vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Friday, March 18, 2011

The Letter 2 (end)

Submitted by Love Juice
Installment 2

"Tito Ed, ano po yung sinasabi nyo. Hindi ko po kayo maintindihan."

"Ah... 'di bale na lang. baka nagpunta lang sa mga barkada nya." pinutol nya ang tawag.

Hindi ko alam kung ano nagyayari kay tito Ed. Baka nagka-nervous breakdown dahil sa pagkawala ni Anthony. Simula nang namatay si Anthony, ngayon pa lang ako nakaramdam ng totoong gutom. Bumaba ako papuntang kusina para kumain. Nasa kusina si mommy. Nagluluto ng hapunan.

"Jason. Ok ka lang?" tanong niya na may pagaalala.

"Ok lang po. Nagugutom." sagot ko. Kumuha ako ng tubig sa ref.

"Nag-away ba kayo ni Anthony?" tanong ni mommy?


"Ha?" gulat ko namang tanong.

"Narinig ko kasi kayo kanina na nagtatalo. Ano bang ping-awayan nyo?"

Ano? Hindi ko maintindihan. Bakit pati si mommy? Wala na si Anthony. Magkasama kami kanina ni mommy sa libing. Prank ba 'to?

Naguguluhan ako sa kanila. Nawala tuloy ang gutom ko. Umakyat ako muli sa karto ko. Kung biro man ito, hindi nakakatuwa. Napatingin ako sa salamin. Suot ko ang damit ni Anthony. Yung hiniram ko sa kanya. Lalo akong naguluhan. Hindi naman ito suot ko kanina. Nakatulog akong suot pa rin ang damit na sinuot ko sa libing. Hindi ko maalalang nagpalit ako. Humiga ulit ako sa kama. Ipinikit mga mata ko. Sumasakit ulo ko. Kukunin ko sana ang ipod ko para magpatugtog pero 'di ko napansin na tumutogtog na pala ito. Yiruma. I Don't remember playing it. I'm starting to freak out. Weird. Humiga ulit ako sa kama. Saka ko napansin yung jacket. Nasa bangko pa rin. Bakit andun? Nilagay ko na sa closet iyon. Mabilis akong bumangon. Kinuha ang jacket at hinanap sa bulsa yung sulat. nandoon pa rin. Maayos na nakatupi. At nung buksan ko, iyon pa rin ang nakasulat. Paulit-ulit kong binasa. Inilagay ko sa bulsa ang sulat at patakbong kinuha ang phone ko. Tiningnan kung anong date. August 11. Wednesday. August 11. Wednesday. It was supposed to ba
Sunday. August 15. Then it hit me. August 11. Wednesday. Ito yung araw na namatay si Anthony. Ito yng araw na nag-away kami. Ito yung araw na nakita nya kami ni Wesley. Nag-time travel ako. Bumalik ako sa araw na nalaman ni Anthony ang tunay kong pagkatao. Hindi ko alam kung posibleng mangyari iyon pero, heto't nangyayari na nga. Pero isa lang ang nasa isip ko. Second chance. Second chance para sa amin.

I dialed tito Ed's number. Agad naman nyang sinagot.

"Tito Ed, andyan na po ba si Anthony?"

"Wala pa rin."

"I think I know where he is. Sige po tito, puntahan ko na lang po sya."

Kailangan ko syang mapuntahan. Nagmadali akong bumaba. Kinuha ang susi ng kotse at nag-drive papuntang Denny's.

Halos kalahating oras bago ako nakarating ng Denny's dahil sa traffic. Mabilis akong bumaba ng kotse. Pagpasok ko sa Denny's halos walang tao. Magulo ang buong paligid. Nagkalat ang mga basag basag na bote. Ang mga silya, kung sasan saan naka-higa. Huli na ba ako? Nilapitan ko ang isang waiter.

"Boss, ano'ng nagyari?" ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Away."

"May nag-away? Sino?" parang aatakihin ako sa puso.

"Hindi ko kilala. Mga dayo. Pero may nasaksak."

Nahuli pa rin ako. Hindi ko pa rin inabot si Anthony. Hindi ko pa rin nailigtas ang buhay nya. Umiiyak akong lumabas ng bar. Pumasok sa kotse. Bakit ganito? Bakit hindi ko sya naabutan. Akala ko ba second chance? Wala akong nagawa para mailigtas sya.
May kumakatok sa bintana ng kotse. Pag-tinngin ko, si Anthony. Nakangiti sa akin. Dali-dali kong binuksan ang kotse at halos lumundag na yinakap ko sya ng mahigpit.

