vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Sunday, January 30, 2011

Ako si Masahistang Tonio Tagalamas 1

Submitted by LoveJuice
Installment 1 - "Ako Si Tonio Tagalamas"

Hi! Ako si Tonio. Isa akong masahista sa isang home-service spa. Sa karamihan , ang tingin nila sa mga masahista e callboy. Masakit para sa amin yun pero dahil nga kasi totoo minsan. Minsan lang naman. Actually, hindi na ako magmamalinis. Minsan ginagawa ko din yun. Ume-extra service ika nga nila. pero syempre hindi ko ginagawa iyon sa lahat ng client ko. Namimili din naman ako. Mahirap talaga kasi ang buhay masahista. kaunti lang ang kinikita namin kaya talagang nabubuhay lang kami sa tip ng mga client. At syempre sa Pag-eextra sevice. 'Wag na kayong manghusga kasi kanya-kanya namang diskarte yan eh. Sabi ko nga mahirap ang buhay, di ba?


Itong story na ito eh tungkol sa mga "adventures" ko as a masahista. Kapag masahista ka kasi ang dami mong nakikilang tao. And when I say makikilala, as in makikilala mo talaga sila in their most private state. Kasi, ang tao iba ang projection sa labas. Disente. Mahinhin. Malinis. Banal. Iba-iba. kaya magugulat ka kapag kayong dalawa na lang sa kwarto. Yung iba, sadyang mahinhin talaga. Yung iba agresibo, kala mo re-rapein ka. May iba naman saksakan ng OC. Yung tipong paliliguan ka muna ng alcohol bago ka nila pahawakan. Nakakatawa. Minsan nakaka-lungkot na feeling mo naba-violate ka (malinis ako?).

And speaking of clients, marami na din akong naging client. Yung iba mga kilalang tao. May artista. Puitiko (pero wala pang big-time na pulitiko). Lalake, babae, tibo, bakla, matanda, estudyante, matrona - halos lahat yata ng uri ng tao namasahe ko na.

Kaya sa susunod na mabasa nyo 'tong blog ko at naka-relate kayo, malamang namasahe na kayo ni Tonio Tagalamas!

itutuloy...

2 comments:

house_bunny said...

naging masahista ko si Tonio pero malayo ang face niya sa pinost mong pic. Gwapo sya at maganda ang katawan. Infairness, hindi lang sya sa masahe magaling. pati sa extra service. pero may pagka-suplado minsan.

dkazuma said...

Thanks house_bunny sa info, yung pic is representation lang po yan para maitago natin yung totoong identity ng character, uhmm.. hope you can send a story or photo nya din po sa dkazuma@gmail.com ^_^

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.