vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Friday, April 1, 2011

Pag-ibig Sa Gitna ng Kalungkutan 2

Submitted by Mister Ryan
Installment 2


Chapter 1

Anim na taon na ang nakakalipas nang kami ay maulila ng aming mga magulang. May kalungkutan pa rin sa aming mga puso pero nagpapakatatag kaming lahat buhat ng aming kalagayan.

Ang aming lola, si Lola Adora, ang nagpapakabusy sa pagtitinda sa kanyang lumalagong karinderya. Napakasipag nito dahil sa kabila ng kanyang edad ay naiisip pa niyang sumide-line ng computer shop. Napakabusiness minded nito ni lola. Sa kanya pala nagmana ang panganay kong kapatid.




Si Kuya Reno, ang aking panganay na kapatid ay nagtatrabaho bilang supervisor sa isang malaking kompanya ng mga sasakyan sa Santa Rosa, Laguna. Siya ang tumatayong padre de pamilya sa aming tatlo. Siya ang nagpapaaral, nagpapakain, at bumubuhay sa aming magkakapatid. Kahit may trabaho na siya ay suma-side line pa siya buhat ng kakulangan ng pangtustos sa pagaaral naming magkapatid. Hindi niya rin pinagkakait ang aming mga luho. Napakabait ng aking kuya at napakamapagmahal. Hindi matatawaran ang kanyang kabutihan sa amin. Ngunit naawa na rin ako kay kuya dahil buong buhay niya ay ginugugol niya para sa kinabukasan naming magkapatid. Mukhang hindi na siya nagkakaroon ng oras para sa kanyang sarili. Kay mahirap talagang tumanggi sa mga pakisuyo niya sa aming magkapatid.

Si Kuya Trin naman ay papasok na sa unang baitang sa kolehiyo. Kukuhanin niya ang kursong Nutrition sa isang malaking unibersidad sa Los Banos, Laguna. Napakatalino naman nitong kapatid kong ito, masipag at tila hindi rin nawawalan ng oras sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Pangarap niyang makapagdoktor sa hinaharap. Noong nasa High School pa siya ay naging presidente siya ng Student Council at kasabay nito ay ang kanyang pamamayagpag sa Honor List. Nakatulong din ang kanyang katalinuhan sa aming panganay na kapatid dahil nakamit nito ang isang scholarship na mas magpapagaan sa gastusin naming tatlo. Masayang nag-aaral si Kuya Trin dahil kasama niya sa unibersidad ang napakaganda at napakatalino niyang kasintahan, si Ate Renz. Parang ate ko na rin si Ate Renz. Palagi siyang nagdadala ng paborito kong dunkin donuts kapag bumibisita siya sa amin. Sa tingin ko ay masaya na ang kanilang pagsasama ng aking kuya.
Ako naman si Ryan. Sa darating na pasukan ay ang aking unang taon sa High School. Kung idedescribe ako ng mga tao, ako yung simple, madaling pakisamahan, walang arte sa katawan, at palaging suot ang kanyang kwintas kahit anong mangyari. Ngunit sa kabila nito, walang halong kayabangan, mas matalino ako kay Kuya Trin. Noong elementarya niya ay pangatlo lamang siya sa graduation pero nanguna ako noong gumraduate ako sa elementary. Mahilig din ako sa palakasan ng katawan at sports ngunit hindi ko pinagkakaabalahan ang mga pagsali sa mga club sa school. Mayroon akong tinatagong kakayahan ngunit ito ang pilit kong tinatago sa lahat ng aking mga kaklase. Marunong akong sumayaw at kumanta. Ayaw ko itong ipakita sa aking mga kaklase dahil ayaw ko rin ang sobrang publicity sa school. Kaya naman sa banyo at sa kwarto ko na lang ito ginagawa. Sa tuwing mahuhuli ako ng mga kapatid ko na “nagiingay” sa banyo ay kakatukin nila ako ng malakas at sasawayin ako. Nakakatawa kaming magkakapatid kapag nagbibiruan. Kaya kahit papaano ay naiibsan ang kalungkutan naming magkakapatid. Pero ang masasabi kong talento na pinagkaloob sa akin ay ang aking pagmamahal sa pagkuha ng imahe. Photograpy at Videograpy ang aking passion. Dito ko nailalabas ang aking sarili at ang dedikasyon ko sa ginagawa kong ito. Noong nabubuhay pa ang aking mga magulang ay niregaluhan nila ako ng waterproof na camera dahil nakikitaan daw nila ako ng interes dito. Film pa nga ang gamit noon. Siguro ay minana ko ang aking pagkamalikhain sa aking papa.

