vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Thursday, April 7, 2011

Pag-ibig Sa Gitna ng Kalungkutan 3 (inactive)

Submitted by Mister Ryan
Installment 3

Chapter 3

“Ryan, anak. Halika nga dito.” Ang masayang tawag sa akin ng aking papa sa aking likuran.

Nakaupo ako sa sahig habang hawak-hawak ang water proof na camera na regalo sa akin ng mga magulang ko.

“Nanjan na po.” Sabi ko kay papa. Patuloy ko pa ring pinaglalaruan ang camera dahil tuwang tuwa akong nagkaroon ako nito. habang nakatalikod sa kanya ay naglalaro pa rin ako.

“Ryan.” Palambing na tawag muli ng aking ama. “Halika dito. Tinatawag ka ni papa.”

Napakalambing talaga ni papa. Kaya naman hindi na ako nagalinlangan pang tumingin sa kanya.Pagkatalikod ko. Kadiliman ang sumalubong sa akin. Wala akong makita. Tila ba parang nakapiring ang mga mata ko sa dilim. Pero kahit ganoon, patuloy ko pa ring naririnig ang tawag ng papa ko.
“Ryan, anak. Halika dito. Subukan natin iyang bago mong camera.” Tawag pa rin ng boses ng aking ama.

“Papa? Nasaan po kayo. Hindi ko po kayo makita.” Pasigaw kong sinabi sa kawalan. Ngunit patuloy lang sa pagtawag sa aking pangalan ang boses ng aking ama. 

“Anak, dito ka sa tabi ni papa. Halika na dito Ryan.” Tawag pa rin ng boses sa akin.

“Papa?! Papa! Nasaan po ba kayo?” Pasigaw ko muling sinabi. Sa aking pagsigaw ay nakarinig pa ako ng isa pang boses.

“Ryan, gusto mo bang ipagluto kita ng paborito mong spaghetti?” Sambit ng isa pang boses. 

“O kaya naman yung fried chicken? Di ba paborito mo rin iyon anak?” Patuloy na sinabi ng boses.

Kilala ko ang boses na iyon. Ang mama ko iyon panigurado. Napakalambing din ng kanyang pagkakatawag sa akin. Pero hindi ko pa rin siya makita. Tila binubulag ako ng kadiliman. 

“Mama! Papa! Nasaan  po kayo? Natatakot na po ako. Lumabas na po kayo. Mama!” Paiyak kong isinigaw sa kawalan. Ngunit di naglaon ay tila nakakabingi na ang kanilang pagtawag sa akin. Paulit-ulit. Palakas nang palakas. Napakaingay. Nakakatakot. Parang napakataming tao ang nagsasalita sa aking paligid pero hindi ko sila makita. Nakakatakot talaga. Maya-maya pa ay nakarinig ako nang isang napakalakas na busina. Sobrang lakas at halos mabasag ang aking pandinig. Napakahabang busina ngunit kasunod nito ay isang napakalakas na pagbangga ng dalawang bagay na halos mawasak na ito sa aking isipan. 
Kasabay nito ay ang muling pagliwanag ng kapaligiran. Nakakita akong muli at medyo gumaan ang aking kalooban. Sa aking paningin ay nakikita ko ang kalaliman ng hapon at mabigat na bagsak ng ulan. Nakasilong ako sa nakalulumong payong ng aking lola. Hinila ako ng aking lola papalapit sa dalawang napakagandang kahon sa may bandang gitna. Napakaraming tao at ramdam ko sa kanila ang labis na kalungkutan. Nang makarating na kami sa tabi ng dalawang kahon. Nakita ko si Kuya Reno. Umiiyak sa ibabaw ng isa sa mga kahon. Halos madurog ang puso ko nang makita kong napakalungkot ng aking kuya. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kalungkot… maliban sa isang pangyayari. Pangyayari sa buhay naming magkakapatid na tila nagwasak sa aming pamilya. Tumingin muli ako sa paligid. Parang bumabalik sa akin na napakabilis ang mga nangyayari. Umiiyak na tao. Pagtilamsik ng patak ng ulan sa aking paa. Mahigpit na paghawak ng aking lola sa braso ko. 
Ang napakalungkot na payong. “Sandali…” ang tanging nasabi ko sa aking sarili.
Binabagsakan muli ng sobrang sakit ang aking puso. Binuhat ako ng aking kuya at mahigpit akong yumakap sa kanyang likuran. Sobrang higpit. Ayokong makita ang nilalaman ng kahon. Parang alam ko na ang laman nito. Ayoko itong makita. Natatakot ako. Umagos na ng tuluyan ang mga luha sa aking mata. Biglang tumahimik sa paligid. Tanging patak ng ulan ang aking naririnig.

