vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Friday, September 24, 2010

Ang Engineer 3 (end)

written by Big Boy
Installment 3

Talagang inabangan ko ang pagdating ni Rommel at naghintay ako sa aming hardin. Hating gabi na ng dumating si Rommel. Agad kong tinawag ang kanyang pangalan pero binalewala lamang niya iyon at tinungo ang ginagawang bahay. Subalit hinabol ko siya at pilit kinausap. Alam ko na mukhang naparami ang nainom na alak ni Rommel pero gusto ko pa ring magpaliwanag sa kanya.

“Pwede ba, wag mo na akong kakausapin. Tapos na sa atin ang lahat” ang panunumbat sa akin ni Rommel.

“Please Rommel, mag-usap naman tayo” ang makaawa ko sa kanya.

Sa mga oras na iyon at alam ko na mas malakas ako kay Rommel dala ng kanyang kalasingan kaya pilit ko siyang inilayo sa harap ng ginagawang bahay upang walang makarinig kung ano man ang pag-usapan namin.

“Rommel naman. Dito tayo mag-usap ng hind mabulabog ang mga natutulog diyan” ang hiniling ko kay Rommel.

Di naman nagpumiglas si Rommel at nailayo ko siya doon. Naupo kami sa sidewalk at doon nagsimulang maglabas ng sama ng loob si Rommel.

“Akala ko nakakita na ako ng isang kaibigan na magmamahal sa akin kahit sino pa man ako” ang hinaing ni Rommel.

“Huwag ka naman ganyan, Rommel” ang sabi ko naman.

“Pagpasensyahan mo na lang kami sa bahay kung ganoon agad ang tinakbo ng isip namin” ang dugtong ko pa.

“Sex lang naman yata ang habol mo sa akin. Heto na, heto lang ba ang gusto mo sa akin?” ang muling panunumbat ni Rommel sabay bukas sa zipper ng kanyang pantalon at pilit inilalabas ang kanyang alaga.

“Hindi Rommel, mahal na mahal kita. Marami na rin akong naging girl friends. Pero ikaw pa lang ang nagpakita ng ibang klaseng pagmamahal sa akin” ang paliwanag ko kay Rommel.

“Bakit mo ba ako minahal, Rommel?” ang dugtong na tanong ko kay Rommel.

Lalong tumulo ang mga luha sa mga mata ni Rommel sa aking tanong. Huminga siya ng malalim at nagsimulang magsalaysay muli ng kanyang nakaraan.

Kilalang chick-boy si Rommel noon sa kolehiyong kanyang pinapasukan. Bukod sa gwapo na ay matalino pa dahil scholar siya doon. Varsity player din siya ng basketball. Kaya naman isang campus figure talaga siya. Subalit ng nasa 5th year na siya ay tinamaan talaga siya ni cupido at na-in-love sa isang schoolmate niya. Di rin nagtagal ang panliligaw niya dito at sinagot din siya. Anak pala ito ng isang mayamang politiko sa kanilang probinsya. Naging mapusok ang dalawa na humantong sa pagdadalang-tao ng girl friend niya. Nang malaman ito ng mga mgaulang ng babae ay ipinaglayo sila. Maimpluwensya ang ama ng babae at napaalis ng eskwelahan si Rommel. Graduating na siya noon kaya pinilit niyang lumipat ng school at tapusing ang kanyang kurso. Di kaya ng kanyang mga magulang ng tustusan ang lahat ng kanyang pangangailangan kaya naghanap siya ng mapagkakakitaan.

Nakakilala siya noon ng isang mayamang bading na nag-alok sa kanya na magpapaaral sa kanya. Kumapit siya sa patalim upang makatapos na siya. Tutal isang semester na lamang. Nagpasasa sa katawan ni Rommel ang bading na iyon. Walang araw yata na hindi siya ginamit ng bading na iyon. Diring diri si Rommel sa ginagawa sa kanya ng bading na iyon. Okey na sana kay Rommel iyon subalit makalipas ang dalawang buwan ng pagsasama niya ay nag-iimbita na ang bading na iyon ng iba pang kaibigan nito sa bahay na tinutuluyan nila. Ang masama pa ay pilit na pinapagamit si Rommel sa mga kaibigan nito. Nakisama lang si Rommel sa nais ng bading na iyon dahil alam naman niya na kaunting pagtitiis lang at makakapagtapos na siya.

