vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Sunday, December 25, 2011

My Unconditional Love Experience 23: Pagbalik ng Isang Bangungot

Installment 23
Written and Submitted by: Prince Cedie

"Pagbalik ng Isang Bangungot"


Pagdilat ng aking mata ay napansin ko na nakatali ang aking dalawang kamay sa headboard ng kama ni Andy. Unti unti akong kinabahan sa nangyayari at nakita ko si Andy sa pintuan at may kasamang dalawang lalaki. Pagpasok nila sa kwarto ay nakita ko si Sir Chuck, at kasama niya yung isa pang lalaki na nakangisi sa akin doon sa show kanina. Bigla akong lalong kinabahan dahil sa mala demonyong ngiti na nakikita ko sa mukha ng lalaki. "Andy! Bakit nakatali ako dito? Ano to?", pasigaw kong sabi kay Andy. "Sorry Ced, alam ko kasi na hindi ka naman papayag at napakiusapan lang ako", I'm sorry." Lumabas si Andy ng kwarto at naiwan ako kasama si Chuck at ang hindi ko pa kilalang lalaki.


"Ced, wag kang matakot sa amin, maging mabait ka lang at masisiyahan ka din naman, siya nga pala si Matt, kaibigan ko", sabi sa akin ni Sir Chuck. "Sir, kalagan niyo po ako please", pagmamakaawa ko kay Sir Chuck. "Easy ka lang dyan Ced, sandali lang at magtatanggal na din kami ng damit", si Matt. Natakot na ko sa mga susunod na mangyayari sa akin kaya nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Sinimulan nilang tanggalin ang kanilang mga damit at tumabi sa kinahihigaan ko. Hinawak hawakan ako ni Chuck sa aking katawan, at pilit naman akong hinahalikan ni Matt. Sa mga panahong iyon ay wala akong magawa kundi umiyak na lamang at maalala ang pangmomolestiya na ginawa sa akin ni Bryan dati. Halos manginig ang buong katawan ko sa kanilang ginagawa sa akin. Napakahirap para sa akin na ikuwento itong pangyayari na to sa buhay ko. Pakiramdam ko ay napakadumi ko nang tao at hindi ko na alam pa kung anong mangyayari sa akin pagkatapos nito. Tumayo sa gilid ng kama si Matt at itinapat ang ari niya sa akin. Inutusan niya akong isubo ito pero itinikom ko nang maigi ang bibig ko. Si Chuck naman ay pumuwesto sa bandang ibaba ko at kumuha ng lotion sa bedside table. Nang makita ko yon ay halos sumigaw ako para humingi ng tulong. Sinimulan lagyan ni Chuck ng lotion ang kanyang daliri at unti unti niyang ipinapasok ang isang daliri niya sa likuran ko. Napaigtad ako sa sakit at napahiyaw sa kanyang ginawa. "Tama na, pakiusap itigil niyo na to", nangingiyak kong sinabi. Hindi nila itinigil ang kanilang ginagawa hanggang sa kung ano ano pang kababuyan ang ginawa nila sa akin. Hindi ko na napigilan pa at sumigaw na ko nang sobrang lakas nung sisimulan na sanang ipasok ni Chuck ang alaga niya sa akin. "Andy! Tulong! Maawa na kayo saken!", umiiyak na ko at tinakpan ni Matt ang aking bibig. Bago pa man matuloy ni Chuck ang balak niya sa akin ay bumukas ang pinto at pumasok si Matt.

