
Installment 4
Tahimik ang barracks ngayong gabi. Nasa overnight training mission ang halos lahat ng sundalo ng barracks… kaya walang mga maiingay na humihilik. Halos solong-solo ni Private Dhel Ramos ang barracks nila ngayon gabi, maliban sa kasamahan niyang si Private Joel Virac, na natutulog sa ibabaw ng double-deck nilang kama.
