vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Thursday, December 1, 2011

After Ever After 4 (end)

Installment 4
By Hal Spark

Naging malapit sa isat isa ang dalawa .Naging lihim sa mga tao ang kanilang relasyon. At naging maayos ang buhay nila Mateo dahil sa mga pabuyang binigay ng 3 tatlong hari sa kanya. Nagkaroon na din sila ng sariling lupa para maging taniman ng kgagulay upang ibagbili sa bayan.

Subalit nitong nagdaan ay naging malungkot si Fifi dahil matagal na din siyang di nakak a uwi sa kanila. Naisip niya na baka nag aalala na ang mga tao sa kanila.


“mukhang malungkot ka na naman “ sabay yakap ni Mateo kay Fifi habang nakatayo ito sa may bintana at pinagmamasdanang mga bituin sa langit

“ Wala na mimiss ko lang ang aming mundo, “ sabay buntong hininga nito

“ Ayaw mo na ba dito sa amin”

“ hindi naman sa away pero hindi ako para dito. Kahit gustohin ko pa” sagot nito sabay humarap kay Mateo

“ wag kang mag alala tutulungan kitang makabalik sa mundo ninyo, Pero bago yan hayaan mo munang pawiin ko iyong kalungkutan” sagot ni Mateo sabay halik sa labi pababa sa leeg nito.

Ngumiti lang si Fifi at agad na gumanti ng halik kay mateo at saka hinila papunta sa higaan upang doon iraos ang kanilang nararamdaman.

*

Ilang araw na din at naging abala si Mateo sa pag hahanap ng posibleng lunas para makabalik si Fifi sa kanilang mundo.At nalaman niya sa isang ermitanyo na kelangan niyang pumunta sa isang bukal malapit sa isang guho sa dulo ng gubat upang makabalik si Fifi sa kanila.

“ Fifi May maganda akong balita sayo” habang hingal na hingal siya sa pagtakbo pagpasok ng bahay

“ ano yun at mukhang nagmamadali ka”

“ kelangan mong maghanda at aaalis tayo ngayon habang maaga pa”

“ saan tayo pupunta ?

“makakabalik ka na sa inyo” sagot ni Mateo

“talaga ! “ sabay yakap nit okay Mateo

At naghanda na ang dalawa sa pag aalis nila papunta sa may guho. Halos ilang oras din ang kanilang nilakbay kaya madilim na ang lugar.Naghanda na sila sa gagawin.

“ Ginoo kelangan mong ipainom ang nasa boteng ito nang sa gayon ay makalimutan niya ang lahat ng bagay na may kinalaman sa lugar na to bago siya tumawid sa mundo niya “ sabay kuha ni Mateo sa bote dahil naalala niya ang bilin ng ermitanyo.

“Kelangan mong inumin ang nasa boteng ito para maging ligtas ang iyong paglalakbay “ sabay abot ni Mateo kay Fifi.Dahil alam ni Mateo ang epekto nito ay ininom niya muna kalahati nito bago maglakbay. Ang epekto noon ay magaganap kapag nakatawid na si Fifi sa kanilang mundo.

“ Ano to lason?” sagot ni Fifi

“Hindi yan lason, magtiwala ka sa akin”

Kinuha ni Fifi ang bote at saka ininom ang laman nito. At saka umupo sa isang bato sa may guho.Ilang saglit pa ay makakabalik na siya sa kanila.

“ O bakit ka naiyak?” tanong ni Mateo habang hinagod ang likod

“ wala masaya lang ako kasi makakabalik na ako sa min” sagot nito..

“ wag kang mag alala magiging maayos ang lahat pagbalik mo” sagot ni Mateo

“ Sana ikaw din maging ok din pag aalis ko,” sabay yakap nito kay Mateo at saka bumulong sa tenga nito “ Salamat dahil dito ko naranasan ang hottest sex life sa buhay ko, ang ma – BJ ang mga gwapong hari, at ang di ko malilimutang threesome. At higit sa lahat Ikaw na Prince Charming ko kahit hindi ka talaga prince pero charming naman.”

Biglang lumiliwanag ang paligid dahil unti unti ng nahahawi ang ulap sa langit at lumalabas na ang buwan . Namangha siya lalo nang masikatan nag ilaw ng buwan ang paligid ay naging kulay asul ang paligid. At unti unting bumubuka ang mga bulaklak sa paligd ng guho. Kasabay nito ang mga madaming lumulipad na prang firefly na pumunta at naiipon sa gitna ng isang natuyong lupa sa may guho. At habang naiipon ito sa gitna ay parang nagiging anyong tubig ito na lumiliwanag hanggang tumaas ito at naging bukal na puno ng tubig na umabot sa paa nilang dalawa.