Nang makapagtapos na si Rommel ay agad niyang hiniwalayan ang kinakasamang bading. Sumugod agad siya sa Maynila upang magtrabaho at upang makalimutan ang pinagdaanan niya. Maabilidan naman si Rommel kaya agad itong natanggap sa trabaho. Naging matipid si Rommel kaya naman nakatulong na siya sa pagpapaaral ng mga kapatid. Simula ng magtrabaho si Rommel sa Maynila at tila ayaw na niyang umuwi sa kanilang probinsya. Tila ayaw na niyang balikan ang kanyang nakaraan. Subalit dahil mahal na mahal niya yung babaeng nabuntis niya at di rin siya nakatiis at ipinagtanong ang kalagayan nito at ng bata. Lalong sumama ang loob ni Rommel ng malaman na nasa US na pala ang babae at nagpakasal na rin sa ibang lalake. At ang pinakamasaklap pa ay ipinalaglag daw ng babae yung kanilang anak.

Ipinagtapat din niya sa akin na ang bunso nilang kapatid ay hindi namatay kundi nagpakamatay ito. Buhat kasi ng malaman nila na isa din itong bading ay naging malupit siya dito pati na rin ang kanyang ama. Sa tuwing uuwi ng bahay si Rommel ay lagi niya itong nabubugbog. Ganoon din naman ang ginagawa ng kanyang tatay. Pilit nilang pinapagbago ang kanyang busong kapatid. Minsan nga ay muntik na niya itong mapatay ng silipan siya nito habang naliligo. Tanging sawali lamang kasi ang tabing ng kanilang palikuran at sa tuwing maliligo si Rommel ay hubo’t hubad siya. Madikit ka lang sa tabing nito ay tiyak na masisilipan mo ang naliligo dito. Pero ang higit na marahas na ginawa ni Rommel ay ang hindi nito pagpayag na mag-aral sa kolehyo ang kanyang bunsong kapatid habang hindi ito nagbabago.

Simula noon ay naging depress ang kanyang bunsong kapatid. Kahit isinusubsob ang sarili sa gawaing bahay ay bakas na bakas pa rin ang lungkot sa kanyang mukha at pangangatawan. Hanggang sa isang araw na madatnan na lamang ng kanyang magulang ang kanyang bunsong kapatid na isa ng malamig na bangkay hawak sa kaliwang kamay ang isang liham at sa kanan naman ay isang basyong bote ng insecticide. Ikinagulat ng buong mag-anak ang ginawa ng pinakabatang miyembro ng pamilya.

Halos di mapigilan ni Rommel ang pag-tulo ng kanyang luha sa paglalahad niya ng kanyang nakaraan.

“Alam mo kung bakit kita minahal, ayaw kong matulad ka sa bunso kong kapatid” ang naging sagot sa akin ni Rommel sa aking katanungan kung bakit niya ako minamahal.

“Nakita ko sa iyo ang aking bunsong kapatid noong una pa man kitang makita. Alam ko na tulad mo rin siya na naghahanap ng magmamahal sa kanya kahit ano pa man siya” ang dugtong pa ni Rommel.

Wala akong naisagot kay Rommel sa halip ay tumulo na rin ang mga luha sa aking mga mata. Nang magpaalam siya sa akin ay di ko na rin siya napigilan. Tumayo siya at humakbang papalayo sa akin habang pinagmamasdan ng luhaan kong mga mata ang kanyang paglayo sa aking kinauupuan.

Ilang araw din kaming di nagkita at nag-usap ni Rommel. Nakapag-usap lamang kaming muli ng bumalik sa amin ang mga pulis at hulihin ang isang trabahador ni Rommel. Umamin din naman ang trabahaor na ito na siya ang nagnakaw ng mga alahas. May criminal record na rin pala ito sa pulisya kaya madali nilang nalaman kung sino ang may kagagawan. Lingid sa kaalaman ko na si Rommel mismo ang nakipagtulungan sa pulisya upang mapabilis ang paglutas ng kaso.

