vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Monday, February 28, 2011

Si Kaloy at ang Mahiwagang Lip Gloss 1

Written by LoveJuice
Installment 1

Ang Lip Gloss

Sabi ng mama ko, kapag may gusto kang isang bagay, basta positive ang outlook mo sa buhay makakamit mo 'to. 'Yun ang motto ng aking mama. Pero, ano nga bang gusto kong makamit sa buhay? Sa totoo lang, madami akong gusto. Yumaman.
Gumandang lalake pa kahit alam kong magandang lalake na ako. Maging Mr. Universe. Magkaroon ng super powers. Mga simpleng bagay ang naman. Pero may isang bagay na gustung-gusto kong makamit talaga; 'yun ay ang makamit ang
pag-ibig ni Andy.


Haaaaayyyy.... Si Andy. Siya na siguro ang kattuparan ng mga pangarap ko. Ang lunas sa lahat ng kalungkutan ko. Ang sagot sa lahat ng katanungan ko. Andy. maging akin ka lang pwede na akong kunin ni Lord. I live for your love Andy. Kaya lang staright ka. Never naman siguro, kahit na pabiro lang na magkakagusto ka sa akin dahil isa kang barakong nilalang na punung-puno ng testosterone sakatawan samantalang ako ay isang barakong nilalang na puno ng estrogen. Pangarap. Tama. hanggang sa pangarap ka na lang sabi nga ni Ate Jamie.

Pero kanino ba ako makikinig? Kay Ate Jamie ba o kay mama? Never say never sabi ni mama. Never say never sabi ni James Bond. Never say never sabi ni Justin Bieber. Madami na silang nagsabi, kaya ibig sabihin dapat pakinggan ko sila. Habang may buhay may pag-asa. Think Positive turo ni ina.

Kaya lang tatalong taon na akong thinking positive at hindi pa rin ako napapansin ni Andy. Kahit magkasabay na kami sa gym. O kaya sa jeep. O kaya kahit nung mag-laban kami sa Guinoong Jaena High, wala pa rin. Walang lingunan. Walang pansinan. Galit galit lang kung baga. SYET! I am such a LOSER! I can't believe such a person can make me feel this way. A Sorry Ass Loser!!!

Anyway, intro muna. Ako nga pala si Carlo Carlos. Kaloy na lang ang itawag nyo sa akin. Second year college. Wala na masyadong details basta ang kwento ko ay tungkol sa pag-abot ng pangarap. Pag-asa. Sex. Frustrations. Sex. Andy. Ako. Kalibugan. Kabiguan. Tagumpay. Tungkol kay Andy at mga lalake in between. Sa totoo, ako mismo nalilito kung tungkol saan ang kwento ko. basta ang alam ko nagsimula ang lahat nung mamatay si Mama. Actually, days pala bago mamatay si mama.

May sakit noon si mama. biglaang cancer. Biglaan kasi walal namang nakakalam na may cancer sya. kahit yung duktor na tumingin sa kanya, sabi tigdas hangin lang. Cancer na pala. Two weeks yon bago sya namatay. Sad di ba? Pero ayaw ko na balikan yun. malulungkot lang ako. Pero malaking part kasi yung last two days ni
mama. Ayaw kasi ni mama na sa hospital sya bawian ng buhay kaya three days before sya kunin ni Lord, nagpauwi na sya sa bahay. Kumpleto ang pamilya namin. Si Daddy. Si Kuya Joseph. Yung pinsan ko na halos inampon na nila mama at papa, si Kuya Ben. Si Althea, bunso namin. Syempre, kanya kanyang bilin sa amin si mama. Isa-isa nya kaming pinapasok sa kwarto nya. Naawa ako kay mama. Kasi two weeks ago, ang lakas-lakas. Nagpalit pa nga ng tangke ng gas eh. Ako ang huling tinawag ni mama. Pagpasok ko sa kwarto, si mama, nakahiga sa bed. May hawak na kung ano na nakabalumbon sa panyo.

"Caloy", tawag nya sa akin.

"Mama, andito po ako. Sa tabi nyo lang", sabay buhos ng mala-John Lloyd kung luha. Sa left eye muna then sa right. Yes, na-control ko ang agos ng luha ko. On cue.

