Saturday, December 31, 2011

Waiting for Tomorrow 13


Galit na galit ang itsura ni Papa habang nakatingin sa amin sa hapagkainan. Lumapit ito sa akin at biglang nagsalita habang dinuduro ako sa mukha.

“Putang ina mo! Matagal na akong nagtitimpi sayo. Hinayaan na kita pero wala ka na talaga sigurong takot sa akin at dinala mo pa dito yan.” Sabay turo nito kay Nick.

“Pa, kaklase ko lang po sya, kaibigan at nagpunta sya dito para tulungan akong gumawa ng project ko sa Science.” Mahinahon kong pagpapaliwanag pero sa loob ko ay kinakabahan na din ako sa pwedeng mangyari. Talaga kasing nanginginig sa galit si Papa sa mga sandaling iyon.

“At anong project na yan? Yung nakita kong paglaladian nyo, sa harap pa ng pagkain, mga walang galang.”

“Sir excuse po, sorry po kung nakikisali ako pero wala naman po kaming ginagawa masama ni Jerome. Talagang gumawa lang po kami ng project pero dahil po inabot na kami ng hating-gabi ay dito na ako pinatulog ni Tita. Sorry po kung nakaabala po ako sainyo.” Pangangatwiran ni Nick na tumayo na at hinarap si Papa.
Huwag kang makisali dito. Huwag kang makigulo sa aming pamilya.” Pagsabi nito ay akmang susuntukin si Nick. Mabuti na lamang at naitulak ko sya kaya ako ang natamaan ni Papa sa aking balikat. Masakit pero ayos na sa akin na ako na lang ang masaktan huwag lang si Nick.

“Pa, tama na po. Wala naman po kaming ginagawa ni Nick!”

“Huwag ka nang magsinungaling!” Pagkasabi nito ay bigla hinablot ni Papa ang kwelyo ng aking suot na t-shirt.

“Ha?” Nagtatakang kong sagot. ‘Patay, narining kaya ni Papa ang ingay namin kagabi?’ Bulong ng aking isip.

“Ernest tama na yan!” Pagsasaway ni Mama.

“Kaya nagkakaganyan yang batang yan kasi kinukonsinte mo.”

“Dahil tanggap ko kung ano sya, dahil kahit ano pa man sya isa lang ang katotohanan na dapat mong tanggapin, anak mo sya, dugo at laman…” Pagpapaliwanag ni Mama.

“Wala akong anak na bakla! Kailan man ay hindi ko matatanggap na may anak akong bakla!”
Parang dinudurog ang puso ko sa sakit ng pananalita ni Papa. Dahil lang ba sa aking pagkatao ay kaya na nya akong itakwil at kalimutan bilang anak? Ganun na lang ba kasama para sa kanya ang pagiging bakla?

“Wala na po akong magagawa, eto po ako. Sinubukan kong magbago, sinubukan kong magpakalalaki pero kahit anong pilit ko Pa bakla ako. At yun ang totoo.”

“Aba’t nangangatwiran ka pa!” Sabay sampal sa akin ni Papa. Halos mabingi ako sa lakas na pagkakasampal nya sa akin. Hindi pa ata nakuntento si Papa sa ginawa nya kaya sinuntok pa nya ako sa sikmura. Sa sobrang sakit ay halos maisuka ko na ang aking kinaing almusal. Napayuko na lang ako habang hawak hawak ang aking tiyan na noon ay nanakit pa din. Natigil lang si Papa nang biglang sumigaw si Nick.

“Tita!”

Sabay kaming lumingon sa kinaroroonan ni Mama. Nakita kong bumagsak ito at nakahawak sa kanyang dibdib, banaag sa kanyang mukha ang sakit at hirap. Napatigil sandali si Papa at nang matauhan ay tumakbo ito sa tabi ni Mama. Tumabi na din ako kay Papa na halatang nagulat din sa nangyari. Habang si Nick ay nakatingin lang sa amin.

“Lorena!”

“Ma!”

Dali-daling binuhat ni Papa si Mama at isinakay sa sasakyan. Binuksan ko ang garahe at nang akma na akong papasakay sa ay biglang nagsalita si Papa.

“Huwag kang magtangkang sumakay, baka kung ano pa ang magawa ko sayo. Ikaw ang malas sa pamilyang ito! Ikaw at ang kabaklaan mong yan! Noong una si Jomar, ngayon naman si Lorena! Malas ka talaga!”

Nanglamig ako sa sinabing iyon ni Papa, ngayon ko lang narinig mula sa kanya ang ganito. Ako pala talaga ang sinisisi nya sa pagkawala ni Kuya. Nanghihina kong sinira ang pinto ng sasakyan at pinagmasdan ko na lamang na humarurot ito papuntang ospital. Napaupo na lamang ako sa aking pwesto at niyakap ko ang aking hita. Hinayaan ko na ding dumaloy ang mga luhang kanina ko pa pinipigil. Hindi ko na pinapansin ang mga taong lumilingon at napapadaan sa tapat ng bukas naming gate.

Lumabas si Nick ng bahay at nakita ang aking kalagayan. Sinarhan nya muna ang gate at lumapit ito sa akin. Hinimas ang aking likuran para ako ay patigilin sa pag-iyak. Inakay nya ako papasok ng bahay. Parang bata naman akong sumunod na lamang sa kanya sa kung saan man nya ako papuntahin. Pinaupo ako ni Nick sa sala at tumabi ito sa akin.

“Tahan na Jerome, magiging maayos din ang lahat.”

“Narinig mo ba ang mga sinabi sa akin ng sarili kong ama? Kulang na lang ay sabihin nya sana ako na lang nawala!” Galit kong tugon kay Nick. Alam kong wala naman syang kasalanan pero kailangan kong mailabas ang lahat ng damdamin sa puso kasi kung hindi ay baka hindi ko na alam ang maari kong gawin. Tahimik lang si Nick at hinayaan lang akong ilabas ang aking nararamdaman. Siguro nauunawaan nya ang pinagdadaanan ko.

“Bakit nga ba hindi na lang ako? Sana ako na lang. Sana wala nang problema kung wala na ako.”

“Huwag mong sabihin yan Jerome, pagsubok lang ito.”

“Pagsubok? Kung pagsubok man ito ay ayaw ko itong pagdaanan. May mali ba akong ginawa para maranasan ko ang ganito?”

“Walang nakakaalam ng kasagutan pero huwag kang mawalan ng pag-asa, magiging maayos din ang lahat.”

“Ewan ko Nick, pagod na ako, pagod na ang puso kong masaktan. Kung kailan naman akala ko magiging maayos na ang lahat ay biglang ganito na naman. Ang saklap.”

“Tama na nga yang pag-sesenti mo. Mag-ayos ka na at susunod tayo doon sa ospital.”

Muli sinundan ko ang sinabi ni Nick, inayos ko ang aking sarili, isinantabi ko muna ang aking nararamdamang sakit at lungkot dahil hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Mama. ‘Nawala na si Kuya sa akin, pati si Papa ay tinaboy na din ako, ang tanging kakampi ko sa aking pamilya ay mawawala pa, huwag naman sana.’

-----

Sumunod kami ni Nick sa ospital. Pagdating namin sa ospital ay nagpunta agad kami as nurse’s station para alamin kung nasaan si Mama. Sinabi sa akin na nasa private room na ito. Tinungo namin ang sinabing silid at nakita ko na nakahiga si Mama sa kama, may nakakabit na dextrose habang nasa tabi nito si Papa.
Lumapit ako at pumunta sa kabilang side ng kama. Pinagmamasdan ko lang ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib sa bawat paghinga niya. Hinawakan ko ang kamay ni Mama at pinisil at nagdasal. Nagpasalamat ako sa Diyos kasi nasa maayos ang lagay.

Nakatingin lang sa akin si Papa, parang masusing pinagmamasdan ang buo kong katauhan. Gustuhin ko man na tanungin siya sa kung ano ang kalagayan ni Mama ay parang naputol ang aking dila at di ko magawang magsalita. Si Nick naman ay  nasa tabi ko lang, ang taong laging andyan para alalayan ako.
Tumayo si Papa at biglang nagsalita ng walang kaemo-emosyon.

“Dito ka muna, bantayan mo ang Mama mo. Alis lang ako.”

“Opo.”

Mga ilang minuto din kaming naging tahimik ni Nick matapos lumabas si Papa. Siguro ay parehas naming iniisip ang mga nangyari noong umaga.

“Pasenya ka na Jerome, dahil sa akin ay nagalit sayo ang Papa mo.”

“Huwag Nick, di mo kailangang mag-sorry. Wala kang kasalanan. Matagal nang ganun si Papa, simula noong nalaman nya na…” Hindi ko maituloy ang aking sasabihin. May isang bahagi sa akin na ayaw banggitin ang  katotohanang bakla ako. Parang kapag hindi ko ito sinabi ay baka may magbago pa sa aking pagkatao.

“Sorry kung nahihirapan ka. Tandaan mo, walang mali sayo. Dahil ikaw yan, yan ang Jerome na ginawa ng Diyos.”