Anim na taon na rin nang una at huli kong nakita ang matalik kong kaibigang si James. Simula nang gabing iyon ay hindi na kami nagkausap pa. Wala na akong balita sa kanya. Kamusta na kaya siya? Kung sakaling magkita kaya kami, makikilala pa kaya niya ako? Ako. Hinding hindi ko siya malilimutan dahil naging napakaespesyal niya sa akin.

Isang hapon ng bakasyon bago magpasukan, napagdisesyonan naming makakapatid na bisitahin ang labi ng aming mga magulang. Sumama na rin si Lola sa aming pagbisita. Bilang respeto ay bumili kami ng anthorium para dalhin sa kanilang puntod. Medyo malayo ang libingan nina mama at papa dahil nasa bundok pa ito malapit sa isang lawa na may maliit na isla sa gitna. Mga kalahating oras na biyahe mula sa aming bahay sa Santa Rosa.
Naalala ko tuloy ang aming taunang pagpunta sa libingang iyon. Palagi kong binibisita ang bahay nila James pero wala nang tao doon. Marahil kasama din nila ang kanilang tita sa Amerika. Tila abandonado na ang bahay kaya naman puro takip na ang mga kagamitan sa lugar na iyon at puro agiw na ang kisame. Siguro ay wala nang tumira doon simula nang umalis sila.

Nakarating kaming maganak sa puntod nina mama at papa. Sa katahimikan ng hapon at kapayapaan ng kalikasan ay nag-alay kami ng dasal para sa kanila. Namimiss ko na nang sobra ang aking mga magulang. Sana ay nabubuhay pa sila para masaya kaming nagdiwang ng pagtatapos namin ni Kuya Trin. Nagdala pala ang Lola Adora ng miryenda. Konting salu-salo para sa aming mag-anak. Masaya pa rin kaming kumain at nagkwentuhan ng mga masasayang alaala ng aking mga magulang.

Siguro nga ay hindi ko nakalakihan ang aking mga magulang pero masasabi kong masaya pa rin ako ngayon dahil sa aking mga kapatid at sa aking lola.
Tulad ng aking nakaugalian, napagpasyahan kong muling bisitahin ang bahay nila James. Nagpaalam ako sa aking mga kuya at pinayagan naman nila ako. Hindi ako umaasang makikita ko sila doon pero nakasanayan ko na ang pagbisita doon kahit walang tao. Nalaman ko na rin ang daan patungo sa bahay nila at pabalik sa sementeryo.

Muli kong nadaanan ang napakagandang Lawa na aking nasilayan noon. Ngayon ko naintindihan na hindi pala karagatan ang aking nakita dati kundi lawa at may resort pala sa islang nakita ko dati. Sandali akong tumigil sa baybayin upang pagmasdan ang pagsalubong ng lawa sa araw. Tulad ng dati ay namamangha pa rin ako sa kagandahan nito. Bigla ko tuloy naalala ang mga panahong nagkukwentuhan kami ni James tungkol sa mga paborito naming pagkain. Mahilig daw siya sa buko pie. Palibhasa ay napakaraming Buko pie sa lugar na iyon kaya naman siguro siya nahilig doon. Maya-maya pa ay nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa lumang bahay.

