ANG GWAPONG JANITOR
Submitted by Anonymous
Installment 2
Sa kwentong aking narinig sa gabing iyon ay nagpaantig ng aking damdamin. Mag-aalas dos na ng madaling araw ng magpaalam ako sa mag-asawa. Bumunot ako ng salapi sa aking wallet at nang iabot ko ito kay Edwin ay nasabi niyang kapag tinanggap niya iyon ay parang bumalik na naman siya sa pagiging call boy. Sa halip na abutin ang salapi sa aking kamay ay nagpasalamat na lang siya at sabay halik sa aking mga labi. Nakipagbeso-beso din naman si Judy sa akin bago ako tuluyang lumabas ng kanilang silid. Akala ko ay ihahatid lang ako ni Edwin sa aking kotse pero sumakay siya muli sa passenger seat. Sa loob ng kotse ay muli niya akong hinalikan. Tinted naman ang window at windshield na aking kotse kaya walang makakakita sa amin sa loob.







