vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Friday, November 5, 2010

My Most Beautiful Mistake 5 (end)

Installment 5
posted by princemarvin
Sinadya kong tumagal sa kusina, ayaw kong maabutan na gising si Matteo sa sala. Hingasan ko ang plato at lahat ng ng makita kong madumi. Nang dumaan ako sa sala para umakyat nakita ko si Matt sa sala, sarado na ang tv at natutulog na siya, nakaakap sa sarili at nilalamig. Walang kumot sa sala, naka-sando lang siya. Dali-dali akong umakyat sa kwarto at kumuha ng kumot. Tinakpan ko siya ng kumot na yun at tipong aakyat na ng narinig ko siyang magpasalamat.


Wala na si Matt ng magising ako ng alas-10. Sa kusina may malamig na french toast. Kinain ko ng malamig ang agahan at pumasok sa opisina. Wala parin si Matt ng makauwi ako ng gabi. Pagkatapos mag-luto at kumain, nanood ako ng tv sa sala, wala parin si Matt, hanggang nagising ako ng alas-dos ng madaling araw. Naisip ko kung nasaan na si Matt ng ganung oras at kung ano na ang nangyari sa kanya. Lumabas ako sa may pool para magpalamig at nakita si Matt na nakahandusay sa may upuan malapit sa pool. Gising si Matt at umiinom galing sa bote, sa baba ng upuan may tatlong bote ng Red Horse na ubos na at meron pang dalawa na hindi bukas. Halatang lasing na si Matt, malakas ang amoy ng alkohol sa kanya.

"Tama na yan," sabi ko sa kanya akmang kukunin ang beer sa kamay.

"I love the way you said that. It almost sounds like you care." sabi ni Matt. Hinayaan nyang kunin ko ang beer sa kamay nya.

"Pumasok ka na sa loob. Malamig dito."

"Another one! Ha! This must be my lucky day!"

"Matt, marami ka ng nainom."

"Why do you care? I mean I'm a mistake, right? Why do you care about your mistakes?"

"Is that what this is about? Kaya ka umiinom dahil sakin?"

"You'd like that, wouldn't you? But rest easy, I'm drinking because I made a mistake, a really bad mistake, the worst mistake I ever made." tumayo si Matt sa harap ko at hinawakan ang dalawang pisngi ko. Tumingin siya sa mata ko at tumahimik. Hindi ko alam kung anong gagawin niya. Ayaw ko siyang itulak baka matumba sa kalasingan.

"You, Kiros… you're the most beautiful mistake I ever made."

Naglakad si Matt papasok ng bahay at iniwan akong tulala sa kinatatayuan ko. Hindi ko na pinansin ang lamig kahit naninigas na ang katawan ko na parang nagyeyelo. Hindi ko alam kung hangin ang nagdala nun… o si Matt. Pagkarinig ko ng pagsarado ng pinto saka tumulo ang malakas na luha. Nandyan na naman sila. Ayaw na naman papigil. Sumabay sa pagbuhos ng luha ko ang pagbuhos ng ulan pero hindi ko magalaw ang paa ko para sumilong. Parang napako sa lupa hanggang tuluyan na akong mabasa ng ulan.

Pagka-umaga nagising ako na may lagnat. Sa lahat ba naman kasi ng lugar na pwedeng pagdramahan, dun pa ko sa umuulan. Umuulan pa din sa mga oras na yun. Hindi ako papasok. Nagreklamo ang tiyan ko sa gutom. Mag-aalas 8 pa lang. Sa kusina kumakain si Matt ng oatmeal. Pagkatapos tumingin sakin binalikan ang pagkain niya at nagkunwaring wala ako sa paligid. Nagbuhos ako ng kape sa tasa at umupo sa upuan na katapat ng kinauupuan niya. Wala akong magawa kung hindi titigan siya. Napakaamo ng kanyang mukha. Maliban sa pulang mata, aakalain ko na nasa harap ko ang pinakamagandang nilalang. Biglang kumirot and puso ko at lumakas ang tibok. Sabi ko na nga ba. Mukhang matatalo ako sa pustahan.

