vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Monday, February 13, 2012

My Girlfriend's Brother 7

Submitted by DyingStranger
Installment 7

Check all chapters here.
Umandar na naman ang "topak" ko. Heto na naman ako para maglabas ng sama ng loob. Sinabi kong tapos na ang lahat sa amin ni Toni pero heto parin ako at hindi ko parin mapigilan ang mahulog sa kanya. Alam na ni Shirley na may pagtingin ako sa kapatid nyang lalake at okey lang sa kanya iyon dahil na rin I assured her na kahit anung mangyari e, sa kanya ako mapupunta at sya ang pipiliin ko. Ngunit sa mga ilang buwan na lumipas ay hindi mapigilan ni Shirley ang mag-alala hindi lang sa relasyon namin pati na rin sa kapatid nya.


Nung una ay pabiro lang nyang sinasabi sa akin na baka daw may pagtingin din sa akin si Toni at ayaw lang nyang masira ang relasyon naming magnobyo kung aaminin nyang mahal nya rin ako. Sa bagay may point sya. Tinanong ko si Shirley kung bakit nya nasabi iyon at ang sagot nya ay nakikita daw nya sa mga tingin sa akin ni Toni. Sinunggaban ko kaagad ang sinabi nya, kinontra ko kaagad ng sinabi kong baka kaya ganoon dahil sa pinagtapat ko sa kanyang may gusto ako sa kanya. Mabilis namang sagot ni Shirley na may iilang mga beses na pasulyap ng tingin sa akin ang kapatid nya at kung minsan ay lumalapit ito ng kusa sa akin si Toni habang wala siya sa tabi ko. Tumawa na lang ako sa argument naming iyon di ko iyon sineryoso baka maling akala lang ni girlfriend.

Hindi ko na pinansin ang nararamdaman ko since nakapagdesisyon na akong mag-move on. Oo inaamin ko paminsan-minsan ay gusto ko ang pakiramdam kapag nariyan si Toni at malapit pero not to the point na I'll fall madly in love. It was not until pinag-usapan namin ni Shirley ang pag-uusap nila ng kaibigan ni Toni. Si Jester, isa sa mga kaibigang matalik ni Toni na paminsan minsan ay tumatambay sa kanila, malaking tao, maputi, chinito. Isang gabi ay nagkausap si Shirley at si Jester tungkol sa kapatid nya. Tinanong ni Shirley si Jester kung bakit bakla ang tukso nila sa kapatid, bakla ba daw talaga ito? Sinagot naman siya ni Jester na hindi, sa katunayan nga raw ay balak na manligaw ni Toni sa nakababatang kapatid ni Jester at kaya hindi pa nito sinimulan ang panliligaw ay sa kadahilanang wala itong pera. Sinundan naman kaagad nito ni Jester na h'wag sayng mag-alala walang gusto si Toni kay Dim(ako). Nagpantig ang pandinig ni girlfriend, paano naman ako napasok sa usapan? Kahit banggit ng aking pangalan ay hindi ginawa ni Shirley, ngunit bakit ganoon na lang ang sinabi ni Jester.

Lalo tuloy naguluhan si Shirley at naiiyak nyang sinabi sa akin na h'wag na h'wag ko syang iwan, nagmamakaawang binanggit sa akin iyon ni Shirley, niyakap ko sya ng mahigpit at ibunulong ko sa kanyang tenga na hindi ko sya iiwan.

As of the moment e, okey na ang lahat sa bahay nila Shirley, ang problema ay ako na naman ang naguguluhan. Sa bawat pasulyap kong pagtingin kay Toni at nakatingin sya sa akin at ibinabaling ko kaagad ang tingin ko para hindi nya isipin na tumitingin ako sa kanya, pero nakikita ko ang mga tingin nya sa akin, malalim ito, parang may gustong sabihin, sa tingin ko lang ito at marahil ay nagpapantasya na naman ako pero iyon ang nararamdaman ko e, at kapag nagkakadikit ang aming mga balat ay lumalayo kaagad ako baka makita ni Shirley at malungkot ito. Pero masakit kapag umiiwas ako kapag ibinabaling ko ang tingin mula sa kanya, mabigat ang naraarmdaman ko.

Sa ngayon ay ngarag na naman ako, kahit sinasabi kong malakas ako at kaya ko pa, please understand, tao lang din ako. Kahit minsan sinasabi kong kaya ko, pride ko lang ang may sabi noon at hindi ang puso ko. Mahal ko ang Girlfriend ko pero mahal ko rin ang kapatid nya. I guess this is the burden I must carry.

itutuloy...

2 comments:

Anonymous said...

I can relate to this,not the total situation..but i would say na..u need to choose..to be free or be hurt always..

--makki-- said...

Oo nga.. timbangin mo lang ng maigi.. sundin mo lang ang bugso ng yung damdamin.

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.