Written by BigBoy
Installment 14
Dahil marahil sa napag-usapan naming tatlo habang naliligo kami ay naging mababaw ang aking tulog. Masaya akong malaman ang pagtatapat ni Jun sa akin. Pero hindi ako makapaniwala na pati si Mark ay handa ding makipagrelasyon sa akin. Kaya naman sa mahinang kaluskos lamang ng pusa sa labas ng bahay ay nagigising ako. Samantalang ang dalawa ay himbing na himbing sa kanilang pagtulog.






