Father Figure
Submitted by Anonymous
Ulila na sa magulang si Gil, dahil namatay ang nanay nito nang siya ay ilang buwan pa lang pinapanganak. Dahil ang iisang anak lang siya. Tanging ang tatay nalang niya nagpalaki sa kanya. Madalas ay iniwan na muna siya sa kapitbahay upang makapagtrabaho ang tatay nito.Kaya halos lumaki siya parang walang magulang nag aalaga sa kanya. Sapat lang ang kinikita nang kanyang tatay bilang construction workers para makaraos sa araw – araw na buhay. Halos ganon lang ang buhay nila hanggang sumapit na siya sa edad na sampu na kung saan namatay ang tatay niya dahil sa aksidente sa trabaho. At sa panahon na yun ay gulong gulo ang isip kaya di niya alam ang gagawin niya. Mabuti na lang ay mabait ang mga kapitbahay nila at naiintindihan ang kanyang situasyon.



