vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Thursday, November 25, 2010

Ang Tito Kong Masahista 3

written by Bigboy
Installment 3

Inaakbayan ni Jojo si George at pinilit na papasukin sa kanyang silid. Ilang pakiusap din ang ginawa ni Jojo kay George bago niya napilit na pumasok ng silid at makisama sa inuman. Ipinakilala ni Jojo si George sa lahat na bagong nangungupahan sa bakanteng silid sa ikalawang palapag. Tanging si Jojo at Berto lamang ang nakakakilala kay George dahil nakita nila ito ng lumipat siya at tinulungan na din nilang magbuhat ng kanyang mga gamit noong isang araw. Umupo si George as pagitan nina Enrico at Jojo. Inabutan din siya ng beer ni Berto. Sa simula ay halos hindi nagsasalita si George. Kinalaunan ay nakisabay na rin sa kwentuhan si George.

Nang marami na silang nainom ay nakaramdam sila ng matinding init. Kaya naman isa-isa silang lahat ay nagsipag-alis ng damit pang-itaas maliban kay George na nagtanggal lamang ng suot nitong polo barong at naiwan ang suot nitong puting sando. Marahil ay lumakas na ang loob ni George dahil sa nainom na alak kaya naman nagsimula na rin siyang magkwento ng tungkol sa kanya. Nasa probinsya ang asawa’t mga anak niya. Mahihirapan daw siyang buhayin ang pamilya nya sa Maynila kaya hindi na niya ito isinama. May kaunting kabuhayan naman daw ang misis niya doon kaya nakakatulong din sa pamilya niya iyon. Napansin yata ni Enrico na napapatitig si George sa magagandang katawan ng mga kainuman lalo na kay Jordan na artistahin ang dating.


“Diskumpyado ako dito kay George. Mukhang may pagkaberde din ang dugo.” ang mahinang bulong ni Enrico sa kanyang pamangkin.

“Tyong, baka marinig kayo ni George. Medyo may tama na kasi yata siya.” ang tugon naman ni Nico.

“Basta yun ang kutob ko. Sa tagal ko na sa hanapbuhay na ito, alam ko ng kumilatis ng tulad niya.” ang bulong uli ni Enrico kay Nico. “Pagmasdan mo siya, panay ang sandal na sa akin at panay ang tingin sa katawan ni Jordan.” ang dugtong pa ni Enrico.

Nagkataon naman ng tumayo sa pagkakaupo si Jordan upang mag-unat-unat. Nakabukas na pala ang butones ng maong niyang pantalon at bahagyang nakabukas ang zipper nito. Kaya naman medyo nakita ang puti nitong brief na medyo kita na din ang umbok ng knayng ari. Napatitig doon si George at napansin ito nina Enrico at Nico.

“Sabi ko sa iyo, eh.” ang bulong uli ni Enrico kay Nico. “Masdan mo uli siya. May gagawin lang ako.” dugtong pa ni Enrico.

Palihim na binuksan ni Enrico ang butones ng suot niyang maong na pantalon at ibinaba ng husto ang zipper nito. Matapos ay ginaya nito si Jordan na tumayo at nag-unat-unat. Sa ginawang pag-uunat ni Enrico ay bumukas ng husto ang kanyang pantalon at lumantad ang puti niyang brief at ang nakabukol na ari niya. Sinadya pa niyang humarap sa gawi ni George. Si George naman ay hindi napigilan na tignan ang parteng iyon ng katawan ni Enrico na halos ilang pulgada na lang ang lapit sa mukha ni George. Napansin din pala ito na iba pang kainuman nila at ng may sinenyas si Enrico sa mga kasamahang callboy ay tumango naman ang mga ito. Muling umupo si Enrico at sabay akbay kay George.

“Pare, kung may kailangan ka sa amin ay huwag kang mahihiya. Magkakabitpahay tayo kaya dapat tayong magtulungan.” ang nasabi ni Enrico kay George.

