vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Wednesday, October 13, 2010

My Most Beautiful Mistake 2

Installment 2
posted by princemarvin

Si Pikoy.Nahalata ni Kelly ang mukha ko, nanlaki ang mata ko sa pagkabigla.

"Okay ka lang, BB? Parang ikaw ang ikakasal ah!" Mahinang sabi niya sakin.

"I'm just… I'm just so happy for you." Okay na sa sagot na yun si Kelly, iniabot ko na siya kay Macky habang pilit na umiiwas sa tingin ni Matteo. Alam ko na namumukhaan niya ako, ang laki ng ngiti niya saakin. Halos may kasama pang tawa. Hanggang matapos ang sermonya, hindi ako mapakali. Tingin ng tingin sakin si Matteo. Ramdam kong naubusan ako ng dugo sa mukha. Iniisip ko, eh ano ngayon? Pero hindi nakatulong.Nang matapos ang kasal, dumirecho agad ako sa kotse para pumunta sa reception sa clubhouse ng village na tinitirahan ngayon ni mummy. Pagkabukas ko ng pinto nakita ko ang reflection ni Matteo sa salamin ng pintuan.

"What?" Tanong ko sa kanya na parang wala lang.

"What did you say your name was again?" Sabi niya ng nakangiti.

"I didn't tell you my name." Sagot ko sa tanong niya.

"Oh yeah, you didn't. So… what is it? What's your name?" Pagpupumilit niya sakin.

"Hindi mo na kailangan malaman." Pumasok na ako at sinimulang paandarin ang kotse. Hindi pa nakakaandar ay hinarangan niya ang kotse ko. Binuksan ko ulit ang pinto at bumaba.

"What do you want?" Asar na taong ko sa kanya.

"A ride. My friend took my car and there's no one else around." Sabi niya. Napansin ko nga, wala na lahat ng sasakyan. Walang dumadaan na taxi dito. Naasar ako sa kanya pero naawa din ako. Hindi ko naman siya pwedeng iwan dito. Kahit gaano ko kaasar, pinapasok ko na lang siya sa kabilang pinto.

"Thanks," wika niya pagkapasok sa pinto. Hindi ako sumagot. Naging napaka awkward ng sandali kaya nagsimula ulit siyang magtanong,

"So… are you like Kelly's father?" Tumingin na lang ako sa kanya na gustong kong sabihin na napaka-tanga ng tanong niya.

"Oookay… Hindi ka naman ganun katanda ang itsura mo." Tahimik parin ako.

"Marunong ka naman magsalita, diba?"

"Oo." Yun lang ang naging sagot ko sa kanya. Nakarating na rin kami sa wakas sa clubhouse. Sa akin lang parang limang oras ang nilakbay ko.

"That was a nice conversation." Sabi niya.Nakangiti parin siya sakin, walang bahid ng pagka-inis sa mukha niya. Maganda ang ngiti ni Matteo. Maganda ang labi niya, ang mga ngipin, ang mga guhit sa tabi ng labi. Naalala ko bigla kagabi noong nakapatong ang mga labing yun sa labi ko. Ibang klase kung humalik si Matteo, mabagal, sensual, matamis. Napakagat ako ng labi. Nakatingin parin siya sakin na parang nang-aakit. Hindi ko na mapigilan
ang sarili ko, mabilis na inabot ko sa leeg nya ang kamay ko at hinila ko ang leeg niya papunta sakin. Mabilis naman nagpatong ang labi namin. Pero hindi siya humahalik. Oo nga't nakapatong ang labi niya pero hindi gumalaw. Tang ina, napahiya ako! Inalis ko na ang labi ko at bumalik sa pagkakaupo.

"Thanks for the ride." Binuksan na niya ang pinto at lumakad papunta ng clubhouse.

Ilang beses kong inuntog ang ulo ko sa manibela. Ang tanga-tanga ko! Shit! Pero kasalanan niya! Nang-aakit siya eh! Ang mokong na `to! Nanliit ako, di ko alam kung pano ko ipapakita ko mukha ko sa kanya mamaya. Paglabas ng ko ng kotse ay nakapagsindi muna ako ng dalawang yosi para magipon ng lakas ng loob. Sa loob nakita ko agad si Mummy at Macky nagsasayaw, ang ama naman ni Macky at si Kelly. Hindi ko nakita si Matteo. Mabuti naman. Lumapit ako sa ama ni Macky at Kelly.

