vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Wednesday, February 16, 2011

Ako si Masahistang Tonio Tagalamas 8

Submitted by BoyLove
Installment 8 - "The World According to Alvin"

Bawat tao, may kani-kaniyang quality, Uniqueness and individuality ika nga. May mga tao na sadyang matalino. May mga tao din naman na intellectually challenged. May iba, pinagpala ng kagandahan at iba naman hindi masyado or hindi talaga. Kaya nakakagulat isispin na may mga tao na para bang nasa kanila na lahat. Maganda o gwapo, matalino na mayaman pa. Meron din naamn syempre na minamalas. hindi na nga gwapo o kagandahan, aba'y hindi rin katalinuhan.



Case in point; si Alvin. kasamahan ko sa spa. Si Alvin, mabait. Mahusay magmasahe. Pero talagang kinapos sa panlabas na kaanyuan at mental capacity. Kapag nakasama mo si Alvin, matatawa ka na lang sa mga hirit nya.

One time, bumibili kami ng jeans sa mall. Sukat dito, sukat don. Paglabas ni Alvin ng dressing room, ganito ang hirirt nya:

Alvin: Pare, hindi ko gusto.

Tonio: Bakit? Mukhang maganda naman ah.

Alvin: Ayoko. ALWAYS!

Tonio: Ano? Anung always?

Alvin: Always, pare. Mababa, lumalabas ang karug ko.

Tonio: Tang ina mo, gago. Low Waist Hindi always!

One time, sumugod ang kabit ng tatay niya sa spa dahil nag-away si Alvin at ang kapatid nya dahil sa cellphone.

Nanay: bakit ba kasi hindi mo na lang ipaubaya sa kapatid mo yung phone?

Alvin: 'Wag kang makilam! STEPMONSTER KA LANG!

Nanay: Ano daw?

Pero magaling sa masahe si Alvin. gamay na gamay nya ang SHIH TZU, dahil one time napadaan kami sa isang petshop sa Galleria at may nakapaskil doon, SHIH TZU, 6 MONTHS OLD, P12,OOO.OO.

Alvin: Pare, nagmamassage ba sila dito?

Hindi ko alam kung nagbibiro lang sya o hindi pero nung pag-uwi namin kinuwento nya kay Let-Let ang pinakamahal na masahe sa buong Pilipinas. Ang 12 thousand peso SHIH TZU MASSAGE.

5 random things you should (?. Ganon ba sya ka-importante?) know about Alvin.

1. Favorite X-Men character nya ay si WOLBARIN

2. Favorite subject nya sa school nung elementary sya. As read by Alvin during his grade school days: ES-KYEN-SE. Or para sa ating hindi katalinuhan; SCIENCE.

3. Lyrics ng "TRANSFORMERS" theme song ay; The Transformers, Pork and beans the eye..."

4. Nakaka-ketong ang pagkain ng ulam na pinaghalo ang kalabasa at manok.

5. Favorite saying; BEAUTY IS IN THE EYE.

itutuloy...

2 comments:

Anonymous said...

hahahaha!!!! that one made me laugh ....(",) nice one Tonio...whoever you are.....

Anonymous said...

pag may problema ako eto na lang babasahin ko siguradong tanggal lahat ng problema at lungkot sa buhay ko..

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.