vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Saturday, April 16, 2011

Ang Naglahong Pangarap 1

Written by Anonymous
Chapter 1

Ang Kwento ng buhay ni Kuya Neil...
(A must-read gay tragedy of men who fell in love yet...)

Unang araw ko pa lang sa trabaho, pakiramdam ko tinadyakan na ako ng kabayo.

It was my first day, on my first job in government, five years ago. I arrived early, clean and crisp to my neck, and brewing over with anticipation. All my years of college was behind me, and I was glad.

No more exams. No more assignments. No more term papers to brew coffee over.


All I needed to have then was my first – MY FIRST – pay envelope, and I would be completely free from my financial dependence.

Sa wakas, magagawa ko na ang lahat ng gusto ko. Pera ko, kita ko. Buhay ko.

Simple lang naman ang gusto ko: kasing simple ng lahat sa buong pagkatao ko. Ang yumaman.



Actually, huli na ng malaman ko na wala pala talagang yumayaman sa gobyerno. Kailangan, marunong kang mag-madyik.

Graduate ako sa isang University sa Quezon City. Tuwang-tuwa ako nang makapasok ako. Ang sarap – sarap kasing sabihin ng pangalan ng school namin kapag magbabayad ako ng dyip.

Oo, dyip. Wala akong kotse.

So, dyip. Eh ano kung dyip? Basta ba ang sasabihin mo, "Mama bayad ho, sa ....."

Talagang pinursigi kong makapasok duon. Mayabang yata kasi ako talaga. Gusto ko lahat, bilib sa akin.

Gusto ko, bilib s'ya sa akin.

Hindi ang tatay ko, ha. Hiwalay na sila ng nanay ko bago pa ako magka-isip. Buwanang sustento na lang at allowance namin ni kuya ang naaalala ko tungkol sa kanya.

Iba ang inspirasyon ko sa buhay. Sino s'ya? Si Niel, ‘yung anak ni Aling Panyang na may ari ng tindahan sa tapat ng bahay namin.

Matagal ko na siyang kilala. Uhugin pa lang yata akong bata na tumatakbo sa gitna ng daan, kilala ko na siya. 1980s pa yun. Usung-uso sina Maricel Soriano at sina Albert Martinez. Uso rin ang hapit na short pants at hapit na pantalon.

At ‘yun ang gustong-gusto kong suot n'ya tuwing nakikita ko s'ya. Ang hubog ng katawan n'ya na kitang-kita sa hapit niyang pantalon.

Matanda s'ya sa akin ng anim na taon. Nasa High School s'ya nuon, habang nasa Elementary pa lang ako.

Tuwing umaga, pinanunuod ko s'ya pag-labas n'ya ng bahay papasok sa eskwela. Naka-puting uniporme at blue na pantalon. Tapos, kahit ilang dipa ang layo niya sa akin, naamoy ko pa rin ang Johnson's Baby Cologne na gamit n'ya.

Tuwing lalabas s'ya ng pintuan ay tinitingnan ko siya. Kung minsan ngumingiti ako. Pero hindi n'ya ako napapansin.

Siyempre nagmumukha akong tanga.

Hindi naman s'ya gwapo. Hindi naman mestizo. Ordinaryo nga lang yata s'ya. Basta ang alam ko, kapag pinag-tabi sila ng kuya Albert ko na barkada n'ya, nagmumukhang alagang aso si kuya.

Basta, natutuwa ako sa mapupungay n'yang mga mata. Malamlam ang mga mata n'ya na para bang laging may problema. Kapag napapatingin s'ya sa iyo, parang laging nakiki-usap.

Yun bang parang biglang gusto mo s'yang tulungan para mawala na ang problema n'ya.

Ganun s'ya sa twing umagang makikita ko s'ya. Parang pasan ang daigdig. Parang laging iiyak.

Minsan nga, nakita ko na naman s'ya. Grade four na ako nuon. Nasa third year High School s'ya. Lalong gumanda sa paningin ko ang hubog ng katawan n'ya. Bagay rin sa kanya ang medyo mahaba at bagsak n'yang buhok na hinati sa gitna.

Kung hindi s'ya naka-uniporme, mapagkakamalan mo s'yang dalaginding. Lalong nagpaamo sa kanya ang makapal n'yang kilay na laging parang nagmamaka-awa.

Lalo tuloy nagmukhang laging malungkot ang mga mata n'ya.

Paglabas n'ya ng bahay nila, dumungaw uli ako para tingnan s'ya.

Siyempre, tulad ng dati, hindi ako pinapansin. Baka maraming iniisip.

Kumaway na lang ako. "Ba-bye," sabi ko pa, sabay blow ng flying kiss.

Nagulat yata ang kolokoy. Natigilan sa may gate nila.

Shet na malagkit! Bakit ko ba nagawa ‘yun?

