vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Saturday, April 30, 2011

The Letter: Re-imagined 3 (end)


Written by Love Juice
Installment 3

Magkahawak kaming naglakad ni Anthony pabalik ng kotse nya. Mahigpit ang hawak nya sa kamay ko. Ramdam kong ayaw pa niyang bumitiw. Iba na rin ang takbo ng hangin. May bigat. Tila pati ang langit, nararamdaman ang lungkot. Ang bawat hakbang ko, pilit kong iginagapang. Hiram na pagkakatao. Hiram na sandali. Ang corny pero yun ang tanging meron kami ni Anthony.



Di kalayuan mula sa kotse, nakarinig kami ng isang sigaw. Pamilyar ang boses na iyon. Sigaw ni Wesley. Isang sigaw na humihingi ng tulong.

"Si Wesley yun ah." sabi ni Anthony. Sabay naming tinakbo ang direksyon ni Wesley. Inabutan namin ang tatlong lalaking pinagtutulungang bugbugin si Wesley. Nagmadaling lumapit si Anthony para tulungan si Wesley. Hinila nya papalayo kay Wesley ang lalaking malapit sa kanya.

"Pare, ano ba problema?" wika ni Anthony.

"Wag ka makialam!" ang sabi ng lalaking hinila ni Anthony.

Lumapit ako sa gulo. Pilit kong binuhat si Wesley. Puno ng dugo ang mukha at bibig nya. Kalunos-lunos ang hitsura. Inilayo ko sya sa mga lalaking gumugulpi sa kanya. Kahit hirap, pinilit kong maisandal sya sa isa sa mga kotseng naka-park. MUla sa kinatatayuan namin naririnig ko ang usapan nila Anthony.

"Malaki ang atraso ng tatay ni Wesley sa tatay ko." sabi nung isang lalaki.

Hindi ko malaman kung sino sa kanila. Hinila ako ni Wesley palapit sa kanya. "Ilayo mo si Anthony... baka madamay..."

Hindi ko namalayang nagkakainitan na sila. Tumataas na ang mga boses nila. Tumayo ako at mabilis na lumapit s akanila. Pero bago pa ako makalapit sa kanila, nakita ko ang isa sa kanila na naglabas ng kutsilyo.

"TON!" sigaw ko at tumakbo palapit sa kanya.

Nakaramdam ako ng hapdi sa tagiliran ko. Isang malalim na sakit na tumatagos sa laman at gumuguhit sa aking mga ugat. Napayakap ako kay Anthony. Naririnig kong tinatawag nya ang pangalan ko pero parang naggagaling sa malayo ang tinig nya. Pilit kong binuksan ang mga mata ko. Kita ko sa mukha ni Anthony ang pag-aalala. Ang pagmamahal. Ang mukha nya ang huling nakita ko bago magdilim ang lahat.


**********
Tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, nakikita ko ang mukha nya. Ang kanyang maamong mukha. Ang mga nagungusap nyang mga mata. Ang mapupula nyang mga labi. Parang isang panaginip na paulit-ulit. Hindi kaya isang panaginip lamang sya? O isang matamis na alaala na patuloy na nagbabalik? Matagal na panahon na ang nakakaraan. Pero nakatatak pa rin sya sa isip ko. Sa puso ko. At sa buong
pagkatao ko.

Lumapit si Migs sa akin. Tinapik ako sa balikat. "Malalim na naman ang iniisip mo. Inaalala mo na naman sya ano?" tanong nya sa akin.

Nangiti lang ako sa tanong nya. "Hindi ko talaga sya makalimutan eh." sagot ko sa kanya.

Kinuha niya ang kamay ko. Pinisil ng marahan at tumingin sa akin diretso sa mga mata ko. "sana, matutunan mong kalimutan sya at ituon mo na lang sa iba ang atensyon mo." malumanay nyang sabi. Pinisil ko rin ang kamay nya. Pinisil ng mahigpit hanggang mangiwi ang mukha nya sa sakit.

"Aray, pare ansakit nun ah!" sigaw nya.
"Puro ka kasi kagaguhan eh." sagot ko sa kanya. "Mabuti pa, mag-inventory ka na
sa loob. Tingnan mo baka wala na tayong non-fat, Sabado bukas walang delivery.
"Natawag ko na kanina pa." sagot niya.

Medyo mabagal ang pasok ng mga customers. Tahimik ang coffeeshop. At the moment, lima lang ang nasa loob. Dalawang taon na nung buksan namin ni Migs ang Momento. So far nakaka-survive naman sya. Malapit kasi sa school at offices. May mga panahong mabagal ang pasok ng mga customers. Tulad ng araw na ito.

Bumukas ang pinto ng cafe. May lalaking pumasok. Yung isa, gwapo. Matangos ang ilong. Mapungay ang mga mata. Pwede mag-artista.