“Ryan, Wala na sina Mama at Papa. Nasa piling na sila ng Diyos.” Pulos katahimikan at kadiliman ang muling bumungad sa akin.

“PAPA! MAMA!”
Narinig ko ang mabilis na pagyabag sa sahig dahil sa pagtakbo ng aking mga kapatid. Halos hindi sila mag kanda ugaga sa pagtakbo. Binuksan nila ang pinto at naabutan nila akong punong puno ng luha ang aking mukha. Nakita ko ang lubos na pagaalala sa kanilang mukha. Nilapitan ako ng aking mga kapatid. Si Kuya Reno ay hindi maipinta ang mukha sa pagaalala sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit.

“Tama na, Ryan. Ok Lang iyon. Panaginip lang iyon. Panaginip lang.” ang sambit ng aking kapatid.

Si kuya Trin naman ay patuloy sa paghimas sa aking likuran at pinapatahan na ako.
Patuloy pa rin ako sa pagiyak buhat ng aking napanaginipan. Sobrang lungkot, takot, at sobrang pangungulila ang aking nararamdaman sa mga oras na ito.
Naabutan kami ni Lola Adora at nakita niya kaming pinapatahan ako ng aking mga kapatid.

“O anung nangyari kay bunso?” usisa ni Lola.

“Ahh nanagip po kasi si Ry. Baka masama yung napanaginipan niya.” Paliwanag ni Kuya Trin.

“Ay siya tahan na bunso. Ay sige ipagluluto kita bukas ng masarap na almusal.” Ang paglalambing ni lola sa akin.

Lumabas na rin si lola nang makita niya akong tumahan. Si kuya Reno naman ay pinahiga na ako sa kama at pinapatulog na rin ako. Nakaramdam na ako muli ng antok ngunit natatakot pa rin ako matulog dahil sa aking napanaginipan. Siguro ay ramdam ni kuya Reno na natatakot na ako matulog kaya naman sabi niya ay tatabihan na niya ako sa pagtulog. Medyo malaki naman ang kama ko kaya magkakasya naman kami.

“Ay siya ako rin. Dito na rin ako matutulog. Babantayan ko si bunso, Baka kasi may lumabas na mumu sa cabinet niya.” Panakot ni kuya trin.

“Eto namang si Martin Rafael. Tinatakot na naman si Bunso.” Galit na sabi ni kuya Reno sabay hampas ng unan kay kuya trin.

Napangiti ako nang hampasin ni kuya Reno si Kuya Trin. Nakita nila na ngumingiti na ako kaya natuwa na rin sila. Nawala na rin ang takot kong matulog. Tinabihan na ako ng mga Kuya ko sa pagtulog. Si kuya Reno sa Kaliwa ko, sa kanan naman si kuya Trin. Para silang bata kung umasta kapag kasama nila ako. Napakalambing ng sobra. Si kuya Reno ay yakap yakap ako sa pagtulog. Si kuya Trin naman ay nakapatong ang isang paa sa paanan ko. Maya-maya pa ay nakatulog na rin ako ng masaya at wala nang pagaalala.

Wala na masyado nangyari noong bakasyon. Kaya nakatengga lang ako sa bahay naming buong summer. Minsan may swimming kasama ang mga dating classmates. Minsan naman nakatambay lang ako sa mga pinsan ko. Minsan din eh basketball kasama mga kuya ko sa court ng village namin. Pero bukod doon, wala na akong pinagkaabalahan pa. 
Sa mga huling araw ng bakasyon ay may seminar na aatendan si Kuya Reno sa Hong Kong kaya naman wala pa siya kapag naglipat na kami ni Kuya Trin sa uupahan naming bahay. Nagrenta kami ng driver para ipagdrive kami papunta sa bahay.
Maraming accessible na lugar na malapit sa bahay na uupahan namin. Malapit sa school ko, sa Pure Gold, sa SM, at sa libingan ng aking mga magulang. Balak na naming doon na mag-stay one week before classes. 

Inihanda ko na lahat ng gamit ko pagpasok. Bago lahat. Bag, Notebook, Ballpen at kung ano-ano pa. Alam kong sa pagpasok ko ay mga bagong mukha din ang makikita ko. Bagong kapaligiran dahil bagong eskwelahan. Nakakatakot pumasok kasi kailangan kong magadjust sa bagong environment. Kaya ayun. Bahala na si batman. Parang gusto ko na lang maging invisible sa pasukan.

