vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Friday, February 25, 2011

Mr. Tubero 1

Submitted by BIGBoy
Installment 1

Sa tuwing magigising ako sa umaga ay agad banyo ang tungo ko upang maligo at magbawas na rin kung nararamdaman ko na rin ang tawag ng kalikasan. Subalit isang umaga ay nagulat ako ng i-flush ko ang toilet bowl matapos akong jumingle. Hindi na kasi tumigil sa pagbuhos ang tubig. Binuksan ko ang cover ng lalagyan ng tubig subalit hindi ko malaman kung bakit patuloy pa rin ang pagbuhos ng tubig kahit lumapat na ang bilog na rubber sa loob nito. Kaya minabuti ko na lamang pihitin pasara ang maliit na tubong pinanggagalingan ng tubig.

Agad din akong tumapat sa may shower at inalis ang suot kong boxer shorts at biglang kong binuksan ang shower. Dahil sa inis ko sa nangyari sa toilet bowl ay napalakas ang pagpihit ko sa bukasan ng shower. Tumilamsik ito at sumirit doon ang tubig sa halip na sa shower head. Hindi ko na ito napatigil pa. Kaya naman isinara ko na lamang ang pinaka-gate valve ng tubig sa harap ng aking apartment. Nakatapis lamang ako noon ng tuwalya habang isinasara ko ang pihitan. Hindi ko napansin na yung nasa ikalawang pinto ng apartment ay inilabas na ang kotse nya. Habang isinasara muli ang gate nila ay nakatingin sa akin. Noon ko napansin na nakabuyangyang pala ang aking manoy Mukhang natuwa siya sa kanyang nakita dahil nakangiti siya sa akin ng mapansin ko siya. Hindi ko na lang siya pinansin. Sa halip ay pumasok na muli ako sa loob ng bahay. Eh ano ngayon kung nakita niya ang sa akin. Meron din naman siyang tulad ng sa akin.


Pagpasok ko sa loob ng bahay ay agad akong naghanap ng numero ng telepono ng isang tubero. Hinanap ko ang isang numero na sa tingin ko ay agad makakapunta sa aking apartment. Nakailang tawag din ako bago ako sinuwerte na makakuha ng tubero. Nasa labasan lang pala ng subdivision na kinatitirikan ng apartment ko. Ilang minuto ang lumipas ay may narining akong kumakatok sa may gate. Isang mamang naka-motorsiklo na suot pa ang helmet ang aking nakita sa labas. Lumabas ako ng bahay at pinakbuksan ko siya ng gate.

“Ako po yung tubero na gagawa sa nasira sa palikuran ninyo.” ang pakilala ng mama sabay alis ng kanyang helmet.

Noon ko napansin na may kagwapuhan ang mamang ito. Sa pag-alis niya ng suot niyang jacket na napansin ko rin ang matipuno niyang katawan.

“Ah, ikaw na ba ang ipinadala ditong tubero?” ang naitanong ko sa kanya kahit nagpakilala na siyang tubero nga siya.

“Ako nga po.” ang tugon naman niya. “Gerald po ang pangalan ko.” dugtong pa niya.

“Halika sa loob ng maayos mo na. Mahuhuli tuloy ako sa opisina dahil dyan.” ang paanyaya ko sa kanya.

Pumasok kami sa loob ng aking apartment at tinungo na namin agad ang banyo. Binuksan niya ang takip ng lalagyan ng tubig ng toilet bowl at may kinalikot lamang sandali. Agad din niyang nalaman ang sira. Sa kalumaan daw ng rubber gasket ay hindi na ito lumalapat ng maayos kaya naman patuloy nakakapasok ang tubig dito. May pampalit naman daw siyang dala kaya magagawa niya agad iyon.

Agad din niya tinignan ang sirang shower. Pagkakita niya ay biniro niya ako na napakalakas ko daw at nasira ko iyon. Mas naging kaakit-akit siyang tignan kung nakangiti siya. Ewan ko pero may kakaiba akong nararamdaman ng mga oras na iyon. Parang nawala na ang inis ko sa nangyari. Sa halip ay pinasasalamatan ko na ang pangyayari at may isang tuberong tulad ni Gerald ang nasa aking harapan.