Tumango lamang si George at tinungga muli ang bote ng beer na hawak niya. Nag-offer ng toss si Enrico. Iniangat ang hawak na bote at nagsisabay din ang lahat ng kainuman nila.

“Jordan, total ikaw ang pinakabata dito at pinakasikat sa club, pwede mo bang ma-entertain ang bago nating kapitbahay?” ang pakiusap ni Enrico kay Jordan.

“Dyahe naman pare. Baka di sanay si George na makakita ng ganoong show. Huwag na lang.” ang tugon naman ni Jordan.

“Pareng George, nais mo bang makita na sumayaw si Jordan?” ang tanong ni Jojo kay George.

“Yun lang pala. Walang problema sa akin.” ang naging tugon ni George.

“O yan, Jordan narinig mo ang sinabi ni George. Okey lang daw sa kanya iyon.” ang sabi naman ni Berto.

“Sige na Jordan, di kita pa rin nakikita gumiling.” ang sabi naman ni Enrico. “Titignan ko kung may ibubuga ka sa akin noong medyo bata-bata pa ako.” ang dugtong ni Enrico.

Isinalang ni Berto ang panibagong cd sa player. Nang magsimulang tumugtog ang isang nakakaindayog na awitin ay lalo nilang binuyo si Jordan na sumayaw. Kaya naman napilitan si Jordan na sumayaw sa saliw ng awiting pinatugtog ni Berto. Tumayo siya at nagsimula siyang gumiling. Para nga siyang walang buto sa paggiling niya. Lumayo siya ng bahagya sa mesa at doon lalo siyang umindak ng umindak na sobrang seksi at parang nang-aakit. Hiyawan muli ang grupo sa ginagawa ni Jordan at si George naman ay seryoso sa panonood kay Jordan. Sa mga sandaling iyon ay parang ginanahan na ng husto si Jordan sa pagsasayaw. Marahil dala na rin ng espirito ng alak ay nadala si Jordan ng kayang ginagawa. Unti-unti niyang hinubad ang suot niyang pantalon at iniwan niya ang suot niyang bikini brief na puti.

Napalunok si George sa mga sandaling iyon dahil sa ganda ng katawan ni Jordan at sa mga kilos nitong parang nang-aakit sa mga nakakapanood sa kanya. Nais man kantsawan ng grupo si George sa napapansin nilang itsura nito ay nagpigil silang lahat. Nagpatuloy pa rin sa pagsasayaw si Jordan at si George na rin ang sentro ng kanyang atensyon. Tumayo din si Enrico at nakipagsabayan siya kay Jordan sa pagsayaw. Mahigit man sa sampung taon ang agawat ng edad ng dalawa ay hindi pa rin nagpatalo si Enrico sa paggiling. Litaw pa rin sa kanyang pagkilos ang kagalingan sa pagsayaw. Hindi rin nagpatalo si Enrico at hinubad din niya ang suot niyang maong ng pantalon.

Nagpagalingan sa paggiling ang dalawa na para bang mga sawa sa lambot ng katawan. Mas lalong napatitig si George sa dalawang nagsasayaw at parang ayaw ng kumurap ng mga mata nito. Napansin ito ni Enrico kaya naman lalo niya itong tinakam. Ibinaba niya ang suot niyang brief ng kaunti na tamang-tama lamang na lumabas ang mga buhok sa itaas ng kanyang ari. Kaunting baba na lamang at lalabas na ang pinakapuno ng kanyang ari. Si Jordan naman ay hindi nagpatalo kay Enrico. Kabaligtaran naman ang ginawa niya. Bahagya niyang itinataas at ibinababa ang isang gilid ng brief niya na naging dahilan ng pagdungaw-dungaw ng pinakaulo ng kanyang ari.