“Buti ka pa Nick tanggap ako. Buti ka pa hindi mo nararanasan ang ganito.”

“Dahil hindi pa nila alam kung ano ako.”

“May balak ka bang ipaalam sa mga tao, I mean mag-out?”

“Ewan ko , di ko naman kailangan ng approval ng mga tao para maging masaya ako. Eto na ako, tanggap ko na. Kung may problema sila doon ay bahala sila, basta ako ay masaya lalo pa at kasama kita.”
Natigil ang aming pag-uusap nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok sina Lynn, Karen at Semuel. May dalang pagkain at prutas.

“Kumusta na si Tita?”

“Ay di  ko pa din alam kung ano ang nangyari, di sinabi ni Papa.” Pagkasabi ko nito ay may pumasok na nurse at tiningnan si Mama.

“Excuse me! Kumusta po si Mama? Saka ano po ba talaga ang nangyari?”

“Okey naman siya, minomonitor lang namin ang kanyang blood pressure. Kasi mataas ito noong isinugod sya dito. Tinitingnan pa natin kung meron ba itong ibang complications pero as of now ay okey naman at stable ang kanyang condition.”

“Ah ok po. Salamat.”

“Kumusta ka na Jerome?” Pagtanong ni Semuel na ikinagulat ko.

“Ha? Bakit? Ayos lang!” Matabang kong sagot.

“Hindi nga, nasabi sa akin ni Nick ang nangyari kanina, okey ka lang ba talaga?” Pangungulit nito.

“Ano bang pakialam mo sa nararanasan ko!” Naisip ko na naman yung nangyari sa amin sa canteen. Yung hinayaan nya lang si Therese sa ginawa nito.

“Halika nga muna rito at mag-usap tayo.” Sabay hablot sa braso ko at paghila nito sa akin papalabas ng silid. Wala namang nagawa ang mga kaibigan namin nang tingnan ng masama ni Semuel ang mga ito, lalong-lalo na si Nick.

“Ano bang problema mo?” Galit kong sabi dito.

“Gusto lang kitang makausap tulad ng dati.”

“Tapos na yun, nakaraan na. Move on. I am trying!”

“Bakit ba ganun na lang ang galit mo sa akin? Balewala na ba ang pinagsamahan natin dati? Akala ko ba walang iwanan?”

“Ipapaalala ko lang sayo, ikaw ang nang-iwan, sumunod lang ako. Ikaw ang umalis at hindi ako!”

“Kailangan kong umalis dahil…” Hindi nya maituloy ang kanyang mga sinasabi.

“Dahil ano? Huwag ka nang magdahilan, okey na ako. Saka pwede tigilan mo na ang pangungulit sa akin.”

“Hindi!” Mariin nyang tugon na sinagot ko naman ng isang mapanuring titig sa kanya.

“Kung alam mo lang kung gaano ka kahalaga sa akin Jerome. Kung alam mo lang kung gaano ako nangungulila sayo at sa ating samahan…” Mahinang pagpapaliwanag nya.

“Talaga? Hindi ko halata yang mga sinasabi mong yan.” Pagmamatigas ko pa din.

“Sorry! Alam kong andami ko nang pagkukulang sayo. Gustuhin ko man na iwanan ka hindi ko magawa. Alam mo bang kaya kinausap ko si Nick noong unang nag-away tayo ay dahil iniisip pa din kita. Oo may galit ako sayo pero ewan ko ba kung bakit lagi pa din akong nag-aalala sayo. Kaya ganun ang galit sayo ni Therese  dahil madalas ay ikaw ang aming napagkukwentuhan. Lagi kong nababanggit ang pag-aalala ko sayo.”  Dahil sa narinig kong sinabi nya ay hindi ako makapagsalita. May bahagi sa aking isip na hindi matanggap ang kanyang mga tinuran. Matapos nya akong pagsabihan ng mga masasakit na bagay tungkol sa aking pagkatao ay sasabihin nyang lagi nyang inaalala ang kalagayan ko. Sa isip parang hindi nagtutugma ang mga bagay-bagay.
“Saka gusto ko din mag-sorry sa mga nasabi ko sayo dati. Alam kong sobrang sakit noon para sayo, lalo pa at galing sa akin, na tinuring mo nang isang kapatid. Nagulat lang talaga ako sa sinabi mo, hindi ko lang din siguro maamin sa sarili ko na may nararamdaman ako para sayo. Ngayong nagkalayo tayo, napagtanto ko na isa ka sa mga taong napakahalaga sa akin. Hindi ko man kayang tumbasan ang pagmamahal na sinabi mo sa akin ay ibibigay ko naman ang kung ano ang kaya ko, ang pagmamahal ng isang matalik na kaibigan , ng isang kapatid. Hindi ko pa din nasasabi sayo ang mga napagdaanan ko kaya ayaw ko sa mga bakla, pero syempre di ka kasama dun, kasi kilala kita at kahit kailan hindi ka katulad nilang mapagsamantala.”

Nagpatuloy si Semuel sa kanyang pagkukwento sa akin ng kanyang napagdaanan. Halata ko sa kanyang mukha na hindi pa rin sya komportableng sabihin ito pero dahil kailangan kong maintindihan ay hindi ito nagdalawang isip na sabihin sa akin. Nagulat ako sa kanyang mga naikwento pero nakatigil ang aking utak sa sinabi nitong mahalaga sya para dito. Ngayon ay mas lalo kong nakita ang isang bahagi ni Semuel na matagal ko nang hinahanap. Ang bahaging laging nag-aalala at nagpoprotekta sa akin. Ang galit at sama ng loob na kanyang dinadala ay napalitan na ng pang-unawa at pagpapatawad. Sa naging usapan namin ay lalong nagkaroon ako na lakas ng loob na maging matatag sapagkat muling nagbalik ang isang kaibigan, ang isang kapatid. Nawala man ang Kuya Jomar nya ay nabalik naman ang kanilang samahan ni Semuel.

Bumalik kami sa kwarto at nagulat ang aming mga kaibigan.

“Mukhang okey na kayo ah?” Pagtatanong ni Nick.

“Nakinig din sa wakas.” Pabirong sagot ni Semuel.

“Kailangan lang talaga kasing pinipilit… ngayon Nick alam mo na…” Sabay tawa ng malakas.
Tigilan nyo nga ako. Nagising na ba si Mama?

“Mahimbing pa din ang tulog, hayaan mo muna syang magpahinga. Sya nga pala alis muna ako at uwi muna sa bahay.” Pagpapaalam ni Nick.

“Sasabay na din kami.”

“Sige. Salamat sa pagdalaw ha. Ingat kayo. Kita na lang tayo sa school bukas. Salamat Nick… sa lahat.”

-----

Naiwan akong mag-isa  na iniisip ang naging takbo ng aming usapan ni Semuel, noon ko naalala ang sinabi na Marc na kailangan ko nga lang talagang kausapin si Semuel para alam ko kung saan ako lulugar. Oo may konting sakit na malaman ang katotohanan pero ngayon alam ko na kung ano ang kinatatayuan ko. Nasa gitna ako ng aking pagmuni-muni nang magising si Mama.

“Ma kumusta na po kayo?”

“Mabuti na ako anak. Ikaw kumusta ka na? Sorry sa nangyari.”

“Wala ka naman pong kasalanan. Okey lang po ako.” Pagsisinungaling ko. Alam ko kasi sa sarili ko na maging hanggang ngayon ay naiisip ko pa din kung tama ba ang naging desisyon ko na panindigan ang aking pagkatao. Kasi ngayon ay nararamdaman ko na ang hirap at sakit ng pagiging ganito.

“Ma, bakit di kayo nagsasabi na nahihirapan kayo. Bakit di man lang nyo ako kinausap sa pinagdadaanan nyo?”

“Hindi naman sa ayaw kong magsabi, alam ko lang  kasi na may mga problema ka din at ayaw ko na itong dagdagan pa.”

“Ma, mas importante kayo sa kung ano mang pinagdadaanan ko. Hindi ko kakakayanin kapag may nangyari sa inyo. Ikaw na nga lang ang andyan para sa akin tapos ganito pa. Basta promise nyo sa akin na  magiging ok ka na. Tulong tulong tayo sa kung ano mang problema meron tayo.

“Sige anak.”

“Gusto nyo po ba ng prutas? Ipagbabalat ko po kayo.”

“Huwag na anak, matutulog na lang muna ako.”

Dumating si Papa na may dalang pagkain galing sa isang fast food.

“Kumain ka muna. Ako na muna ang magbabantay sa Mama mo. May pasok ka pa bukas kaya pwede ka nang umuwi pagkakain mo.”

“Iuuwi ko na lang po. Sa bahay ko na lang kakainin.”

“Bahala ka.”

Umuwi akong dala ang pagkain. Kahit na nag-uusap kami ni Papa ay ramdam ko na may isang malaking pader sa aming pagitan at sa bawat pagdaan ng panahon ay lalo itong lumawalawak. Hindi ko alam kung makakayanan ko pa sa susunod ang nangyayaring ito sa amin ni Papa pero bahala na nga bukas.

