vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Wednesday, April 18, 2012

Si Bert Ang Malambing na Guard 5

Installment 5
Written by Donald L.

tulog sa biyahe...
December 2011, halos araw-araw kaming nagkikita ni Bert dahil wala na ako masyadong biyahe sa field.  Madalas sabay kaming nagkakape bago pa umuwi.  Nariyan na rin ang kanyang mag-ina sa kanilang bahay kaya hindi na rin ako nakakapasyal sa kanya.  Ganun pa man, naging masaya ang aming relasyon na bilang matalik na magkakaibigan.  Habang tumatagal, lalo naming nakilala ang isa’t-isa – na hindi lang pala sa pagpaparaos ng libog kami pwede magkasundo, pati rin pala sa ibang mga bagay.


December 16 noon nang ginanap ang Christmas party sa aming opisina. Ang araw na iyon na ang huling araw n gaming pagpasaok sa buwan kasi magbabakasyon na. Kaming lahat ay binigyan ng kalayaan na gamitin an gaming vacation leave para sa nalalabing dalawang linggo ng taon.   Kahit hindi kami pumapasok, nagkikita pa rin kami ni Bert kada dalawang araw. Nagkasundo kasi kami ng tagpuan tuwing alas singko y media ng hapon.

December 23 nang nakatanggap ako ng tawag mula sa aking manager. Tinatanong niya kung maari bang iklian ko ang aking bakasyon dahil kailangan ng tao na tutulong sa relief operation sa Cagayan de Oro dahil nga sa bagyong Sendong.  Sabin g aking manager may sampung staff na n gaming opisina ang naroon mula pa noong Dec 19 pero kailangan na nilang umuwi at ako ay mapapabilang sa pangalawang batch na pupunta sa Dec 26 na.   Nahiya naman akong tumanggi. Syempre manager ko yun at kasama rin ang ibang nasa mas mataas na posisyon.  Insip ko rin na isang mgandang pagkakataon ito para sa akin na maibahagi ang aking sarili para sa ibang mas nangangailangan.  Dalawang linggo daw ang pinakamahabang assignment para sa batch namin.  Ibig sabihin doon na ako magcecelebrate ang aking birthday sa Dec 29 at doon na rin mag new year. 
Kinausap ko ang aking asawa tungkol dito. Syempre nalungkot siya dahil hindi kami magkakasama sa dalawang okasyon. Pero ok lang din sa kanya, alam naman din niya ang layunin kung bakit kailangan kong magpunta sa Cagayan.  Nagdesisyon na rin siya na yaman rin lang na wala ako sa piling nila sa susunod na linggo, magbabakasyon na rin sila sa sa kanilang probinsiya.  Pinayagan ko na rin dahil alam kong magiging masaya siya kung makakapiling niya ang kanyang pamilya.

Bago ako umalis, ipnaalam ko ang plan okay Bert.  Di rin naman niya ako pinigilan pero napakarami niyang bilin. Keso mag ingat dahil sa putik, maraming mikrobyo, magdala ng tubig at maraming safeguard.  Nakaktuwa naman talagang mag-alaga itong si Bert.  Sa likod ng kanyang uniporme na simbolo ng lakas at pagkamaskulado ay naramdaman ko ang kanyang kahinaan.  Sabi ko nga sa kanya  nung nag-uusap kami, gusto ko na siyang yakapin kaya lang napakaraming tao sa paligid namin. Halakahakan na lang kami nang malakas.

Dumating nga ako sa Cagayan kasabay ng siyam pang mga kasamahan sa opisina.  Isang baranggay ang tinutukan namin at napaka stressful ng trabaho.  Magkahalong pisikal at mental ang trabaho dahil kailangan mong mag-isip at tumulong sa pag-organisa ng mga tao.  Paglubog ng araw ay required kami na sumali sa debriefing meeting na umaabot hanggang alas dies y media ng gabi.  Yung lang ang naging buhay ko sa araw araw. Pagkagising, maligo agad,  hanap ng makakainan at diretso na sa temp office. Pagkakauha ng instructions, diretso na sa field, tabaho, meeting at tulog na agad.