Lalong hindi napakali sa kinauupuan si George sa ginagawa ng dalawa na tila nagpapasiklaban sa galing sa pagsasayaw at sa pang-aakit ng nanonood sa kanila. Halos hubarin na rin kasi ng dalawa ang natitira pa nilang kasuotan. Biglang natuon ang pansin ni Enrico kay George. Nilapitan niya ito habang sumasayaw pa rin siya. Kinuha niya ang isang kamay ni George at ipinahimas ang nakabukol sa kanyang brief. Naging sunud-sunuran lamang itong si George at tila gusto nya rin ang ginagawang iyon ni Enrico sa kanya. Sumunod na ginawa ni Enrico ay ipinasok niya ang kamay ni George sa loob ng kanyang brief para tuluyan ng nahawakan ni George ang kanyang ari. Hindi pa rin tumutol si George na gawin iyon.

Biglang naghiyawan ang ilan sa kasama nilang umiinom na ikinabigla ni George kaya inalis niya ang kanyang kamay sa loob ng brief ni Enrico.

“Huwag ka ng mahihiya sa amin. Gawin mo lang ang gusto mong gawin.” ang sinabi ni Enrico kay George.

Muling kinuha ni Enrico ang mga kamay ni George at pinahimas niya ang kanyang dibdib habang nagsasayaw pa rin siya sa harapan ni George. Bigla namang lumapit din kay George si Jordan at ikiniskis ang kanyang harapan sa may balikat ni George. Inagaw nya rin ang isang kamay ni George mula kay Enrico at pinasok nya rin sa loob ng kanyang brief. Hindi pa nakuntento sa ganoon si Jordan. Ibinaba niyang tuluyan ang kanyang brief para lalong mahawakan ni George ang kabuuan ng kanyang ari na noon ay nagsisimulang ng tumigas. Maya’t maya pa ay si Enrico naman ang nagbaba ng kanyang brief at ang isang kamay ni George ay hawak hawak na rin ang ari ni Enrico na tulad ng kay Jordan ay nagsisimula ng tumigas.

Kinantyawan nina Jojo at Berto si George na isubo niya ang mga hawak niyang ari. At ganoon na nga ang ginawa ni George sa ari ni Jordan. Tapos ay yung kay Enrico naman ang kanyang isinubo. Palit-palitan ang pagsubo ni George sa dalawang iyon. Hanggang sa tuluyan ng nanigas ang mga ari nina Jordan at Enrico. Mas malaki pa rin ang ari ni Enrico kaysa kay Jordan. Subalit napaka-flawless ng ari ni Jordan na pati bakas ng pinagtulian ay parang wala. Hindi rin ito maugat na kagaya ng kay Enrico. Subalit talagang wala itong binatbat sa taba at haba ng ari ni Enrico.

Parang naingit sina Jojo at Berto sa ginagawang iyon ni George. Unang tumayo si Jojo at pumuwesto rin sa likod ni Enrico at sinabihan niya ito na siya naman muna. Agad niyang ibinaba ang suot niyang pantalon at bried at itinutok sa mukha ni George ang kanyang naninigas ng ari. Ito naman ang pinagkaabalahang susuhin ni George. Ang ari ni Jojo ay pwedeng ilaban sa ari ni Enrico. Kahit na medyo mahaba ng kaunti ang ari ni Enrico ay malaki naman ang ulo nito na parang isang cobra ng magalit na ito ng todo. Sumunod na tumayo si Berto at pumalit sa pwesto ni Jordan. Ibinaba nya namang kanyang shorts at brief at itinutok ang ari din sa mukha ni George. Iniluwa ni George ang ari ni Jojo at yung kay Berto naman ang sinuso nito. Ilang minuto din ang ginawang iyon ni George sa ari ni Berto.