First Monday of June, start of classes. Maaga akong nagising hindi dahil excited ako kundi dahil kinakabahan ako. Sobrang kinakabahan. Bumaba ako para maligo at sa pagbaba ko ay nakita ko si Kuya Trin, nagluluto.

“O bunso, kain ka muna bago ka maligo.” Anyaya sa akin ni kuya.

“Maliligo muna ako kuya. Di pa ako nagtutooth brush eh.” Paliwanag ko sa kanya. 
Sumangayon naman si kuya trin kaya naman naligo na rin ako. Lumabas na ako ng banyo nang nakatapis at naabutan ko sa mesa ang ilang pandesal, bacon, at kape. Kumain muna ako bago ako magbihis. Sabay kaming kumain ni Kuya Trin. At maya maya pa ay nagbihis na ako at naghanda sa pagpasok.

“Ry, Baka gabihin ako nang paguwi mamaya. Monthsary namin ni Ate Renz mo. Ilalabas ko siya.” Sabi sa akin ni kuya trin habang nililigpit ang aming pinagkainan.

“Ahh ganoon ba kuya.” Sabi ko habang nagsasapatos ako. “Sige kuya, ako nang bahala sa kakainin ko mamaya. May susi naman ako ng bahay.” Dugtong ko pa.

Nauna na akong umalis sa bahay dahil malelate na ako. Walking distance lang sa bahay namin ang school ko kaya hindi na kailangang magsasakyan. Tumakbo na ako at nagbabakasakali na hindi pa ako late pero nang Tinignan ko ang relo ko. Sh*t! 7:45 na nang makarating ako sa school. “Nako!  Aabot kaya ako? Di ko pa alam kung anong section ko.” Sabi ko sa isip ko.

Lumapit ako sa guard sa gate ng school. “Kuya, san malalaman yung mga section?” Tanong ko sa guard.

“Ay doon sa may lobby ‘to. Bilisan mo at mahuhuli ka na niyan sa klase.” Paalala ng guard. Siguro ay nakita niya na hapong-hapo ako sa pagtakbo.

“Salamat po!” Muli ay kumaripas ako ng pagtakbo. Napakabilis kong tinakbo ang daan papuntang lobby at sa sobrang bilis, hindi ko na namamalayan ang aking mga nasa paligid at nadadaanan ko.

Isang liko na lang ay kita ko na ang lobby ng school. Nang biglang… Baaaaaagggg! Halos tumalsik ako nang bumangga ako sa isang estudyante. Pareho kaming tumaob at napaupo sa sahig. Para akong sasakyang bumangga sa isa pang sasakyan. Overspeeding nga lang ako. Nahilo ako sa pagkakabunggo ko sa estudyanteng ito at di ko na magawang kilalanin pa siya. Naalala ko na malelate na ako sa klase ko kaya tumayo na akong bigla at sinabi na lang sa kanya. “Sorry!” Sabay takbo ulit nang mabilis.

Tinignan ko muli ang relo ko. “Aaaa! 5 minutes na lang” inis kong sabi sa sarili ko. 
Nakarating ako sa lobby na medyo hilohilo pa. Pumunta ako sa may registrar at nagpaaproove ng admission. Binigay na sa akin ang registration form ko at schedule ng section na kinabibilangan ko. “Section 1-B” Nagulat ako sa nakita ko. “1-B? Bakit Section B ako? Wala ako sa Top Section? Mataas naman ang grades ko noong Elementary. 1st Honor pa nga ako eh.” Sabi ko sa isip ko.

Bumalik ako sa may registrar at nagtanong kung bakit section B lang ako. Section B LANG ako. Hindi naman sa pagmamayabang ay ayoko talaga nang nahuhuli sa klase o sa school kaya lakas loob akong nagtanong sa isang staff doon na mukha pang mataray dahil siguro ay matandang dalaga.

“Ma’am, mali po ata ang schedule na binigay ninyo. Section B po ito, hindi po ba dapat nasa section A ako?” sabay lunok sa laway.

Binaba niya nang kaunti ang kanyang salamin at kinilatis ang aking mukha. Halos di maipinta ang sungit sa kanyang mukha isabay mo pa ang garalgal na boses nito kapag nagsasalita. 

“Nako totoy, iyan talaga ang section mo. Ano bang inaasahan mo?” Tanong nito sabay taas nang kanan niyang kilay.

“Mataas naman po ang grades ko noong elementary kaya hindi ko po maisip na nasa Section B lang ako.” Kinakabahan kong tinanong sa kanya.
Bigla siyang tumawa ng malakas. Nakakatakot ang tawa niya, parang mangkukulam. Tinignan niya muli ang registration form ko.

