vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Thursday, October 6, 2011

Bestfriend Affair 2

Written by Hal Spark
Installment 2

“ O Onad bakit di ka napunta samin.Pag nag tetext ako sayo madalang kang sumagot, sayang may sasabihin sana ako

importante” tanong ni Aries ng makasalubong niya ito habang pauwi na ito galing sa klase nito.

“ Ah medyo busy lang at saka madami din kasi akong ginagawa, Ikaw ba kamusta na? sagot ni Onad na para wala sa sarili
“ Eto half day lang klase namin, Tutal mukhang nasa bahay nila ngayon si Mark, baka gusto nyo mag –inom mamyang 5 pm.Siguro naman wala ka nang gagawin that time”



“ Bahala na. Di ko sure, subukan ko” sagot ni Onad
“ Pls ngayon lang ako magrerequest sayo, wag kang mag alala sagot ko. At saka parang ang lungkot naman nun kung dalawa lang kami ni Mark mag iinom. Di na nga makakasama yung iba pati ba naman ikaw.”

“Sige daan lang ako mamaya”
“Sige asahan ko yan, una na ko dadaanan ko pa si Mark.

Naiwan si Onad na nakatayo habang nakatingin kay Aries na naglalakad papunta sa bahay nila Mark.Bigla nya tuloy naalala yung away nila ni Mark sa court nitong nagdaang araw. Iniisip nya tuloy kung makaka inuman silang tatlo baka . Maungkat na uli yung away nila at lalo pang gumulo at baka magkasakitan pa.Kaya nagpasya na lang siya na wag pumunta at bagkus ay umalis papunta sa Mall para magpalipas ng oras ng sa ganun ay magkaroon siya ng dahilan kaya di sya nakapunta.

Halos hindi na namalayan ni Onad ang oras dahil nalibang siya sa paglalaro ng arcade. Namalayan nya na gabi na nang malapit ng magclose ang mall. Dahil gutom na din nagdesisyon siya na mag food trip bago tuluyang umuwi sa kanila.

Halos 11 pasado na nang gabi siya nakauwi sa kanila. At doon na lang nya napansin na naka ilang text na pala at miss call sa kanya si Aries.

Dahan dahan siyang pumasok sa bahay baka magising ang tao sa kanila. At baka masermonan naman siya ng tatay nya. Pagpasok nya patay ang ilaw ng bahay. Mukhang may tulog sa sofa ng sala nila dahil kahit madilim ay naaninag niya na may paa nakapatong sa sandalan nito. At dumirecho siya ng kwarto sabay lockng kwarto .Dahil Sabado bukas alam nya na gigisingin sya ng maaga ng nanay nya, kaya nag sigurado na sya.

Kinabukasan, Habang medyo inaantok pa kahit tanghali ng gumising ay dumirecho na si Onad sa kusina para kumain. Habang nagtitingin ng pagkain sa mesa ay may napansin agad sya.

“ San galing tong mga pagkain na to.. parang fiestahan lang ah.” Tanong ni Onad sa kapatid nya habang kumakain ng umagahan.
“ San ka ba galing kagabi hinahanap ka ni Aries. Birthday niya kagabi at siya yung nagdala nyan dito. Si nanay yung kakwentuhan kagabi. Medyo may inom. Nakatulog na dyan sa sofa kakahintay sayo.Kaya pinabayaan na lang namin.Maaga rin umalis kasi mukhang may hinahabol na oras.Kinakatok ka ni nanay kaso mantika ka kung matulog.

Marami pang sinasabi yung kapatid ni Onad pero di na rin nya narinig masyado kasi agad siyang lumabas ng bahay papunta sa bahay ni Aries.Medyo nahihiya sya sa nangyari dahil nakapangako siya kay Aries at saka nawala sa isip nya na birthday ng tao. Pagdating nya sa bahay ay agad niyang hinanap si Aries pero mukhang wala ito kaya nagpasya ito na bumalik na lang mamyang hapon

Pagbalik na nya ng hapon ay sarado pa din ang bahay kaya naisipan nya na hintayin pa ng ilang oras baka di pa bumabalik galing school.