Napansin ng grupo na biglang nanahimik si Nico. Subalit nakamasid pa rin ito sa ginagawa ni George. Nilapitan siya ni Jordan at sinabihan kung gusto nya ring magpatsupa. Hindi na nakasagot si Nico. Pinatayo ni Jordan si Nico at sumunod naman si Nico. Agad binuksan ni Jordan ang pantalon ni Nico at inilabas ang ari ni Nico na tigas na tigas na rin pala ng mga oras na iyon. Sinimulang susuhin iyon ni Jordan. Sa simula ay itinutulak ni Nico si Jordan subalit humigpit ang hawak ni Jordan sa may puwet ni Nico kaya tuluyan na niyang naisubo ang kabuuan ng ari ni Nico. First time na maisubo ng iba ang ari ni Nico kaya kakaibang kiliti ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

“Masarap pala ang isang virgin.” ang biglang sinabi ni Jordan ng iluwa niya ang ari ni Nico.

“Patikim nga.” ang biro naman ni Jojo. Matapos ay sya naman ang sumuso sa ari ni Nico.

Hindi rin nagpahuli si Berto at sinubukan nya ring susuhin ang ari ni Nico.

“Magsitigil kayo. Siguro pabinyagan na natin ng tuluyan si Nico kay George.” ang naging mungkahi ni Enrico.

Pinaglapit ni Enrico sina George at Nico. Hindi na nag-aksaya ng panahon si George at sinuso niya agad ang ari ni Nico. Dahil sa first time ni Nico iyon ay agad din siyang nilabasan. Parang nahiya si Nico sa lahat ng nakasaksi. Agad niyang itinaas ang kanyang brief at pantalon sabay labas sa silid na iyon. Pinabayaan lamang siya ni Enrico sabay sabing first time nya kasi iyon.

“Pasensya na kayo sa bata. Baka nabigla lamang iyon.” ang paumanhin ni Enrico sa mga kasamahan. “Jordan, total ikaw naman ang talagang type ni George. Ikaw na ang magpatuloy ng pagpapaligaya kay George.” ang dugtong pa ni Enrico.

“Dito tayo George.” ang paanyaya ni Jordan kay George at itinuro ang ibabang kama ng double deck nina Jojo at Berto.

Naghubad na rin ng lahat ng kasuotan si George at sinipingan ang kanina pang hubad na si Jordan. Sa ikinilos ni George ay mukhang hindi niya first time ang makipagsex sa kapwa lalaki. Nakipaglaplapan ang kanyang mga labi sa mga labi ni Jordan. Walang parte ng katawan ni Jordan ang pinaligtas ng mga halik ni George. Nang sumapit naman siya sa puntong pagsuso sa ari ni Jordan ay talagang pasok na pasok ang kabuuan ng ari ni Jordan. Talagang deep throat penetration ang ginagawa nila. Sina Enrico, Berto at Jojo naman ay naaliw din sa panonood sa dalawa. Lalo na ng pinasok ni Jordan ang likod ni George. Ni hindi ito tumutol sa ginawang iyon ni Jordan sa kanya. At doon na rin nagpasabog ng katas si Jordan. Ilang sadali din ay hindi na rin napigilan ni George ang pagpulandit ng kanyang katas na kumalat naman sa ibabaw ng kama. Nang labasan si George ay parang natauhan siya. Humingi kasi siya ng pasensya sa may ari ng kama dahil nagkalat doon ang kanyang katas.

“Okey lang yan George. Hindi lang naman katas mo ang naririyan ngayon. Madami ng nauna pa sa iyo.” biglang sumagot si Jojo na nagpapatunay lamang na kanya ang higaan na iyon sabay halakhak ng napakalakas.

Marahil ay nawala na ang tama ng beer kay George kaya lalo itong nahiya sa kanyang nagawa ng gabing iyon na susuhin ang limang lalaki. Agad na rin siyang nagpaalam matapos maisuot muli ang kanyang pantalon. Halatang natataranta si George sa mga oras na iyon dahil nalimutan niyang unahing isuot ang kanyang brief. Binitbit na lamanag niya ito kasama ang sando niya at barong niya. Ang apat namang naiwan ay inubos lamang ang natitirang beer. Matapos ay nagpaalam na si Enrico at Jordan.