“Paalam na “ sagot ni Fifi sabay kaway kay Mateo habang nakangiti lang ito at naluluha.dahan dahan ng lumusong si Fifi sa tubig at unti unti siyang nagliliwanag at parang nagiging tubig na din. Bago pa man siya maglaho ay biglang lumabas si Georgous at biglang nagdive sa tubig na sout ang lavender gown.

“ O mare una na ko, May event pa kong pupuntahan” sabay sisid sa ilalim ng tubig.

Bago pa man tuluyang maglaho si Fifi ay lumusong si Mateo upang halikan sa huling pagkakaktaon si Fifi.Pakiramdam ni Fifi ay nanlalabo ang kanyang mata at unti unting naglalaho sa paningin nito si Mateo. Kasabay nito ang unti unting nag eevaporate na tubig sa bukal hanggang sa tuluyang mawala na ito at nagdilim ang paligid ng bukal.

**

Isang magandang umaga ang bumati kay Fifi at naghanda para sa kanyang report sa school. Kelangan galingan para makapasa sa Final. At nang makarating sa school ay naghanda na siya kanyang report. At sa awa ng diyos ay natapos na ang kanyang report.

Matapos ang klase ay nagpasya siayng kumain sa isang kainan malapit sa school nila kasama ang 3 tatlong babaeng kaklase.Habang naglalakad ay agaw pansin ang isang baliw sa kanto na may sout na lavender gown. Medyo natigilan siya dahil mukhang familiar sa kanya yung tao pero di niya alam kung saan niya nakita.Dahil sa kalahati lang ang kanyang nainom sa boteng binigay sa kanya ni Mateo may mga bahagi pa din ang medyo familiar sa kanya. At dahil hindi uminom si Georgous ng potion mula sa ermitanyo ay nakalog ang utak nito at nabaliw ng bumalik sa panahon nila.

At nang makarating sila sa kainan ay umorder na sila. Habang abala siya sa pagkain at naka tingin sa labas ay panay harutan ang mga babae dahil may isang lalaki sa kabilang mesa ang nakatingin sa kanila

“ ang gwapo niya at mukhang yummy “ sagot ng isa

“girl mukang type ka panay tinging sa yo” sagot naman ng isa

“ Wait lang girl, Magreretouch lang ako”

“ ang gulo ninyo, analog tuloy ang mesa “ sagot ni Fifi

“ ano ka ba ikaw bang titigan ng cutie na yan ewan ko lang kundi maghello ang mga natagong laman lupa ninyo “ sabay turo sa lalaki sakabilang mesa

Pagtingin ni Fifi sa lalaki sa kabilang lamesa ay ngumiti ito sa kanya at napangiti din siya pero agad na binawi ang tingin at saka tumingin sa labas. Di niya namalayan na lumapit ito sa kanya

“Excuse me, Kilala nagkita na ba tayo kasi mukhang familiar ka sa akin? “ tanong ng lalaki

“Hindi eh pasensiya na” sagot ni Fifi na parang nagulat.

“ ganun ba sige pasensiya na, Ano ngang pangalan mo?

“ Felipe”

“ Sorry uli Felipe . Bago lang kasi ako dito. Ako nga pala si Mateo” sabay Abot ng kamay na parang nagnakikipag shake hand



Nakipag shake hand naman si Felipe aka Ipe aka Fifi. Nang nakipagkamay siya parang naalala niya ang ganung pangalan pero di niya rin matandaan. Habang pinagmamasdan ang lalaki ay parang familiar sa kanya pero di siya sigurado. At maya maya ay nagpaalam na ito saka umalis.

Dahil tig kalahati lang silang ng nainom ay hindi lubusang nawala ang kanyang alala sa lugar na pinuntahan. Samantalang si Mateo nakasama sa pagbabalik ni Fifi sa kanilang mundo ay naglalakad ng nakangiti at saka sumakay ng jeep.Samantalang si Fifi naman ay napapa isip tungkol sa pangalan na narinig.

At sa mabilis na pagdaan ng mga araw ay di nila namalayan na they live happily in separate ways.. ALMOST

4 comments:

Chris said...

awwww...gusto ko sana na happily ever after together!! :'( sayang naman :( anyway, maganda pa din naman :P

Anonymous said...

di ko na realize pwede nga naman palang joklain ang mga fairy tales noh? salamat sa aliw.

kenji said...

Sayang may part 2 pa ba yan? ahaha habang binabasa ko yung story eh naisip ko bigla si fifi ay isang twink at si mateo ay isang hunk. Bagay teh! galing mo gumawa ng story kaso nakakabitin nawala ako sa part na may almost hehehe

Anonymous said...

in fairness maganda ito ha..

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.