vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Wednesday, November 17, 2010

Despedida Para Kay Rene 1

written by Bigboy
Installment 1

Huling araw na ni Rene sa kumpanyang kanyang pinapasukan. Isa siyang engineer na in-charge sa isang proyekto ng kumpanya sa may Ortigas Center. Biyernes iyon at huling araw na niya iyon dahil nag-resign na siya upang tumulak na sa ibang bansa para doon maghanapbuhay. Isang mataas na gusali ang project nilang iyon at halos dalawang taon na rin siya doon bilang head engineer. Maayos naman ang pamamalakad niya kaya maganda ang naging relasyon niya sa kanyang mga kasamahan at tauhan. Sa araw na iyon ay binigyan siya ng despida party ng mga kasamahan niya sa opisina.

Sa roof deck ng building na iyon ginanap ang despedida na kung saan naroroon ang swimming pool ng building at ang pinaka-clubhouse nito. Itong palapag na ito ang unang tinapos nila Rene upang maging showcase ng may-ari ng building sa pagbebenta ng mga condominium units sa building na iyon. Kaya naman doon nila naiispan gawin ang munting kasiyahan. Nagsipagdalo din sa salu-salo at inuman ang ilang managers na mula sa main office nina Rene. Syempre, lahat ng kasamahan at tauhan ni Rene ay nandoroon din. Subalit ng sumapit na ang 9PM ay isa-isa ng nagpaalam ang mga nagsipagdalo. Hanggang sa maiwan ang pinaka-assistant ni Rene, ang isa pang inhenyero ni Rene at dalawang tauhan nito at ang inhenyero ng isa sa mga sub-contractor sa building na iyon. Sumatutal ay anim silang naiwan.

Naisin man ni Rene na magpaalam na ay nahihiya siya sa mga kasamahan niya dahil sila naman talaga ang nagplano ng despedidang iyon. Mukha kasing nais pa rin nilang uminom ng uminom. Nang mapansin ni Albert (ang inhenyero ng subcontractor) na iilang bote na lamang ng beer ang natitira ay agad niya inutusan ang dalawang tauhan na sina Mark at Garbo na bumili ng beer. Si Martin (ang inhenyero ni Rene) naman ay iniabot ang susi ng sasakyan upang magamit ng dalawa sa pagbili ng beer. Nais sanang pigilan na ni Rene ang pagbili ay nagdalawang isip siya at pinabayaan na lamang niyang makaalis ang dalawa. Napansin ni Arnel (ang assistant ni Rene) na mukhang nag-aalala na si Rene.

“Boss Rene, may lakad pa ba kayo mamaya?” ang tanong ni Arnel kay Rene.

“Ah, wala naman. Kaya lang baka may masabi sa atin ang may ari ng building kung lalampas tayo sa ipinaalam nating oras ng paggamit natin dito.” ang pag-aalala ni Rene.

“Huwag kayong mag-alala, boss. Hanggang 10 PM lang sana ang permit natin, pero kinausap ko mismo yung may-ari noong isang araw na dumalaw siya dito at ipinaalam ko ang pagdiriwang nating ito. Kahit hanggang anong oras daw ay pwede. Yung litson pala boss ay galing nga sa kanya.” ang tugon ni Arnel.

“Kaso may pasok pa kayo bukas. Baka kagalitan kayo ng main office.” ang pag-aalala muli ni Rene.

“Eh, dito na lang kami matutulog upang paggising namin ay tuloy-tuloy na kami sa pagpasok.” ang tugon ni Arnel.

Nagpatuloy pa sila sa kanilang usapan. Kahit anong sabihin ni Rene upang mas maagang matapos ang kasiyahan nilang iyon ay may rason palagi si Arnel na sinisigundahan naman nina Martin at Albert. Di nagtagal at dumating na ang dalawang bumili ng beer. Nagpatuloy ang anim sa inuman at masasayang kwentuhan lalong lalo na sa mga naging experience nila sa construction. Nang lubusan ng mapanatag ang kalooban ni Rene dahil na rin sa mga paliwanag ni Arnel at dahil na rin sa nainom na beer ay noon niya napansin na pawang naggagandahang lalaki ang kasabay niyang nag-iinuman.