Tago ako agad. Tang-ina, baka isumbong ako n'un sa kuya ko ah. Sinilip ko ulit kung nandoon pa siya.

Tang-ina, nanduon nga! Nakangiti at kumakaway. "Bye baby…" sabi ng buhong.

"Bye kuya…" sabi ko naman.

O, sha… sha… Oo na. Grade four pa lang ako, malandi na akong bakla.

Wala namang malaking nagbago sa amin pagkatapos ng araw na ‘yun. ‘Yun nga lang, mas naging maingay ako sa bintana tuwing umaga. Binabati ko s'ya ng "Goodmorning kuya! Ingat ka." Na sasagutin naman n'ya ng, "Goodmorning baby, saan ang kuya mo?"

Pagkatapos ng isang linggo, pati ang nanay n'ya nakiki-good morning na rin. Pag pumupunta ako sa tindahan nila para bumili ng choconut o tita-tira, babanatan n'ya agad ako ng "Hello, baby boy. Ano'ng gusto...?"

‘Di nagtagal, parang may bumulong sa isip ko na dapat lahat ng makasalubong ko, batiin ko ng ganu'n. Ewan ko kung bakit. Basta parang dapat ganu'n. Kasi kung sila lang... kung s'ya lang... Ah basta! N'ung ikatlong linggo, lahat na ng makasalubong ko binabati ko. Pati mga pusa binabati ko. Lalo na kapag nanduon s'ya. Ipinapakita ko na talagang palabati ako. Ewan ko kung bakit.

Basta dapat, walang magdududa.

GRADE SIX

Pagtungtong ko ng grade six, established na ang reputasyon ko. May mga nagtatanong nga kung balak ko daw tumakbo sa SK.

Si kuya ko, hindi ko na maka-usap. Fourth Year High School na kasi s'ya, at mas madalas eh hindi kami nagkikita. Kapag dumarating na siya eh tulog na ako. Kapag paalis na ako papuntang school eh wala na rin siya.

Si Niel naman, basta na lang nawala. Nanduon pa rin ang tindahan ng nanay n'ya. Duon pa rin naman nakatira ang pamilya n'ya. Pero si Niel, wala.

Alam ko. Kasi, uma-umaga sinisilip ko kung sino ang naglalabas masok sa bahay nila.

Dalaga na nga ‘yung kapatid n'yang babae. Si Shiela. Kaklase ko. Binabati pa rin n'ya ako. Tuwing lalabas ako, kakaway na siya. "Hello baby boy. Flying kiss nga!"

Ayaw ko nga. Kunyari nahihiya na ako. Pero sa tutuo lang, ayaw ko talaga.

Kinakantiyawan nga ako ng nanay niya. Binata na raw ako. Nuon daw ay palabati ako tuwing umaga, at mahilig pang mag-flying kiss.

Madalas ako sa tindahan nila. Magalang ako, kaya mabait sila sa akin. Paborito nga yata nila akong kostumer. Pero ni minsan, hindi ko magawang tanungin kung nasaan si Kuya Niel.

Akala ko nuong una, nag-bakasyon lang. Baka pumunta sa ibang kamag-anak, tapos babalik rin sa pasukan. Pero magtatat-long buwan na, wala pa rin s'ya.

Ang bigat sa loob. Parang lagi ko s'yang iniisip kung napapaano na ba s'ya. Baka kako naaksidente na o kaya eh nawawala.

Hindi ko naman matanong ang nanay n'ya. Hindi ko rin naman matanong si Shiela. Basta ang alam ko, wala na siya. Or at least, eh hindi ko na nakikita.

Dumalang na rin ang pag-gi-greet ko ng good morning sa mga kapitbahay namin. Hindi naman din sila nagtataka. "Nagbibinata na kasi," ang sabi ng ilan sa kanila.

Siguro nga. Siguro nga.

Ordinaryong lumipas ang unang quarter ng grade six ko. Nakapantalon na ako ng mahaba. Tuli na rin ako. Nagbabago na ang amoy ko, kaya gumagamit na rin ako ng cologne. Siyempre pa ang ginamit ko, Johnsons Baby Cologne. ‘Yun lang kasi ang kaya ng bulsa ko nuon.

Tsaka, yun din ang uso nuon. Sinubukan ko ang Greencross pero iba talaga ang boteng kulay blue.

Kasi naalala ko s'ya.

Nu'ng second quarter namin, at examinations week na, binati naman ako ni Shiela. "Dalaw ka sa amin sa Biyernes ha. Birthday ni nanay."

Asus. Wala na namang katapusang mamantikang pansit, menudo at spaghetti na may sauce na ketchup ‘yan. Sa tutuo lang, ‘yan naman ang handa nilang miryenda sa tindahan araw araw. Walang bago. Nakaka-umay.