“Steven Ryan Alfon ba ang pangalan mo?” Malalim na tanong nito. Tumango ako dahan-dahan.

“Magsalita ka!” pasigaw na sabi ng matandang dalaga.

“Oo..opp..poo. Opo, Opo.” Mabilis kong naisagot sa kanya dahil sa takot.

Ngumiti siya, nilinaw ang lalamunan at garalgal na nagsalita. “ ‘toy. Dito sa school na ito, walang Top-section. Lahat ng section dito, pantay-pantay ang pagkakahati. Sa bawat section, may matatalino…” sabay tingin sa akin. “…gaya mo. At meron din naming sukdulan ang kabobohan.” Paliwanag nito.

Medjo natuwa naman ako sa sinabi niya. Pero kahit ganoon, takot pa rin ako sa kanya. 
“aa…aahh, ehh. Ganoon po ba? Sige po. Salamat po! Papasok na po ako.” Binalik niya sa akin ang registration form ko at pagkakuha na pagkakuha ko nito ay umalis na ako doon.
Naglakad ako nang mabilis papalayo sa registrar at halatang tense ako sa paglalakad. Nilingon ko muli ang matandang dalaga sa malayo at nakita kong nakatingin pa ito sa akin. May sinabi siya at nabasa ko ang kanyang mga labi. “Good Luck” sabi nito. Sabay alis ng tingin.

Nakakatuwa din naman pala itong matandang dalagang ito. Supportive sa mga estudyante kahit ubod ng taray. Napatagal ako sa usapang iyon sa registrar kaya inaasahan ko nang late ako sa klase ko. Buti na lang 1st floor lang ang classroom ko, hindi na ako magpapakahirap pumanik ng hagdan. 

8:10 na nang makarating ako sa labas ng classroom. Palibahasa ay aircon ang room kaya nakasarado ang pinto nito. May salamin sa pintuan kaya kita ang nasa loob ng classroom. Sumilip muna ako sandali at tinignan ko nandoon na yung teacher namin. At nandoon nga siya. Lalaki ang teacher namin medyo bata pa. Kumatok muna ako at saka binuksan ang pintuan.

Hindi naman ako mahiyaing tao kaya diredirecho lang ako sa paglapit sa teacher. Binigay ko ang Registration form ko at saka umupo na ako kaagad. 

Naupo ako sa pinakagilid katabi ang bintanang salamin sa dulo ng classroom. Marami pa ang bakanteng upuan sa classroom na iyon marahil marami pa ang hindi pumasok. “First Day Kasi.” Sabi ko sa isip ko. Wala akong katabi at sa tingin ko, mas okay iyon, wala ako masyado kakausapin at pakikitunguhan.

Mula sa aking kinauupuan ay pinagmasdan ko ang aking mga kaklase na nandoon. Makikita mo talaga na paksyon-paksyon ang mga tao dito. Magkakatabi na kaagad ang mga nakasalamin at braces at wala pa ngang lesson ay nagbabasa na kaagad. Nagchichikahan naman ang mga may nail polish at make-up at halos wala nang bukas kapag tumawa sila ng napakalakas na nakakaagaw pansin sa klase. Siyempre, nandjan ang mga maiingay din na mahilig sa DOTA. Mga sipsip sa teacher. Mga artist na may sariling mundo kakadrawing. Mga musicians na kahit ung desk ay ginagawang drums. At mga walang pakialam sa paligid, tulad ko. Nandito ako sa sulok katabi ang bintana, pinagmamasdan sila. Para akong invisible ngayon at sangayon ako sa ganoong kalagayan. Ayoko na ng masyadong popularity. Kaya ok na sa akin ito.
Nagpakilala sa amin ang teacher. Tawagin na lang daw siyang Sir Gab. Habang nagpapakilala ang teacher naming parang mahilig pa sa gimik sa sobrang kabataan nito ay biglang may kumatok sa pintuan.

Hindi ko na ito pinansin at tumingin na lang ako sa bintana. Alam kong pumasok na ang bagong dating at lumapit kay Sir Gab. At wala pa rin akong pakialam. Maya-maya pa ay mas nabore ako sa klase kasi wala namang ginagawa. Habang nakaharap ako sa bintana at nakapangalong-baba ay may nagsalita sa likod ko.

“Pwede bang maupo dito sa tabi mo?” isang lalaki ang nagsalita. Hindi pa rin ako lumingon dahil nakakatamad. Sinenyasan ko na lang siya ng OK. At bumalik sa pangangalong-baba ko. Narinig ko ang pagupo niya at pagaayos ng gamit.

Maya-maya pa ay nagtanong ito. “Hindi ba ikaw yung nakabangga ko kanina?”

