vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Monday, July 2, 2012

Alter Ego 1

Written by: Jams Alterego
 Installment 1


19 anyos lang ako noon nang nasa 3rd year na ako sa kursong Mechanical Engineering. Sa sariling pagsisikap at sa mga tulong ng mga taong hindi ko kaanu-ano, makakatapos na ako. Nag-aaral ako sa isang malaking unibersidad sa lungsod. Nag-aaral ako sa umaga at nagtatrabaho sa gabi. Sa edad kong ito, masasabing mayroon akong hitsura. Katatamtaman ang aking taas at ang laki ng katawan. Sa totoo nga ay nagkaroon na rin ako ng marami-raming girlfriend para lamang mapagtakpan ko nang lubusan ang aking tunay na pagkatao. Subalit sa kabila ng aking pagigirlfriend, wala pa akong mga nagiging karanasan sa seks. Ang init na nararamdaman ko sa seks ay dahil sa lalaki.


"Alvin, pasensya ka na, ha. Mukhang matatagalan pa bago maayos ang boarding house na ito. Kailangan mo munang lumipat sa iba."
"Wala po ba kayong pwedeng irekomenda sa akin na lilipatan?"
"Meron, doon sa pinsan ko sa may Delgado St. Sana nga lang may bakante pa sila."
"Ah, ganoon po ba? Pupuntahan ko na po ba s'ya ngayon?"

"Tatawagan ko, kaya siguro dapat pumunta ka na ngayon. Naroon lang naman siya at hindi umaalis. Madadala mo na ba ang mga gamit mo? Bukas kasi nang umaga ay darating na ang magbabaklas ng bahay kaya kailangan mo nang lumipat din kaagad."
"O sige po, maraming salamat po."

Ok na ako sa boarding house kong iyon. Bukod sa malapit na sa eskwelahan ko, malapit pa sa pinagtatrabahuhan ko. Kaya panibagong pag-adjust na naman sa kapaligiran. Pumunta ako sa kalye na kung saan naroon ang boarding house na pag-aari ng pinsan ni Kuya Dennis at malayo pa lamang ay nakaabang na sa akin ang isang lalaki na marahil ay may-ari ng boarding house.

"Ikaw na ba yong itinawag sakin ni Kuya Dennis?"
"Ako nga po."
"Siya, ipasok mo na ang mga gamit mo dito."
"Magkano po ba?"
"Ganoon din sa binabayaran mo sa mga Kuya Dennis, kasama na ang tubig at
kuryente. Ok ba 'yon?"
"Ok lang po."

Habang ipinapasok ko ang mga gamit ko sa loob ng bakuran ay lumabas mula sa loob ng bahay ang isang makisig na unipormadong pulis na nasa late-twenties na siguro. Moreno, makapal ang kilay, katamtaman ang tangos ng ilong at medyo pouty ang labi na mamula-mula. Nag-uumpisa nang tumubo ang kanyang bagong ahit na balbas at bigote ngunit maaliwalas namang tingnan. Mahahaba ang kanyang mga pilik mata at medyo may kasingkitan ang mata. Halos mataas lang siya sa akin ng kaunti pero malaki ang katawan. Hindi kalakihan ang kanyang tiyan niya kumpara sa ibang mga pulis pero hapit na hapit sa kanya ang kanyang suot na uniform. Pagdating sa kanyang pantalon, bakat na bakat ang kanyang malaking burat na para bang nanunukso. Napaka-pogi ng pulis na yon kung kaya't hindi ko maiwasan na tingnan s'ya mula ulo pababa. Nagbabanta ang pagngangalit ng aking burat kaya bigla kong ibinaling sa aking mga gamit ang aking atensyon.

"Bagong boarder, Kuya Anton?" nakangiting tanong ng pulis.
"Oo, pinapunta ng pinsan ko dito at ipagigiba na yung lumang boarding house niya
para ipagawa."

Ngiti na lamang ang isinagot ng pulis kay Kuya Anton, sabay bumaling din ng ngiti sa'kin. Halos mamula ako nang ngitian ako ng poging pulis. Halos nagiging triple ang kagwapuhan niya kapag ngumingiti. Lumitaw ang malalim niyang dimples sa pisngi na siyang ikinagulat ko. Shit, ang pogi! Nakabrace ang mga ngipin niya na bumagay naman sa kanya. Lalaking-lalaki ang hitsura niya na talagang
nakakapaglaway, kasabay pa ang halimuyak ng kanyang pabango na nakakalibog talaga. Nasabi ko tuloy sa isip ko na napakaswerte naman ng asawa't mga anak niya dahil grabe ang kagwapuhan ng tatay nila.

"Ligtas tayo dito at may pulis tayong kasama dito." biro ni Kuya Anton
Hindi ako makapagsalita dahil nakaka-engkanto ang hitsura ng pulis.
Nakakamangha. Nakakalibog.
"Safe ka dito, boy, anong pangalan mo?"
"Alvin po."
"Safe ka dito, Alvin kasi walang nakakapasok na magnanakaw sa bakuran na ito."
"Mabuti naman po kung ganoon, Kuya..."
"Erwin. Kuya Erwin na lamang." sagot niya.

Isa pa sa nagustuhan ko kay Kuya Erwin ang kanyang boses. Buong-buo at napakasarap pakinggan. Walang angas sa tono ng kanyang pananalita. Pwedeng pang-DJ sa radyo ang dating ng kanyang boses na kung papakinggan ay iisipin ng mga nakikinig na sobrang gwapo ng nagsasalita, at hindi sila magkakamali. Nakita ko sa kanya ang ideal man ko.

"Sige po, Kuya Anton, Alvin, babalik na muna ako sa opisina," paalam ni Kuya Erwin.
"Sige, Erwin," sagot ni Kuya Anton.

Dumaan sa tabi ko si Kuya Erwin at tinapik ang aking balikat. Mas nalanghap ko nang malapitan ang halimuyak ng kanyang katawan. Parang mambabae lang ang dating ng amoy niya na agad nakabuhay sa aking alaga. Mabuti at mabilis kong napigilan yon. Nang makaalis si Kuya Erwin, nanatili kaming tahimik ni Kuya Anton. Tila may malalim na iniisip si Kuya Anton na animo'y may kinukwenta sa utak. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Naku, parang wala nang bakanteng kwarto."
Bigla akong nag-alala. Hindi ako sumagot.
"Oo nga, wala na, nakuha na kasi ng isang umupa dito 'yong natitirang slot. Two weeks lang ang nakakaraan."
"Paano na po 'yan?"
"Oo nga, e. Nawala sa isip ko. Paano ba 'yan. Teka..."
Nanahimik ulit si Kuya Anton at tila nag-iisip.
"Solo ni Erwin ang kwarto niya dito. Ewan ko lang kung papayag yon na isama kita sa kanya."
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
"Nakakahiya naman po, hahanap na lang ako ng iba," paawa kong sabi.
"Teka muna, iteteks ko si Erwin."

Habang nagteteks si Kuya Anton, iba't-iba na agad ang pumasok sa isip ko. Gustung-gusto ko makasama si Kuya Erwin sa iisang kwarto at makatabi sa pagtulog. Sana pumayag siya na makasama niya ako sa iisang kwarto. Tila nahulog na agad ang loob ko sa kanya. Tumunog ang cellphone ni Kuya Anton. Binasa niya ang teks. Katahimikan. Maya-maya, tumingin sa akin si Kuya Anton. Kinakabahan ako nang husto.

"Ipasok mo na ang mga gamit mo", pumayag s'ya.

2 comments:

Anonymous said...

next na agad

Anonymous said...

tagal naman nang karugtong......

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.