"Bakit?" tanong niya sakin. Napansin niya siguro ang pagtitig ko sa kanya.

"Tell me about your daughter," sabi ko sa kanya. Ngumiti din siya.

"Anong gusto mong malaman?"

"Kung anong gusto mong sabihin."

Tumahimik siya ng sandali, nagiisip kung anong sasabihin.

"Her name is Nicole… Nikki. She's 3. Kasama ng mama niya sa Australia. Dun ako tumira dati until two years ago when her mum and I… when her mum and I decided that we have to stop living a lie."

"Anong ibig mong sabihin?"

Tumahimik na naman siya para makapag-isip.

"Hindi ko mahal ang mummy ni Nicole," simula niya, "hindi rin niya ako mahal. Nagsama lang kami para sa bata. Nicole came out of nowhere, unexpectedly. Isang inuman ng magbabarkada, the next thing you know, her parents and my parents have agreed on a wedding. Ayaw naming pumayag. Her name was Celine, she was my bestfriend. Kilala namin ang isa't-isa. Alam ni Celine kung ano ako. At alam naming hindi kasal ang gusto namin. We went to Australia para tumakas sa kasal. We were practically prisoners. Ang bahay, pagkain, lahat bigay lang ng pamilya at mga barkada. Wala akong ginagawa dun. Celine met a new guy and fell in love kaya kailangan ko siyang bigyan ng space. Pumayag akong iwan sa kanya si Nikki with the promise that I will still be recognized as his father. Bumibisita ako dun once in a while and they call me."

Natahimik ako sa pagkukwento niya, akala ko may karugtong pa.

"Yun lang." dagdag niya.

"I'm sure she's a beautiful kid." sabi ko sa kanya.

"I'm her father, of course she's beautiful."

"Yabang…" Ngumiti siya at nawalan ulit kami ng pinaguusapan hanggang tanungin ko siya. "Did you mean what you said yesterday? Do you really think I'm a mistake?"

Tumingin siya ng matagal sakin bago nagsalita. Ulan lang sa labas ang naririnig namin.

"I don't know what to think."

"Because I think I'm in love with you."

Fuck! Sinabi ko ba yun sa kanya o sa isip ko lang? Parang hindi ko na napigilan, bigla na lang lumabas sa bibig ko. Tumahimik siya. Tang ina, sinabi ko nga yun, di ko inisip lang. Ngumiti siya sakin at walang sinabi.

"Pwede ba magsalita ka, para akong gago dito."

"What do you want me to say?"

"I don't know. Maybe you can tell me it's all a mistake. Diba favorite word mo yun? Maybe you can tell me it's just an illusion or something." Wala parin siyang sinabi.

Dinala niya ang pinagkainan sa lababo at hinugasan habang nakatingin lang ako sa kape ko na nangangarap na sana malunod na lang ako dito. Nangyari na ang kinatatakutan ko, ang magmahal. At hindi pa nga nagtatagal nasasaktan na ako agad. `Yun ang isang bagay kaya wala akong hinayaan na lumapit sakin ng ganito. Nabibigyan sila ng pagkakataon para saktan ka.

Hindi ako iiyak, sabi ko sa sarili ko. Kung hindi niya man ako gusto gaya ng pagkagusto ko sa kanya, wala na akong pakialam. Mabuti ng matapos `to bago pa masimulan.

"You're so stupid!" Sabi ko sa sarili ko ng malakas.

"Don't blame yourself. I'm just irrisistable." Putang ina nang-inis pa.

"You think this is a joke? God! Ikaw ang nagsabi sakin na masyado akong matigas, na di kita pinapatuloy," umiiyak na ako sa mga sandaling yun. "Then you take my defenses away, make me fall in love with you so bad and now you're laughing at me? Putang ina, anong tingin mo sakin, ha? Laruan?"

Lumapit ako sa kanya at pinaikot para magkaharap kami. "Look at me! Am I a toy to you, Matt?" Hindi siya nagsalita ng matagal hanggang…

"Are you really in love with me, Kiros?"

"Bingi ka ba?"

