vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Monday, March 14, 2011

The Letter 1

Submitted by Love Juice
Installment 1

Ang lakas ng mga katok sa pinto ng kwarto ko. Akala ko matagal na ang tulog ko. Pagmulat ko ng mata, maliwanag pa. Alas-kwatro pa lang pala ng hapon. Kahit na ayokong bumangon wala ako magawa dahil ayaw tumigil sa kakakabog sa pinto. Pagbukas ko ng pinto, si Anthony.

"Ano ba, pare? Gigibain mo ba pinto ko?" banas kong tanong sa kanya.

Dirediretsong pumasok sa loob at naupo sa gilid ng kama ko. "Sasauli ko lang jacket mo. Tsaka hubarin mo yang T-shirt na yan. Akin yan eh. 'Di mo na sinauli." sabi nya sabay hagis ng jacket sa akin.'

"Problema mo?" tanong ko sa kanya. May kaunting inis kasi ang tono nya.

"Wala akong problema. Baka ikaw ang meron." sagot nya.

"Oo, ikaw ang problema ko. Ang sarap ng tulog ko ginising mo 'ko."

Tahimik lang syang nakaupo sa kama. Nakatingin sa sahig.

"Pare, ano'ng meron sa sahig? Kanina mo pa tinititgan yan ah. Ano ba kasi
problema mo?"

Akmang magsasalita pero binawi. Parang tinatantya kung ano ang sasabihin.

"Nakita kita kanina... sa likod ng gym..." mabagal nyang sabi.


Kahit hindi na nya ituloy ang sasabihin, alam ko na. At wala na rin akong lusot. Ang mahabang panahon ko na pagtatago... mabubunyag din pala. Pero hindi ko inasahan na sa ganitong paraan.

"Kami ni Wesley?" nangangamba kong sagot sa kanya.

"Oo, kayo ni Wesley. Pare... kelan ka pa naging...ganyan?" sagot nya na may panghuhusga sa tono.

"Anong ganyan...?" wala nang atrasan. "...bakla?"

"So inaamin mo? Inaamin mo na bakla ka?" tumataas na ang tono nya. Sabay ding pagtayo nya.

"Oo. Bakla ako... bakla ako, Anthony."
"Pare, no way. No way na bakla ka."

"Yes. I am."

"So all this time pala... All this time pala, nagpapanggap ka lang. All this time pala, sa tinagal-tagal nating magkaibigan since high school, 'di mo sinabi sa'kin na bakla ka!!!" malakas na ang boses nya.

"Para ano pang sabihin ko? For what? Will it make any difference kung sasabihin ko?"

"Yes it will, pare! I can't believe this... " sabay labas ng kwarto.

"Anthony, sandali..." pero hindi ko na sya nahabol.

I was supposed to be happy and relieved. Finally, nasabi ko na rin sa best friend ko na bakla ako. Na ito ang tunay kong pagkatao. But, I wasn't happy of relieved at all. Somehow, it felt like there was something wrong. Parang may nawala. It felt like something has broken and it can never be fixed. I've known Anthony since first year high school and we've been the best of friends, kahit na totally different kami. He is a total jock. Popular. Member ng varsity team. Sikat sa girls. Kahit sa classes hindi papahuli. Matalino. May sense. Ako, hindi sikat sa school. Walang sports or school activity. School bahay lang. Uptight sabi nga nya. But despite the differences, we're good friends. We shared a lot of memories. He was there when my dad died. I was there when his mom passed away. We kept no secrets from each other, well, just two things i guess. My being gay and that i wish he was too so there could be a chance for us.

Kinuha ko ang ipod ko. Inilagay sa speakers. Hinanap ko sa playlist si Yiruma.

Iyon ang pinapatugtog ko kapag gusto kong ma-relax. 'Di ko namalayan, nakatulog pala ako ulit. Nagisisng ako madilim na. Nagising ako dahil sa ring ng phone ko. Daddy ni Anthony.

"Hello, tito Ed?" bati ko.

"Hello, Jason..." garalgal ang boses nya. "... si Anthony..."

"Galing pa sya dito kanina... kaso medyo nagkasagutan po kami kaya umalis..."
"... ganon ba? Kaya pala."

"Bakit po? 'Di pa ba sya umuuwi?"

"Jason... wala na si Anthony. Your best friend is dead."

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Sunday. I never liked Sunday. Boring ang Sunday. Walang magawa 'pag Sunday. Now, I hate it even more.

Pumasok ako ng kwarto ko na pagod na pagod. Mabigat ang katawan. Gusto ko lang mahiga sa kama at hndi na babangon kahit kailan. Iniisip ko si Anthony habang pinapasok sa nitso nya. Naawa ako sa kanya. Nasa madilim at masikip na lugar.
At 'yung huling araw na magkasama kami. Nag-away. Dahil nakita nya ako na kahalikan si Wesley. Nalaman nya na bakla ako. I still wonder if he was mad at me for being gay or because I never told him. Sabi ni tito Ed umuwi sya na galit at nagkulong sa kwarto. Lumabas nung madilim na. He went out tapos naglasing. Nagwala daw sa bar at may mga naka-away kaya nasksak. Dead on the spot. At large pa rin yung nakapatay sa kanya. But i doesn't matter anymore. kahit na mahuli sila hindi rin naman mababalik si Anthony. Sayang, hindi ko man lang nasabi na mahal ko sya.