Mayroon akong nakitang hindi ko inaasahan. May nakaparadang sasakyan sa harap ng lumang bahay. Napakaganda ng sasakyan. Makintab, makisig, at itim na itim. Malayo pa lang ay pilit kong inaaninag kung sino ang nasa loob ng sasakyan ngunit hindi ko ito makita. Lumapit ako ng kaunti pero hindi ko pa rin malaman kung sino ang nasa loob nito. Nilakad ko na nang tuluyan ang gilid ng sasakyan at sinilip ko mula sa bintana kung sino ang tao. Walang tao sa loob. Buti na lang at kinakabahan ako na baka mapahiya ako kapag may tao sa loob. Nilubayan ko na ang sasakyan at pumunta ako sa bintana ng bahay. Inaasahan ko na nakalock ang pintuan sa harap kaya naman sa bintana na lang ako sumisilip. Dahan-dahan kong sinulyapan ang loob ng bahay.
Nagulat ako nang makita ko ang dating inaagiw na bahay ay napakalinis na ngayon. Wala nang takip ang mga kagamitan at makintab na ang sahig ng bahay. Maging ang kisame ay naayos at nalinis na rin.

Sinilip ko nang husto ang bahay at tinignan ko kung may tao sa loob nito. Sa kasamaang palad, wala akong nakita kahit anino ng tao. Pumunta ako sa likod ng bahay at sumilip sa bintana ng kusina. Wala pa ring tao. Sinubukan ko nang puntahan ang harap ng bahay at tingnan ito mula sa pintuan. Kinatok ko ang bahay at nagbabakasakaling may sasagot.

“Tao po!”

Walang sumagot.

“Tao po!” nilakasan ko ang aking pagtawag pero wala pa ring sumasagot.

Kinatok ko ang bahay at muling tumawag sa huling pagkakataon.

“Tao po! May tao po ba dito?”

Biglang may nagsalita sa aking likuran at tila ba ito ay may kagalangan sa pakikipagusap.

“Anong kailangan mo?” sambit ng malamig boses na aking narinig.

Natuwa ako sa aking narinig. Alam ko ang boses na ito. Hindi ako pwedeng magkamali. Lumingon ako sa aking likuran at nakita ko ang isang makisig na binatilyo na kasing-edarin ko. Naka-short lang ito na khaki at naka-polo. Napakalinis niyang tignan sa kanyang semi kalbong gupit at mas nagpaalala sa akin sa aking kababata nang makita ko ang napakagandang ngiti sa kanyang mukha.

Nakatindig akong nakaharap sa binatilyo at para bang hindi ako makaalis sa aking kinatatayuan.
“Anong kailangan mo?” tanong ng binatilyo.
Sa una ay hindi pa ako makapagsalita  buhat ng aking pagkasabik sa kaibigan at tila nauutal pa akong sumagot sa kaniya.
“aaa… aaa.. ehh…ikaw.. ba… si… James?”
Isang tangang tanong dahil alam ko naman na siya na talaga iyon. Hindi na ako makapaghintay na mayakap ko muli ang aking kaibigan. Lalapit na sana ako at yayakapin ko na siya nang biglang…
“ahh hindi James ang pangalan ko. Pasensya na pero walang nakatirang James dito ehhh.” Sagot ng binata.
Parang binuhusan ako ng nagyeyelong tubig nang marinig ko ang mga salitang iyon. Tila puro kahihiyan ang aking nadarama sa mga oras na iyon at alam kong namumula ako sa kahihiyan.
“Ahh … ga..noon.. ba.. Pasensya na. Akala ko ikaw yung kababata ko.” Kahihiyan pa rin ang aking nadarama.
Biglang ngumiti ang binatilyo sa akin nagpakilala. “Ok lang yun, ako nga pala si Vince, kalilipat lang namin dito noong isang linggo. May inaasahan ka bang darating dito o lilipat?” tanong niya.