"May I, Mr. Santana?" Tanong ko sa ama ni Macky.

"Of course." Sabay abot sakin ng todo-ngiting si Kelly.

"You have a wonderful sister"

"I know, sir. Thank you." Ngumiti ako sa kanya at umalis na din para umupo.

"So… Mrs. Santana…" napangiti kami pareho ni Kelly.

"Of course I know you're wonderful, you're my sister."

"Mana-mana yan, diba, BB?"

"You know it! Bunso, pwede ba akong sumama sa honeymoon niyo?" pabirong tanong ko kay Kelly. " Para matikman ko man lang si Macky."

"Ay sorry ka, hindi pwede! Dapat ginahasa mo siya nung di pa kami kasal. Off-limits na siya ngayon."

"Malas." Nagsabay kami sa isang malakas na tawa ni Kelly hanggang ma tumapik sa balikat ko. Pag lingon ko nakita ko si Matteo. Shit ulit!

"Matt!" Sabi ni Kelly kay Matteo. "Oh, I haven't introduced you yet. Matt, meet the most wonderful brother in the whole wide world, Kiros."

"Well, it's certainly a rare occassion to meet the most wonderful brother in the world." Inabot niya sakin ang kama niya sabay ngiti. Lintik na ngiti yan pinahiya ako kanina. At aktor ang mokong na ito. Makikisakay na lang ako.

"Matt is Macky's brother," sabi ni Kelly. Double Shit!

"Ah… yes… I'm Mack's brother. I'm sorry I didn't tell you," sabi sakin ni Matt na todo ang ngiti, halatang natatawa.

"Wait, so you know each other?" Tanong ni Kelly kaw Matt.

"Yeah… well, not really. Sinakyan ko siya kanina." Parang nawalan ako ng hininga sa sinabi niya.

"I mean, nakisakay ako sa kotse niya papunta dito."

"Ahhh." sabi ni Kelly na halatang iba ang inisip sa sinabi niya.

"Uhm.. she's… yours. I gotta get myself a drink." Umalis ako sa kinatatayuan ko at lumapit sa pinakamalapit na waiter na may dalang champaigne at inubos sa isang lagok. Bago umalis ang waiter, kumuha ulit ako ng isa at lumabas sa may kotse ko, nagsindi ng yosi. Pagkatapos ng ilang sandali, lumabas si Kelly, nababahala ang mukha niya.

"Okay ka lang, BB?"

"I slept with Matt!" Biglang bukas ng bibig ko, hindi ko na napigilan. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun bigla pero wala na ako magagawa, nakalabas na. Siguro dahil mapagkakatiwalaan ko si Kelly.

"YOU…" Gulat na sabi ni Kelly.

"You slept with Matt?!!!" Hininaan niya ang boses niya.

"Who slept with who?" Sabi ni Macky paputa sa kinaroroonan namin. Narinig niya kaya? Tang ina, so much for trusting Kelly.

"Yeah, who slept with who? Si Matt, kasunod sa yapak ni Macky.

"Excuse me, this is a private conversation, God! And my sex life is none of your business!!!" Galit na sabi ko sa dalawang dumating.

"May boyfriend si Kiros." Sabi ni Kelly kay Macky, sabay tingin kay Matt na nakangiti.

"I DON'T HAVE A BOYFRIEND!" Asar na asar na talaga ako!

"May boyfriend si Kiros?" Sabay na tanong nila Macky at Matteo.

"Hindi niyo ba narinig ang sinabi ko?" Asaaaaar!

"Honey, I think the guests are calling for us." Sabi ni Kelly kay Macky habang hinihila pabalik sa loob. "BB, mamaya na tayo magusap!"

"KELLY!" Tawag ko sa kanya.

"KELLY BUMALIK KA DITO!" Hindi na siya nakinig.