Humingi ako ng tawad kay Rommel at agad naman niya itong tinanggap. Pati si Manang ay humingi din ng tawad sa kanya. Naghanda pa si Manang noon ng masasarap na pagkain ng muling bumalik sa aming bahay si Rommel. Tila isang fiesta ang handaan at imbitado pa ang lahat ng trabahador ni Rommel. Naging masaya kaming muli ni Rommel subalit ng makalipas ng limang buwan at natapos na ang bahay na ginagawa ni Rommel ay nagpaalam na siya na di na muna siya doon matutulog gabi-gabi pero pipilitin pa rin niyang madalaw ako kahit tuwing weekends. Medyo malayo kasi sa aming subdivision ang bagong project ni Rommel.

Lubos na sana ang kaligayan namin ni Rommel subalit isang araw ay nabigla kami sa pagdating ng aking mga magulang mula US. Nabalitaan daw nila sa isang kamag-anak namin na minsang bumisita sa bahay na meron daw akong lalaking pinatitira doon. Buti na lamang at wala sa bahay si Rommel. Subalit naging mabigat ang mga ibedensya ng makita nila ang ilang damit ni Rommel sa mismong kabinet ko. Wala akong magawa kundi ang aminin ko sa kanila ang tungkol sa amin ni Rommel. Isang suntok sa mukha ang ibinigay sa akin ni Papa at napahagulgol naman sa iyak si Mama. Napansin ko rin na pati si Manang ay napaiyak. Nang umasta muli si Papa upang suntukin ako ay bigla akong niyakap ni Manang.

“Sir, Mam, tama na po, pakiusap po, tama na po” ang pakiusap ni Manang habang mabhigpit ang kanyang pagkakahawak sa akin.

“Matagal ko na pong napansin ang ibang pagtitinginan ng dalawa. Ako nga po sana ang magsasabi sa inyo ng tungkol sa kanila. Subalit nakita ko po na maligaya ang inyong anak sa piling ng lalaking iyon. At napatunayan ko rin na malinis din ang hangarin ng lalaking iyon sa inyong anak. Kaya po, Mam, Sir, pagalitan nyo rin po ako” ang paliwanag ni Manang.

Nanahimik ang lahat sa mga salitang binitawan ni Manang. Ako naman ay pumasok sa aking silid upang makaiwas sa kung ano pang diskusyon. Di ako lumabas ng aking silid hanggang sa katukin ang pinto ni Manang.

“Umalis muna ang mga magulang mo. Sa hotel daw muna sila matutulog ngayong gabi” ipinaalam sa akin ni Manang.

“Halika na iho, kain ka na” ang paanyaya ni Manang sa akin.

“Wala akong ganang kumain Manang” ang tugon ko naman sa kanya.

“Basta pagnagutom ka tawagin mo lang ako ha at iinitin ko ang pagkain mo” ang nasabi ni Manang bago niya ako iniwan.

Walang kaalam-alam si Rommel sa nangyari subalit pinilit pa rin niyang makauwi sa bahay upang makilala niya ang aking mga magulang. Halos hating gabi na ng dumating siya. Habang kumakain kami ay naikwento ko ang mga pangyayari kay Rommel. Si Manang naman na gising pa rin sa mga oras na iyon ay nakisalo sa aming usapan. Laking gulat ni Rommel ng malaman niyang alam na pala ni Manang ang tungkol sa amin simula ng lumipat si Rommel sa bahay namin. Bago kami natulog ay nagdesisyon si Rommel na bukas na bukas din ay pupuntahan naming ang aking mga magulang.

Matapos ang aming umagahan ay nagtungo kami sa hotel na tinutuluyan nina Mama at Papa. Parang pinaghahandaan na pala nila ang aming pagdating. Pero wala pa rin kaming imikan ng makapasok kami sa silid nina Mama at Papa. Tila walang gustong magsalita sa aming apat.

Subalit naglakas loob si Rommel na magsalita na “Mawalang galang na po, ako po si Rommel, yung kaibigan na anak nyo. Alam ko po na magtataka kayo kung bakit po pumasok ang anak ninyo sa ganoong relasyon. Napagdaanan ko rin po ang nararamdaman ninyo ngayon ng malaman ko ang tungkol sa aking bunsong kapatid. Lahat naman po ay may karapatang mahalin ang taong nais niyang makapiling sa kanyang buhay. Karapatang hanapin ang kanyang tunay na ligaya. Laking pasasalamat ko po na sa akin po natagpuan ng anak ninyo ang ligayang iyon. At ganoon din naman po ako, siya ang nagbibigay sa aking ng isang tunay na ligaya at pagmamahal na di ko nadarama sa buhay ko. Subalit kung masisira ko ang inyong pamilya ay ako na po ang magpaparaya.”