"Kiros, mahal mo ba talaga ako?" Hinawakan nya ang pisngi ko. Tumango ako bilang sagot sa tanong niya. Lumakas ang buhos ng luha ko. Natakpan ng tubig ang paningin ko. Sunod naramdaman ko na lang ang labi ni Matt sa labi ko. Isang malambot na halik. Niyakap niya ako at bumulong sa tenga.

"I knew I loved you the first time I ever laid eyes on you. I know that sounds crazy but well, I'm crazy. And
I'm crazy in love with you."

Natawa ako sa sinabi niya.

"Ang korni mo. Parang gusto ko na tuloy bawiin ang sinabi ko."

Bulong ko sa kanya.

"You know that's not true."

"Yeah… I know."

Niyakap niya ako ng mahigpit na sinuklian ko ng mas mahigpit na yakap. Hindi ako makapaniwalang sa iilang araw pa lang na magkakilala kami, ganito na ang mararamdaman ko para sa kanya. Pero hindi ako nagsisisi. Nawala ang takot ko sa kahit ano. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. At alam ko na ngayong gabi, hindi na ako iiyak.
-wakas-

Sana nagustuhan ninyo ang kwentong ito...Naway maging silbing aral at inspirasyon ito sa atin mga takot na magmahal at sa mga gustong magmahal muli...

23 comments:

Mark said...

pa follow po.. minepipo.blogspot.com. thanks.

Anonymous said...

galing mong magsulat ah. true story ba yon?

Anonymous said...

What a very nice short story.. :) i can't stop reading this one.. hope to find a person like matt i know it's impossible LOL... keep it up!

Anonymous said...

ang galing... maganda ang pagkasulat!~

Anonymous said...

ang cute ng story. parang based on real life. isa to sa mga magandang story na nabasa ko. no lovescenes but definitely full of romance.

Anonymous said...

bongga! parang girl ung main character.. and yeah babae ako hahaha.. ganda ganda ng story.. daig pa girl boy love stories.. panalo!

monjh said...

a very very very well written short story! recommended!

Mr. G said...

beautiful story!

Anonymous said...

ang sarap bsahin..nkkaiyak kxe sobrang touching..iniimagine q ung mga pangyayri at mga characters, ang perfect!!...nd aq mkktulog ng maayos nito for sure...ang gnda superr!!.. love it!!

xtian_0928 said...

wow. d best story ive read. nagpuyat ako para lng matapos ung story. bravo ^_^

Anonymous said...

a wonderful story ! very interesting that i couldn't let myself let go reading ! but is this true anyway ?

Anonymous said...

this is one of the best stories i've ever read here so far. good job to the author!

-paolo

Anonymous said...

hhhhhhmmmm arte naman ng character na iyon. tass bitin pa ang story.......

Anonymous said...

i love you matteo! omg did i just said that? haha now he is making me insane, shit, makes me fantasize i was kiros. damn. too much cursing from me now, i better stop. kudos dkazuma, if this were a sold novel, it would have been New York Times Best Seller.

joe here from new york city

Anonymous said...

wow ang sarap mangarap i realy love the story thanks for kiros and matt sana me kasunod pa ang kwento ng love story nila

Anonymous said...

this is my second time to read it. it pricks my heart, geez dkazuma! i cant help reading it over and over again, gives me the same blush each time. i see myself in kiros shoes. sana may matteo din na darating sa life ko.

joe here from nyc

ZROM60 said...

nice one! ha ha ha ha.alamko marami kinilig sa paglalahad mo ng iyung story. more to come! keep up d good work frend!

darkassasin said...

these was really nice i provide my self a hard copy hahahahahahahahah

Anonymous said...

very nice story, romantic comedy lang ang peg..xDD
ganda ng simula, natawa talaga ako. tapos ang ganda din ng ending, parang pelikula... hehehe

Anonymous said...

Awesome!!!

Anonymous said...

nakarelate ako :)

Anonymous said...

One of the best. Mas lalo ko mnahal bf ko..habang bj nia ako now..hahaha..
Perhaps the best of the best. :)

Anonymous said...

ang tagal na pala nito ngayon ko palang nabasa.at ang ganda isa sa pinaka magandang nabasa kong story. may iba ka pa bang m2m story author? _dereck_

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.