-----

Naging mabilis ang takbo ng mga araw. Naipasa ko ang mga requirements at project. Nakauwi din si Mama sa ospital matapos ang dalawang araw at si Papa naman ay nagleave muna sa trabaho upang samahan si Mama. Natapos ang aming 2nd year na matiwasay, maayos ang mga grades ko at ganun din naman ang barkada. Isang weekend ay nagyaya si Nick na magpunta sa kaming barkada sa mall manlilibre daw ng sine.

"Ma, Pa, punta lang po kami ng mall." Pagpapaalam ko.

“Sino ang kasama mo?” Pagtatanong ni Mama

Magkikita muna kami ni Nick tapos susunod sina Lynn at Karen. Baka late na din kami makauwi at manunuod pa kami ng sine. Tawag na lang po ako kung ano man ang maging plano.” Di na ako nagpaalam kay Papa kahit na nasa tabi lang ito ni Mama kasi alam ko naman na di ako nito papansinin. Simula noong makauwi si Mama ay tuluyan na akong binabalewala ni Papa. Ni tingnan nga ako ay hindi nito magawa. Masakit noong una pero ngayon ay nasasanay na akong ganun na talaga ang pakikitungo sa akin ni Papa.

“Mag-iingat ka anak.”

“Sige po Ma, alis na ako.”

Mabilis akong nakarating sa mall pero napaaga ata ako ng dating kasi wala pa Nick. Nag-ikot ikot muna ako sa mga stalls sa mall. Pumunta ako sa bookstore at doon tumambay. Nagbabasa ako ng mga libro ng biglang may tumapik sa aking balikat.

“Sabi na nga ba at andito ka lang. kanina pa ako paikot ikot dito.”

“Antagal mo kasi eh, kaya umikot na din ako at napunta dito. Ano saan ba tayo saka anong oras ba dadating yung mga yun?”

“Hintayin na natin. Pero samahan mo muna ako, nagugutom ako eh.”

Pumunta kami sa isang fastfood restaurant. Burger, fries, softdrinks at sundae ang aming inorder. Masaya kaming kumakain nang biglang dumating ang mga kaibigan namin.

“Andito pala kayo, bakit kumain na kayo?”

“Eh antagal nyo nagyaya na itong si Nick na kumain at gutom na daw sya. Tingnan nyo nga at nangangayayat na.” Sabay kurot ko sa pisngi nito.

“Ayan na naman kayong dalawa, sweet-sweetan na naman. Baka isipin ng mga makakita sa inyo kayo na.” Biglang sambit ni Karen.

“Tara na manuod na tayo ng sine.” Pag-iiba ko ng usapan.

“Ano ba papanuorin natin?”

“Ewan tingnan na lang muna natin ang oras at kung ano ang mga pelikula habang hinihintay natin si Semuel, padating na daw.” Paanyaya ni Nick.

Habang nagdedesisyon kami ng panunuorin ay biglang dumating si Semuel pero ang kinagulat namin ay kasama nito si Therese. Biglang nag-iba ang mukha ko sa nakita ko pero bago pa man ako makapag-isip ng sasabihin ay hinila ako ni Nick.

“Oh chill! Namumula ka na, ako ang nagpapunta sa kanya dito, pinilit ko si Semuel na isama sya.” Bungad na Nick habang nakatingin lang ako sa kanya.

“Bakit?!” Masungit kong pagtatanong.

“Para sayo.”

“Ha? Di ko magets, paki-explain.”

“Alam ko galit ka sa kanya…”

“Yun naman pala eh, alam mo, bakit pa sya andito?” Pagsasabat ko sa sinasabi ni Nick.

“Kasi kailangan mo nang pakawalan yang galit mo sa kanya. Oo aaminin ko nagkamali sya pero sana bigyan mo din sya ng pagkakataong magpaliwanag.” Pagsusumamo ni Nick.

“Para saan pa? Napakahirap ng bawat araw na nagdaan, nagulo ang tahimik kong buhay dahil dyan sa babaeng yan. Pewede bang huwag na lang sumama? Uwi na lang ako.”

“Jerome, please do this for me.” Pagmamakaawa ni Nick.

“Sige, I will be civil, huwag lang kayong umasang magiging close kami.”

Pagkarinig nito ay bumalik ito sa grupo at pinag-usapan na namin ang pelikulang panunuorin. Pilit akong lumalayo kay Semuel sapagkat andun si Therese lagi sa tabi nito na parang bang anumang oras ay may bigla na lang mang-aagaw sa kanyang boyfriend. Tulad ng naipangako ko kay Nick ay naging civil ako kay Therese, kahit nga may mga pagkakataong gusto nya akong makausap ay nagkukunwari akong walang naririnig o kaya naman ay may kinakausap. Kahit si Semuel ay walang nagawa kundi ang tingnan ako na parang nagmamakaawa na makipag-ayos ako kay Therese. Pero nagmatigas ako, sa mga oras na yun ay hindi pa ang tamang panahon, nandun pa din kasi ang sakit at galit.

Matapos naming manuod at nagkayayaan pa kaming maglaro sa arcade at dahil na din sa nag enjoy kami ay gabi na kami nagpasyang umuwi. Ewan ko din ba kung ano ang pumasok sa isip pero sabi ko kay Nick na doon ako makikitulog sa kanila. Sabi ko tatawagan ko na lang si Mama kapag nasa bahay na nila kami para magpaalam.

Nang makarating kami ni Nick sa kanila ay agad akong tumawag sa bahay. Mabuti na lang at si Mama ang nakasagot. Nagpaalam akong dito muna kina Nick matutulog, di ko na sinabing ayaw ko din munang makita si Papa kasi baka maiyak na naman ako. Pumayag naman si Mama matapos makausap si Nick at matapos sabihin nitong wala namang problema kung doon ako matulog. Matapos yun ay pumasok kami sa kwarto ni Nick. Binigyan nya ako ng pamalit na damit at tuwalya at inalok na maligo para naman daw maginhawahan ako. Sobrang init kasi ng panahon at parang pati ang hangin na pumapasok sa bahay ay mainit din. Mabilis akong naligo at naglinis ng katawan. Pagkatapos ko ay sumunod na din si Nick sa banyo.

Nakahilata ako sa kanyang kama nang sya ay pumasok na nakasuot lang ng checkered na blue boxers at nakasabit sa balikat ang tuwalya.

“Tulog ka na agad?”

“Hindi nakahilata lang, nagmuni-muni lang.”

“At ano naman ang iniisip mo?”

“Wala lang mga bagay-bagay. Nagbabalik tanaw sa mga nangyayari sa aking buhay.”

“Wow senti, tara doon tayo sa sala manuod muna tayo ng tv.”

“Di ka man lang ba magsusuot ng t-shirt?

“Di na, mainit eh.”

Pumunta kami sa sala at naupo ako doon sa sofa. Tumabi din sa akin si Nick pero may konting pagitan sa amin. Binuksan nya ang tv at walang pakialam na nagpalipat-lipat ng channel. Di ko naman din sya inawat sa ginagawa nya kasi ako man ay walang maisip na gustong panuorin. Nang marating nya yung isang music channel ay doon nya na lang tinigil at nilapag ang remote sa coffee table sa harap namin. Lumipas ang tatlumpung minuto na nakikinig lang kami ng musika. Noong nakita kong pumipikit na si Nick ay niyaya ko na itong pumasok na sa kwarto. Matapos kong masiguradong nakasara na ang mga pintuan sa loob ng kanilang bahay ay sumunod na din ako. Nakahiga si Nick sa kaliwang bahagi na kama. May kinuha ako sa aking pantalon at muling bumalik sa kama at tumabi kay Nick.

“Nick gising ka pa?”

“Bakit?”

“Wala lang.”

“Tulog na tayo, love.”

“Ha?”

“Sabi ko tulog na tayo, inaantok na ako.”

“Bangon ka muna. Dali!” Pagpupumilit ko.

“Huwag na. Inaantok na talaga ako.” Pagtanggi nito pero bumangon din ito.

“Ito para sayo.” Sabay bigay ko sa kanya ng isang maliit na kahon na nakabalot sa isang kulay itim na papel at may kulay silver na ribbon.

“Ano ito?”

“Basta para sayo yan.” Hiniwakan ko ang mukha ni Nick at iniharap sa akin. Naglapat ang aming mga labi ng ilang minuto at pagkatapos ay bigla na lang akong nahiga at nagtakip ng unan sa mukha.

“Good Night Nick! Happy Birthday!” Pagkasabi ko nito ay pumikit na din ako at napahimbing na ang aking tulog.

[may kasunod]

Thursday, December 29, 2011

Si Bert Ang Malambing na Guard 1

Installment 1
Written by Donald L.

Engkwentro Namin ni Bert, ang Malambing na Guard...

Araw-araw, sumasakay ako ng jeep mula sa aming barangay papunta sa trabaho. Gusto ko ang lokasyon namin ngayon dahil accessible ang lugar at ang mga jeep na bumabyahe ay dumadaan sa mga mall, palengke at higit sa lahat malapit sa opisina namin.