Halos mapaluha kaming apat sa loob ng silid. Wala pa ring reaction sina Mama at Papa ng ilang minuto. Kaya naman nagpaalam na si Rommel sa aming tatlo.

“Iho, Rommel nga ba ang pangalan mo” ang tanong ni Papa kay Rommel at tumango naman ito.

“Huwag ka munang umalis. Sana naiintindihan mo kami. Hangad lang namim ang magandang buhay para sa anak namin. Sa totoo lang hindi kami nakatulog kagabi sa pag-iisip. Pero ngayong umaga ay napag-isip-isip namin na ang anak lamang namin ang siyang makakapagsabi kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay at kung saan siya magiging masaya. Subalit naririto pa rin kami upang suportahan siya sa lahat ng kanyang magiging desisyon” ang salaysay ng aking Papa.

“Iho, huwag mo sanang sasaktan ang aming anak” ang dugtong naman ng aking Mama.

Sa aming narinig ni Rommel ay labis kaming natuwa.

“Mama, Papa, maraming salamat sa inyong pag-uunawa” ang bigla ko naman nasabi sa kanila. Sabay yakap ko sa kanilang dalawa.

“Oh, iho, makiyakap ka na rin dito” ang paanyaya ni Papa kay Rommel.

Lumuwag ang aming kalooban sa mga oras na iyon. Sumama na din sa amin sa bahay sina Mama at Papa. Kinagabihan ng araw na iyon ay nagpahanda agad si Mama ng kaunting mapagsasaluhan namin. Lingid sa aking kaalaman ay kinutsaba nina Mama si Rommel upang sunduin ang kanyang mga magulang sa probinsya. Ilang oras lang naman ang byahe mula Maynila kaya bago pa man kami maghapunan ay dumating na rin sila.

Nagulat ako sa pagdating ng mga magulang ni Rommel. Noon din inamin ni Rommel na alam na ng mga magulang niya ang tungkol sa aming dalawa. Nagtapat kasi siya noon pa mang nagsimula na siyang hindi umuwi ng weekends sa kanila. Naintindihan naman nila ang kanilang anak at wala naman silang pagtutol sa aming relasyon ni Rommel. Nagkakilanlan ang aming magulang at naging masaya ang pagsasalusalo namin ng gabing iyon. Tila ba ikinasal kami ni Rommel sa harap ng aming mga magulang. Kinabukasan ay nagpaalam na rin ang mga magulang ni Rommel dahil di nila maiwanan ang koning kabuhayang naiwan sa probinsya. Si Mama at Papa naman ay nagyayang magpunta kami sa Boracay bago sila lumipad pabalik ng US.

Isang lingo ang nakalipas ng bumalik sa US sina Mama at Papa. Kami naman ni Rommel ay nagpatuloy sa aming masayang relasyon. Syempre hindi naman puro tawanan at kasiyahan ang aming pagsasama. Nagkaroon pa rin kami ng hindi pagkakaintindihan at pag-aawayan. Subalit ano mang gusot na dumating sa aming samahan ay amin itong pinag-uusapan at nagpapatawaran. Sa ngayon ganap na akong doctor at inaayos lamang namin ang ma papeles ni Rommel at pupunta na rin kami sa US upang harapin ang panibagong bukas sa aming buhay.

- WAKAS -

29 comments:

Derek Anderson said...

THIS IS THE BEST LOVE STORY I HAVE EVER READ... PLEASE READY ALL THREE EPISODES... VERY MINIMAL FLAWS WITH REGARDS TO THE PLOT... BUT ITS ENTIRETY IS EXCEPTIONAL! Hope someone will make a movie out of this...

Anonymous said...

i couldn't agree more

Anonymous said...

oh my god... napiyak talaga ako sa kwentong ito.. sana mahanap ko din ang lalaking kagaya ni ronnel..

Anonymous said...

happy ending =)

once in a while talaga GOD gives us a fairytale

pa add na rin sa ym.. carlo_lim22

Anonymous said...

SO NICE STORIE...HOW I WISH I WILL ENCOUNTER ALSO A MAN HU COULD PROTECT AND LOVED ME THE WAY I LOVE HIM !