“Sandali lang po at kukunin ko ang iba ko pang gagamitin dito.” ang paalam niya sa akin.

“Sige, bilisan mo lang gawin iyan ng makapasok pa ako sa opisina kahit half-day na ako.” ang tugon ko naman.

“Wala pong problema. Sandali lamang po iyan.” ang sagot naman ni Gerald.

Pagbalik ni Gerald ay dala-dala na niya ang isang bag at ilan pang tools.

“Kayo lang po ba ang tao dito?” ang tanong ni Gerald.

“Oo, ako lamang ang nakatira dito. Bakit mo naitanong?” ang tugon ko naman sabay tanong na rin sa kanya. Parang kinabahan ako sa tanong niya. Mukhang may masamang balak ang mamang ito.

“Kasi po magtatanggal lamang ako ng t-shirt ko at pantalon para hindi po marumihan o mabasa sa gagawin ko sa loob ng banyo.” ang sagot naman ni Gerald.

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Dahil din sa sinabi niya ay mas lalo akong naging interesado sa susunod niyang gagawin.

“No problem. Kahit pa hubarin mo ang lahat ng damit mo ay wala ng ibang makakakita sa iyo.” ang naging tugon ko na medyo hindi ko napigilan ang sarili ko sa sagot kong iyon.

Nangiti sa akin si Gerald dahil sa kanyang narinig. Agad naman akong dumepensa baka kasi kung ano pa ang isipin niya sa akin.

“Baka kasi mabasa din ang underwear mo eh. Tutal pareho naman tayong lalaki.” ang pahabol ko pa.

“Naka-boxer shorts po naman ako. Kaya okey lang po.” ang nasabi ni Gerald sabay ngiti pa rin sa akin.

Nagtanggal muna ng sapatos si Gerald bago niya unti-unting hinubad ang kanyang t-shirt at pantalon. Naka-cotton boxer shorts siya na kulay grey na may brand name sa garter na Jockey. Bigla akong dinapuan ng hiya sa tuwing tumitingin ako kay Gerald dahil sa kanyang itsura. Kaya naman lumayo ako sa pintuan ng banyo. Subalit parang may sumusulsol sa akin na dapat hindi ko na palampasin iyong magandang tanawin sa loob ng banyo.

Ilang minuto pa ay bumalik ako sa may pintuan. Napansin ko na kahit anong titig ko kay Gerald ay balewala lamang iyon sa kanya. Noon ko napagmasdan ang suot na Jockey shorts ni Gerald. Bumabakat na kasi ang kanyang malambot na manoy na medyo sumasabay sa kanyang paggalaw. Napansin ako ni Gerald na nakatitig sa kanyang harapan. Muli isang ngiti ang ibinigay niya sa akin. Naging kampante na rin ako sa pagtitig ko sa kanya dahil bale wala naman iyon kay Gerald.

Dahil sa pag-iimagine ko sa ayos na iyon ni Gerald ay hindi ko namalayan na tapos na pala ang kanyang ginagawa.

“Pakibukas na po ang gate valve sa labas.” ang pakiusap ni Gerald na pumukaw sa aking imahinasyon.

“Ah eh, ganoon ba. Sige, sandali lang.” ang aking naging tugon.

Pagbalik ko sa pintuan ng banyo ay ipinakita sa akin ni Gerald na okey na ang daloy ng tubig sa toilet bowl at ganoon din sa shower.

“Okey na po ang lahat. Pwede na po kayong maligo.” ang nasabi ni Gerald.

“Oo nga. Ang galing mo naman. Ang bilis mo din nagawa iyan.” ang papuri ko sa kanya.

“Sanay na po ako sa ganyang trabaho kaya sisiw lang yan sa akin.” ang pagyayabang naman ni Gerald.