Dahil sa request ni Bert na bigyan ko siya ng update tungkol sa mga nagnyayari sa akin, nagkasundo kami na kumuha ng ibang cellphone na may iba ring number para magamit namin sa aming komunikasyon.  Pero dahil nga busy ako masyado, tuwing gabi lang kami nagkakausap, kapag nakauwi na ako sa hotel. 

“Ilang minute na lang birthday mo na” si Bert habang nag-uusap kami sa telepono isang gabi.
“Oo nga eh, mukahang magiging kakaiba itong aking birthday ngayon” sabi ko sa kanya.
“Wag ka na munan matulog, gusto ko marinig ang boses mo pag birthday mo” request niya.
“Di naman ako magbabago ng boses hehe. Tsaka baka pagdudahan ka ng misis mo niyan, gabing gabi na nagtetelebabad ka pa” sabi ko naman.
“Alam ko yun, tsonggo! Gusto ko lang ako unang makakabati sayo. Tsaka tulog na si misis, napagaod dahil nag aerobics daw kanina ditto sa bahay”
“Ah naglalaro pala ang daga ngayon dahil tulog ang pusa” biro ko naman.

Marami pa kaming napag usapan. Nabanggit rin niya na meron siyang pinabibigay para sa akin para sa birthday ko. Ihahatid daw ng kakilala niya ditto sa hotel bukas na lang ng gabi para siguradong matanggap ko.  Nagpasamat naman ako sa kanya at sinabing hindi na niya kailangang damihan hehe.

11:59 pm para talaga kaming lovers na may pa count down pa.  Tapos binati na niya ako agad ng happy birthday.  Sinabi rin niya na nagpapasalamat siya na nagkakilala kami sapagkat mas dinagdakan ko raw ng kulay ang kanyang buhay.  (cheesy na naman!)  Puro naman din pasalamat ang binigay ko sa kanya.

Ilang minute pa, nag ring ang isa kong phone. Pag tingin ko, si misis.
“Naku, panu yan mapuputol na usapan natin eto na tumatawag na ang pinaka prayoridad hehe. Ayaw din magpahuli” sabi ko kay Matt.
“Ok na ako, basta hintayin mo gift ko bukas ha. Dapat diyan ka talaga sa hotel mo matutulog”  si Matt.
“Opo tatay” biniro ko na naman siya.  “ basta rin maraming salaamat talaga”

Pagkasagot ko ng isang telepono, nagtanong agad si misis kung bakit natagalan ang sagot ng telepono.  Paliwanag ko naman nasa banyo ako at hindi masyadong narining ang ring dahil nakasara ang pinto.   Tapos binate na niya ako at iba pang kwentuhan.

Kinabukasan, napakaraming bumati. Pati mga tao sa kumunidad alam rin pala na birthday ko.  Napakasaya at napaka init ng aking pakiramdam.  Tapos kumain kami ng tanghalian kasama ang ilang mga volunteers An gaming regular na pagkain na hinahatid ng caterer ay panadagdagan ko ng soft drinks at maraming pancit. Naging masaya naman ang aking selebrasyon hindi lang dahil sa dami ng bumati kundi dahil alam kong may naitulong ako kahit papano sa mga survivors ng baha.  

Pagdating ko ng hotel, nag shower na ako agad. Tapos hinanda ko ang aking sarili para matulog.  Nagkausap na kami ni misis kanina habang naghahapunan ko, sabi niya matutulog daw sila ng maaga ngayon dahil malamig ang panahon.   Kaya ang tawag na lang ni Bert ang hinihintay ko. Nag ring ang telepono na para lang sa amin ni Bert. Pagsagot ko, nakarinig ako ng busina ng sasakyan.

