyo at dahil alam kong mag-isa ka ay nagsabi na ako kay Tita na doon din muna ako, na sasamahan kita. Kaya kunin mo na ang mga iuuwi mong gamit at doon ka sa bahay nyo ngayon matutulog.”

Wala na akong nagawa kundi ang sundin si Nick, kahit anong gawin kong palusot ay yun at yun din ang kanyang sinasabi, na kailangan kong matulog at magpahinga kahit saglit lang.

-----

“Kumain ka na ba Jerome?” Bungad ni Nick pagkapasok namin ng bahay.

“Hindi pa pala, nawala sa isip ko. Ayos lang di pa naman ako gutom.”

“Halika sa kusina, tingnan natin kung may makakain kayo o kung wala ay magluto na lang tayo.”

“Huwag ka nang mag-abala pa Nick, busog pa naman ako.”

“Hindi ka na nga natutulog pati ba naman pagkain di mo na din gagawin. Basta kakain ka ngayon.” Seryosong pag-uutos ni Nick.

Hindi na ako tumutol at sinamahan ko siya sa kusina. Wala siyang nakitang pwede lutuin kung hindi hotdog at itlog. Nagprito sya ng mga ito at ininit din yung tinapay na nakita nya. Matapos nyang maluto ang mga ito ay nagtimpla siya ng chocolate drink at binigay ito sa akin.

“Eto na oh, kumain ka na. Eto na lang muna at bukas na kita ipagluluto ng matinong pagkain.” Sabay abot sa akin ng tasa at ng isang pirasong tinapay na may hotdog at itlog na palaman.

“Salamat Nick.”

“Walang anuman. Basta kumain ka na lang dyan at nang makatulog ka na. Halatang bibigay na yang mga mata mo.”

Pilit kong inubos ang niluto ni Nick dahil na din sa pamimilit nito, kumain din naman siya ng ilang piraso dahil pinilit ko din sya. Matapos naming mailigpit ang pinagkainan ay naghanda na kami para matulog.

Pagkapasok ko sa kwarto ay tulala na naman akong naupo sa aking kama, pinagmamasdan ang bawat sulok ng aking kwarto pilit na ginugunita ang mga sandaling naroon ang aking kapatid.Muling pumatak ang aking mga luha at hindi ko namalayang lumapit na sa akin si Nick at yumakap ito sa akin.

“Tama na yan Jerome. Kung nasaan man si Kuya Jomar ngayon ay sigurado akong nasa mabuti na syang kalagayan. Saka isipin mo, kapag nakita ka nyang nagkakaganyan sa tingin mo ba matutuwa iyon?”

Wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak lalo sa mga sinabi nya. Ngayon nagsisink-in sa akin na wala na nga si Kuya, wala na ang kakampi ko, ang taong andyan kapag kailangan ko.

“Tama na Jerome. Tahan na.”

Nang humupa na ang aking pag-iyak ay pinahiga na ako nito sa kama at pagkatapos akong kumutan ay naglakad na ito papunta sa pintuan ng aking kwarto.

“Saan ka pupunta Nick?”

“Doon ako sa sofa matutulog, nakakahiya naman na dito ako tumabi saka baka…” Hindi na nya tinuloy ang sasabihin.

“Pwede dito ko na lang, maluwag naman, kasya tayo. Ayaw ko lang mag isa ngayon. Please!” Pagmamakaawa ko.

“Ah…Eh… Sigurado ka ba?” Parang nag-aalangang pagtatanong ni Nick.

“Gusto ko lang na may kasama. Lalo akong nalulungkot kapag mag-isa lang ako. Sige na please.”

“Sige na dito lang ako Jerome.” Pagkasabi nito ay tumabi ulet ito sa akin at nahigang nakatalikod sa akin.

“Nick…”

“Ano yun Jerome?” Hindi pa rin humaharap si Nick sa akin.

“Bakit parang alangan kang matulog sa tabi ko?”

“Ah eh kasi… Basta.” Ang tanging naisagot nya.

“Naiilang ka ba sa akin, Nick?”

“Hindi sa ganun Jerome. Kung alam mo lang ang gusto kong gawin ngayon.” Sabay tawa ni Nick.

“Eh bakit ayaw mo man lang akong harapin, kahit na kausap mo ako nakatalikod ka sa akin, ganun na ba kapangit ang mukha ko at ayaw mo man lang akong lingonin?”

Pagkarinig nito ay humarap sa akin si Nick, nagkatinginan kami at parang may nakita aking kakaibang kislap sa mga mata nya. Matagal bago nagsalita si Nick halatang pinagmamasdan lang ang aking mukha, ang bawat sulok at uka nito.

