vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Friday, September 24, 2010

Hiram na Pagmamahal 6 (end)

written by Yokabels
Installment 6

Lumipas ang maraming taon na walang naging communication sina Rex at Junard. Matapos ang kanilang kahuli-hulihang pagniniig dahil sa mga pangyayaring ayaw nilang talikuran, minabuti ng dalawa na putulin ang ugnayan at magkanya-kanyang buhay.

Si Rex ay nakisama na kay Jovi. Subalit hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama dahil madalas uriratin sa kanya ni Jovi ang naging kaugnayan niya kay Junard. Hindi matanggap ni Jovi na sa kabila ng pagiging tapat niya dito nuong mga panahong naiwan siya sa kanilang probinsya ay nagawa pa ni Rex na makisama at makipagtalik kay Junard na ang pagkakaalam niya ay pamilyadong tao bukod pa sa turing nga nito ay Kuya ni Rex. Iyon lang naman ang nagiging ugat ng pagtatalo nilang dalawa. Kaya makalipas ang anim na buwan ay sinabi ni Rex na mas mainam pang tigilan na lang nila ang ganitong buhay at makabubuting kalimutan na lang nila ang isa't isa. Nagmamalaki namang sinabi ni Jovi na wala nang seseryoso pa kay Rex dahil ipagkakalat niya ang naging buhay nito noon sa kanilang probinsya at ang pakikipag-mabutihan niya sa isang pamilyadong tao. Lumayas ito sa kanilang tinutuluyan dala ang lahat ng mga gamit.

Samantala si Junard naman ay ipinagpatuloy ang buhay sa piling ng kanyang maybahay. Matagal na niyang hinihingi dito ang pagkakaroon nila ng baby dahil nga sa di na rin naman sila mga bata pa at sa palagay niya ay mas mahihirapan ang kanyang asawa kung patatagalin pa ang pagbubuntis. Isang taon makaraan ang paghihiwalay nila ng landas ni Rex ay nabuntis ang kanyang asawa at laking tuwa ni Junard. Sinabi niyang makikita na rin niya ang produkto ng kanyang dugo. Ngunit ang hindi sinasabi ng kanyang misis ay ang kaselanan ng pagdadalangtao nito. Kung tutuusin ay nuon pa talaga nito nais na mabigyan ng anak si Junard lamang ay talagang mahina ang kanyang puso. At alam ito ng kanyang doktor ngunit pinakiusapan niyang huwag munang sabihin kay Junard ang katotohanan sa likod ng kanyang pagbubuntis.

Dumating ang oras ng kapanganakan ni Alice at bandang alas-10 ng gabi ng itakbo ito sa ospital. Tinawagan na rin agad ang kanyang OB. Makalipas ang ilang oras ay kinausap ng doktora si Junard at dito ipinagtapat ang lagay ng kanyang misis. Dalawa lamang ang maaaring mangyari: mabubuhay si Alice pero patay ang bata, o mabubuhay ang bata pero 50-50 ang chances ni Alice. Sinabi ni Junard na gawin ng doktora ang lahat ng kanyang nalalaman para mabuhay ang dalawang nilalang na mahal na mahal niya. Hindi maipangako ng doktora kung ano ang kalooban ng Dios kaya sinabi niyang lakasan ni Junard ang loob at ipanalangin ang kanilang kaligtasan.

Lalaki ang naging anak nina Junard at Alice. Subalit gaya nga ng sabi ng doktora ay 50-50 ang chances na mabubuhay si Alice. Depende na iyon sa kagustuhan ni Alice na lumaban kay kamatayan. Itinakbo kaagad si Alice sa ICU para malapatan ng kaukulang atensyon. Ang bata naman ay inilagak agad sa nursery para papagyamanin ng mga mag-aalaga duon.

Hindi rin nagtagal ang buhay ni Alice. Marahil ay ito talaga ang itinadhana ng Maykapal—ang maibigay kay Junard ang kanyang kahilingan na magkaroon ng anak at nagawa naman ito ni Alice. Halos mapasigaw si Junard nang makita ang kanyang asawang wala nang buhay. Muli ay tumimo sa kaisipan ang awiting HIRAM na para bang ipinahiram lang sa kanya ng Dios si Alice upang ipadama dito ang kahulugan ng pag-ibig na wagas at ang pagpapaubaya makamtan lamang ang minimithi. Maayos na nailibing ang bangkay ni Alice at sinikap ni Junard na palakihin ang anak sa tulong na rin ng kanyang mga magulang.

