vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Friday, February 11, 2011

Ako si Masahistang Tonio Tagalamas 6

Submitted by BoyLove/ilajfox aka Tonio Tagalamas
Installment 6 - "Nang Magpagamit si Tonio Kay Juvy: a Tagalamas Special"

Si Juvy masahista namin. Madalas yan namomroblema sa syota nyang si Newton. Wala pang nakakakita kay Newton sa personal. Sa cellphone lang namin nakikita. Kakatakot hitsura. Mukhang NPA. Maitim, batu-bato. Mukhang tulisan talaga. At ugaling NPA din kasi laging hinihingan ng pera si Juvy. Ang hindi lang namin maintindihan ay kung bakit tinitiis niya yung ganong klase ng lalake. Tingin ko naman may magkaka-gusto pa sa kanya. Di hamak naman na mas maganda sya kay Mayet.

Pero nung isang araw, tanghaling tapat, natutulog ako dahil puyat ako, ginising nya ako. Samahan ko daw sya sa Shangri-La.

Tonio: Bakit?

Juvy: Sige na. Magkikita kami ni Newton.

Tonio: O, bakit isasama mo pa ako? Anong gagawin ko dun?

Juvy: Makikipag-break na kasi ako sa kanya.

Tonio: O, e di mabuti. Ano naman kinalaman ko dun?

Juvy: Panggap ka na syota ko.

Bumalikwas talaga ako sa higaan.

Tonio: Ano? tigilan mo nga ako. Ayoko. nakakatakot kaya syota mo. Mukhang rebelde.

Juvy: Sige na, Tonio. Pumayag ka na.

Tonio: Ayoko nga. Mamaya bugbugin pa ako nun.

Juvy: Tanga hindi ganun yun. Sige na please.

Tonio: Ha basta ayoko. Makikipag-break ka lang mandadamay ka pa. Ayoko, ayoko, ayoko!!!

Pero sa huli napapayag nya din ako. Naawa din kasi ako sa kanya.

At dito nagsimula ang mala-Koreanovelang tagpo namin sa Shangri-La. Ito ang Tagalamas Koreanovela Special na pinamagatang, Oh My Gaga! Starring ang banas na banas kay Juvy na si Tonio bilang si Bu Ryong. Ang leading lady na nakapag-iinit ng ulong si Juvy sa papael na Tae Na Yoo. At angh napaka-gwapo at napaka-kisig na si Newton as Na Mun Dok!

Scene 1: Sa Max's restaurant sa food court ng Shang. Ako ang namili ng lugar para hindi masyado jologs.

Bu Ryong: Oy Tae Na Yoo! Asan na ba yang syota mong pulpol bakit antagal. Kanina pa tayo nag-aantay dito.

Tae Na Yoo: Wait lang naman. papadating na daw sya. mag-ice tea ka muna.

Bu Ryong: Ice tea! Ice tea! Nakaka-anim na baso na ako ng ice tea. Ni hindi mo man lang ako pakainin.

Tae Na Yoo: Napaka-maiinipin mo naman. Padating na sya. o, eto na pala sya. Ready ka na ha?

May isang papalapit na lalaki. Sya na ba yun? Mukhang tulisan naman. Batu-bato, pero mukha lang nya. Anliit pala ng gagong to. Akala ko malaking tao sa picture.

Na Mun Dok: O, bakit ditu mu aku penaponta?

Tae Na Yoo: Upo ka muna. Mag-uusap tayo.

Na Mun Dok: (nginusuan ako) sinu yan?

Bu Ryong: Bu Ryong pare.

Naki-pag shake hands ako. Ang gaspang ng kamay. Ang kapal ng palad. Ano ba trabaho netong mokong na 'to? taga-testing ng sandpaper?

Tae Na Yoo: Na Mun Dok, sya yung... si Bu ryong... kwan...

Na Mun Dok: Ano?

Tae Na Yoo: Kwan... (nanginging pa ang labi, feling ko any moment bubula bibig nya)... syo... syo... syota ko.

Na Mun Dok: HOWAT!? (sabay OA na tayo na bumaliktad pa ang upuan nya) Anong syota?

Tae Na Yoo: Syota ko! (mas may conviction na sya ngayon) Na-realize ko mas mahal ko sya. Syota ko na sya nung tayo pa.