“Ahh..ehhh. wala naman. Dito kasi nakatira yung kababata ko dati na nasa Amerika na ngayon.” Sagot ko sa kanya.
“Ahh. Ok. Nakita kasi ni Daddy itong bahay na binebenta sa internet so ayun. Binili na. Dito rin kasi ako mag ha-Highschool ehh. Galing pa kami sa norte.”
Binenta sa internet? Ibig sabihin ba nito ay hindi na babalik si James dito sa Pilipinas? Hindi ko na ulit siya makikita. Nalungkot na naman ako sa mga nangyayari. Iniisip ko ang nakaraan, ang paglalaro namin, ang pagkukuwentuhan, at mga pinagsamahan namin sa maikling oras. Walang araw ang dumaan na hindi ko iniisip ang kanyang pagbabalik at muli naming pagkikita.

Biglang tumunog ang aking cellphone. Nagtext na pala si Kuya Trin, aalis na daw kami sabi ni Kuya Reno.

“Ahh Vince, pasensya na nga pala sa pagsilip ko dito sa bahay ninyo ahh.” Sabi k okay Vince.
“Wala yun.” Ngiti naman siya.

“By the way, I’m Ryan. Nice meeting you.” Pakilala ko naman.

“Nice meeting you too.” Sabi niya.

“Well Vince, I got to go. Hinintay na ako ng mga kapatid ko.” Sabi ko sa kanya.

“Ahh ganoon ba, sayang naman. Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan kasi ikaw pa lang ang nakikilala ko pagkalipat namin dito ehhh. Well anyway, till we meet each other next time.” Nakita ko na naman ang napakaganda niyang ngiti.

“Till next time.” Ang huling paalam ko sa kanya.

Lumakad ako patalikod papalayo sa bahay habang tinitignan ko si Vince. Nakatingin din siya sakin at kumakaway habang papaalis ako. Iyon na marahil ang aming huling pagkikita. Siguro ay hindi na ako babalik pa sa bahay na iyon.

Napagisip-isip ko, mukhang hindi na talaga babalik si James. Bawat taon na nagdaan ay hindi ako nawawalan ng pagasa sa aming muling pagkikita. Pero mukhang malabo na talaga. Tigilan ko na kayang umasa? Siguro nga. Iisipin ko na lang na naging parte siya ng buhay ko at ang kwintas na ibinigay niya ay magsisilibing alaala na lamang ng aming pinagsamahan.

Matapos kong makarating sa kotse ni kuya ay sumakay na ako sa backseat katabi ang aking lola. Katabi naman ni Kuya Reno si Kuya Trin sa front seat. Napagdesisyonan naming kumain muna sa isang malapit na pasyalan. Mabilis kami nakapunta doon dahil hindi gaano mabigat ang trapiko sa mga oras na iyon. Magtatakipsilim na rin mga ilang sandali pa.

Nagpunta kami sa SM at kumain sa Max’s Restautant. Mejo may kaliitan ang SM na ito kumpara sa SM sa Santa Rosa ngunit tatlong palapag naman ito. Magaalas-siyete na nang matapos kaming kumain. Namasyal kami sandali at saka umuwi na rin agad.

Nang nasa sasakyan na kami ay naupo kami sa dating pwesto. Si kuya trin ay nasa unahan, magkatabi naman kami ni lola sa likod. Hindi naming inaasahan ang sobrang trapiko sa mga oras na iyon. Kahit tapos na ang rush hour ay napaka trapik pa rin. Nakatulog na si lola sa sobrang inip sa trapiko. Maya-maya pa, habang nasa gitna ng trapiko, tinanong ako ni kuya Reno.

“Bunso, saan ka nga pala papasok ng high school mo?” habang bumubusina.

“ahh, kuya, baka sa canossa na lang ako pumasok. Napagusapan na naming ni kuya trin na mangungupahan kami doon para parang bahay na rin ang uuwian namin.” Sagot ko sa kanya.

