vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Sunday, September 12, 2010

Ang Engineer 1

written by Big Boy
Installment 1


Nakatira kami sa isang exclusive subdivision sa parteng norte ng Metro Manila. Kahit exclusive ang subdivision namin ay di naman ganoon kayaman ang mga nakatira dito. May kalumaan na rin ang subdivision namin pero marami pa ring bakanteng lote. Ang mga lote sa harapan, likuran at tagiliran ng aming bahay ay puro bakante pa. Iilan lamang ang mga bahay kalyeng kintatayuan ng bahay namin. Ako na lamang ang nakatira sa aming bahay kasama ko ang yayang nag-alaga sa akin simula ng bata pa ako na si Manang at asawa nitong si Manong. Nasa US na ang aking nakatatandang kapatid at ang aking mga magulang. Ganoon lagi ang senaryo sa aming kapaligiran kapag umuuwi ako ng bahay, tahimik at halos wala kang makitang taong gumagala sa kalsada. Tinatapos ko na lang ang kurso ko bilang doctor bago ako sumunod sa US.

Subalit nagbago ang lahat ng biglang may nagpatayo ng bahay sa bakanteng lote sa tabi ng bahay namin. Syempre noong una ay inis na inis ako dahil sa ingay ng mga trabahador na sinasabayan pa ng mga pupukan at ingay ng motor ng equipment na naghahalo ng semento. Grabe talaga. Parang ayaw ko ng umuwi at matulog sa bahay namin. Gabi kasi ang klase ko kaya halos buong araw ay tulog ako kapag wala akong duty sa hospital.

Nang minsang nagising ako sa lakas ng kalabog ng nadinig ko kahit naka-aircon ako at sarado ang mga bintana ng silid ko ay galit na galit akong sumugod sa ginagawang bahay. Magbubunganga na sana ako ng mapansin ko na may nadisgrasya palang trabahador dahil bumagsak ang tinutuntungan nito habang naglalagay ng mga alambre sa mga nakatayong bakal. Medyo duguan ito kaya syempre dahil medical student ako ay ako na mismo ang nagbigay ng first aid sa naaksidente. Mabuti na lamang at sugat lamang sa mga braso ang natamo niya at tila wala naman bale sa katawan dahil nakatayo at nakapaglakad siya muli ng matapos kong bigyan ng first aid.

Noon ko nakilala ang engineer ng construction na si Rommel at ang ilang trabahador nito. Noon ko rin naisabi ang aking mga reklamo sa ingay na dulot ng construction. Humingi naman ng paumanhin si Rommel at nangakong pipilitin nilang magtrabaho ng hindi makakaistorbo sa akin. Sa gabi din daw ay titiyakin ni Rommel na di mag-iingay ang kanyang mga trabahador dahil stay-in na rin siya doon sa construction. Nagpasalamat din sila sa akin sa ginawa kong first aid sa isang trabahador. Di na ako nagtagal doon at bumalik na ako sa bahay upang ituloy ang naudlot kong pagtulog.

Pagbalik ko sa aking higaan ay di na ako dalawin ng antok. Parang di ko makalimutan ang pagiging gentleman ni Rommel. Gwapo si Rommel at magaling pang makipag-usap. Lagi sumasagi sa aking isipan ang paghingi niya ng paumanhin sa akin. Di ko na tuloy ipinagpatuloy ang pagtulog ko sa halip ay kumain na lamang ako. Matapos kumain ay nakinig ako ng musika at ng magsawa naman ako ay nanood ako ng mga dvd movies. Di ko na namalayan ang oras nang biglang magtanong si Manang kung ano ang gusto kong meryenda. Mag-aalaskwatro na pala ng hapon. Nagpahanda ako ng juice at sandwich at pinaakyat ko sa aking silid dahil magsisimula na rin akong mag-aral ng aking lesson.

Pagpanhik ko sa aking silid ay di ko na naririnig ang dating ingay ng construction. Di na tuloy ako nag-aircon at binuksan ko na lamang ang lahat ng mga bintana. Busy pa rin sa kanilang trabaho ang mga tao sa construction ng dumungaw ako sa bintana. Sinimulan ko ang pagbabasa ng aking aklat. Makalipas ang isang oras ay nakarinig ako ng mahinang tawanan at pagbuhos ng tubig. Tumigil ako sa aking pagbabasa at sumilip muli sa bintana at hinanap ng aking mga mata ang pinagmumulan ng ingay. Noon ko nakita si Rommel at ang ilan niyang tauhan na naliligo sa isang sulok kung saan naroroon ang ilang drum ng tubig.