Pagpasok ni Enrico sa kanilang silid ay nakahiga na si Nico at nagtutulogtulugan. Hindi na kinausap ni Enrico ang pamangkin kahit alam niya hindi pa ito tulog. Nagtanggal na lamang siya ng kanyang kasuotan maliban sa kanyang brief at natulog na lamang sa tabi ni Nico. Agad din naman nakatulog si Enrico kaya hindi na namalayan kung nakatulog nga si Nico o hindi. Kinaumagahan ay tanghali na siya nagising. Nagising siyang pinagmamasdan ni Nico habang hinihigop ang mainit na kape.

“O bakit ganyang na lang ang tingin mo sa akin?” ang tanong ni Enrico sa pamangkin.

“Wala lang. Nag-iisip lang kasi ako.” ang tugon ni Nico.

“Iniisip mo pa ba yung nangyari sa iyo kagabi?” ang tanong muli ni Enrico.

“Wala na yun, tito. Iniligo ko lang naman iyon. Tapos wala na.” ang tugon ni Nico.

“Eh anong iniisp mo?” tanong na naman si Enrico.

“Yung hirap ng buhay natin, lalung-lalo na kayo. Ang dami na ninyong pinagdaanan. Gusto ko sanang maawa sa inyo. Pero sa tingin ko masaya naman kayo sa buhay na pinili nyo.” ang naging tugon ni Nico.

“Ganyan talaga ang buhay. Minsan sa buhay natin ay nangangarap tayo ng buhay na nais natin. Pilit inaabot ang pangarap na iyon. Mahirap. Kapag sumuko na tayo ay nakukuntento na lamang sa kung ano na ang ating narating. Ganoon nga siguro ako. Maagang sumuko sa hamon ng buhay. Kaya heto ako ngayon. Walang narating. Wala ring kinabukasan.” ang seryosong nasabi ni Enrico sa pamangkin.

“Tama ka nga tito. Pero nasa tao na yun kung ano ang pipiliin niya. Ganyan talaga ang buhay. Walang katapusang pakikibaka sa lahat ng mga hadlang sa ating mithiin. Mahirap pero kailangan pagtiisan. Bukas natin ang nakataya dito. Yun bang walang sukuan. Matira ang ang matibay. Magtatagumpay ang matibay at matatag.” ang nasabi naman ni Nico.

“Bata ka pa nga. Puno ka ng pangarap sa buhay. Sana matupad mo lahat iyon.” ang sabi ni Enrico sa pamangkin.

“Tama na nga yang dramahan, tito. Maghilamos na kayo baka sumama pa ang muta sa luha ninyo.” ang biro ni Nico sa tiyuhin upang mapukaw ang medyo seryoso nilang usapan.

Isang ordinaryong weekend sa magtiyo ang araw na iyon. Nagtulong sila sa paglinis ng silid. Namalengke ng kaunting mailuluto. Sinamantala ang buong maghapon sa pamamahinga at pakikipagkwentuhan sa iba pang nakatira sa paupahang iyon. Si George naman ay talagang nahiya sa nakaalam ng tunay na pagkatao niya kaya halos nagkulong ito sa loob ng kanyang inuupahang silid. Bago kumagat ang dilim ay nagsipag-alisan na naman sina Jojo, Berto at Jordan. Si Jordan ay pumunta sa club na pinapasukan nito. Sina Berto at Jojo naman ay malamang may mga kanya-kanyang kliyenteng pupuntahan. Freelancer na rin kasi sila tulad ni Enrico.