"Buhay ka. Buhay ka. Akala ko... buhay ka."

Nakayakap din sya sa akin ng mahigpit. "Of course I'm alive. Nakita kitang pumasok sa bar kanina. Hinahanap mo ba ako?" Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Dinukot sa bulsa yung sulat nya at iniabot sa kanya.

"Nabasa mo?"
"Oo."
"Sorry."
"No. Don't be. Kaya ka ba..."
"Oo. Kaya ako nagalit kanina. Nung makita ko kayo ni Wesley..."
"Wala kaming relasyon ni Wesley... o kahit kaninong lalake. Ikaw... ikaw lang
naman ang gusto ko. Ikaw lang naman ang mahal ko."
Hinalikan nya ako sa labi. Parang lumulutang ako dahil sa halik nya. Parang bibigay ang mga tuhod ko.
"I love you, Jason. Noon pa man. At kahit kailan."
++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Nakatitig lang ako sa mga mata nya. We were lying on our sides. Tanging kumot lang ang nakabalot sa katawan namin.

"Ano ba yang pinapatugtog mo?" tanong nya.
"Bakit ayaw mo?"
"I love it."
"Si Yiruma."
"Pwede mo ba ako gawan ng copy?"
"Sige. Bukas." pareho kaming natahimik. Pinakinggan ang bawat pitik ng piano.
"Anon'ng iniisip mo?" tanong nya.
"Natatakot akong matulog."
"Why?"
"I'm afraid that you might not be here when I wake-up."
"I will never go away. I will always be here."
"You promise?"
"Pangako ko." At muli nya akong niyakap ng mahigpit. At hindi sya bumitaw hangganga nakatulog ako.
+++++++++++++++++++++++++++++++++++

Paggising ko, suot ko pa rin ang damit na sinuot ko sa libing. Panaginip. Panaginip lang pala. Panaginip na parang totoo. Bumangon ako na may bigat sa dibdib. Tumitig ako sa labas ng bintana. Maganda ang panahon. Maganda ang sikat
ng araw. Maaliwalas. Parang ang saya ng mundo. Walang problema. Walang hinanakit. Napalingon ako sa bangko. Andun ang jacket. Hindi ko na inisip kung paano napunta iyon dun. Bumangon ako at kinuha ito. Kinapa ang bulsa kung may laman. Isang papel ang nakuha ko sa loob. Nakatuping maayos. Binuklat ko ito. Sulat ni Anthony.

"Mahal ko,

What happened last night was not a dream. It was a borrowed time. It was a chance for us to show how much we love each other. But as I've said, it was a borrowed time. I know I promised you that I will never go away. I'm sorry. Maybe this is not the right time for us. Maybe in another lifetime we may find a way to be together. But right now, I have to be somewhere else. But believe me, no matter where I am, I will be happy knowing that you love me too. Don't be sad, Jason. You are not alone. You have your mom. And my dad. Please tell him how much I love him. And please look after him, mahal. He's alone now. Forgive me for leaving you. I wish we had more time. I wish I can still hold you and kiss you.
I love you. I love you. I love you. I love you. I love you.
Forever,
Anthony
+++++++++++++++++++++++++++++++++++

Pumasok na ako. Gaya nang madalas kong gawin tuwing pupunta ako kina Anthony. Sinalubong ako ni Tito Ed ng isang mahigpit na yakap. Ilang linggo din akong hindi nagpupunta sa kanila.