Kapag wala akong field work, ito ang buhay ko araw-araw - bahay, jeep, opisina. 

Wednesday, December 28, 2011

My Unconditional Love Experience 28: Dates to Remember

Installment 28
Written and Submitted by: Prince Cedie

"Dates to Remember"



June 28, 2011 - A date to remember and July 1, 2011 - Our first Date

Nang matapos ang aming muling pagsasama sa aming bahay, inamin ko kay Van na may nararamdaman ako sa kanya. Matapos ng aming ginawa sa aming kwarto ay nagmadali na siya umalis ng bahay dahil baka maabutan siya ng mama ko. Hinatid ko siya sa sakayan ng mga jeep at pumayag naman siya. Tinext ko siya pagkasakay niya ng jeep habang inaabot ko pa ng tanaw ang kanyang jeep na sinakyan, "magiingat ka Van ah, salamat sa pagpunta". Nagreply naman siya ng, "Salamat din ha." Naging madalas ang pagtetext namen ni Van at lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya bawat araw na kame ay naguusap. Marami pa ang mga bagay na nalaman namen sa isa't isa at mas naging malapit din ang loob ni Jivan sa akin.

Ang Malaking Pagbabago ni Cedie (A Prequel)

Written by aka Prince Cedie

"A Prequel to My Unconditional Love Experience...
Before It All Starts!"


Wala na siya. Wala na ang bestfriend ko na itinuring akong kapatid at minahal pa na higit sa kapatid. Sa mga oras na iyon ay hindi ko alam ang aking gagawin. Makalipas ang ilang araw ay dumating ang mga magulang ni Kiko at ibinurol siya sa kanila. Nabalitaan naman yun nang barkada at agad nila akong kinamusta. Nagpapanggap ako na OK lang ang lahat. Hindi ako naniniwala sa mga nangyari hanggang sa napagpasyahan nilang magpunta kame sa kanila. Pagkarating namen sa bahay nila ay nakita ko si tita na umiiyak. Pagdating namen ay nakita ko ang kabaong. Hindi ko naisip na tumingin dito pero nagpumilit ang aking mga kasama na tignan ito.

My Unconditional Love Experience 27: Kakaibang Pakiramdam

Installment 27
Written and Submitted by: Prince Cedie

"Unang Pagkikita"


Pagakyat namen sa kwarto ni Van ay umupo lang kami sa kama at nagusap muli. "So pano bang gagawin naten?", tanong ko sa kanya. "Ewan ko, ikaw bahala", sagot naman ni Van. Nilakasan ko ang loob ko at lumapit ako sa tabi niya. Hinawakan ko ang kanyang mukha at unti unting inilapit ang aking mukha sa kanyang mukha hanggang sa maglapat ang aming mga labi. Iba ang naramdaman ko sa mga oras na iyon at hindi lang libog. May kakaiba kong naramdaman sa loob ko, sa mga oras na iyon ay iniisip ko kung bakit magaang ang pakiramdam ko habang kasama siya. Habang hinahalikan ko siya ay naglaban na ang mga dila namen. Halatang wala siyang alam dahil mapapansin mo na sumusunod lang siya sa kung ano ang nangyayari sa amin. Isa isa naming tinanggal ang aming tshirt. Hindi niya tinanggal ang kanyang pantalon dahil masikip ito. Sinunod niyang tanggalin ang shorts ko hanggang sa boxers at briefs na lang ang suot ko. Pumatong ako sa kanya at itinuloy ang mga pangyayari. Ibinaba niya ng bahagya ang kanyang pantalon at nagkapaan na kame ng mga alaga. Bumaba ako sa dibdib niya at pinaglaruan ng aking dila ang mga ito.

Tuesday, December 27, 2011

My Unconditional Love Experience 26: Unang Pagkikita

Installment 26
Written and Submitted by: Prince Cedie

"Unang Pagkikita"



Pagkagising ko ng kinahapunan ng araw na iyon ay agad akong nagbukas ng facebook. Hinanap ko agad si Jivan gamit ang account na binigay niya at nakita ko naman agad ito. Inadd ko siya bilang friend sa FB at nakita ko naman ang mga pictures niya dahil hindi naman nakaprivate ang mga ito. Pagbukas ko ng account niya ay nakita ko ang mga pictures niya. Cute si Jivan, medyo payat siya, katamtaman ang taas na nasa mga 5'8 cguro kung pagbabasehan mo ang mga pictures, at masasabi kong may dating din. Buong hapon ko lang pinagmamasdan ang mga pictures ni Van sa FB niya at di ko namalayan na alas siyete na pala ng gabi. Pinatay ko ang laptop ko at kumain na ng hapunan. Naiinip ako dahil 3 days pa muli bago kame magkatext ni Van dahil wala pang weekend..

My Unconditional Love Experience 25: Di Sadyang Pagtatagpo

Installment 25
Written and Submitted by: Prince Cedie

"Di Sadyang Pinagtagpo"


Pagkatapos ng Oath Taking namen ay nagpasya ako na magpahinga muna sana ng ilang buwan bago maghanap ng trabaho. Napagdesisyunan ko yun na magpahinga muna saglit sa lahat ng pressure na naidulot sa akin ng board exams. Kaya habang nasa bakasyon ako ay nagsimula na muli akong magsurf sa internet at magbrowse sa kung anu anong sites. Napunta ako sa isang site na puro fanfiction. Mga anime na ginagawan ng istorya ng kung sino-sino. Naaliw ako sa site na ito at nagbasa basa ng iba't ibang istorya...

Waiting for Tomorrow 12


Kinabukasan  ay tinatamad ako kumilos, siguro dahil na din sa takot ko sa maaaring mangyari sa school, pero sabi nga ni Mama, dapat maging matapang sa pagharap sa mga tao. Wala akong ginagawang mali at lalong walang mali sa pagkatao ko. Wala akong inaapakang tao. Sa mga sandaling iyon ramdam ko ang lakas ng loob at ang kagustuhan kong patunayan sa lahat na iba ako. Na mali ang iniisip nila.

Waiting for Tomorrow 11


Naging madalas ang pagsama ni Semuel sa barkada. Nagtataka naman ako dahil sa pagbabago ng routine nito. Dati kasi parati nitong kasama si Therese at halos wala na syang time para sa amin pero ngayon parang mas gusto nya na makasama kami kaysa sa kanyang girlfriend. Hindi ko naman din sya magawang tanungin kaya sa mga kaklase na lang ako ni Therese nagtanong. Balita nga daw na medyo nagkakalabuan ang dalawa.

Sunday, December 25, 2011

My Unconditional Love Experience 24: Si Aaron

Installment 24
Written and Submitted by: Prince Cedie

"Si Aaron"

Nagsimula ang review namen for the board exams. April 2011 ang board exam at napagusapan naming apat, nina Sarah, Emily at Jared na magseseryoso kami para maging ganap na mga engineers. Sa mga unang buwan ng review namen ay pansamantalang natigil ang pagdalaw ko sa mga internet sites at sa pakikipagchat ko sa kung sino sino pero paminsan minsan ay napapadalaw ako sa Uzzap. Naging madalas ang pagrereview ko at naging seryoso din naman ang aking tatlong kaibigan sa pagrerebyu para sa board exam. Sumapit ang December 2010, 4 months before the board ay sinabi sa amin ng isa sa mga reviewers namen sa review center na iyon, "Wag masyadong seryosohin ang pagrerebyu, bigyan niyo ng time ang sarili niyo na magrelax kahit papaano", ang mga salita na yan ang bumuhay muli sa utak ko. In short, namisinterpret ko ang sinabi ng professor naming iyon at nagsimula uli akong magchat at magpuyat sa Uzzap. Dito ay may makikilala na naman akong isang tao, na hindi ko inaasahang magiging parte ng istorya ko.

My Unconditional Love Experience 23: Pagbalik ng Isang Bangungot

Installment 23
Written and Submitted by: Prince Cedie

"Pagbalik ng Isang Bangungot"


Pagdilat ng aking mata ay napansin ko na nakatali ang aking dalawang kamay sa headboard ng kama ni Andy. Unti unti akong kinabahan sa nangyayari at nakita ko si Andy sa pintuan at may kasamang dalawang lalaki. Pagpasok nila sa kwarto ay nakita ko si Sir Chuck, at kasama niya yung isa pang lalaki na nakangisi sa akin doon sa show kanina. Bigla akong lalong kinabahan dahil sa mala demonyong ngiti na nakikita ko sa mukha ng lalaki. "Andy! Bakit nakatali ako dito? Ano to?", pasigaw kong sabi kay Andy. "Sorry Ced, alam ko kasi na hindi ka naman papayag at napakiusapan lang ako", I'm sorry." Lumabas si Andy ng kwarto at naiwan ako kasama si Chuck at ang hindi ko pa kilalang lalaki.