Kinaumagahan ay sinamahan muli ni Enrico ang pamangkin sa isang opisinang nakita nila sa dyaryo na nangangailang ng clerk. Nakapustura talaga si Nico na nagpalabas ng husto na kagwapuhan niya. Si Enrico naman ay suot ang nakasanayang hapit na maong pants at hapit din na t-shirt na nagpalutang naman ang kakisigan niya. Bago pa man magbukas ang opisinang pakay nila ay naroroon na sila. Marami-rami na rin ang mga applicant ng mga oras na iyon. Nang magbukas ang opisina ay grupo-grupo silang pinapasok sa loob. Isang lalaki ang nag-aasikaso sa mga applicant na namumukhaan ni Enrico. Hindi napapansin ng lalaking iyon si Enrico hanggang sa mapasama na sa grupo na papapasukin sa loob ng opisina si Nico. Natandaan din si Enrico na lalaking iyon at medyo nagulat ang lalaking ito ng makita si Enrico.

Ilang beses na rin palang naging kliyente ni Enrico ang lalaking ito. Inakala ni Enrico na makakatulong na ito sa kanyang pamangkin kaya ibinilin niya si Nico sa kanya. Ilang minuto din ang inilagi ni Nico sa loob ng opisina. Nang maglabasan na ang grupo ni Nico ay bakas sa mukha niya na hindi siya natanggap. Pilit inusisa ni Enrico ang pamangkin subalit hindi nagsalita si Nico. Umuwi na rin agad ang magtiyo. Oras na ng panghalian ng marating nila ang kanilang lugar. Niyaya na lamang ni Enrico ang pamangkin na kumain sa karinderya upang hindi na sila magluto. Subalit busog pa daw si Nico kaya nauna na itong umuwi sa kanilang tirahan.

Nang makauwi na si Enrico ay tinanong na naman niya ang kanyang pamangkin kung ano ang kanyang problema. Sa pagpipilit malaman ni Enrico ang bumabagabag sa kanyang pamangkin ay bumigay din si Nico na magsalita.

“Bakit ganoon sila tito. Kalilan pa ako magkaka-experience sa trabaho kung walang kukuha sa akin. At yung lalaki na iyon. Sanabihan ba naman ako na mas bagay daw sa akin ang trabahong tulad ng sa iyo. Sayang daw ang gandang lalaki ko. Hindi ko daw kaya ang trabaho sa office nila dahil wala pa daw akong experience. Pero maaari pa rin niya akong tulungan kung papayag ako sa gusto niya. Alam nyo na ang nais ng lalaking iyon.” ang nailabas na sama ng loob ni Nico.

“Walang hiya yun, ah. Mamura nga kahit sa text lang.” ang paggalit na nasabi ni Enrico sabay kuha sa kanyang cellphone. “ Nasaan na nga ba ang number ng mokong na iyon? Sino na nga ba iyon?” ang sinasabi ni Enrico habang pinipindot ang kanyang cellphone.

“Hayaan nyo na iyon tito. Bukas baka swertehin na ako na makahanap ng trabaho.” ang sabi ni Nico sa tiyuhin.

Kinagabihan ay nagpaalam si Enrico na pupunta sa regular niyang kliyente. Kailangan din niyang kumayod kahit papaano kaya iniwan na naman niyang nag-iisa si Nico. Medyo naiinip si Nico kaya minabuti niyang lumabas ng silid at humanap ng makakausap. Nagkataon naman na paparating na si George. Nagkasalubong ang dalawa. Nagngitian. Tapos ay pumasok na sa kanyang inuupahang silid si George. Nagbakasakali si Nico na may makausap pa kaya kinatok niya ang silid nina Jojo at Berto. Subalit walang sumasagot dito. Sinubukan niyang puntahan sa kabilang silid si Jordan. Pero ganoon din. Wala ding tao dito. Kaya naupo na lamang siya sa hagdanan.

Mga ilang minuto din ang nakalipas ng lumabas ng silid si George. May tangan itong basyo na bote ng softdrinks. Nakiraan siya kay Nico dahil medyo nakaraharang ng bahagya si Nico.