"So you have a boyfriend?" Nagulat ako, nakalimutan ko na nandito pa pala si Matteo. Inubos ko ang natitirang champaigne, tinapon ang yosi at nagsindi ng bago. Hindi ko sinagot ang tanong niya.

"You slept with me and you didn't tell me you have a boyfriend?" May bahid ng konting galit sa boses niya.

"Is that why you're avoiding me?"

"I don't have a boyfriend, she meant you," kalmado na ako ngayon.

"So I'm your boyfriend?" Nakangiti na ngayon ang engot.

"NO!!! Hindi kita boyfriend, wala akong boyfriend at definitely ayaw kong magka-boyfriend!"

"Talaga lang ha…"

"Talaga, now leave me alone!"

"So you told Kelly about us?" Lumapit siya sa akin at sumandal din sa kotse ko katabi ko.

"Look, there's no `us,' Matt!"

"Ahu….okay… so you told Kelly about you and me?" Tinitigan ko na lang siya sa mata. Gusto ko na siyang sakalin.
"Oookay… let me rephrase that, you told Kelly about what HAPPENED between you and, separately, me?"

"Oo." Kinuha niya ang sigarilyo ko.

"You are so into me, aren't you?" Pabirong sabi niya sakin at binuga ang yosi ko.

"Gago!"

"Alam mo sa tigin ko, may gusto ko sakin. Sinunggaban mo nga ako ng halik kanina eh."

"Walang ibig sabihin `yun," namula ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Okay lang. `Di din naman kita gusto eh."

"Good! That's good." Aray. mokong na `to. Nasaktan ako sa sinabi niya ah! Hindi ko alam kung bakit, siguro nasaktan ang ego ko.

"But I bet, magkakagusto ka sakin! Pero hindi ako papatol sayo kahit akitin mo pa ako."

"Hahaha!" Natawa ako sa sinabi niya pero sinadya kong lumakas ang tawa ko.

"Never gonna happen."

"We'll see about that, BB!" Tinapon na niya ang yosi at naglakad paputang clubhouse.

"You're on, Pikoy!"

Kinaumagahan, nagising ako sa ring ng telepono, si Kelly tumatawag.

"BB," pambungad nyang bati.

"Kelly ang aga pa!"

"BB may utang ka saking kwento."

"Masyado ka pang bata."

"Pag-kinwento mo sakin, ikukwento ko sayo nangyari samin kagabi ni Macky."

"Salamat na lang."

"Che! Bahala ka nga diyan," mabuti na lang umalis na si Kelly sa piaguusapan namin. "BB, remember ha! You promised me you'll take us to the airport." Ngayon nga pala ang alis ni Kelly at Macky para sa honeymoon nila. Ako ang nagregalo kay Kelly noon, isang linggo sa Hawaii .

"Yeah, yeah, I remember."

"We're all packed up na, punta ka na dito."

"Sige, shower na ako."

Hinatid ko si Kelly at Macky sa airport. Ibinilin sakin ni Kelly ang bahay. Dun muna daw ako tumira para alagaan ang kanilang aso, si Legazpi. Napaka-istupidong pangalan para sa aso kung ako tatanungin mo, pero gusto ko na rin si Zap, tawag ko sa aso. Pumayag na ako. Pero pina-sumpa niya ako na doon ako matutulog hanggang dumating silanext week. Sabi ko walang problema. Pagkagaling ng airport, dumirecho na ako sa bahay nila para pakainin si Zap. Nabigla ako ng nakita kong bukas ng pinto, kahol ng kahol ang aso. May magnanakaw yata. Kumuha ako ng tubo na malapit sa may pintuan bago pumasok, inutusan ko ang sarili ko na itanong kay Kelly kung bakit may tubo dun. Napaka out-of-place. Hindi ako gumawa ng ingay, baka malaman ng magnanakaw na may tao at tumakbo. Walang magulo, walang nakuha sa sala, ang tv nandun parin at nakabukas. Siguro alam ng magnanakaw na matagal bago bumalik and may-ari ng bahay. Nasa kusina si Zap kumakahol. Kumakahol si Zap sa ref. Pagtingin ko, may lalakeng naka-dungaw at may kinukuha sa loob.

1 comment:

Migz said...

kinikilig ako.lol

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.