Saturday, December 24, 2011

My Unconditional Love Experience 22: Si Randell

Installment 22
Written and Submitted by: Prince Cedie

"Si Randell"


Dahil sa pagkagastos ko ng tuition fee ay nagsimula akong maghanap ng part time job. Dahil sa graduating na kame ay mayroon kameng OJT at naghanap na lamang ako ng kumpanya na nagbibigay ng allowance sa mga Trainees nila. Tila sinuwerte naman ako dahil natanggap ako bilang On-the-Job Trainee sa isang malaking TV Station. Dahil dito ay nagkaroon ako ng paraan para mabawi ang perang nagastos ko para hindi na maabala ang aking pamilya sa aking sariling kapabayaan. Nagsimula akong maging Trainee sa TV Station na ito noong July 2009, malapit na din akong maging 20 years old dito. Natuwa ako dahil natanggap ako sa malaking kumpanya na ito kahit bilang isang Trainee lang dahil alam ko na malaki ang chance na dito din ako makapagtrabaho kapag sinuwerte at maabsorb ako sa department na pinasukan ko.

My Unconditional Love Experience 21: Si Tom

Installment 21
Written and Submitted by: Prince Cedie

"Si Tom"


Natapos ang ilang araw ay parang wala lang nangyari. Parang hindi man lang ako nakonsensiya sa ginawa ko kay Andrew. Nagpatuloy ang "Adventure" ko at nagbrowse pa din sa mga sites, nagchat sa Uzzap at kung anu ano pang katarantaduhan ang ginagawa ko. Matapos ang isang buwan ay may nakilala muli akong bago. This time naman ay sa "dating site" (Hindi ko na po babanggitin kung ano po iyon for personal reasons). Pagpasok ko sa site na iyon ay maraming nagpopup na mga messages sa akin na nagyaya ng sex, meet ups, date at kung ano man. Kahit papaano naman ay pihikan ako sa mga taong imemeet ko syempre dahil sa nagiingat ako at baka may makakilala sa akin at baka naman masamang tao naman yung mamemeet ko. Hindi ako nagupload ng picture ko sa site na iyon. Yung mga nagmemessage sa akin ay minsan may mga pictures at minsan naman ay wala din. Dahil bago nga lang ako sa site na iyon ay talagang tinitignan kong mabuti ang mga profiles nila at hindi ko binabase sa pictures na nakaupload kung dapat ba silang imeet o hindi. Tama na nga sa pagpapaliwanag, simulan na naten kung paano ko nameet ang susunod na taong napasama sa kagaguhan ko, si Tom..

My Unconditional Love Experience 20: Si Andrew

Installment 20
Written and Submitted by: Prince Cedie

"Si Andrew"


Noong nagsimula akong magbrowse sa mga Dating Sites ay may natuklasan din akong chat site or wap site sa smart. Marami siguro ang nakakaalam sa inyo ng Uzzap? Oo, naging tambayan ko ang uzzap mula nung bakasyon dahil sa wala akong ibang maisip na gawin sa buhay ko. Hindi ko alam kung bakit naging ganun ang takbo ng isip ko magmula nang mawala si Kiko. Simulan na naten ang kwento kung paano ko nakilala si Andrew.

My Unconditional Love Experience 19: Isang Malaking Pagbabago

Installment 19
Written and Submitted by: Prince Cedie

"Isang Malaking Pagbabago"


Wala na siya. Wala na ang bestfriend ko na itinuring akong kapatid at minahal pa na higit sa kapatid. Sa mga oras na iyon ay hindi ko alam ang aking gagawin. Makalipas ang ilang araw ay dumating ang mga magulang ni Kiko at ibinurol siya sa kanila. Nabalitaan naman yun nang barkada at agad nila akong kinamusta. Nagpapanggap ako na OK lang ang lahat. Hindi ako naniniwala sa mga nangyari hanggang sa napagpasyahan nilang magpunta kame sa kanila. Pagkarating namen sa bahay nila ay nakita ko si tita na umiiyak. Pagdating namen ay nakita ko ang kabaong.

My Unconditional Love Experience 18: Ang Aksidente

Installment 18
Written and Submitted by: Prince Cedie

"Ang Aksidente"

Lumipas ang ilang araw ay nagpaalam na muli sa mga professor namen si Kiko. Tulad nga ng nasabi ng mga professors namen ay papayagan naman siyang kumuha ng mga make up exams at kapag naipasa niya ang mga iyon ay magiging okay pa din ang grades niya. Tiwalang tiwala naman si Kiko na nagsabing "Kayang kaya ko ipasa yan sir, matalino ata ang bespren ko!" Nakangiti pa si Kiko habang sinasabi niya iyon. Nagpaalam din siya sa barkada pagkatapos ng klase habang magkakasama kameng kumain sa mall.

"Isang buwan lang naman ikaw na mawawala kung ano ano pang sinasabi mo samen", pabirong sabi ni Robert. "Ou nga naman, syempre mamimiss mo kami lalo na tong ganda ko, pero babalik ka din naman agad", pahabol ni Emily. "Basta guys mamimiss ko kayo, masaya ako na naging parte kayo ng buhay ko at naging mga kaibigan ko kayo", si Kiko. "Andrama mo Kiks, kumain na lang nga tayo, kanina pa nakahain yang pizza oh, simulan na naten to! Hahaha!", pabirong sabi ni Jared. Habang kumakain ang barkada ay napansin kong nakangiti lamang si Kiko na pinagmamasdan silang kumain. Biglang nagkaroon ng takot sa aking nararamdaman. May isang parte sa sarili ko na bumubulong na pigilan siya ngunit sinabi ko na Reunion naman talaga ng pamilya nila ngayong October at kailangan niya talagang umuwi. Isa pa ay birthday yata ng Grandpa niya at matagal na nilang napagplanuhan to nina tita (mama ni Kiks).

Matapos kumain ay inihatid namen sa mga sakayan ang aming ibang kaibigan. Nagpasya akong dun na muna matulog kina Kiko para makasama ko siya bago siya tumuloy sa flight bukas pabalik ng China. Sa pagdating namen sa bahay nila ay nagusap kami. "Ced, promise me na iingatan mo yang singsing na suot mo ha, wag na wag mo yang iwawala kundi magagalit talaga ako sayo", ang sabi ni Kiko. "Oo naman, syempre galing sayo to kaya iingatan ko talaga, at lagi kong isusuot para sa tuwing suot ko to ay ikaw lagi ang kasama ko. Salamat kuya Kiks dito ah", isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya at gumanti naman siya ng ngiti sa akin.

Bago kami matulog ay marami pa kaming napagusapan, isa na dito ang kung ano ano pa ba ang pangarap namen sa buhay. Nasabi namen sa isa't isa na kapag nakapagtapos kame pareho ng engineering ay magtatrabaho kame sa parehong kumpanya at magpapagalingan kung sino ang unang mapopromote. Gusto din namen na magkalapit ang aming mga ipapatayong bahay para kapag nagkapamilya na kami balang araw ay magiging magkasundo ang aming mga asawa at ang aming mga anak. Nagbiro din naman ako na sinabi kong kung pwede nga lang ay kami na lang ang magkasama. Napatingin siya saken ng seryoso at sinabing, "Mahal kita Ced, alam kong mahal mo din ako kaya kahit ano pa man ang mangyari ay hinding hindi ako mawawala sayo, natatandaan mo yang pangako kong yan? Hanggang sa huling hininga ko ay andito laman ako sa tabi mo." Isang halik sa noo ang ibinigay niya sa akin at ginantihan ko lang ito ng isang mahigpit na yakap tanda ng pagmamahal at pasasalamat sa aking pinakamatalik na magkaibigan. Alam ko na masayang masaya ako dahil nakatagpo ako ng isang ganung kaibigan. Bihira na lamang sa mundo na makakita tayo ng mga taong tatanggapin tayo at mamahalin ng buong puso kahit ano pa man ang ugali naten. Na kahit anong masamang tinapay meron ka, tatanggapin at mamahalin ka pa niya ng buong puso at ipaparamdam sayo kung gaano ka kaespesyal sa buhay niya. Dito ko napatunayan na hindi lahat sa buhay ko ay puro malungkot. Masaya ako kasama ang pamilya ko, dahil buo pa kami, magkakasundo kame ng mga kapatid ko, at naging masaya pa lalo nang dumating ang isang tunay na kaibigan sa katauhan ni Kiko. Masayang masaya kaming nagkuwentuhan ng gabing iyon hanggang sa dalawin na kami ng antok at makatulog.

Kinabukasan ay nagimpake kami ng kaunting mga gamit na dadalhin niya pabalik ng China. Matapos mag impake ay nagabang na kame ng Avanza na taxi para maluwag ang sasakyan. Habang nasa taxi ay sumusulyap saken si Kiko at tumatawa kapag nagkakatinginan kami. Paminsan minsan ay tinatabig niya ang aking kaliwang braso ng kanyang kanang braso at ngingiti lang uli kapag tumingin ako. Tila ba isa syang makulit na bata na naghahanap ng pansin sa isang tao pero kahit ako ay natatawa na din.