Wow! Ang heavy. May gonon pa palang script na hindi ko nabasa.

Na Mun Dok: Hahahahaha! Sa tengin mo ba manenewala akong syuta mo 'to? Sa ganda nyang lalake sa tengin mo ba papatolan ka nyan?

Naman! Ang pogi ko kaya. Abot hanggang batok ang ngiti ko.

Bu Ryong: (OA din kung makatayo) Hoy! Oo, magandang lalaki ako! Oo, gwapo ako! Oo, malakas ang sex appeal ko (oo! at nuknukan din ako ng feeling), pero hindi nangangahulugang hindi ko kayang patulan si Tae Na Yoo! Syota ko sya kaya wag na wag mo syang minamaliit!

Acting na acting ako, di ba? Ganyan talaga. baka kasi may talaent scout na gumagala, madiscover ako.

Tae Na Yoo: Tama na! Tama na! Shut up the both of you!!!

Napahinto kami ni Na Mun Dok. Maka-eksena talaga tong si Tae Na Yoo.

Tae Na Yoo: Na Mun Dok, pagod na pagod na ako sayo. Ayoko na. Oo, hindi ko syota si Bu Ryong. Ginamit ko lang sya para makipag-break syo. Ayoko na. Please tapusin na natin to.

Na Mun Dok: Tae Na Yoo... hende mo na ba ako mahal?

Tae Na Yoo: Mahal pero tama na. Nakakapagod na...

Na Mun Dok: Tae Na Yoo...

Tae Na Yoo: Na Mun Dok...

Na Mun Dok: Tae Na Yoo...

Bu Ryong: Tae Na Yoo...

Tae Na Yoo: Bu Ryong...

Bu Ryong: Pwede mag-CR? Kanina pa ako ihing-ihi eh. Andami mko nainom na ice tea.

Pagkagaling ko sa CR nakita ko si Tae Na Yoo na inaabutan ng pera si Na Mun Dok. Pagkakuha sa pera umalis na ito. Nilapitan ko si Tae Na Yoo.

Bu Ryong: Akala ko ba break na kayo?

Tae Na Yoo: Oo...

Bu Ryong: Bakit bingyan mo pa rin sya ng pera?

Tae Na Yoo: Kulang daw pamasahe nya...

Bu Ryong: Ang tanga mo naman... nakipag-braek ka na nga binigyan mo pa sya ng pamasahe nya?

Tae Na Yoo: 'Wag mo ako pakialaman!

Sabay tayo palabas ng mall. Syempre builang bidang lalake, hinabol ko sya. Naabutan ko sya sa Crossing.

Tae Na Yoo: NA MUN DOK! NA MUN DOK! MAHAL NA MAHAL KITA!

Wow! Geung Jan Di?

Sabay buhos ng ulan.

Bu Ryong: (biglang may dalang payong na di ko alam kung saan ko nakuha) Tama na yan... Hindi ka deserve ng lalaking yun... Tae Na Yoo, tama na!

Humarap siya sa akin. Nagkatinginan kami. Mata sa mata. Ngipin sa ngipin. Ngala-nagala sa ngala-ngala. Parang naglaho ang buong paligid at parang kami lang ang tao sa mundo.

Hindi ko kinaya ang mag sumunod na nangyari. BABALA: Ang mga susunod na eksena ay hindi angkop sa mga batang manonood. patnubay ng pulis ay kailangan.

Bu Ryong: Yuck! Tae Na Yoo! Yung sipon mo oh. Andami. Kadiri ka! Ayan o, abot hanggang baba!

Hindi naman ganon ang nagyari talaga. Ginawa ko lang katuwaan pero ang totoo naawa din ako kay Juvy. Sya naman kasi tatanga-tanga. Binigyan pa ngh pera si Newton bago umalis. Ang kapal ng mukha! Hindi ko na din nga tinanggap yung 500 na napagkasunduan namin dahil sa awa sa kanya.

Pero after nun, hindi na nag-text si Newton sa kanya. Alam ko paminsan-minsan tinetext pa rin ni Juvy Si Newton, kahit alam nyang nagpalit na 'to ng number.

PS: Totoo din yung sipon ni Juvy! Yuck talaga.

itutuloy...

No comments:

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.