Malapit kasi ang Unibersidad ni Kuya Trin sa papasukan kong Highschool. Kumbaga halos 30 minuto lang ang layo.

Sumagot naman si kuya trin, “Oo nga kuya. Sama ko na lang tong si bunso para kahit papano ay may magluluto para sa akin doon. Hehehe” sabay tawa ni kuya Trin.

Binatukan ni Kuya Reno si Kuya Trin. “Ikaw talaga, palagi mong inuulila si Ryan eh.” Sambit ni kuya.

“Grabe. Di naman inuulila. Katulong lang. hahaha” Sabay tawa ulit nang malakas.

Tumawa na rin kaming magkakapatid ngunit maya maya pa ay sinaway na rin kami ni kuya Reno dahil baka magising daw si Lola. Mapagalitan pa kami. Haha.

Ganito kami maglambingan ng mga kapatid ko. Biruan, tawanan, at minsan INUMAN! OO, parang tropa kaming magkakapatid sa bahay pero kahit ganoon, nandoon pa rin ang respeto namin sa kung sinong nakaktanda at nakakabata. Hindi naman ako pinapagalitan ni Kuya Reno pag umiinom. Control lang daw.
Magaalas-dyis na nang makarating kami sa bahay namin sa Santa Rosa. Antok at pagod na kaming lahat kaya nagpahinga na kami kaagad pagkatapos maglinis ng katawan.

Dumirecho ako sa kwarto ko at bulgtang humiga sa kama. Sa aking pagiisip, naalala ko bigla si James. Nalungkot na naman ako. Alam kong hindi na kami magkikita. Should I get over it? Haii. Nako. Sige na nga. Kalimutan na ang wala na. hindi ba ganoon naman talaga.

Napapikit na lang ako sa sobrang pagod at antok. Ang huli kong naisip bago ako tuluyang makatulog ay isang semi-kalbong lalaki na napakaganda ng ngiti sa akin.

itutuloy...

13 comments:

Anonymous said...

nice!

Anonymous said...

maganda pero daming echos... daming characters.. daming cnasabi..

Anonymous said...

hmmmm.... I think I know that university... Is this somewhat based on a true-to-life experience?

Anonymous said...

Wow. parang novel.

Ryan said...

Yes. This is fictional but based on true-to-life experience. :)

Anonymous said...

oh.... I see....

Anonymous said...

wow. totoo ba si kuya trin?

Anonymous said...

ang daming sinabi nito walang namang kwenta.. tulad nalang nung sumilip sya sa kotse, tapos wala naman palang tao.. pag aaksaya lang sa oras ang pag babasa nito

BZ

Ryan said...

Sorry po kung hindi abot ng story ko yung expectations niyo. every detail in these story has a part on the succeeding chapters. It's a novel po kasi. di lang puro sex. :)

Anonymous said...

SM dasmarinas ba yung kinainan niyo ng max's?

Daiki Kazuma said...

grabeh nmn yung iba kung maka comment..tsk tsk.. first chapter pa nmn po toh, tsaka story po toh ng writer, igalang na lang natin, at least may experience tayong nababasa at kung saan nakakarelate din yung iba... thanks Ryan for sharing this again, i appreciate the effort...

Anonymous said...

i actually find the story nice and well-thought of. The story is completely set with emotions and thoughts of the characters. I find the story to be based in reality. I think, this is not FICTIONAL.

Anonymous said...

uu nga, nakakaoffend yung iba magcomment.. dapat nga thankful tayo kay author kasi may naishare sa satin nah isa na namang napakagandang kwento.. tulad nga ng sabi nya, its a novel,hindi lang tungkol sa sex nah bagay... be appreciative naman poh.. kakaloka kayu.. hais,,kuya rye.. don't mind those ill-mannered commentators here.. love your story kuya... wag nyo nang pansinin yang mga MARICONS na yan...

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.