Nakarating na naman kame ng airport na yun. Ngayon ay iba nga lang ang set-up. Kung dati ay mga magulang niya ang inihahatid namen, ngayon naman ay siya ang inihahatid ko sa airport na yun. Natawa na lamang kami nang banggitin niya din sa akin yun. "Pano ba yan bunso, pasok na ko sa loob, magiingat ka palagi ha", ang sabi niya sa akin. Bago siya umalis ay niyakap niya ko ng mahigpit at bumulong saken, "Mamimiss kita, alam ko patas lang eh, mamimiss mo din ako", pagkatapos niyang bumulong sa akin ay ngumiti siya at tumalikod na at naghanda nang pumasok sa airport. "Tawag ka pag andun ka na ah, ou na mamimiss din naman kita, syempre bespren kita diba?" Yan ang sinagot ko sa kanya at tuluyan na nga siyang pumasok sa loob ng airport. Hinabol ko ng tanaw ang aking kaibigan at nang makita kong nakapasok na nga siya ay nagpasya na din akong umuwi sa bahay namen.


Pagdating sa bahay namen ay naabutan ko ang aking nanay na pinapatulog ang aking pamangkin na 2 yrs old. Nakita nya ko na dumating at tinanong ako ni Mama, "Oh anak nakaalis na si Kiko?", "Opo ma, one month lang naman po siya dun kaya habang wala siya eh magrereview na po ko para sa papalapit na Quiz bee namen", sagot ko naman sa Mama ko. "Galingan mo anak para this time manalo na kayo, alam kong kayang kaya mo yan basta magaaral ka lang ng mabuti." Nakangiti sa akin ang Mama ko at alam na alam kong malaking malaki ang tiwala nila sa akin. Ako ang sinasabi nilang pag asa ng pamilya na iahon sila sa kahirapan at syempre ako naman bilang anak ay handang gawin ang lahat para sa kanila. Mahal na mahal ako ni Mama, tuwing nakikita niya akong malungkot ay alam niya agad kung may problema ako. Kaya hindi naalis sa akin kahit papaano ang maging Mama's Boy dahil naging mas malapit ako sa aking ina. Mahal din naman ako ng aking ama ngunit nasa probinsiya siya at doon binabantayan ang bahay namen. Paminsan minsan naman ay umuuwi siya dito sa Maynila kapag may okasyon.

Kinabukasan ay nakatanggap ako ng tawag sa aking bespren na si Kiko. Dumating na daw siya sa China at napakadame ng tao sa kanila. Halos pati mga pamangkin niya daw ay naandon at nagulat siya sa mga iba niyang pinsan na may asawa na. Nakausap ko din ang kanyang mama at kinamusta ako. Pagkatapos nun ay sinabi niya na antayin ko na lang daw ang paguwi niya para naman daw mamiss namen ang isa't isa. Bago siya nagpaalam ay sinabi niya sa akin na may pasalubong daw siya sa akin at sa barkada kaya antayin na lang daw namen ang kanyang pagbabalik. Nagpaalam na siya sa phone at ganun din naman ako. Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking pagrerebyu para makabawi sa aking adviser sa mga nangyari last year.

Lumipas ang mga araw at nagkakaroon pa din naman ng gala ang barkada kahit wala si Kiko. Nagaaral pa din kame ng sama sama at tinuturuan ko pa din naman sila kapag may mga hindi sila naiintindihan sa iba nameng mga subjects. May mga oras na nababanggit nila si Kiko at kung ano nga ang sorpresa niya sa aming barkada. Matapos naman ng mga simpleng usapan na ito ay pinagpapatuloy lang namen ang kung ano ang ginagawa namen sa araw na iyon.

Makalipas ng ilan pang mga araw ay katapusan na ng buwan ng Oktubre, araw na ng paguwi ni Kiko. Nakabalik na siya ng Pilipinas at nakatanggap ako ng text na may ihahatid lang siya sa isang kaibigan at matapos nun ay didiretso na siya papunta sa amin para ibigay ang kanyang pasalubong. Hindi na ko nangulit pa at inantay ko na lamang na pumunta siya sa amin. Excited ako na sinabi kina Mama na nakabalik na si Kiko at dadaan siya sa bahay namen para magbigay ng pasalubong.

Nagring ang phone at nakita ko na si bespren na ang tumatawag. "Hello Kiks! Nasan ka na?!", excited kong sabi sa phone. "Nandito na ko sa may bandang SLEX, dala ko yung kotse, eto nagdadrive na ko, namiss ko yung boses mo bunso", sagot ni Kiko sa akin. "Teka, SLEX? Eh diba delikado dyan? Nako mamaya ka na tumawag bawal tumawag habang nag ddrive diba, namiss ko din naman boses mo eh", paalaala ko sa aking kaibigan. "Ayos lang, nakaheadset naman ako kaya ok lang na kausap kita, namiss ko yata ang bespren ko diba.", sagot sa akin ni Kiko. "Okey sige sabi mo eh, kuya, mahal kita.", bigla na lamang lumabas sa aking mga bibig ang salitang yun, tila ba kaytagal ko nang hindi nasabi ang salitang yun at sumagot naman siya sa aking sinabi, "Mahal din kita bunso". Kahit hindi ko siya kaharap ay alam kong may kasamang ngiti ang kanyang mga labi habang sinasabi ang mga salitang iyon. "Sige, antayin na lang kita dito sa bahay, magluto ako ng spaghetti pagtapos nitong tawag mo tutal medyo malayo layo ka pa naman eh.", yan naman ang sinabi ko. "Aba okey yan bunso! Sige antayin mo na lang ako at saglit na lang...aaahhh!"

Nagulat na lang ako sa narinig kong parang isang malakas na tunog ng trak. "Kuya?! Kuya Kiks! Ano nang nangyari sayo! Kikooooo!" Nabitawan ko na lamang bigla ang telepono at biglang natulala at naramdaman ang mga luha na kusang tumulo sa aking mga mata...

Itutuloy..

My Unconditional Love Experience 17: Pahiwatig ng Isang Pamamaalam

Installment 17
Written and Submitted by: Prince Cedie

"Pahiwatig ng Isang Pamamaalam"

***********************************************
Author's Note:
Hi guys, gagawin ko na pong 1st person Point of View ang pagkukwento. May nagsabi daw po kasi na mas maganda kung ganun ang gagawin ko. Sana maenjoy niyo pa rin po ang story ko. Medyo magiging mahaba tong bagong chap and kung may comments po kayo ay wag kayong mahiyang magcomment sa ilalim ng chap na to. Salamat po.
************************************************


Natapos na ang bakasyon naming magkakaibigan at nagsibalikan na sila dito sa Maynila para magenroll at pumasok muli. Dahil 3rd year college na kame ay mas mahirap na ang mga subjects dahil puro major subjects na ang kukuhanin namen at wala na yung mga minor subjects tulad ng PE (lagi akong uno dyan, hehe). Dahil dito ay naexcite kaming lalo sa mga matututunan namen dahil dito na talaga magsisimula ang panibagong challenge para sa amin dahil ang lahat ng matututunan namen dito ay related na talaga sa kursong kinuha namen. May kaunting pag aalala pa din sila ngunit sabi ko naman ay hindi ko sila pababayaan at tutulungan ko pa din sila sa abot ng aking makakaya.

My Unconditional Love Experience 16: Bestfriends

Installment 16
Written and Submitted by: Prince Cedie

"Bestfriends"

Natapos ang Valentines Day at bumalik sa normal ang pagsasamahan ng mga magkakaibigan. Hindi nila iniisip ang sakit ni Ced dahil yun ang gusto ng binata. Sa tuwing sumasakit ang ulo nito ay inaalalayan lang nila ito para makainom ng gamot at para maturukan ang sarili. Nakakapagaral nang muli sila at hindi nila itinatrato si Ced na parang may sakit dahil iyon naman ang gusto ng binata. Tuwing weekends naman ay sinasamahan na ni Kiko si Ced sa doktor para maupdate tungkol sa kalagayan nito. Ang sinasabi ng doktor ni Ced ay ituloy tuloy lang ang therapy at malaki ang tsansang mawala na ang bukol sa kanyang utak. Medyo napapanatag si Kiko sa mga naririnig niya mula sa doktor at nababawasan ang pag aalala niya kahit papaano sa kaibigan. Lumipas nang muli ang mga araw at nalalapit na naman ang finals nila para sa 2nd year 2nd sem nila.

Thursday, December 22, 2011

Waiting for Tomorrow 10

“Ma!”

“Mabuti at dumating ka na, ipapahanap na sana kita kay Tonton, malapit nang maghapunan.”

“Ma, wala po akong gana, doon muna po ako sa kwarto.”

“Sige anak.”

Umakyat ako sa kwarto at nahiga ako sa kama.

-----

Pinilit kong makatulog ng gabing iyon pero kahit anong gawin ko ay hindi ako dalawin ng antok. Sinubukan kong magbasa ng dala kong libro pero kapag nag-uumpisa na akong magbasa ay mawawalan ako ng gana na magpatuloy kaya wala din akong nagawa kundi ilapag ang libro. Bumangon ako at lumabas sa kwarto, pumunta ako sa sala at andun si Mama na malilim ang iniisip.