"Sige ba. Ano'ng oras?" ika ko na lang.

Oo, alam ko. Bata pa ko, napaka-plastik ko na. Namputsa naman, ikaw na nga ang inimbita, tatanggi ka pa ba?

Natapos ang exams week, at Biyernes na. I was looking forward to my libreng miryenda. Umuwi ako ng bahay at naligo na. siyempre, namitas ako ng ilang bulaklak para kay Aling Panyang.

Mga banding alas-singko na ng pumunta ako sa kanila. Hindi ako nakabihis ng maganda. Basta simple lang. Tuloy-tuloy na ako kasi kilala naman nila ako. "Happy birthday Aling Panyang," sabi ko, sabay abot ng bulaklak.

"Aba binata na pala si baby boy ah," sabi ng isang lalaking nasa tabi n'ya.

Isang lalaking maganda ang mata at medyo mahaba ang buhok. "Hi baby boy," sabi ng lalaki, sabay blow ng flying kiss.

Shet! Si Niel.

"O, hindi mo nakilala si kuya Niel mo?" sabi ni Aling Panyang. "Ang gwapo na n'ya ngayun ano."

Hindi ako makasagot. Tumingin-tingin lang ako. Parang engot.

"Hindi ka na pala baby boy," sabi ni Niel. "Baby baboy na," sabi n'ya. Sabay tawa.

Namula yata ako. Parang gusto kong umiyak. Ewan ko kung bakit pero basta, gusto kong umiyak.

"Ba't may bulaklak ka? Nililigawan mo ba si Shiela?" tanong pa ni kuya Niel.

Namputsa! Saan ba galing itong hayup na ‘to? Ang laki ng pinagbago n'ya. Ibang iba na ang hugis ng katawan n'ya. Mas mahaba na ang mga binti n'ya tsaka mas matibay tingnan ang mga braso n'ya. Hindi naman siya ma-masel. Nawala lang ang tabang bata.

Medyo humaba rin ang mukha n'ya. Nagka-panga. At lalong mas pumula ang mga labi n'ya.

Pero maganda pa rin ang kanyang mga mata. Mukha pa rin malungkot, Mukhang nag-iisip. Lalong masarap tingnan kapag natatakpan ng medyo mahaba n'yang buhok.

Natauhan lang ako na mukha na pala akong tanga ng tapik-tapikin ako ni Shiela. "Ba't ka tulala? Hindi mo nakilala si kuya Niel?"

"O, ibigay mo na ‘yang flowers kay Shiela," tukso ni Niel.

"Hindi, para kay Aling Panyang ‘to," sabi ko, sabay abot ng bulaklak kay Aling Panyang.

BAKIT BA GANUN ANG NARARAMDAMAN KO?

"Galing si kuya sa Maynila," sabi ni Shiela. "Duon siya nag-aaral ng college."

Kunyari hindi ako interesadong malaman habang nag-lalaro kami ng Millionaire's Game sa kuwarto niya. Deadma lang. Parang wala. Super bilang ako ng pera-perahan at tinitingnan ko ng maigi ang board.

"Bakit nandito s'ya?" tanong ko. Kunyari wala pa ring paki-alam.

"Bakasyon nila ngayun," sabi ni Shiela na nag-ko-concentrate sa laro.

So, laro. Tira ng dice. Laro. Tira ng dice.

"Na-miss mo si kuya Niel ano," sabi bigla ni Shiela.

Nalaglag ako bigla sa punyetang kama.

Biglang tumawa ng malakas ang malditang si Shiela. Maya-maya pa nang kaunti eh bumukas ang pinto. Si kuya Niel. "Ano yung kumalabog?" tanong niya. "Si baby boy," sabi ng malditang Shiela, sabay kanta ng "Help me if you can I'm feeling down. And I do appreciate your being around… Help me get my feet back on the ground…"

Hinawakan ako ni Kuya Niel sa braso at tinulungang makatayo. Sheeet, kinuryente ata ako ng kung ilang boltahe. "May pagkain na sa baba," sabi niya. "Kumain na kayo."

"Gutom ka na ba baby boy?" sabi ni Shiela na gusto kong patayin.

"Baby boy ka pa ba?" tanong ni Kuya Niel. "Tuli ka naba o hindi pa?" usisa n'ya.

Gusto ko sanang sabihin na may-regla na ako.

Sa baba, pulang-pula pa rin ako sa hiya. Hindi ako makatingin kay Shiela. Hindi ko alam kung alam n'ya, o kung may alam ba s'ya.

"Ba't tahimik ka?" tanong ng bruhilda habang kumakain kami sa may malapit sa gate nila. "Huwag kang mag-alala. Sikreto natin ‘yan."

"Ang alin?" tanong ko na may pagka defensive.