“Excuse, bro.” ang pakiusap ni George.

“Mukhang bibili ka ng softdrinks.” ang naging tanong ni Nico.

“Medyo mainit at kailangan ng kaunting pampalamig.” ang naging tugon naman ni George.

Ilang minuto ang nakalipas ay bumalik na rin si George bitbit ang isang litrong softdrinks at isang plastic na yelo.

“Tara sa taas ng makainom ng malamig na softdrinks.” ang anyaya ni George kay Nico.

“Sige na nga. Wala rin akong magawa dito.” ang naging tugon ni Nico.

Pagpasok nilang dalawa sa silid ay agad kumuha ng baso si George at inihampas ang yelo sa pader upang mabiyakbiyak. Nilagyan ni George ng yelo ang mga baso at ibinuhos ang softdrinks.

“Kumusta ka na?” ang tanong ni George kay Nico.

“Heto, wala pa ring trabaho. Ang hirap humanap ng trabaho ngayon lalo na at wala pa akong experience.” ang tugon ni Nico.

“Huwag kang mag-alala, makakahanap ka rin. Magtyaga ka lang.” ang sabi ni George kay Nico.

“Ikaw kumusta na ang pamilya mo?” ang tanong naman ni Nico kay George.

“Okey naman daw sila. Nagsisimula ng malakad daw ang bunso ko. At yung panganay ko ay matatas na rin sa pagsasalita. Miss ko na nga sila eh.” ang naging tugon ni George.

“Tuwing kailang ka ba umuuwi?” ang tanong muli ni Nico.

“Kapag may sweldo na ay umuuwi ako ng weekend.” ang tugon ni George.

“Ako rin miss ko na rin ang nanay at tatay ko pati na rin ang mga kapatid ko.” ang nasabi naman ni Nico. “Magdadalawang Linggo pa lamang ako sa Maynila pero miss ko na rin sila.” ang dugtong pa ni Nico.

“Sorry pala sa iyo sa nagawa ko noong isang gabi.” ang paghingi ng paumanhin ni George kay Nico.

“Okey lang iyon. First time ko kasi iyon kaya nabigla din ako.” ang tugon naman ni Nico.

“Pero pakiusap ko lamang na sa atin-atin lamang iyon. Matagal ko na rin kasing lihim iyon. Pati ang wife ko ay hindi alam na ganoon ako. Pilit kong pinaglalabanan ito pero madali pa rin akong matukso.” ang nasabi ni George.

“Walang problema iyan. Basta ba hindi mo tatalikuran ang obligasyon mo sa pamilya mo.” ang sabi naman ni Nico. “Lahat naman yata ng tao ay may tinatagong lihim. Minsan kasi ayaw natin sabihin ito lalo sa mga mahal natin sa buhay dahil magdudulot lamang ito ng sama ng loob sa kanila.” ang dagdag pa ni Nico.

“Oo nga eh. Simula ng nagkapamilya ako ay umiwas na ako sa ganoong gawain. Magastos din ang manlalaki. Kaya inilalaan ko na lamang ang aking kinikita sa aking pamilya.” ang nasabi pa ni George.

“So yung nangyari noong isang gabi ay libre iyon kaya okey lang sa iyo.” ang pabirong nasabi ni Nico sabay tawa.