Sampung taon na ang nakalilipas at binatilyo na ang anak ni Junard. Dahil sa Christmas vacation naman ay minabuti niyang duon na muna ang anak sa kanyang mga lola at susunduin na lamang sa Bisperas ng Bagong Taon. Nakaugalian na nilang mag-ama ang salubungin ang pagdating ng Bagong Taon sa libingan ng namayapang asawa.

At sa mga ganitong pagkakataon na nag-iisa si Junard sa kanyang tahanan ay naaalala niya si Rex. Kumusta na kaya ito? Ano na kaya ang naging buhay nila ni Jovi? Sana ay masaya silang nakapamumuhay sa piling ng isa't isa. Mula nang maghiwalay ang landas nilang dalawa ay hindi na muling nakipagmabutihan pa si Junard sa kapwa lalaki. Si Rex ang kahuli-hulihang lalaking nakaniig niya at ito rin ang kauna-unahang lalaki nakapasok sa kanyang lagusan.

December 24. Half day halos lahat ng mga empleyado sa Makati para may oras pa raw sa paghahanda ng Noche Buena. Si Junard naman ay nagpunta sa Odyssey Records sa may Glorietta at naghahanap ng "Reunion" album ng Peter, Paul and Mary. May nakita siyang CD nito at binabasa niya ang mga nakapaloob na awitin nang may isang boses sa kanyang likuran ang nagsalita.

"Di ka pa rin nakakalimot sa grupong iyan ano, Kuya?"

Laking gulat ni Junard nang sa paglingon niya ay makita niya si Rex, nakangiti. Tulad ng dati ito ay nakasalamin pa rin. Medyo tumaba nga lang at mas nagka-edad. Bigla na lang siyang niyakap nito at panay ang sabi ng, "I miss you so much, Kuya." Paulit-ulit. Naglilingunan na ang ibang mga taong nasa paligid nila kung kaya't pilit humiwalay ni Junard sa pagkakayakap dito. Nagkatinginan silang muli at nagkamustahan. Kahit may mga luha ang kanilang mga mata ay nagkatawanan sila. Binili ni Junard ang CD at saka sila lumabas ng record bar.

Tulad ng dati ay magkahawak kamay silang naglakad sa mall hanggang sa dumating sila sa MRT station. Ngayon ay iisang platform na lang ang tinungo nila at sabay silang sumakay sa train. Pagbaba sa Pasay Rotunda ay sumakay silang byaheng pa-Nasugbu.

Nag-iisa si Junard sa kanyang tahanan. Wala ang kanyang anak. Isinalang ang CD at pinatugtog. Nagkatitigan muli ang dalawa at pawang mga mata lamang ang nangungusap. Yumakap si Rex kay Junard at muling ibinulong ang kanila pa niya paulit-ulit na sinasabi dito... "I miss you so much, Kuya. I miss you so much."

Hindi na nagkalas ang kanilang pagkakayakap. Sa saliw ng awitin ng PPM sa kanilang Reunion album ay naghalikan ang dalawa. Hindi na tulad ng dati. Hindi na ito HIRAM na mga sandali. Malaya na silang ipadama ang kanilang pag-ibig sa isa't isa.

Malamig ang simoy ng hangin... ilang oras na lang ay isisilang na ang sanggol sa sabsaban. Alay ng Dios sa sangkatauhan...

Sa loob ng silid-tulugan, magkayakap sina Rex at Junard. Pumailanlang sa hangin ang tinig ni Mary Travers...

Like the first time

Only better

We're a song that must be sung together

Like the first time

Only this time

It would be forever

In love....

--wakas--

postscript: Habang isinusulat ko ang kwentong ito ay hindi ko pa rin maisip na magbabago ang pananaw ko sa buhay. Madalas kong sabihin sa aking sarili na ang relasyong lalaki sa lalaki ay hanggang kama lamang, kumbaga ay nakasentro sa aspetong sekswal. Subalit sa mga nangyayaring bago sa aking buhay ay nagkakaroon na ako ng malinaw na idea that friendship if nurtured and cared for can develop and grow into love... I smiled...

3 comments:

daniel said...

true story b to?

richmond said...

nice po ang story nyo,,, gudluck po!!!

Anonymous said...

sana po magpublish pa kayong story n katulad nito, sobrang ganda po

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.