Nakatakaw pansin sa akin silang lahat dahil pawang naka-brief lamang sila. Si Rommel pa ay nakabikini brief lamang na parang maliit na sa kanya. Kaya naman hapit na hapit sa kanyang harapan at halatang halata ang kanyang alaga. Ang mga kasamahan naman niyang naliligo din ay merong de color na brief, may luma at manipis na at may maluluwag na ang garter. Halos mahubuan na nga ang ilan sa kanila. Subalit balewala pa rin ito sa kanila at tuwang tuwa pa sila sa kanilang paliligo.

Napansin pala ako ni Rommel na nakadungaw sa bintana kaya naman tinawag niya ang pangalan ko. Di ako nagpahalata ng matagal ko na silang pinagmamasdan at biniro ko na lang sila na ang sarap yata ng tubig na pinanliligo nila. Kahit nakabrief pa rin si Rommel ay lumapit siya sa tapat na aking bintana at lalo ko namang napansin ang matipuno nitong katawan at ang malaking nakabukol sa kanyang harapan. Dahil sa liit ng bikini brief niya ay lumuluwa na ang ilang buhok sa taas ng kanyang brief. Nagpaumanhin muli si Rommel sa akin. Baka daw kasi naiingayan muli ako sa kanilang tawanan habang naliligo.

“Okey lang yun” ang naging tugon ko kay Rommel at nagbalik muli ako sa study table ko upang tapusin ang aking binabasa.

Matapos naming mag-usap ni Rommel ay hindi na ako nakapag-concentrate sa aking binabasa. Naging laman na naman ng aking isipan si Rommel at ang kanyang itsura habang naliligo. Ewan ko ba pero may kakaibang sensation akong nararamdam tuwing maalala ko ang ayos na iyon ni Rommel. Maganda ang katawan. Mukhang may malaking kargada at may matambok na puwet at higit sa lahat lalakeng lalake siyang pagmasdan. Sa halip na ituloy ko ang pagbabasa ay gumayak na lamang ako upang pumasok sa panggabi kong klase.

Matapos ang klase ko ay nagduty naman ako sa hospital. Ganoon pa rin ako na parang wala sa sarili sa bawat gawin ko. Mabuti na lamang at wala gaanong pasyente sa hospital simula hating-gabi hanggang sa umuwi ako kinabukasan. As usual, pagdating ko sa bahay ay kumain lang ako ng kaunti, naligo at natulog na. Kahit na siguro maingay sa construction site ay di ko na naramdaman kasi halos magdidilim na ng magising ako. Ipinaghanda ako ni Manang ng dinner at ng matapos ako kumain ay nagpahangin ako sa labas. Sabado noon kaya wala akong klase o duty sa hospital.

Lumabas ako ng gate at nagsimulang humakbang papalayo sa aming bahay. Nang tumapat ako sa ginagawang bahay ay binati ako ni Rommel na di ko napansin na nakaupo pala sa kabilang sidewalk at nakatanaw sa kanyang ginagawang bahay. Nakashorts at naksando lamang siya habang naninigarilyong nag-iisa.

“Saan ka pupunta?” ang tanong niya sa akin.

“Wala lang. Naglalakad-lakad lamang ako upang magpahangin. Kagigising ko lang kasi at wala naman akong magawa sa bahay” ang sagot ko naman sa kanya.

“Kung gusto mo ay sasamahan kita” ang paanyaya naman ni Rommel.

“Walang problema sa akin. Mabuti nga iyon at may kasama ako sa paglalakad” ang tugon ko naman sa kanya.