May asawa’t anak si Rene subalit alam niya sa kanyang sarili na may pagkasilahis siya. Marami na rin siyang tsismis na narinig na pinagdududahan ang kanyang tunay na pagkalalaki. Subalit binabalewala lamang niya iyon at hindi siya talaga nagbibigay ng pruweba upang patotohanan iyon. Gwapo at makisig ang assistant niyang si Arnel na may ilang pagkakataon ding nagbibigay motibo sa kanya. Subalit di niya ito pinapatulan sa inaakala niyang isa itong patibong upang tuluyang malaman ang tunay niyang katauhan. Nagkaroon man ng experience si Rene sa kapwa lalaki, pero naganap iyon ng wala pa siyang asawa’t anak. Kaya dahil sa pagmamahal niya sa kanyang pamilya ay pinigilan niya ang kanyang sarili.

Si Albert naman ay isang mestizo at tila isang artista ang porma. May pamilya na rin siya at nasa late-30’s na subalit wala pa rin kupas ang kagandahan lalaki nito. Ang bigote nito at makapal na balahibo sa kanyang mga braso ang nakakadagdag pa ng appeal nito sa mga kababaihan lalong lalo na sa mga kabadingan. Si Martin naman ay typical pinoy guy na may simpleng kagwapuhan subalit hanep din ang appeal dahil sa matipuno nitong katawan bunga ng regular ng pagbisita sa gym. Ang dalawang tauhan nila na sina Mark at Garbo ay mga naggagandahang lalaki din at matitipuno ang pangangatawan bunga ng kanilang trabaho. Si Rene ay hindi din pahuhuli sa kanilang lahat dahil may angking kagwapuhan ito at dahil mahilig din sa iba’t ibang sports ay maganda pa rin ang hubog ng kanyang katawan.

“Sir pwede ba kaming maligo ni Garbo sa swimming pool?” ang tanong ni Mark kay Rene.

“Nakita nyo ba yung signage ng pool na bawal maligo ang hindi nasa tamang swimming attire.” ang tugon ni Rene.

“Sir, gabi naman na at wala naman ibang tao dito maliban sa ating anim at yung mga naka-duty na guards.” ang nasabi ni Martin.

“So, ganyang na ba ang suot ninyo sa pagligo?” ang tanong na naman ni Rene.

“Sir, tutal tayo lang naman dito kaya pwede na kaming maligo kahit wala kaming damit. Para naman hindi na mabasa ang damit namin.” ang naging tugon ni Garbo.

“Sige bahala kayo kung yan ang gusto ninyo.” ang naging tugon ni Rene.

Tuwang tuwa ang dalawa sa narinig. Agad silang naghubad ng lahat ng suot nila. Nang wala ng saplot sa katawan ang dalawa ay hindi napigilan ni Rene na pagmasdan ang katawan ng dalawa lalong lalo ang kanilang mga ari. Kapwa tulog pa ang kanilang mga ari kaya hindi malalaman kung malaki o maliit lamang ang mga ito. Napansin si Rene ni Arnel na nakatingin sa ari ng dalawa kaya di rin napigilan ni Arnel na mangiti sa boss niya. Ikinahiya naman ito ni Rene. Kaya ibinaling na lamang niya ang pansin sa hawak na bote ng beer. Nagpatuloy pa rin sa kwentuhan ang apat at ang dalawang trabahador naman ay sarap na sarap sa paglangoy sa swimming pool kahit wala sila ni isa man saplot sa katawan.

“Akala ko ba Sir Albert ay gusto nyo rin maligo?” ang biglang naitanong ni Arnel sa inhenyero ng subcontractor nila.

“Ah, eh, okey lang ba kahit di rin ako naka-proper swimming attire. Magbi-brief lang kasi ako kasi wala akong nadalang trunks.” ang tugon ni Albert.

“Bakit ka pa magbi-brief, eh tayo-tayo lang naman ang nandirito. Hayaan mo sasamahan na rin kita sir na maligo ng hubo’t hubad.” ang nasabi naman ni Martin.