Bumalika ako sa aking ulirat sa narinig ko. Nagulat ako sa tanong niya at nahiya. Sobrang nakakahiya. Baka galit siya o nabastusan siya sa bigla kong pagalis kanina. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya pero nakayuko ako nang humarap sa kanya dahil nakakahiya.

“Aahh. Pasensya na kanina. Nagmamadali kasi ako. Malelate na ako ehh.” Paliwanag ko sa kaniya.

“Ahh iyon ok lang iyon. Di naman masyadong titignan ang punctuality sa first day eh.” Sabay tawa nito.

Nakayuko pa rin ako sa sobrang hiya. Nang sinabi niya.

“Hindi ba… kung hindi ako nagkakamali. Ryan ang pangalan mo.” Patanong niyang sinabi.
Nagulat ako at alam niya ang pangalan ko eh wala pa naman akong kakilala dito. Paano niya kaya nalaman ang pangalan ko.

Dahan-dahan akong dumungaw para makita ang mukha ng taong nakakakilala sa akin. 
Isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa akin. Isang semi-kalbong lalaki na napakaganda ng ngiti ang aking nakita.


itutuloy...

15 comments:

Anonymous said...

nakalimutan ata ng writer kung ano ang suot ng registrar o kung may lamok sa skul...daming sinasabi.. napaka bagal ng phasing.. creative stories doesnt have to be so detailed.. leave something for the imagination. aabutin eto ng 20-30 chapters to finish the story. ang kakalabasan lang pala naging lovers cla. same old banana, why peel an orange?

dkazuma said...

Hintayin natin baka mag-iiba na ang phasing sa nxt chapter but thanks for the comment though. ^_^

Anonymous said...

baka naman next sequence may darating na alien at i-abduct si Ryan.

DingDong D. said...

If you guys don't like the story then don't read it. I believe the writer wrote this with all his heart and he took a lot of effort writing it creatively. Nakikibasa na nga lang kayo, manlalait pa. If you think that you can write a better story then do so. Write. Do something worthwhile, ok? And to the writer, don't mind these short-sighted people. I know you already know the phrase "you cannot please everybody". But if these kind of people are the ones you need pleasing, don't waste your time.

Anonymous said...

hindi creative writing ang tawag mo dyan.. script ng pelikula.. we dont read script..ok? and to the writer, i know you have poured more than enough energy to do such.. there is always room for improvement. i give it a 2-star rating.

Anonymous said...

nice scenery on the pic. any idea where this is? thanks.

Anonymous said...

kailan ba ippost ang karugtong nito,, i like the story and i want the continuation na. nakakabitin..

Anonymous said...

tagal naman ng karugtong? kailan ba ipopost? tagal na kaya,,, inip na ako

Anonymous said...

I like how the story's written. Kahit mahaba, maganda at masarap basahin. I myself am a writer, so I really appreciate the efforts of the maker of this story. To the writer, KUDOS! Sana ma-post na yung susunod. Excited na ako. Sigurado akong nakakakilig ito at maraming surprises. Dun naman sa mga nagrereklamo at mga mapanlait, just stay away from the page. Palibhasa, puro sex ang nasa mga kukote niyo. Wala kayong ibang alam kundi kalibugan lang! Just saying. Peace out! ^_^

Mac said...

Grbe nmn ung mga nagcomment. Okay nga e, prang ayuko n nga tumingin s scroll bar ksi bka mtpos na. HAHA! Bka nmn kasi puro kababuyan at kalibugan ang gusto nyong mbsa. HAHAHA! Gnda. Cant wait for the net part! :DDDDDDDD

Anonymous said...

nasan na po ang kadugtong?
lagi lagi kong chinecheck to kung may continuation na...
kaso wala pa rin...
author?...
yooohoooo...

Anonymous said...

maganda...don't mind d negative comments...take d comments as a challenge to be a better writer if not the best one...keep going...

Anonymous said...

ok ung story sa mga naiinip maghintay kau libre na nga tong binabasa nyo reklamo pa kau jan why dont you say something nice kasi nag effort ung writer ng story tapos magsasalita kau ng negative...

Anonymous said...

This is a nice story again, hindi kailangan ng kalibugan para maging maganda ang isang story... realistic nga tong story na 'to eh... sa writer nito sana maipost n yung kasunod wag pancnin ang bumabatikos dahil sabi nga nila people throw rocks at things that shine at maganda yung gawa mo kaya wag paapekto, just keep it up isa ka sa mga writer dito na nagustuhan ko yung story.

Anonymous said...

NEXT PLEASE!!!!!

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.