Tuesday, December 20, 2011

My Unconditional Love Experience 15: A Sad Valentines Day

Installment 15
Written and Submitted by: Prince Cedie

"A Sad Valentines Day"

Inalalayan ng doktor si Ced dahil halos malaglag ito sa kanyang kinauupuan dahil sa panginginig at sa pagiyak nito. "Dok, ano pong gagawin ko, may taning na po ba ang buhay ko?", tanong ng binata. "Hindi iho, kaya nga mabuti na lamang at nagpacheck up ka na at maagapan naten ang sakit mo, benign tumor lamang siya, ngunit kung lumala ito ay maaring maging sanhi ng blood clot sa iyong utak at maaari mo itong ikamatay. Kaya din nakakaapekto ito sa iyong sense of balance at sa iyong paningin dahil nasa bandang cerebrum ang namumuong bukol", pagpapaliwanag ng doktor. "Ano po ang kailangan nateng gawin?", nagaalalang tanong ni Ced. "Sa ngayon ay kailangan mong magpahinga at iwasan ang stress dahil maaaring makaapekto ito lalo sa iyong pagiisip. Bibigyan muna kita ng gamot para maibsan ang sakit na nararamdaman mo sa tuwing kumikirot ang ulo mo. Mayroon namang gamot na itinuturok sa katawan ng tao para malusaw ang bukol na namumuo sa utak mo, thanks to Science", sagot ng doktor.

Monday, December 19, 2011

My Unconditional Love Experience 14: An Unwanted Result

Installment 14
Written and Submitted by: Prince Cedie

"An Unwanted Result"

*****************************
Ang mga susunod na pangyayari ay kwento na lamang ng aking mga kasama dahil sa mga oras na ito ay wala akong malay.. Enjoy!
*****************************

"Anong nangyari?", yan ang unang tanong ng nurse sa clinic na pinagdalhan nina Kiko kay Ced. Sumagot si Emily nang may pag aalala, "Papunta na po kasi kami sana sa mall kaso lang po sumasakit daw ang ulo niya pero wag daw po nameng intindihin, tapos nung naglalakad na po kame bigla po siyang hinimatay at nahulog sa hagdan." "Oo nga po, sabi po namen umuwe na siya at baka napagod lang siya pero ayaw pa din niya po", mangiyak ngiyak na dagdag ni Sarah. "Wag kayong masyadong mag alala, baka over fatigue lang ang nangyari sa kaibigan niya, antayin na lang naten na magising siya at ihatid niyo na siya pauwi ng bahay", nakangiting sabi ng nurse. Kahit papaano ay nawala ng kaunti ang mga pagaalala sa mga mukha ng kaibigan ni Ced. Nagpahinga na rin muna sila saglit at nagvolunteer naman si George at Robert na bumili na lang muna ng pagkain para sa barkada. Pagkabalik nila ay eksaktong nagising na ang kanilang kaibigan. Agad na lumapit si Kiko kay Ced at hinawakan ito sa kanyang mga balikat.

My Unconditional Love Experience 13: A Very Simple Wish

Installment 13
Written and Submitted by: Prince Cedie

"A Very Simple Wish"

Matapos ang matagumpay ng pagsosorpresa ng mga kaibigan ni Kiko sa kanyang kaarawan at nagpatuloy lamang ang mga araw ng kanilang pagpasok, paggala at mga bonding times ng kanyang barkada. Malapit na ang Pasko at magsisimula na din ang kanilang Christmas Vacation kaya nagplano muli ang kanilang barkada na magpunta sa Star City bago magbakasyon sa kani-kanilang mga probinsya. Natuloy naman ang planong ito at matapos nito ay nagsiuwian na din ang kanyang mga kaibigan sa kani-kanilang mga probinsya. Si Kiko naman ay uuwi din pansamantala sa China para doon magcelebrate ng Pasko at Bagong Taon kasama ang kanyang mga magulang. Bago ang flight ni Kiko ay binigyan niya si Ced ng isang regalo na nakabalot sa isang medyo maliit na box. "Bunso, tsaka mo na buksan yan pag nakaalis na ko. Enjoy mo tong Pasko at bagong taon ah. Kitakits na lang ule tayo sa pasukan. Mamimiss kita", nakangiting sabi ni Kiko kay Ced.

Saturday, December 17, 2011

My Unconditional Love Experience 12: Isang Sorpresa

Installment 12
Written and Submitted by: Prince Cedie

"Isang Sorpresa"

Lumipas ang mga araw at linggo at dumating na naman ang finals ng unang semester. Pinaghandaan ng lahat ang exam na ito lalo na ng barkada. Matapos ang exam ay wala pa ding bumagsak sa kanila. Tuwang tuwa naman ang magkakaibigan at lalo na si Ced dahil hindi bumaba ang kanyang grades at mananatili pa din ang kanyang scholarship.

My Unconditional Love Experience 11: Let the Truth Come Out

Installment 11
Written and Submitted by: Prince Cedie

"Let the Truth Come Out"

Nagkatinginan ang mga kaibigan ng tumapat ang bote kay Jared. Sinimulan na ni Robert ang pagtatanong, "Jared, truth or dare?" "Truth", ang sagot ni Jared. Biglang nagisip ng malalim si Robert at biglang nagtanong, "Sino ang sa tingin mong pinakamalapit mong kaibigan dito sa barkada? Tutal simula pa lang eh madali lang ang gagawin mo." "Si Ced", sagot ni Jared. Nagulat si Ced sa kanyang narinig at maging si Kiko ay parang nabigla din. "Oh wala naman tanong kung bakit kaya paiikutin ko na tong bote", wika ni Jared. Pinaikot niya ang bote at tumapat naman ito kay Sarah. "Sarah, truth or dare?" "Truth din choice ko", sagot ni Sarah. "Who was your first kiss?", tanong ni Jared. "Ah, yung una kong boyfriend nung high school, hindi niyo naman kilala so turn ko na ngayon." Pinaikot ni Sarah ang bote at biglang tumapat ito kay George. "Truth", sinabi agad ni George. "Ok sige, may naka one-night stand ka na ba?", tanong ni Sarah.

My Unconditional Love Experience 10: Simula ng Isang Laro

Installment10
Written and Submitted by: Prince Cedie

"Simula ng Isang Laro"

Paguwi ni Ced sa kanila ay napansin siya ng nanay nito na matamlay at hindi nagsasalit. "Anak ayos ka lang ba? Bakit parang ang aga mo umuwi?", tanong ng nanay nito. "Wala po ma, masama lang ang pakiramdam ko kaya umuwi agad ako", sagot ni Ced. "Ma akyat muna ko sa taas ah, magpapahinga lang po ako." "Oh sige anak, tawagin na lang kita at ipagluluto kita ng sopas." Umakyat si Ced sa kanyang kwarto, humiga sa kama at tuluyan nang napaluha sa kanina pa niyang pinipigilan na damdamin. Nagisip isip siya sa kung bakit ganito ang kanyang nararamdaman. Iniisip niya kung bakit bigla na lamang naging ganoon sa kanya ang bestfriend niya. Napaidlip si Ced sa sobrang pagod. Ginising siya ng kanyang Mama para kumain ng hapunan. Matapos nito ay umakyat na muli siya ng kwarto para maghanda ng mga gamit na dadahil at damit na isusuot para sa plano nilang barkada. Pagkatapos ayusin ng lahat ng kanyang gamit ay natulog nang muli ang binata.

My Unconditional Love Experience 9: Pagseselos

Installment9
Written and Submitted by: Prince Cedie

"Pagseselos"

Malapit na ang planong night swimming ng barkada. Isang araw bago ang nakatakdang lakad ay magkakasama sina Emily, Sarah, George, Jared, Robert at Ced papunta sa basketball court para manood ng praktis ni Kiko. Dalawang araw na ang nakalipas at hindi pa din nagkakausap ang dalawa. Sa tuwing tinetext ni Ced si Kiko ay magrereply at sasabihin na busy ito sa training. Nang magpunta naman siya sa bahay ni Kiko kahapon ay hindi ito umuwi kaya magisa siyang natulog sa bahay nina Kiko. Kaya napagpasyahan ni Ced na yayain ang barkada after class dahil excused din naman ang mga varsity player kapag may training sila. Pagdating nila sa basketball court ay nakita nilang naglalaro si Kiko at ang kanyang mga kasama. May napansin silang mga grupo ng mga babae na nanonood din sa laro ng mga varsity. Sa tuwing nakakascore si Kiko ay titingin siya sa grupo ng mga babae at may itinuturo siyang isang magandang babae sa grupo na yun. Nagsalita si Robert, "Pare tignan niyo yung tinuturo ni Kiko! Ang ganda nung chick na yun, siya yung Miss Architecture nung last year Intramurals, si Isabel!"