Hindi makaimik si Rene sa kanyang naririnig. Sa tinginan nina Arnel at Martin ay kinukutuban si Rene na pakana ng dalawa ang lahat ng nangyayari at mangyayari pa.

“Sige na. Ligo ka na rin sir Albert at susunod din kami ni sir Rene.” ang panghihikayat muli ni Arnel.

Mas lalong kinabahan si Rene ng marinig niya ang kanyang pangalan mula sa bibig ni Arnel at tiyak siya na naman ang yayain nito na maligo ng hubo’t hubad. Naninigas na kasi ang kanyang alaga sa napapanood na paliligo ng dalawa nilang tauhan. Mas lalo siguro itong titigas kung makikita niya ang hubad na katawan at ari ni Albert na aminado naman siya sa kanyang sarili na type niya. At si Arnel, kapag nakita nya rin ang ari nito ay baka hindi na niya mapigilan ang kanyang sarili na muling gawin ang naranasan niya noong binata pa siya. Hindi niya alam ang motibo ng dalawa niyang inhenyero kung bakit nila binalak ang ganoon.

Magkatabi ang upuan nina Rene at Albert. Nang magsimula si Albert na alisin ang kanyang kasuotan at kitang kita ni Rene ang bawat kilos nito. Unang tumambad sa mga paningin ni Rene ang matipuno pa ring dibdib ni Albert na tila isang gubat na punong-puno ng balahibo na bahagyang naging manipis pagdating sa may pusod na tila tutuloy pa hanggang sa loob ng brief niya. Isinunod niyang inalis ang kanyang maong na pantalon ng matapos niyang alisin ang kanyang sapatos at medyas. Puting brief ang tumamabad sa paningin ni Rene at halatang halata ang laki ng kargada ni Albert dahil malaki na ang bumubukol sa kanyang harapan.

“Alisin mo na rin ang suot mong brief ng hindi mabasa iyan at ng maiwasan mo pa ang mga tanong ng asawa mo sir.” ang pag-uudyok na Arnel na sinigundahan naman ni Martin.

Nang marinig niya ang pag-uudyok ni Arnel ay agad din inalis ni Albert ang kanyang puting brief at lumitaw na ngayon sa mga paningin ng mga naroroon ang pwedeng ipagmalaki ni Albert na pag-aari. Tulog pa ito subalit obvious na may kalakihan ito lalo na kung magagalit ang kanyang ari. Sa paligid nito ay napapaligiran din ng makapal na balahibo. Pati ang kasingit-singitan ni Albert ay meron din balahibo. Kung hindi lamang malaki ang bayag ni Albert ay kaya itong maitago sa kapal ng buhok sa parteng iyon ng katawan ni Albert.

Parang scripted ang pagkilos ni Albert dahil sa ayos niyang iyon ay humarap pa siya kay Rene at pilit isinasama sa paliligo. Habang pinipilit ni Albert si Rene ay hindi mapigilan ni Rene na titigan ang ari ni Albert ng parang isang kampana na kumakalembang sa bawat kilos nito. Si Martin naman ay naghubad na rin ng kanyang mga damit upang samahan si Albert sa paliligo. Nang hindi mapilit ni Albert na patayuin at papaliguin si Rene ay tinungo na lamang niya ang swimming pool at sabay sila ni Martin na nag-dive. Naiwan na lamang sa mesa sina Rene at Arnel.

Sa natatanaw ni Rene na apat na hubo’t hubad na lalaki na naliligo sa swimming pool ay hindi niya napigilan ang tuluyang pagtigas ng husto ng kanyang alaga. Kahit naka-maong siya ay tiyak na mahahalata iyon kapag siya ay tumayo. Sinamantala naman ni Arnel ang pagkakataon upang ilapit ng husto ang upuan niya sa upuan ni Rene. Inakbayan niya si Rene at binulungan sa tenga.

“Okey ba boss Rene ang plano namin ni Martin?” ang bulong na tanong ni Arnel.

-ITUTULOY-

No comments:

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.