Anonymous said...

star cinema... mmk... pls gawan nyo ito ng movie... zanjoe and coco martin... with caridad sanchez... SUPER LIKE ko xa...

NakedAsianMen said...

agree ako sayo bro.. Sana may maka isip gawan ng storya to.. kahit indie producers lang.. nice story.. inspiring nice plot .. bebenta toh..

Anonymous said...

wow nice story nag start ako sa ending alam ko maganda ito kwento... salamat sa nag post nito ...

hindi ako readers pero d2 sa blogs mahilig nako mag basa kc inspiring moments...


ito lang past time ko sa saudi..

tnx

jeo ksa

Anonymous said...

so far this the most amazing at wonderful love story i have ever read.. i am girl but i havent experienced this kind of relationship.. i mean the drama behind the story and the positive results.. love it!

Anonymous said...

grvhe ang ganda super

Anonymous said...

napaiyak ako sa story nyo... thank you for sharing. Best of luck to both of you

Anonymous said...

A PERFECT ROMANCE!

Anonymous said...

wow d best story tlga...napaiyak me at sana mkahanap dn me ng tamang tao n magmmahal at mmahalin...

Anonymous said...

grabe! affected ako sa story nio ha. sana makatagpo din ako ng isang rommel sa buhay ko.

Anonymous said...

super ganda ng story.....super like..:))

andrei zoles said...

Naranasan ko na ring magmahal gaya ng minahal ni rommel..nangakong magmahalan hanggang tumanda.Pinaglaban ung pagmamahalan sa alam naming paraan.inaamin ko mahal na mahal ko sya,sya lang at wla ng iba.Sya na ang naging buhay ko wid in 6 years,hanggang sa dumating sa puntong bumitiw sya sa pangakong magmahalanhabang buhay...Masakit kc ginawa ko rin ang paraang gaya ng paraang ginawa ni rommel..pero umayaw na sya...For 1 year mahigit na wala na kami,sya parin hanggang ngayon.Sa sususnod na linggo pupunta na ako ng cebu don na magtatrabaho,hopefuly magbabagong buhay at bububo ng sariling pamilya.One day,masusulat ko rin ang kwento ng buhay ko dito halos kapareho sa pagmamahal na ibinigay ni rommel para makapag pa inspire sa iba!

Zekiee said...

awts normal lang yan drei.. d lang naman ikaw ang napagiwanan..move on ka nalang pre..cguro may rason yung tao kung bakit d nya natupad ang habangbuhay na usapan nyo..kaw na nag sabi for 6 yrs kayong nag sama...d kayo tatagal nang 6 yrs kung d ka rin nya minahal..

yuri said...

nice..nakakaiyak..

bpab2001 said...

may ganito kaya sa totoong buhay? ganda ng story wish nalang na mangyari din sa atin

Anonymous said...

GRABE!!! NAPAKA GANDA NG STORING ITO! PWDE XA MAGING MOVIE XA INDIE FILM!!! O PWDE RIN SA MMK! THE BEST STORY NA NABASA KO GANDA NG ENDING!!! SANA MAKA TAGPO DIN AKO NG GAYA NI ROMMEL!!!

Anonymous said...

super super like!! bakit ngayon ko lang binasa to? awwwww... sweet..

Anonymous said...

shit..hirap talaga pag mababaw ang luha..haha namiss ko tuloy espren ko sa pinas.. di nya alam may paghanga ako sa kanya..hehehe

Anonymous said...

Isa lang ang nasabi ko.

* Napakaganda.


Writer, padala mo naman sa MMK 'to at nang ma-inspire ang iba. Palagay ko hindi naman ito masamang panoorin kapag naisadula ng mga artista. Kasi it's all about acceptance, happiness,& most especially LOVE. God speed.

Anonymous said...

akala puro nalang kalaswaan ang mababasa ko dito meron palang nakakainspire... naiyak ako...

Anonymous said...

Inspired

jayr farma sandigan said...

can't get over it.. love it very much. ♥

Anonymous said...

nice story...i wih oone og these das i'll find my own happiness..may u both live happily ever after- fr Dublin with luv

Anonymous said...

Ganda ng story... love it.... kami ng partner ko 12 years na at masasabi kong dami na rin kaming pinang daanang problema sa relasyon namin. Pero talaga yatang we love each other kay tumagal kami ng ganito.

Anonymous said...

so sweet... sana ganon din kami... hehehe

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.