Wednesday, December 14, 2011

My Unconditional Love Experience 8: Paghihinala

Installment 8
Written and Submitted by: Prince Cedie

"Paghihinala"

Kinabukasan ay naghanda ang dalawa para pumasok muli sa eskwelahan. Tumawag ang mga magulang ni Kiko at nangamusta sa mga nangyayari kay Kiko. Si Ced ang nakasagot ng telepono at ikinagulat ito ng Mama ni Kiko pero ito ay natuwa. "Hello tita, si Ced po ito, kamusta na po? Naliligo pa po si Kuya Kiks", "Iho ikaw pala, mabuti naman kame, kayo kamusta na dyan? Hindi ba nagloloko sa school si Francois?" "Ah hindi po, sumali din po pala siya sa varsity ng basketball team, alam niyo na po ba yun?" "Ah yes, he mentioned that to me before, Sige iho pakikamusta mo na lang kame sa anak namen at ibababa ko na to, I just want to check up on him but I know he's ok, mag ingat kayo diyan ha?" "Sige po tita, regards na lang po din kay tito. Bye" Pagkababa ng phone ni Ced ay biglang labas ni Kiko sa CR, "Ced sino yung tumawag?" "Si Mama mo, kinakamusta lang tayo, mukhang nagmamadali kaya binaba na agad yung phone, ayun kamusta daw at ingat daw palagi."

Tuesday, December 13, 2011

Waiting for Tomorrow 9


Nagising akong wala na naman akong katabi. Bumangon ako at nagpunta sa banyo, sa kusina, sa sala pero wala na si Nick. Nakaramdam ako ng lungkot sa kanyang pagkawala. Muli nanariwa sa akin ang sakit ng iwanan ako ni Semuel. Napabuntong hininga ako at nagtungo na lang sa sala at nagbukas ng TV. Nahigang muli ako sa sofa at doon ko binalikan ang mga nangyari nung gabi. Ang matamis na mga labi ni Nick. Ang sarap ng pakiramdam na may taong handang gawin ang lahat para maging ok ako. Pero lahat ng masasayang alaala ay napapalitan ng lungkot kapag naiisip kong wala sya ngayon. Na naiwan na naman akong mag isa.

Waiting for Tomorrow 8


Mabilis akong nakarating ng ospital. Agad kong hinahanap sila Mama. Nakita ko silang andun sa morgue kasama ang malamig na katawan ni Kuya na natatakpan ng puting tela. Hindi ko na napigilang iangat ang tela at tingnan ang mukha ni Kuya.

“Kuya! Bakit? Akala ko ba uuwi ka na ngayon? Akala ko ba di mo ako iiwan?” Sunod-sunod kong mga tanong habang niyayakap at inuuga ko ang kanyang malamig na bangkay.

My Unconditional Love Experience 7: Isang Pangako

Installment 7
Written and Submitted by: Prince Cedie

"Isang Pangako"

Nagulat si Ced sa ginawa ni Kiko sa kanya. Nakadilat siya habang magkalapat ang mga labi nila. Si Kiko naman ay nakapikit, hindi niya pa din tinatanggal ang labi niya sa mga labi ni Ced, natatakot siya sa maaring mangyari kung bigla siyang iiwas dahil siya naman ang unang gumawa ng move kaya nangyari ito. Dumilat siya at nakita niyang nakatingin si Ced sa kanya. Tila nangusap ang mga mata nila at pumikit na silang dalawa. Ginamit ni Kiko ang kanyang dila para pasukin ang bibig ni Ced. Nagparaya naman ito at nagsimula silang maghalikan ng walang halong libog. Kakaiba ang pakiramdam ng dalawa sa kanilang ginagawa. Nararamdaman ng isa't isa kung gaano ang pagpapahalaga nila sa bawat isa.

My Unconditional Love Experience 6: Pagkahulog ng Damdamin

Installment 6
Written and Submitted by: Prince Cedie

"Pagkahulog ng Damdamin"

Nang magising sila ay magkayakap pa din ang dalawang binata. Nagkatinginan sila at ngumiti ang bawat isa habang magkatitigan sa mata. Biglang may naramdaman si Ced sa bandang ilalim ng kanyang katawan. Gising ang alaga ng kanyang kaibigan. "Kuya Kiks, gising yung alaga mo, kinakalabit ako", natatawang sabi ni Ced. Hinawakan ni Kiko ang kanyang alaga at sinabing, "Ou nga ano, teka punta lang ako sa CR saglit para magpalabas, dyan ka lang bunso, maya maya pasok na tayo ng skul, baka malate tayo sa klase eh." Naging mas malapit pa ang magkaibigan dahil sa pag amin ni Ced sa isang bagay na masasabi niyang isang malaking sikreto sa buhay niya. Nang dahil dito ay mas napansin ng mga kaibigan nila ang kakaibang ngiti sa mga labi ni Ced sa tuwing magkakasama sila. Dumating ang ilang buwan at nagkaroon ng try-outs para sa basketball. "Mag-ttry out ako dyan, tagal ko ng gustong pumorma sa mga chicks", wika ni Kiko.

Friday, December 9, 2011

Waiting for Tomorrow 7


“Pa, galing po ako kina Nick.” Sabay abot sana ng kanyang kamay para magmano pero bago ko pa man ito mahawakan ay dumikit na ang kanyang palad sa aking pisngi.

“Kagabi pa ako dumating pero wala ka dito. Naikwento sa akin ng Mama ang nangyari, totoo ba?”

“Totoo po ang alin?” Napatingin ako kay Mama na ngayon ay nasa tabi na ni Papa at tahimik na pinagmamasdan kami. Tiningnan ko siya na waring nakikiusap ako na tulungan ako sa isasagot ko kay Papa.

“Wag mo na akong lokohin. Alam mo ang sinasabi ko. Ngayon sagutin mo ako, totoo ba?

Unang Tikim Kay Kuya Alex 4

Installment 4
Written by Donald L.

Paglabas ni Mitch mula sa banyo, suot na niya ang aking putting T-shirt. Wala siyang suot na pang ibaba at tamang tama lang na natabunan ng manggas ng t-shirt ang kanyang (flower). Habang pinapahiran ni Mitch ng tuwalya ang dulo ng kanyang buhok na nabasa mula sa pag shower, paminsan-minsang naaangat ang manggas ng t-shirt at nasusulyapan ko ang kanyang umbok. Mint green ang kulay ng kanyang panty. Talagang napaka ganda ng hubog ng katawan ni Mitch at napabango rin niyang tingnan sa kanyang ayos. Naubusan talaga ako ng salita kaya minabuti ko na lang na manahimik. Si Alex naman ay kabaligtaran. Hindi mo mahalata na nagdrama siya ilang minute lang ang nakalipas dahil sa kanyang mga pagpuri kay Mitch.

“Wala ka pa rin talagang pinagbago Mitch” hayop ka pa rin sa kagandahan.

My Unconditional Love Experience 5: Ang Pagtatapat

Installment 5
Written and Submitted by: Prince Cedie

"Ang Pagtatapat"

Nagsimula na ang ikalawang taong sa kolehiyo nina Ced. Sa unang araw pa lang ay parang napakatagal nagkita ng mga kaibigan para magkwentuhan ng walang humpay sa classroom. Dahil unang araw ng pasukan at orientation lang naman ang mangyayari sa unang araw, nagyaya si Kiko na maggala sa pinakamalapit na mall. "Pagtapos ng orientation, punta tayo sa mall! Sagot ko na lahat tutal ako ang pinakamalaki ang baon sa ating lahat! Hahaha.", pagmamayabang ni Kiko. "Oh sige tara, wala kaming iisipin, happy happy lang!", pahayag ni Robert. Matapos ang kanilang orientation ay nagsimula ng umalis ang barkada nina Kiko papunta ng mall ngunit napansin nilang tila nananahimik si Ced at may malalim na iniisip. "Oi prince, anong iniisip mo?", tanong ni Sarah. Nabigla si Ced sa tanong ni Sarah at sumagot,

Thursday, December 8, 2011

My Unconditional Love Experience 4: Simula ng Isang Samahan

Installment 4
Written and Submitted by: Prince Cedie

"Simula ng Isang Samahan"

Natapos ang klase ng magkaibigan at agad naman silang tumungo sa Canteen para kumain. "Ced, anong gusto mong pagkain? Tara ililibre na kita", si Kiko. Sumagot naman si Ced, "Naku wag na pre may baon naman ako eh, ayos lang ako na lang bibili." "I insist, ililibre na kita tutal ikaw naman ang bago kong kaibigan dito sa school eh." Hindi na nakatanggi si Ced at hinayaan na lamang niya si Kiko na gawin ang gusto nito. Matapos nilang kumain ay nagyaya si Kiko na ikutin nila ang buong university bago umuwi. "Ang laki pala ng school naten, buti na lang pala at niyaya kitang lumibot para naman next time hindi na tayo magmukhang tanga next time sa paghahanap ng mga lugar dito sa school." "Oo nga Kiko, salamat ah.", "Saan naman? Sa libre? Wala yun barya lang saken yun, haha.", nakangising sabi ni Kiko. Sumagot si Ced, "Basta salamat." Nilapitan ni Ced si Kiko at niyakap ang kaibigan saglit at biglang bumitaw.