Sa paglabas namin sa banyo ay nasagi ng kaliwang kamay ko ang harapan ni Gerald.

“Ay sorry!” ang bigla kong nasambit.

“Okey lang po iyon. Baka gusto po ninyong hawakan na ng tuluyan?” ang nakakabiglang tanong ni Gerald.

“Ah eh, pwede ba?” ang tanong ko rin sa kanya.

“Okey lang iyon. Pagbibigyan ko po kayo kasi kayo po ang bwena mano sa araw na ito. Kanina ko pa kayo nakikita na takam na takam diyan.” ang sagot ni Gerald.

“Sigurado kang okey lang sa iyo kung ano man ang gawin ko diyan?” ang pagkaklaro ko sa kanya. Baka kasi biglang maningil ng mahal o mag-iskandalo sa aking apartment.

“Sinabi ko na pong okey lang sa akin. Libre. Walang bayad. Basta ba mapaligaya mo ako ng husto.” ang tugon naman ni Gerald.

“Talaga!” ang tangi kong nasabi sa kanya.

“Dito po ba tayo sa may kusina o doon sa kwarto nyo?” ang tanong ni Gerald.

“Tara doon sa kwarto ko sa itaas.” ang anyaya ko kay Gerald.

Binitbit ni Gerald ang t-shirt niya at pantalon niya sa pagpanhik namin patungo sa aking silid. Ako naman ay nakatapis pa rin ng tuwalya simula pa ng may nasira sa banyo.

“Papaano mo nalaman na takam na takam na ako sa iyo?” ang tanong ko kay Gerald habang humahakbang kami sa hagdanan.

“Kanina ko pa po napapansin ang tigas mong manoy. Kaya kahit hindi po kayo halatang type rin ang kauri mo ay hindi makapagsisinunglaing ang iyong manoy.” ang tugon ni Gerald sabay tawa ng mahina.

“Naramdaman ko na po iyon noon pa mang papasukin mo ako sa gate. Lalong ko pang napatunayan sa mga tugon mo noong nagpaalam ako na maghubad ng aking damit. Hindi ko naman ginagawa yung maghubad sa ibang client namin eh. Sinubukan lang kita. Pero nakita ko na interesado ka kaya hinubad ko na rin ng tuluyan.” ang dugtong pa ni Gerald habang nangingisi pa rin.

“Walang hiya ka. Malibog ka palang tubero. Ha ha ha.” ang bigla kong nasambit sabay halakhak.

“Di po kasi magaling ang asawa ko sa paglinis ng tubo ko. Madalas ay ayaw niyang gawin. Minsan kasi nakatikim ako sa isa rin client namin sa paglinis ng tubo ko. Nasarapan ako. Kaya ngayon ay hinahanap ko na.” ang nasabi pa ni Gerald.

“Anong linis tubo?” ang tanong ko sa kanya.

“Alam mo na po yun. Yung blow job. Di ba magaling kayo sa ganoon.” ang tugon ni Gerald.

Sa mga oras na iyon ay nakapasok na kami sa loob ng aking silid at nakaupo na sa ibabaw ng kama ko na magkatabi. Humiga si Gerald. Noon lalong bumakat sa kanyang boxer shorts ang kanyang alaga. Agad sinapo ito ng akong kanang kamay. Malambot ito. Subalit halata na may kalakihan ito. Habang nilalaro ng palad ko ang harapan ni Gerald, nakatingin lamang siya sa akin na may ngiti sa kanyang pisngi.

- I T U T U L O Y - 

5 comments:

Anonymous said...

nabasa ko na to...as in many years ago

dkazuma said...

Uu ako din... resubmitted kasi yan eh.. ok lng at least nako-collect natin dito..

The Dying Stranger said...

@dkazuma... may mga bago po akong entries sa blog ko... pwede po bang maipost dito un???

Salamat po ng marami!!!

Anonymous said...

go.. post it.. want sme new blogs to read.. thanks

dkazuma said...

sige po The Dying Stranger.. i will. thanks ulet ^_^

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.