"Ton?" bati nya sa akin.
Hindi ko nakilala... Si Wesley pala. Pero ang laki ng ipinagbago ng hitsura nya. "Wesley? Wow! Wesley ikaw na ba yan? Kelan ka pa bumalik ng Pinas?" lumabas ako ng counter para yakapin sya.
"Last week pa. Dito na ako for good." sagot nya.

"Ayaw mo na sa Canada ha?"
"Oo. Malungkot don. Ikaw? Mukhang bigtime coffee king ka na ha?"
"Hindi naman. Mg-isa mo lang?"
"No, may kasama ako. Padating na sya nag-park lang."

Saktong bumukas ang pinto. Isang lalaki ang pumasok. Hindi ko makita ang mukha dahil naka-yuko ito att parang may hinahanap na kung ano sa bag nya. nakasuot ito ng isang magandang jacket pero hindi bagay sa kanya.

"Heto na pala sya. Jason!" tinawag ni Wesley ang kaibigan. Lumakas ang tibok ng puso ko. parang nagiba ang ihip ng hangin. Lumapit siya at nang humarap sa akin, parang ang lahat ng nakaraan ay nagbalik. Bigal ay niyakap ko sya ng mahigpit.

"Whoa! Slow down." sabi niya.

Nang hindi pa rin ako bumubitaw sa pagkakayakap, si Wesley na ang humila sa akinpalayo kay Jason.

"Grabe ka namang maka-welcome, tol." sabi ni Wesley.
"Pasensya na. Na-excite lang ako." napahiya kong sagot. Tumingin ako kay Jason.
Sa mga mata nya. naghahanap ng recognition.
"Hindi mo ko kilala?" tanong ko s akanya.
"Should I? " sagot nya . Tumingin sya kay Wesley na parang naghahanap din ng
sagot.
"Tol, ok ka lang?" tanong uli ni Wesley sa akin.
Bakit hindi nya ako maalala?
"Uhmmm... sorry. I thought you were someone I knew...." sagot ko.
"Si Jason, stepbrother ko." sagot ni Wesley.
"Stepbrother mo?"

Iniabot naman ni Jason ang kamay nya. "Hi. Jason nga pala. Salamat sa warm
welcome mo." nakangiti nyang sabi.

"Hi. Anthony. Nice jacket..." yun ang nasabi ko dahil s apagkapahiya kanina.
"Thanks. Sabi ni Wes hindi daw bagay sa akin. Ano yung nagpi-play na music? Ang
ganda."
"Si Yiruma. favorite ko yan." sagot ko.
"I love it." sabi nya habang hawak pa rin ang kamay ko.
"I know. I know you do." at nginitian nya ako. Isang ngiti na galing sa isang
matamis na alaala.

**********
Time and space continuoum. The ripple effect kung tawagin nila. Sabi nila hindi mo pwedeng paglaruan ang oras at panahon. Dahil ang bawat gagawin mo ay makakaapekto sa nakararami. Kahit ang isang maliit na desisyon, makakapekto sa takbo ng buhay ng iba. Mapaglaro ang oras. Minsan madamot. Minsan mapagbigay. Pero kung iisipin, yun lang naman talaga ang meron tayo. Oras.


- WAKAS -

8 comments:

enzo said...

ang gandaaa! Pwde to pang MMK :)

Anonymous said...

Parang medyo nagulo. Sino ba ang tunay na namatay? Si Anthony, di ba? Pero sa part 3 parang si Jason ang namatay. Sorry kung nalilito na ako pero kapa-flashback at palit ng oras, di ko na alam kung alin ang tunay na nangyari. Paki-explain naman po. Salamat.

Anonymous said...

the ending became another beggining. galing ng author ah. two thumbs up! :)

Anonymous said...

Paul said....
I am teary-eyed. This is must be a masterpiece. Consistent, pinag-isipang mabuti ang laro ng mga eksena. Nakakaiyak. I would like to agree with the previous comments na pwede itong pang MMK.Kudos!

iHateThisFeeling said...

i can't help it for my tears are unstoppable falling down . . .


maganda ang ending . . kahit na sobrang nakakalungkot talaga itong story . .


PARANG gumawa ng way ang Diyos para makabalik si Jason sa mundo or should i say makabalik ang katauhan nya sa pamamagitan ng ibang tao . .



ang wish ko nalang .. sana magkita pa sila sa TAMANG panahon na nakalaan para sa kanilang dalawa . .

Anonymous said...

Thank u for sharing nice story, it happens in right place and a right time.

Jhon said...

Oo, nga. Tama. Nalito tuloy ako. Ang nag-narrate ng story ay si Jason. Nang bandang huli, ang nag-narrate ay si ANTHONY?! Kakalito talaga. Tulong!

Anonymous said...

Jhon, ang pinakamaganda mong gawin ay huwag ng mag-log dito...
Nakikibasa ka na lang, echosera ka pa

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.