Nasa bangko pa rin pala yung jacket na hiniram nya. Bumangon ako at kinuha ito. Inilapit ko sa mukha ko at inamoy. Nakakapit pa rin ang amoy niya sa jacket. Hindi pa nalabhan. Ganon naman yung taong yun, kapag naghiram ng damit ko isasauli ng hindi nilalabhan. Pinigilan kong umiyak. Ayoko ng umiyak. Sinuot ko ang jacket. Umaasang maramdaman ko si Anthony na kayakap ako. But it was just the jacket I felt. Sa mga pelikula, kapag sinuot ng bida ang damit ng namatay nilang minamahal, pag-tingin nila sa salamin parang nakikita nila na nakayakap ito sa kanila. But in reality, It's just a jacket. Wala ang init ni Anthony. Ipinasok ko ang mga kamay ko sa bulsa ng jacket. Naramdaman ko sa kamay ko ang isang papel sa loob. I pulled it out. It was a little paper probably torn out of a notebook, neatly folded in half. Baka kay Anthony. Binuksan ko ito at binasa:

"You can have any guy you want but you wouldn't choose me. Why not me? I have always loved you, Jason. I know we're not supposed to but I do. I love you, I love you, I love you. Love me back."

Parang guguho ang mundo ko. Parang mamamatay ako sa pagsisisi. Bakit hindi nya sinabi? Kaya ba sya galit dahil nagseselos sya? Bakit hindi ko sya pinakinggan. Bakit hindi ko naramdaman? Sana nakita ko yung letter ealier. Sana... sana... Ang daming bakit. Ang daming sana. Mahal nya ako. Noon pa man. Ang daming nasayang na panahon. Ang daming lumipas na araw na sana masaya kaming magkasama. Bakit lahat ng iyon pinalampas ko? Sana pwedeng mabalik lahat. Sana bumalik ang oras. Sana may pagkakataon pa. Pero wala na. Wala na si Anthony. Hindi na babalik ang oras. Hindi titigil ang pagtakbo nito. Pero sana kaya kong ibalik.

"Anthony!"

Napabangon ako. Panaginip lang pala. Isang masamang panaginip. Kinalma ko ang sarili ko. Madilim na pala. Nakatulog ako marahil sa kakaiyak. Kanina lang, inihatid namin si Anthony sa kanyang huling hantungan. Kanina lang, nalaman ko na mahal din pala nya ako. Kanina lang. Hindi ko namalayan ang pag-ring ng phone ko. Si tito Ed.

"Hello, tito?"

"Jason. Nagising ba kita?" tanong ni tito Ed.

"Hindi naman po, tito."

"Kanina pa kasi ako tumatawag hindi mo sinasagot. Baka kako e tulog ka."

"N-naka silent po kasi." pagsisinungaling ko.

"Ganon ba?"

"Bakit po kayo tumatawag?"

"Matanong ko lang. May problema ba si Anthony? Umuwi kasi dito kanina at parang galit."

Hindi ko maintindihan. "Ano ho iyon, tito?"

"Nag-away ba kayo ni Anthony? May naka-away ba sya sa school?"

Anong pinagsasasabi ni tito Ed? Bakit nya hinahanap si Anthony? Wala na si Anthony. Patay na.

"Tito..."

"Nagkulong kanina sa kwarto. Tapos lumabas. 'Di ko alam kung saan pumunta."


itutuloy...

18 comments:

Anonymous said...

crap..bitin..il wait for the nxt one ahahaha

Anonymous said...

nice story!...waaaaaaaah...ganda!...can't wait for the next part!

Anonymous said...

galing one of the best so far keep it up :)

Anonymous said...

Medyo nalito lang ako which part is the reality and which is the dream.

Anonymous said...

nice story line, keep it up.... sana may kasunod na agad..... :) more power!

Mr. G said...

a dream within a dream...nice style.

libidous88 said...

i love it... im excited to read the next par of this...

Anonymous said...

ganda ng story na to.. pot nio n gad next part, pls..

dkazuma said...

Guys, two part lng to eh... baka ma iyak kayo swear... nxt ko na post yung kasunod hehehe.. yung writer neto nagsusulat pa yata ng mga ma-dramang tagpo, ibang kwento naman! ^_^

Anonymous said...

I searched Yiruma. Ang ganda ng music nya. Bagay sa kwento.

dudz said...

d best.. astig!

richmond said...

nbitin ako hmmmmmmm

Anonymous said...

it's not inception really,
rather considered to be a premonition.
though not a new kind of story
but the author fairly catches the
interest and attention of the readers.
nicely conceptualized, and most of all
highly sophisticated in writing the story.
good work!

Anonymous said...

its good actually. It's original.

Anonymous said...

Bitin ska bakit two parts lang bitin yun ska sana hindi mamatay si anthony huwaaaag, hehe. aabangan ko ang next sana mapost agad hehe

Anonymous said...

Nasaan na po yung second part? 'Wag nyo naman po kami masyado bitinin.

Anonymous said...

will be waiting for the next part. sana it will not take long...

Anonymous said...

shit! galing ng twisting ng story. napaiyak ako na napataw.sigh! loko 2ng writer na2 ah!

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.