"Kamusta ka na, Jason?"
"Mabuti po. Kayo po kamusta na?"
"Heto. Ok naman. Medyo nagtatampo sa 'yo."
"Pasensya na po kung natagalan bago ako naka-dalaw."
"Naiintindihan ko naman, hijo."
"Syanga po pala. Bibigay ko po 'to sa inyo." iniabot ko sa kanya ang cd.
"Ano ba 'to?"
"Kopya po nung songs na pina-download sa akin ni Anthony. Medyo huli na pero...' pinipigilan kong umiyak.
"Salamat, hijo."
"Napanaginipan ko ho sya.
"Syanga?"
"Pinapasabi po nya na mahal na mahal po nya kayo. At 'wag na daw po kayong malungkot. Masaya daw po sya."
Tahimik lang si tito Ed.
"Alam mo bang mahal na mahal ka ni Anthony?" tanong nya sa akin.
"Ho?" nagulat ako sa sinabi nya.
"Oo. Sinabi nya sa akin noon na mahal ka niya. Kaso natatakot syang ipagtapat sa 'yo baka masira ang pagkakaibigan nyo."
"Opo. Sinabi po nya sa akin."
"Talaga? Kailan?"
"Sa panaginip po."
"Mahal mo ba si Anthony?"
Hindi ko na napigilang umiyak. "Mahal na mahal po. Mahal na mahal ko po siya."
Inakbayan nya ako. "Salamat, hijo. Maraming salamat."


-WAKAS

16 comments:

Anonymous said...

part 1 was amazing...part 2 was a disappointment....too bad

not supposetowrite said...

Just because it wasn't a happy ending it means it's bad. I like it. People die and there is nothing we can do about it. The story basicall tells us that we musn't take things for granted. Time is all we have and if time passes, we can never turn it back.

Dark Angel said...

Actually, I like the ending. Kaso sa panahon ngayon mas marami na ang bad (hindi pangit, pero malungkot) ending kaya for me it was quite what I expected. Siguro morbid writer din me kaya I was hoping for a sad ending. Hahaha. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Nabitin tuloy ako. But all in all, I love the story itself. Nice one. Papost naman ako ng blog ko http://darkangelthoughts2011.blogspot.com/ thanks

dkazuma said...

Sure po,tomorrow pagbalik ko ill work in posting your blog here. Thanks,

Mr. G said...

it was a sad ending, but it will lead us to many learnings and realizations about a relationship...that is making the most of it habang may pagkakataon pa.

well written.

Anonymous said...

wow grave ang ganda nakakaiyak khit na mulungkot ung ending magandan parin grave gawa kapa ng marami

Anonymous said...

Naiiba to... sad ang ending at hindi puro kalibugan lang.. pero may kilig pa din...

-BZ

Anonymous said...

love the ending!!!nakakaiyak... @.@

Anonymous said...

bat ganun? dalawang version ng story? alin ang original?

Daiki Kazuma said...

Same lang po writer nyan, two stories, same author. Eto po yung comment ng author sa first installter ng re-imagined version:
"***Same storyline but with a different plot. I got so excited writing the story at first that I didn't give it much thought. This is how I wanted the story to go. It isn't done yet, just a quarter of it is left. I hope this one will turn out good. ***"

Anonymous said...

Hi! so na very pa...super,,hanga ako sa idea ng nag sulat...matagal narin akong nagbabasa ng mga gay love story..but, this one is amazing na-touch talaga ako..at the same time tumayo balahibo ko..masyado ko kasi sina puso ang story kaya feeling ko isa ako sa mga character... hay..kakabuhay ng pagmamahal..tnx sa writer at uploader...
by the way kakaumpisa ko palang mag basa ng mga post story sa blog na to...mag i enjoy pako...hehehehe


-earth

iHateThisFeeling said...

T_T


ayoko na . . i like to scream and cry upon reading the story . . i feel much pain the whole night . .


nakakaiyak talaga tong story at NAKAKAPANGLATA . .

but maganda ang pagkakagawa ng story . . kaso asar pa rin ako kasi . . tulad ng lagi kong sinasabi . . i hate death in a story whether it's in the start or worse in the ending . .


T_T

Anonymous said...

tears...

Anonymous said...

umiyak ako sobra na touch talaga kaya takot ako mag mahal dhl ayw ko umiyak tulad sa kwento kina matt at kiros ayaw ko mag mahal dahil ayaw ko o takot ako masaktan at umiyak.pero ito umiiyak ako ngayon dahil ke jason at anthony.

Anonymous said...

So touching and I feel every part of it parang ako yung Anthony dito na may pag ka Jason ng kaunti nga lng... sarap basahin nito...

More power one of the best gay stories na hindi sensual kundi kapupulutan din ng aral...

Naiiyak p din ako T_T

Anonymous said...

So sad, pero sobrang romantic. So far this is the best story i read in this site. Pwde pang movie.

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.