“Kailanman ay hindi ako magsasawang pagmasdan ka Jerome.” Pagsabi nito at hinaplos ni Nick ang aking mukha, ang aking ilong at sa aking mga labi. Hinawakan nya ang aking baba at unti unti ay itinaas ang aking mukha habang ang kanyang mukha ay papalapit sa akin. Nagulat ako sa mabilis na paglapat ng aming mga labi. Naramdaman ko ang pagdaloy ng kakaibang sensasyon dahil sa paglapat na yon, pero ito ay naging panandalian lamang sapagkat napaurong akong dahil sa aking naramdaman. Nanabik ang aking mga labi at muling hinanap ang pakiramdam na iyon kaya wala na akong sinayang na pagkakataon at ako na mismo ang humalik muli kay Nick na kinagulat din nito. Hindi naglaon ay muling nakipaglaban ng halikan si Nick. Gamit ang aming mga dila ay nalasap namin ang labi ng bawat isa. Ang aming mga kamay naman ay abala sa paggalugad ng bawat sulok ng aming mga katawan. Mula sa aming mga mukha patungo sa leeg, sa aming mga dibdib, sa tiyan hanggang sa maabot namin ang noon ay nagiinit at nakatayo naming mga sandata. Sa pagkakataon yun ay parehas kami napatigil. Lumayo sa isa’t isa at si Nick ang unang nagsalita.

“Sorry Jerome, Sorry talaga, di ko sinasadya. Kung gusto mo umalis ako ngayon gagawin ko.” Pagsusumamo ni Nick.

Natauhan ako sa sinabing iyon ni Nick. ‘Bakit ba ako nakipaghalikan sa kanya at bakit may kakaibang init ang dulot nya sa akin?

“Huwag kang mag-alala ni Nick, ayos lang yun, kalimutan na lang natin ito at matulog na lang tayo.

Naging tahimik kaming dalawa at parehas kaming nag-iisip pero ako din ang unang nagsalita para linawin ang kung ano man ang nangyayari sa amin.

“Bakit mo ba to ginagawa na Nick?”

“Dahil gusto ki…ko. Dahil alam ko na kailangan mo ako.”

“Paano pag hindi ko na kailangan? Aalis ka din ba?”

“Hindi ako aalis hanggat hindi mo sinasabi na umalis ako.”

“Salamat at palagi kang nandyan…”

“Sige matulog na tayo.” At muli ay tumalikod sya sa akin.

Pinikit ko ang aking mga mata pero laging pumapasok sa aking isipan si Kuya. Sinubukan kong pigilan ang pag-iyak pero hindi ko magawa. Namalayan ko na lang na ako ay humihikbi at patuloy sa pagtulo ang aking mga luha. Napansin siguro ni Nick na hindi ako makatulog, na umiiyak lang ako kaya humarap ito sa akin at hinaplos ang aking ligod.

“Shhh… Tama na Jerome. Huwag mo na munang isipin yun. Halika ka nga dito.”

Muli akong niyakap ni Nick, hinahayaan lang akong umiyak at ilabas ang lahat ng lungkot at pangungulilang aking nadarama. Nang tumigil ako ay sabay kaming nahiga. Nakaunan ako sa kanyang dibdib habang nakayakap siya sa akin. Muli sa pagkakataong yun ay naramdaman kong hindi ako nag-iisa at may kasama ako sa pagharap ko sa darating na mga araw.

Madaling araw nang magising ako, alas kwatro ang nakalagay sa relo sa tabi ng aking kama. Mahimbing pa rin ang pagtulog ni Nick at nakayakap ito sa akin. Inangat ko ang kanyang kamay para maalis ang pagkayap nito at pinagmasdan ko ang kanyang maamong mukha. Hindi ko na napigilan ang sarili kong haplosin ang kanyang mukha, ang kanyang ilong, at kanyang mga labi. Kumilos si Nick kaya naman bigla kong hinila ang aking kamay papalayo sa kanyang mukha. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganun ang aking nararamdaman. Ayaw kong bigyan ng kulay ang pagiging malapit namin ni Nick pero wala akong maisip na ibang dahilan kapag naaalala ko ang aming paghahalikan. Kasabay nito ay ginugulo din ako ng mga alala ni Semuel, ang taong unang nagustuhan ng aking puso. Pilit kong itinatanggi ang lungkot na nadarama ko pero di ko magawa sapagkat sa mga oras na iyon na kailangan ko siya ay hindi siya nagpaparamdam. Siguro nga pati ang aming pagkakaibigan ay natapos na dahil sa kanyang nalaman. Muli kong pinagmasdan ko si Nick na hanggang ngayon ay mahimbing pa din natutulog patuloy ang  pagtaas at pagbaba ng kanyang matipunong dibdib. Pinilit kong matulog muli, gusto kong bumawi sa halos dalawang araw na gising ako, pero ngayon iba na ang mga tanong paulit-ulit na umiikot sa aking isipan.

‘Nasasanay na ba ako na andyan ka or may nararamdaman na akong iba? Ikaw ba ang sinasabing taong magpapadama at magpapakita sa akin ng saya ng pagmamahal o tulad ka din ng iba na iiwan akong nag-iisa?’


[may kasunod]

2 comments:

Anonymous said...

ang ganda din ng story na 'to dalwang story na inaabangan ko dito KEEP IT UP!

--- Cedrick

Anonymous said...

bakit wala poh ung part 7.??

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.