vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Thursday, December 1, 2011

My Unconditional Love Experience 1: Introduction

Installment 1
Written and Submitted by: Prince Cedie

Disclaimer: This is based on a true story of the author. Names of persons in this writeup were changed for confidentiality.

Introduction:

Hi, ako si cedie, 22 yrs old na ko ngayon. Pinanganak ako sa Manila, lumaki sa isang probinsya sa Region 4. Bunso sa tatlong anak at pinagmamalaki ng mga magulang dahil consistent honor mula elementary hanggang high school. Nag college sa maynila at kumuha ng kursong inhinyeya sa isang unibersidad sa quezon city noong ako ay 16. Dito magsisimula ang aking kwento.

Ako ay may taas na 5'11, moreno, at katamtaman ang laki ng katawan, naging player ako ng basketball sa aming unibersidad at naging vocalist ng isang banda na binuo ng mga magtotropa. Dito ko nakilala ang unang una kong kaibigan, si Kiko.

Si kiko ay isang intsik, haha, oo full blood chinese siya, may taas na 5'8 at maputi, chinito, at maganda ang pangangatawan. Naging ramp model siya sa mga fashion shows dahil di naman mapagkakaila na may angking kagwapuhan si kiko.


(Starting my third-person POV)
First day ng school, isang bata ang naliligaw kung saan ang classroom nia, may nakit siyang maputing lalaki, nilapitan niya to at kinausap.

Pre, alam mo ba kung saan tong room na ENG221? Sumagot ang lalaki, "Ah pare new student lang din ako dito eh, pero paraho tayo ng room, tara hanapin na lang naten o itanong sa mga guwardiya." "Sige ayos yan haha, buti pala ikaw ung napagtanungan ko, baka magkaklase pa tayo sa lahat ng subject. Compare nga naten adviser's slip naten."

"Wow pre lahat magkasama tayo sa lahat ng subject, ibig sabihin block section ka din? Ced pala" inabot niya ang kanyang kamay at kinamayan naman siya ng isa, "Francois pre, Kiko for short." Naglakad ang dalawa papunta sa guwardiya at itinanong kung saan makikita ang room nila.

Pagdating nila sa room ay madami ngng estudyante ang nakaupo, yung iba ay tahimik na nakaupo at yung iba naman ay nakikipagkilala na sa mga katabing estudyante nila. Umupo silang dalawa sa bandang likuran at siya namang sinimulan ang sariling paguusap.

Nagkwento si Kiko kay Ced tungkol sa sarili nia. 17 years old si Kiko samantalang si Ced ay 16 years old. Ipinanganak sa China si Kiko ngunit dito siya lumaki sa Maynila kaya napakatatas niyang magsalita ng Filipino. Napagusapan din ng dalawa ang tungkol sa mga eskwelahan nila at mga experience nila noong High School. Bigla na lamang nagtanong si Kiko kay Ced. "Pre, may experience ka na ba sa sex?" Biglang namula ang binata dahil ang totoo ay wala pa siyang experience sa pakikipagsex sa babae pero nakapanood na ito ng porn noong High School siya. "Wala pa pare eh, ikaw ba?" "Oo pare meron na, so virgin ka pa?" Hindi nakasagot agad ang lalaki dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya, bigla na lang may naalala siya sa kanyang nakaraan..


3 years ago...
Dumating ang kuya ni Cedie mula sa trabaho na may kasamang isang lalaki. "Ced, heto pala si kuya Bryan mo, kasama ko siya sa trabaho, dito na muna siya makikitulog saten pero aalis din siya ng madaling araw." "Hi Cedie, ako nga pala si Bryan", inabot ng lalaki ang kamay niya at nakipagkamay naman ang binatilyo. Maputi si Bryan, may pagkamalalim ang mata, may taas na 5'7 at medyo may hubog ang katawan. May kung anong kaba ang naramdaman ni Ced ng pisilin ni Bryan ang kanyang kamay habang hawak niya ito. Biglang bumitaw ang binatilyo at binati naman niya ang kasamahan sa trabaho ng kanyang kuya.

"Hi kuya Brian, nice to meet you." Inutusan si Ced ng kanyang kapatid para bumili ng pagkain sa pinakamalapit na mall dahil walang pagkain sa kanila. Agad namang sumunod ang binatilyo, "Kuya magbibihis lang ako saglit, dyan muna kayo."

Sumagot ang kanyang kapatid, "Sige samahan mo na din si kuya Bryan mo para makapagbihis na din, dun nlng muna siya sa kwarto mo makikitulog kasi magulo sa kwarto ko, tutal mas malaki naman ang kwarto mo at ang kama mo kesa sa akin eh dun mo ko na siya patutulugin." Isinama ni Ced sa kanyang kwarto si Bryan. Pagkapasok ng dalawa sa kwarto ay umupo sa kama si Bryan. "Ang laki pala tlga ng kwarto mo ah, at ang laki nga ng kama, bakit ikaw lang ang natutulog dito?"

"Malikot kasi ako pag matulog kaya ayoko ng may katabi, tsaka isa pa ako ung pinaboran ng magulang namen na mapunta dito dahil ako yung bunso", nakangiting sabi ni Cedie sa kanilang bisita. "Ah kaya naman pala, ginagamit mo ang pagiging bunso mo para makalamang ka sa mga kapatid mo. Eh nasan ang Ate mo?" "Ah si ate ba? Nasa isa nameng bahay, kame lng ni Kuya dito, si papa at si mama kasi yung kasama ng ate ko sa kabilang bahay, mas malapit kasi yung school ni ate dun." "I see, so nakakapagdala ka pala ng babae mo dito?", biglang nagtanggal ng damit at pantalon si Bryan habang kinakausap niya si Ced, ang binatilyo naman ay nagsimula na din magbihis ng pang alis, ngunit napansin niya na kakaiba ang titig ni Bryan sa kanya habang nagbibihis siya, ininda niya ito at nagtanong na lang,

"Kuya Bryan ano gusto niyong pagkain?" "Ah kahit ano naman ayos lang saken, hindi naman ako mapili sa pagkain." "Ah oh siya sige aalis na muna ko, maiwan na muna kita sa kwarto, feel at home. See 'ya later!", sambit ng binata. Ngunit habang palabas siya ng kwarto ay may kung anong pakiramdam niya na parang may matang nakatingin pa rin sa kanya..


Itutuloy..

5 comments:

Anonymous said...

hopw tomorrow maPost na karugtong neto. like it.

Anonymous said...

sobra nmn to makabitin!

Anonymous said...

Nbasa q na 2ng kwento, sobrang ganda at iniyakan q,,,

Anonymous said...

agree.. kainis ka makapangbitin pare ah !! ahahaha

Anonymous said...

asan n ung next? nkkbitin... @_@

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.