Maya maya ay napansin nya na bumaba si Mark sa isang van kasama ang isang pang kabarkada nila

“ Pano ba yan pare malaking adjustment to.Nabawasan naman tayo .Hay(sabay buntong hininga) sabi ng isa nilang kabarkada

“ Oo nga pare, Nagpramis naman yung tao na lagi siyang mangangamusta.” Wika ni Mark “sige una nako pahinga muna ako pagod na sa byahe at saka may hangover pa.

Habang papasok si Mark sa gate ng bahay nila ay di nya na napansin na nasa likod na niya si Onad

“ Kamusta pare? Napansin mo ba si Aries? Kasi kanina pa ko pabalik balik sa kanila kaso mukhang umalis ata.. “ tanong nito kay Mark

“ Wala siya talaga dyan , Hinatid namin sa Manila sa bahay ng Tito nya. Kasi may flight mamyang gabi punta Canada. Dun na magpapasko ang loko. Sya nga pala may pinabibigay sayo” Sabay dukot sa bulsa at abot ng isang sobre kay Onad ..

“ Pasok na muna ko, medyo inaantok kasi, Lam mo na party party kagabi sayang wala ka di sana mas masaya.Kaw lang wala

kagabi sayang yung hinanda naming surprise para sa kanya” sabay pasok ng bahay

***
Nakauwi na si Mark sa kanila at habang nakahiga ay binuksan nya ang sobre at dun naglalaman ng isang sulat sa kanya.

Pareng Onad

You know it’s been a long since I spend my life here with my friends and specially you. Lately I’ve been thinking a lot what I wanna do with my life.Nakakalungkot pero kelangan ko din magdecide whats best for me. You know how great you all guys for treating me in such a good way kaya medyo nahirapan din akong magdecide thats why I ask for a simple sign. Pero I think God knows what he was doing kaya even a simple things I ask eh di nangyayri. Sabi ko If my bestfriend would greet me a Happy Birthday until before midnight I would not leave this place. Pero unfortunately kahit pinuntahan na kita sa bahay nyo eh di pa rin nangyari. Pero don’t worry walang bad blood between us, you’re still my friend.

Siguro masyado lang akong nag expect in return kaya ayun parang talo ako sa huli.. Alam ko na alam m rin na what I feel about you pero alam ko na dinidedma mo lang yun. Don’t worry I would not bother you anymore so I can move on for something wala naman talaga.

P.S … Do me a favor be nice to my cousin siya muna titira dyan sa bahay namin. Pede pa naman kayong tumambay dun kasi binilin ko na kayong lahat.

God bless,
Aries


Hindi na namalayan ni Mark na tumulo na ang luha niya. At di ny a mapigilan na sisisihin ang sarili. Sa simpleng  bagay lang biglang nabaligtad lahat ng mga bagay bagay sa buhay nya. At doon nya na realise maraming bagay ang magbabago sa takbo ng buhay nila.

At sa bilis ng panahon ay dina nya namalayan ang takbo ng panahon na halos limang taon na pala ang nakakalipas simula ng umalis si Aries. Nakakagraduate na halos lahat ng kabarkada nya. Si Mark ay medyo tumangkad at tumaba pero lalong gumwapo. Bumagay sa kanya lalo ang kulay nya.Ang iba nyang kabarkada ay halos may mga asawa nya Samantalang si Onad naman ay nagmukhang mature siguro dahil sa bigote nito na nagpatingkad sa appeal nito bilang isang businessman.

ITUTULOY.......

6 comments:

Anonymous said...

wala pa b kadugtong?excited ako..wala pa b kadugtong?excited ako..

Anonymous said...

napkaganda, super excited napoakosa susunod na part

Anonymous said...

nasan na ang karugtong nito... angtagal huh

ken.verzosa@hotmail.com said...

waaa.badtrip naman si onad!tsk tsk

Anonymous said...

tsk, haaayyyzzzz kung bakit kas, ayan tuloy.

Anonymous said...

nalulungkot ako para sa kay Onad, sinayang nya yung friendship :((

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.