"Sus, ako pa ba ang pagdidenyan mo," sabi ni Shiela. "Last year ko pa nahalata. Hindi ko lang masiguro kung tutuo nga. Nung mawala si kuya at pumunta ng Maynila, napansin ko na parang may naiba sa ‘yo," pagtatapat n'ya.

"Paanong may naiba?" tanong ko.

"Parang medyo tumamlay ka. Hindi tulad nuong dati na ‘Good Morning everybody! Good Morning Tree!' ka na para kang tatakbo sa eleksiyon. Tapos para kang may hinahanap na wala naman. Eh n'ung nakita mo kanina si Kuya Niel, tapos natulala ka, sabi ko huli na kita."

"Na ano," tanong ko na medyo nag-iinit ang tenga.

"May gusto ka kay kuya Niel ano?" sabi n'ya na walang kakurapkurap.

Sabay daan naman ni Kuya Niel papalabas ng gate. Tahimik lang. Walang abog. Natahimik kaming dalawa. Hindi namin kasi namalayan kung matagal na si Kuya Niel duon o talagang kalalabas pa lang niya. Papano kung kanina pa siya nanduon at aksidente kaming narinig?

Nuong gabi na, gising pa ako nang dumating si Kuya Albert. Kasabay niya si Kuya Niel. Naghiwalay sila sa may gate, tapos pumasok na si Niel sa bahay nila. Si kuya Albert naman, eh pumasok na rin. Nagbasketball yata sila, kasi pareho silang pawis na pawis.

Tiningnan ako ni kuya Albert nang makita niya akong gising pa. "Matulog ka na," sabi niya. "Gumagabi na."

"Okay lang kuya," sabi ko, sabay tutuk ng tingin sa TV.

Uminom si kuya ng tubig tapos tumayo sa likuran ko. Matagal. Nakatingin din siya sa TV. "Ano ba ‘yang pinapanood mo?" tanong niya.

"Hindi ko alam title eh," sabi ko, kasi hindi ko naman alam talaga. Ni hindi ko nga naiintindihan dahil ang lakas ng kaba ko.

Bakit ba ako kinaka-usap ni kuya? Hindi naman niya ako kinakausap dati ah. Nagkwentuhan kaya sila ni kuya Niel? Narinig nga kaya ni kuya Niel yung mga sinabi ni Shiela? Punyeta kasing Shiela yan, napaka daldal kasi!

Para matigil ang pagpapanggap eh kinuha ko yung Aliwan komiks sa ilalim ng mesa. Binuksan ko yung kwento ng Anak ni Zuma tapos pinagka-tutuktutukan ko ang pagbabasa. Naupo si Kuya Albert sa tabi ko. Tinutukan ang TV. Nanlalamig naman ako sa nerbiyos.

"Nanunuod ka ba o nagbabasa?" tanong ni Kuya. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya tumahimik na lang ako.

Inubos ni kuya ang tubig na iniinom niya. "Patayin mo ang ilaw bago ka matulog ha," sabi niya, saka tumayo at pumasok sa kuwarto.

Kinabukasan, wala na si kuya Niel. Bumalik na daw sa Maynila, sabi ni Shiela, kasi may klase pa s'ya.


WE WISH YOU A MERRY CHRISTMAS.

Magpa-Pasko na nung lumitaw ulit si Kuya Niel. Bago pa ‘yun, blina-black mail ako ni Shiela araw-araw. Hindi naman niya tuwirang sinasabi pero kung maka-utos ang luka-luka, akala mo nakahanap ng aliping sagigilid. Ipinipila ko siya ng pagkain sa canteen tuwing tanghali. Ibinibili ko siya ng softdrinks at tsitsiria. Kulang na lang eh palitan ko yung napkin na pinag-reglahan n'ya.

Wala namang nabago sa akin. Hindi naman kumulot ang boses ko. Hindi naman tumikwas ang mga daliri ko. Hindi naman ako kumembot-kembot.

Bulungbulungan nga ng mga kaklase namin eh kaming dalawa na ni Shiela. At hindi pa man daw kami kasal, eh ako daw eh dakilang under da saya na.

Bulong nga ng mga kaklase kong lalake, huwag ko daw hahayaang ginaganun ako ni Shiela. Dapat daw, si Shiela ang pasunurin ko.

My Gosh, ano ba! Sheeeet naman, eh!

Pero lumukso agad ang puso ko n'ung makita ko si Kuya Niel. Magpa-Pasko nuon. Kagigising ko pa lang n'ung umaga at papalabas ako para bumili ng pandesal. Naka-tao siya sa may tindahan nila. Nagbabasa ng komiks habang walang bumibili. Habang tumatagal, mas guma-gwapo siya. Napalingon siya dahil umingay yung gate naming pagbukas ko.
--- ITUTULOY...

No comments:

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.