Nabago ang mood ng dalawa at naging masaya na ang kanilang kwentuhan. Nagsimula na rin biruin si George ni Nico tungkol sa kung ilan na ang lalaking dumaan sa kanyang bibig. Pati na rin ang pinakitang galing ni George sa pagsuso ng kanyang ari. First time niya iyon pero nasarapan daw siya. Nagpatuloy ang kantyawan ng dalawa hanggang sa alukin ni Nico si George na subukan daw nilang gawin muli yung ginawa nila noong isang gabi. Hindi na nagdalawang salita si George at sinimulan na niyang maghubad. Ganoon di naman si Nico. Niyapos agad ni George si Nico at sinimulang halikan sa kanyang mga labi. First time ni Nico na mahalikan sa labi ng isa ring lalaki kaya iniwas niya ang kanyang mga labi. Naintindihan naman ni George ito kaya hindi na siya nagpumilit na halikan muli si Nico sa mga labi. Iginapang na lamang niya ang paghalik sa leeg, sa dibdib at hanggang marating niya ang ari ni Nico na noon ay nagsisimula ng tumigas.

Sinimulan niya itong susuhin. Pati ang mga bayag ni Nico ay hindi nakaligtas sa bibig ni George. Bihasa na rin si George sa pagsuso ng ari kaya naman ginalingan niya iyon para lalong masarapan si Nico. Halos tumingkayad si Nico habang sinususo ni George ang ari nito dahil nakatayo si Nico. Kaya naman pinahiga muna ni George si Nico sa kama at muling sinuso ang ari niya. Halos mabaliw si Nico na nararamdaman nitong sarap. Di na rin napigilan ni Nico ang mapa-ungol ng malakas. Hanggang sa pumilandit ang katas mula sa ari ni Nico. Tuwang tuwa si George ng mga sandaling iyon kaya naman wala itong inaksayang katas ni Nico. Habang nakahiga pa rin si Nico sa kama ay nagsalsal naman si George habang hawak-hawak pa rin ng isa niyang kamay ang ari ni Nico. Di rin nagtagal at pumutok na din ang katas sa ari ni George na kumalat sa may puson ni Nico. Dahil dito ay kinuha ni George ang kanyang tuwalya at pinanasan niya si Nico.

Hindi pa rin kumilos si Nico at nanatiling nakahiga. Tinabihan naman siya ni George at muli silang nag-usap.

“Okey ka lang ba Nico?” ang tanong ni George.

“Okey lang ako. Di lang ako makapaniwala na nagagawa ko na ito.” ang tugon ni Nico.

“Sorry ha kung nagawa kung muli ito sa iyo?” nagpaumanhin muli si George.

“Huwag ka mag-alala. Ginusto ko na ito. At nasarapan naman ako. Kaya okey na okey lang ako. Nagtataka lang ako sa aking sarili.” ang tugon ni Nico.

“Sige, sekreto na lang natin ito kung gusto mo.” ang sabi ni George kay Nico.

“Okey lang kahit malaman nila. Tutal nasaksihan na naman nila yung una mong ginawa sa akin.” ang nasabi naman ni Nico.

Ipinikit ni Nico ang kanyang mga mata. Di niya namalayan na nakaidlip na siya sa kama ni George na wala pa ring saplot sa katawan. Hanggang sa gisingin siya ni George.

“Nico, nandyan na yata ang tito mo. Gising ka na.” ang paggising ni George kay Nico.

“Sorry ha. Nakatulog na pala ako dito.” Ang nasabi ni Nico ng magising habang pinupunasan niya ang kanyang mga mata sa pamamagitan ng kanyang palad.

Nang bumangon si Nico ay noon niya naalala na wala pa pala siyang damit. Dali-daling nagbihis si Nico at lumabas agad ng silid. Nakita niya ang kanyang tito Enrico na nakatayo sa tapat ng pintuan ng kanilang silid.

“Kanina pa ba kayo dyan?” ang tanong ni Nico.

“Kadarating ko lang. Bakit nanggaling ka dyan? Mukhang bagong gising ka?” ang mga tanong naman ni Enrico.

“Oo nga tito. Nakipagkwentuhan ako kay George at di ko namalayan na nakatulog na pala ako.” ang tugon naman ni Nico.

1 comment:

Anonymous said...

Nice Nice. Next part please! Sabi ko na magkakaganun din si Nico eh. Hahaha! Figured it out!

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.