“Nasa lansangan ka pa ba niyan?” tanong ko sa kanya.
“May binili lang ako sa tindahan. Pero kailangan ko lang talaga lumabas para makatawag sayo.  Gising pa kasi si misis” sabi ni Bert.
“Papunta na diyan yung pinahahatid ko ng regalo, anong room ka nga?”
“Room 203” sabi ko.
“O sige, tawag na lang ako ulit bukas. Hintayin mo na lang yung padala ko jan, malapit nay un. Happy birthday na lang brod”
“Sige maraming salamat ulit. Good night”

Nakumbinsi na talaga ako na espesyal ako kay Bert dahil sa ginawa niya.  Tahimik akong napangiti sabay tutol ng remote sa TV.  Ilang minuto pa, nakarinig ako ng katok sa aking pintuan.  Dali-dali akong tumayo at tinungo ang pinto upang makita ang regalo ni Bert. Pagbukas ko ng pinto, halos lumuwa ang aking mga mata at malaglag ang aking baba nang makita kong si Bert mismo ang naroon, nakatayo at may bitbit na maliit na box na siguradong akong cake ang laman.  Halos ilang Segundo rin akong nakatayo at tulala dahil sa gulat.

Abot tenga na ang ngiti ni Bert. Saka lang ako naka react ng todo nang inalog niya ako at binate ng happy birthday. Gusto kong sumigaw ng malakas na malakas dahil sa tuwa pero pinigil ko ang aking sarili dahil alom kong makakalaboso kami pag ginawa ko iyon.  Dali-dali ko siyang pinapasok sa kwarto at pagkasara ng pinto (isipin nyo na lang kung anong nangyari). Pagkatapos ng matinding yakapan, halikan at pagulong-gulong sa kama, kumalma na rin ako.  Nakahiga si Bert sa kama, ako naman nakapatong sa kanya.

“Talagang hindi ko inaasahan na ikaw....dahil lkanina lang nag usap tayo nakumbinsi mo ako na nasa atin ka lang” sabi sa kanya sabay halik ulit sa kanyang lips.
Niyakap ako ulit ni Bert ng mahigpit, “nandiyan na ako sa labas nun, gusto ko lang matiyak na nandito ka na sa loob para di ma spoil ang surprise ko”.
“Panu ka naman nakarating ditto at panu ka nagpaalam sa misis mo?”
“Nung 26 pa lang, nag pa book na ako ng ticket  at napaalam ako kay misis na sasamahan ko ang aking kaibigan papunta dito sa Cagayan. Hindi naman mahiram akong paniwalaan dahil marami naman akong kaibigan dito”.
“Di mo alam kung paano mo ako pinaligaya nga ‘brod’” naalala ko yun ang itinawag niya sa aking huling usap namin sa telepono.
“Uy naalala mo hah, naisip ko kasi na rod na ang itawag sayo.  Parang masarap pakinggan, at madalas naman din tayong mapagkamalang magkapatid di ba?”

Di ko na siya sinagot. Sinimulan ko na ulit siyang halikan. Una dahan dahan at gentle. Kalaunan ay nging marubdom ang paghalik ko sa kanya na sinuklian rin naman. Mahigpit ang kanyang yakap at nagsimulang mag explore sa iba’t –ibang bahagi ng aking katawan.  Naramadaman ko na ang pagsimula ng paninigay ng aking manoy kaya  sinabayan ko na rin ng pagkiskis ng aking hita sa kanyang katawan.  Aktong tatanggalin ko na ang kanyang t-shirt. Pinigilan niya ako.

“Teka maliligo muna ako. Pawis na pawis ako kanina pagbili ko ng cake mo eh” nakangiti niyang sabi.
Umalis na ako sa pagkakapatong sa kanyang at hinayaan na siyang tumayo.

6 comments:

Anonymous said...

nakaka2wa naman 2. Hahaha. Nakakalig. Ok din kc minsan mga erotic st0ries kung hnd puro sex. Haha. Nainggit 2loy aq.
Anyways, add me in fb: rem_joe@yahoo.com.sg

Anonymous said...

its very true .... i ave a MU right now and he is a straight guy and the thing is that he got jealous once I keep in touch or have a communications with some guys without his knowledge. He has also GF but he fight for our relationship.... ! This story is indeed perfect !

Anonymous said...

sana meron din akong brod na ganyan mag care...

Anonymous said...

next na po.. .hehe

Anonymous said...

ang tagal naman ipost ang sunod na episode..tagal na nito eh..

kakakilig talaga ....BERT i love you na!

Anonymous said...

wer na po ang next?

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.