vote for gay blogs at Best Male Blogs!PLU Gay Blogs

Friday, February 11, 2011

My Private English Tutor 1

written by Drei of Capiz
Installment 1
My Private English Tutor: Date by The Beach


Ako po pala si Drei (hindi ko tunay na pangalan) isang college student sa isang private university sa Capiz (Hindi po totoo na mga aswang kami hehe..) Isa po ako sa taga subaybay sa blogsite na’to nahihiya po ako na e share ung nangyari sa akin ngaung taon lang po, nag pagisipan ko na lang na dapat kung e share sa inyo ang mangyari sa akin six months ago hanggang sa ngayon sana ma enjoy po ninyo ang story ko.. tungkol sa teacher ko sa advance English class ko. 

_____________________

Sa maraming taon kong ginugul sa pag-aaral sa wakas nasa college na rin ako at ngayon tatlong buwang na lang graduate na, sana palarin ako gusto kung mag trabaho sa CALL CENTER INDUSTRY kasi most of my friends are call center agents kaya na dala na rin ako sa kanila, isa sa mga friends ko nag payo sa akin..
“kumuha ka kaya ng advance English, drei” sabi ni Julius….

“Advance English? Dagdag lang sa bayarin yan” sagot sa kanya..
“pero drei hindi madali yung papasukin mong job, specially British accent  pa yung mas kinakanilangan eh.. ikaw American accent yung kaya mo…” biglang sabi ni Julius na may kunting pag-aasar.

“okey, boss kukuha ako ng advance English pero wag dito sa school hanapan mo ako ng tutor yung magaling..” tugon ko sa kanya with a smile..

Ilang linggo rin ang nakalipas subsub na subsub ako sa school dahil examination week, isang tawag ang na tanggap ko unregistered number.. kilabahan ako kasi baka sino-sinong tao na naman yung tumatawag.. agad ko naman sinagot yung tawag…

“hello? Sino po sila?” panimulang tanong ko sa kanya..

“Is this drei?” biglang sagot niya..

Nagulat ako at kinabahan boses lalaki.. biglang na utal ako sa oras na iyon parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa kinakatayuan ko sa subrang kaba..

“s…s… speaking” sagot na pa-utal
“good afternoon drei, by the way im Mr. D*** (itago na lng natin buong pangalan nito hehe) your advance English teacher” sabi nito..

“good afternoon too.. sir” ang biglang pagbati ko sa kanya..
“drei meet me at the G mall this afternoon 6 pm, 3rd floor at the food court.. thank you and goodbye drei” utos nito..

“okey sir D.. thank you for calling and goodbye” at biglang namatay ang linya.. end of our conversation..

At pumasok na ako sa school 4 pm to 6 pm yung last class ko.. nang nag dismiss na yung teacher biglang tumakbo ako sa pintuan biglang gulat nila at nag paalam sa teacher sa isang major class ko at sa mga katurpa ko sa school.. nang dumating na sa G mall biglang gulat ko may tumawag sa name ko..

“DREI… DREI… here…” sigaw nito…

Biglang nag kunot at taas kilay bigla kasi hindi ko kilala yung tao, nag lumapit ako bigla sa kanya na naka upod sa isang fast food “JOLLIBEE”.. at biglang nag order ito, wow parang pinaghandaan ng taong ito yung gagawin niya ah..
“Drei, ako pala si Mr. D” biglang ngumiti at inabot ang kamay nito

“ikaw po pala sir, sorry I didn’t recognize na ikaw na pala yan sir sorry” sabi ko na merong kung hiya sa nangyari..

“it’s okey drei… I understand first time natin kasi nag meet” biglang sagot na natawa..

Pinag kwento niya ako tungkol sa buhay, hobbies at bakit gusto ko talaga mag call center, “Ako si drei H. dito palaga ako lumaki sa Roxas City pangalawa sa tatlong nag kakapatid at nag aaral sa isang private school, kumukuha ng BS computer science 4th year student.. Hilig ko yung pagsayaw at pagkanta kaya nagging member ako ng isang troupe sa school at hilig ko rin manood ng mga tv series at reading of books syempre specially Sydney Sheldon books super fanatic ako, gusto ko mag trabaho sa call center kasi gusto ko” at ngumiti ako bigla..
sinagot ko naman lahat isa isa punto per punto at hindi ko na Malayan na ubos ko nap ala yung na order para sa akin at sa sarap ng kwento ko nasagi sa isip ko yung oras lampas 7 pm na pala, pero okey lang 8:30 yung closing ng G mall.. binalik ko naman kay sir D yung mga tanong at sinagot naman ito ng diretso..

“Ako pala si Mr. D*** P., 22 years old, dating call center agent rin at ngayon private tutor na.. sa totoo lang hindi ako tagarito” na laman ko sa kabilang city pala siya.. at bigla akong nahiya na dahil daw sa akin kaya andito siya para turuan ako.. ilang saglit pa ay pinag usapan na rin naming yung tungkol sa charges bigla na lang ako binulungan ni Sir D..

“walang charges  sa’yo for free to.. drei” bulong nito..

“anu po yung gagamitin ninyo sa pang araw-araw?” tanong ko sa kanya

“wag mo nang isipin yun meron akong tita dito sa roxas kaya ako na bahala” sagot naman nito
“pero sir..” pilit ko sabi

“drei pag sinabing free! Free” biglang pagtaas na boses..

Bigla akong nagulat sa sinabing iyon at nag bilog ang aking mga mata sa kaba…

“sorry drei… im very very sorry at biglang hawak sa kamay ko” at naging ma amo ang mukha nito..

“okey lang sir D, pwede na ba tayong umalis?” sabi ko sa kanya..

At sumalis kaming dalawa doon at dumaan sa likuran ng mall, hindi pala sinabi ni sir D na meron itong sasakyan… at nagyaya ito pumasyal muna sa beach okey sumama naman ko hindi ko na inisip yung oras wala naming paki alam yung mga tao sa bahay kahit anung oras ako uumi sa amin, 10 mins lang ay nasa beach na kami malapit lang kasi lahat dito sa G mall. Bumaba na kami at nag lakad lakad papunta sa frontbeach.. nag kwento ng kung anu anu.. bigla naka ramdam ako ng pagtaas ng balahibo ko at biglang na kuryente na biglang nakita ko hinawakan ni Sir D yung kamay ko parang nalilito ako. Sabi ko sa sarili ko “anu to? holding hands while walking” at tiningnan ko na si Sir D mata sa mata at ngumiti ito..


- I T U T U L O Y -

   

2 comments:

Anonymous said...

diin ka sa capiz. text me at 09212709527

Anonymous said...

Darwin?

Post a Comment

What can you say?

 
FCOS would like to thank our contributors and loyal writers. You know who you are guys. ^_^
Work licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial-NoDerivs 3.0 Unported License. FILIPINO COMING OUT STORIES.