"Tama na yan Chuck, maawa na kayo kay Ced!", lumapit siya at itinulak si Chuck at Matt. Tinanggal niya ang pagkakatali sa akin at dumiretso ako sa banyo at naglock ng pinto. Iyak ako ng iyak sa mga sandaling iyon. Duming dumi ako sa sarili ko. Hindi ko alam na mangyayari ule ang nangyari sa akin dati. Hindi ako lumabas ng CR na yun hanggang sa kumatok na lang si Andy at nagwikang, "Umalis na sila Ced, labas ka na jan." Lumabas ako ng CR at sinuntok ko si Andy. Nanginginig pa din ako at umiiyak nung mga oras na iyon. "I'm sorry Ced, di ko din alam kung bakit nagawa ko yon", ang sabi ni Andy. Pinakalma niya ko at pinaupo muli sa kama habang hinahaplos ang likuran ko. Matapos ang ilang minuto ay naikuwento ko sa kanya ang nangyari sa akin nung bata pa ako. Nang marinig niya ang lahat ng ito ay halos mapaluha din siya at humingi ng tawad sa akin. Sinabi ko na nangyari na ang lahat at hindi na maibabalik pa iyon. Nagpaalam na ako kay Andy at umalis din ng kanyang apartment nung gabing iyon.

Pagalis ko ng kanyang apartment ay dumiretso na ko umuwi ng bahay. Habang naghahanap ng taxi papauwi ay para akong baliw na naglalakad lamang sa daan nang nakatulala. TIla nagbalik ang mga bangungot na pilit ko nang tinatanggal sa mga memorya ko. Napapaluha na lamang ako sa tuwing naaalala ko ang mga pangyayaring iyon. Dahil dito ay napagpasyahan kong itigil muna ang pakikipagmeet at kung anu anong kagaguhan ko. Bumalik ako sa present world at naghanap ng taxi para makauwi na din sa aming bahay..

Lumipas ang ilang buwan ay natigil ako sa pagchachat at pagbobrowse sa mga site. Tingin ko ay kahit papaano ay tumino muli ako. Pero sa kabilang banda ay hindi ko pa din naiiwasan ang makipagtext sa mga taong hindi ko kakilala. Ngunit naiiwasan ko pa din naman ang mga bagay bagay na makamundo. Napagpatuloy ko ang aking pag aaral, andiyan pa din ang mga kaibigan ko at kahit hindi na ako iskolar ay naging maayos namang muli ang aking mga grades sa school. Dumating ang taong 2010 at nakatapos ako ng pag aaral. Sa graduation namen ay naalala ko si Kiko. Pangarap namen pareho na magtapos ng college at mag take ng board exam para maging licensed engineers.

Dahil sa alaalang ito ay napagkasunduan ng barkada na sama sama pa din na magrereview para sa darating na board exam. Ako naman, naisip ko sa sarili ko na ituloy ang mga plano namen ni Kiko. Magiging licensed engineer ako para sa sarili ko at para sa ikabubuti ng buhay ko. Hindi ko alam na sa paparating na mga buwan ay may isang tao na naman akong makikilala na tiyak magkakaron ng kakaibang impluwensiya sa mga mangyayari pa sa akin, si Aaron.

Itutuloy...

*********************************
Author's Note:

Hi Guys,
Isang chapter na lang po at magsisimula na ang kwento ko sa isang taong naging malaking parte ng buhay ko. Abangan niyo po at sana subaybayan niyo pa din po ang kwento ko. Pasensya na po kung maikli lang ang chapter na ito. Ayoko na din kasing balikan pa ang mga oras na pilit ko nang kinalimutan. Hanggang dito na lang po muna. Please keep following. Sana hindi pa huli ang lahat. Sana ang problema kong kinahaharap ngayong oras na ito ay malutas. Please pray for me guys.

-Cedie-

*********************************

3 comments:

Anonymous said...

sana po tuloy tuloy pa ang mabilis na pagupdate nyo... ang dami ko po natutunan sa story mo... nakaka-inspired sya...

pagpray ko po kau sa problem nyo.. god bless ;)

Anonymous said...

so true story pla tlga to??
ntu2wa aq s story mo at the same tym naaawa aq. Im 17 and im a silent reader. Hope u continue sharing ur story. Pwde rin po bng mhingi ung fb acct mo?? hirs my digit 09173618852 ..just want u to be my friend :) pls. notice dis.

Anonymous said...

Im praying for you... No matter what happens always remember you have your friends especially you family. Be strong and have faith!..!

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.