Nagsimula naming tahakin ang daan patungo sa park ng subdivision. Nagsimula rin akong magtanong-tanong kay Rommel ng mga bagay-bagay sa kanyang buhay. Di naman siya nahiya na ilahad sa akin ang ilang detalye sa kanyang buhay. Sa isang probinsya sa norte siya galing. Nang matapos ng engineering ay lumuwas siya ng Maynila upang magtrabaho upang makatulong sa kanyang pamilya. Apat silang magkakapatid at siya ang panganay. Pinilit siyang pinagtapos ng kanyang magulang na parehong magsasaka lamang. Nang makatapos siya ay tumulong naman siyang pag-aralin ang mga nakababatang kapatid. Dalawang babae ang sumunod sa kanya na parehong pinakuha niya ng kusong nurse sa pangarap niya na sila ang makakapagpatawid sa kanilang kahirapan kapag nakapag-abroad ang mga ito. Subalit di pa man natatapos ng kursong nursing ay nagsipag-asawa kaagad. Ang masakit pa doon ay wala ring tinapos na kurso ang mga naging asawa ng dalawa. Ang bunso naman nila ay lalaki. Pero di pa man nakakatungtong ng kolehiyo ay namatay naman. Tanging mga magulang na lamang niya ang kanyang sinusustentuhan para hindi na sila magsaka.

Nasa late twenties na si Rommel at halos siyam na taon na siya sa Maynila na nagtatrabaho. Dati nangungupahan siya ng kwarto pero ng mapasok siya sa kumpanya niya sa kasalukuyan ay sa mismong project site na rin siya nakikituluyan para makatipid siya tutal halos linggo-linggo ay umuuwi naman siya sa probinsya nila. Noong Sabadong iyon lamang ang di niya pag-uwi dahil sa nagpunta naman ang kanyang mga magulang sa kanyang babaeng kapatid sa kalapit na probinsya at mananatili muna sila doon ng ilang linggo dahil kapapanganak lamang ng kanyang kapatid.

Di naman siya nag-usisa ng detalye ng aking buhay pero ipinaalam ko pa rin ang ilan para naman makilala din niya ako kahit papaano. Kahit medyo madrama ang kwento niya sa akin ay maaliwalas pa rin ang kanyang mukha habang nagkwekwento. Umupo pa kami sa isang concrete bench sa park at ng may dumaang balot ay inalok niya ako nito. Di ko nakagawiang magdala ng wallet kung doon lamang ako sa loob ng subdivision namamasyal kaya syempre siya ang nagbayad. Sa kinalaunan ng aming kwentuhan ay nagkapalagayan kami ng loob.

Siguro akala niya na close na kami talaga ay bigla na lamang siyang umakbay sa akin at nagdikit talaga ang aming mga tagiliran. Para akong nakuryente ng gawin niya iyon kaya tinulak ko siya papalayo sa akin.

“Oh, bakit naman?” ang bigla niyang naitanong sa akin.

“Baka mapagkamalan tayo sa ginagawa mo” ang sagot ko naman sa kanya.

“Pareho naman tayong lalaki kaya wag mong masamain ang pag-akbay ko sa iyo” ang paliwanag ni Rommel.

“Basta, di ako sanay ng may nakaakbay sa akin” ang sagot ko naman sa kanya.

“Kahit kaibigan mo bang lalaki di ka inaakbayan?” ang pag-usisa niyang muli sa akin.

“Inaakbayan naman. Kaya lang….” di ko na naituloy ang sinasabi ko ng bigla na naman niya akong inakbayan ng mahigpit na parang niyayakap na niya ako.

Di na ako nanlaban sa kanya at pinabayaan ko na lamang siyang nakaakbay sa akin. Bigla na naman siyang nagtanong na “Nakita mo ba ang gusto mong makita ng dumungaw ka sa bintana ng silid mo at natanaw mo kaming naliligo.”

“Ah….eh…. wala napadungaw lang ako noon. At sandali lang iyon” ang naisagot ko lamang kay Rommel.

5 comments:

Anonymous said...

hey.. text me.. 09278761578

Anonymous said...

Kelan ang kasun0d na part? Nakakainp

dkazuma said...

subscribe lng po kayo sa blog, may link po sa right hand side, ipopost ko yung kasunod this week.. ^^, thanks po sa pagsubaybay..

wendell arnold said...

Maganda ang site mu..keep it up

Anonymous said...

bitin naman pero ok na rin lang. sana makahanap ako ng katulad ni rommel :))

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.