"Bakla ka." sabi ni Mama. nagulat ako.
"Ano yun mama?"
"Bakla ka, sabi ko."
"Mama?"
"Alam kong bakala ka, harot. 'Wag ka na magpanggap. Alalm ko yon, matagal na."
"Mama" yun lang ang nasasabi ko. Para akong tanga.
"Wag kang mag-alala. Hindi kita kinakahiya. At hindi rin ako galit. Ano ba magagawa ko. Eh ganyan ka pinanganak. Pero Kaloy, s alahat ng mga anak ko, ikaw ang inaalala ko."

"Bakit mama?"
"Kasi nga bakla ka."
"Dahil don? Dahil bakla ako worried na kayo?"
"Oo. Mahirap ang pinagdadaanan mo. Alalm ko kung gaano kahirap ang maging isang tulad mo."
"May point po ba ang usapan nating 'to?"
"Wag kang apura, may point ito."
"OK po mama, makikinig po ako."

Tinanggal ni mama ang pagkakabuhol ng hawak nyang panyo. Mula sa balumbon ng panyo, inilabas niya ang isang maliit na bote. Kulay pink ang laman nito. Pink na likidong may kumikinang-kinanag na glitters.

"Mama, ano yan?" nguso kong tanong kay mama.
"Ito, kaloy ang susi sa hinahanap mong kaligayahan." Iniabot nya ang bote sa akin. "Gamitin mo yan sa tuwing may nais kang mangyari."
"Mangyaring alin?"
"Wag ka ng maglinis-linisan, bakla. Alam kong may mga pag-nanasa ka sa ka kapwa lalake mo. Yan ang magiging susi upang makamit mo ang inaasam-asam mo." Ininspek ko ang bite. Ever Bilena Lip Gloss in Shy Rose color.

"Ma? Paano naman matutupad ang pangarap ko dito sa Lip Gloss na ito. Meron nga ako Shu Uemura pero kahit itaktak ko na sa labi ko yung laman wala pa ring epekto. Hindi pa rin ako napapansin nung crush ko."

" Mag-tiwala ka sa kapangyarihan ng Ever BIlena. Basta ipahid mo lang yan sa labi mo at banggitin ang mga katagang "I believe in my own beauty. Beauty is me" ng tatlong beses. At tiyak maaakit mo ang mga lalaking inaasam mo." matapos nun, ipinikit na ni mama ang kanyang mga mata. Inantok. Nakatulog sya sandali pero
nagising din after an hour. Pero nakatulog ulit matapos nyang kumain pero di nasya nagising ulit.

Kahit na nawala si mama, iniwanana naman nya ako ng isang magandang pabaon. Ang Mahiwagang Ever Bilena Lip Gloss in Shy Rose color. According to her, ito raw ang magpapaibig sa lalaking pinapangarap ko. Pero kailangang i-test ko muna baka naman ginu-good time lang ako ni mama. Pero kanino? Sino? Dapat ata sa bahay muna. I-try ko kaya sa pinsan ko? Kay Kuya Ben?

itutuloy...

13 comments:

Anonymous said...

wahahaha!

Anonymous said...

talagang ever bilena ang brand ha heheheeh
sana may kasunod agad ang kwento mo

Anonymous said...

pag effective yan e bibili ako ng isang kahon ng ever bilena

Anonymous said...

HAHAH!! KULIT NI CALOY!! :))

Anonymous said...

LAUGHTRIP!!!!!
"Ever Bilena Lip Gloss in Shy Rose color."
full details tlaga...
pero cute!

Mr. G said...

hahahaha! Ang kulet ng lip gloss!

dkazuma said...

Thanks guys... wait natin kasunod.. *winks*

Wanted: Affiliate Writer of PinoyMaleStories.
Apply Na!

Anonymous said...

nakakatuwa ung nanay..haha

Anonymous said...

whahahaha..KAKALOKA!!!
nice story dami ko tawa..hahaha

Anonymous said...

hala...mamatay n ung nanay my mga punchlines p..LOL..kaloka..

iHateThisFeeling said...

hahahahahaha . . nakakatawa naman tong story . . ang kulet . . .

lalo na ang part na 2:

"ipinikit na ni mama ang kanyang mga mata. Inantok. Nakatulog sya sandali pero
nagising din after an hour. Pero nakatulog ulit matapos nyang kumain pero di na
sya nagising ulit."

Anonymous said...

laugh trip ako... i believe in beauty, beauty is me!!! ahahaha

Anonymous said...

hahahaha! kakatuwa nmn ang part n ito... nyehahaha!

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.